CHAPTER 8

Chapter 8: His Saviour

“HINDI ka ba nauuhaw?” tanong ko kasi nang hindi na rin ako nakapagsalita pa ay bigla na lang siyang nanahimik pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

“Nauuhaw,” tipid na sagot niya lang.

“Kukuha lang ako—”

“No. Just stay there.” Mariin kong naitikom ang bibig ko dahil sa lamig ng boses niya.

“Uhm...” Mahinang pinisil ko ang kamay ko at tumayo na rin ako sa huli. Hindi ko nakakayanan iyong lamig sa paligid—ang ibig kong sabihin ay ang makaharap ko ang isang tao na hindi ko naman kilala. Na ngayon ko pa lang din makakausap tapos lalaki pa. Eh, ang awkward lang. Tahimik din kasi siya, eh.

“Saan ka pupunta?” kapag kuwan ay tanong niya.

“Lalabas na muna ako at hintayin mo na lang dito ang kuya ko,” sagot ko. “At saka... Susuriin ka pa kasi niya,” dagdag ko.

“Gusto ko na pala ng tubig. Puwede mo ba akong ipagsalin sa baso?” Ay?

“Eh, ang sabi mo kanina ay ayaw mo naman?” nakangusong sabi ko at nakarinig pa ako nang pagtikhim.

“Eh, sa gusto ko na nga ngayon,” sabi niya lang. Naglakad na lamang ako palapit sa bedside table dahil may inilagay roon si Kuya Hart na isang pitcher ng tubig in case na magising siya at doon din naman ako umiinom sa tuwing nauuhaw ako.

Maingat lang ang mga galaw ko pero nanginginig ang aking mga kamay dahil sa nararamdaman kong paninitig niya sa akin. Bakit ayaw akong tantanan ng mga mata niya?

Nahawakan ko na agad ang baso at sunod na ang pitcher. Nagsalin na ako ng tubig para sa kanya saka ako dahan-dahan ulit lumapit sa bed niya.

“Here,” ani ko at inabot ko na iyon sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa baso kaya binitawan ko na rin iyon. “Sige, mag-rest ka muna—”

“May tanong pa ako, Donna Jean.”

“A-Ano naman iyon? Sabi ko naman, hindi ba, na hintayin na lamang natin ang kuya ko? Sa kanya ka na lang magtanong,” usal ko. Kung may gusto kasi siyang malaman ay baka hindi ko lang masagot.

“Sit down, Miss. Nakikipagkuwentuhan pa ako sa ’yo,” aniya.

“Ha?” Ba’t gusto niyang makipagkuwentuhan sa akin, ay?

“Maupo ka ulit,” utos pa niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Since hindi ko naman siya nakikita pa ay nakatungo lang ang mukha ko. “Miss, huwag kang yumuko.”

“Ha? B-Bakit?” Nag-angat ako nang tingin.

“Bakit?” patanong na sagot pa niya. “Hindi ko makita ang magandang view.”

“Ano’ng... Ano naman ang connect no’n sa pagyuko ko?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

“Kasi...hindi ko makita ang mukha mo.”

“A-Ano?” gulat kong saad.

“You know what? Maganda ang Mommy ko, maganda rin ang nag-iisa kong kapatid na babae.” Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo ko. Ano na ang pinagsasabi niya? Ano naman kung maganda ang Mommy at kapatid niya?

“O tapos?” kunwari ay interesadong tanong ko.

“But...you’re prettier. In my whole life you are the only beautiful woman I have seen in the world.” Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Kagigising niya lang ay nambobola na siya!

“Siguro... Nauntog ang ulo mo bago ka na-coma, ’no?” naasar na tanong ko sa kanya.

“Wait—what?! In coma ako?!” gulat na tanong naman niya sa akin. Tumalon pa nga ang balikat ko sa shocked nang pagsigaw rin niya.

“Uhm... Oo, three months. Ang sabi ni Kuya ay malamang na ma-c-coma ka raw kasi ang hirap no’ng pinagdaanan mo bago ka niya sinagip. Iyong trauma mo at lahat-lahat,” ani ko.

“Well, thanks to your brother then,” sabi niya.

“I’m not the one you should be thanking. Because I just did my job as a doctor. Be thankful to my sister because of her, you still alive,” Kuya Hart said.

“What do you mean by that?”

“We had no intention of helping you that night because you might be a bad person but my sister forced me to save you. Iniyakan ka pa niya para lang isama ka namin na umalis nang gabing iyon.” Dumoble lang ang init sa aking pisngi. Bakit pa kailangan sabihin iyon ng kuya ko sa lalaking ito? Puwede naman niyang ilihim na lang iyon kasi ang importante sa akin ay ang ligtas na nga ito.

“Kuya...”

“Oh... Kung ganoon, kailangan ko palang halikan ang kapatid mo para pasalamatan ko siya?” Halos malaglag naman ako mula sa kinauupuan ko nang sabihin niya iyon.

What?! Hahalikan niya ako para lang makapagpasalamat na siya sa akin?!

“What did you say?” walang emosyon na tanong ng kuya ko sa lalaki.

“Kapag nagpapasalamat kasi ako sa isang babae ay kailangan ko pa siyang halikan. Sa pisngi o sa labi, pero depende iyon kung maganda siya, eh,” wala sa sariling saad niya.

Naramdaman ko naman ang paggalaw ni kuya na parang susugurin niya ito dahil alam kong hindi naman niya nagustuhan ang sinabi nito.

“Kuya Hart.” Mabilis ko siyang nahawakan sa braso niya pero itinago niya lamang ako sa likuran niya na parang may mananakit agad sa akin.

“I’m just kidding. Masyado ka namang seryoso,” he said and burts out laughing.

“Kahit nagbibiro ka lang ay hindi ka naman nakakatuwa. Pasalamat ka at pasyente kita, na ngayon ka lang din nagising. Dahil tatama na talaga sa ’yo ang kamao ko,” babala pa ni kuya. Pinaupo naman ako ulit ng aking kuya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya at nakinig na lamang ako sa kanilang dalawa.

“Okay naman na ako. Wala na akong nararamdaman pa na kahit na ano’ng sakit sa katawan ko. As far as I remember din ay nabugbog ako ng husto, right?” Ako talaga ang nasasaktan dahil sa naranasan niyang paghihirap. Imagine iniwan lang siya roon sa place na iyon at nag-aagaw buhay na siya.

“Yes, but sad to say ay nagkaroon ka lang ng malaking pinsala sa kanang binti mo. Pero kaya pa naman iyan ng physical therapy,” paliwanag pa ni kuya.

“Nagulat lang ako dahil in coma pala ako. Akala ko ay gising lang ako at dinadaldal ako ng kapatid mo, eh. Kaya naman pala hindi ko makita ang mukha niya kahit ilang beses ko siyang sinabihan na humarap.” Tumulis ang labi ko sa sinabi niya. Madaldal ba ako? At bakit naman kaya niya iyon nasabi?

“Sorry,” mahinang sambit ko.

“It’s okay. Dahil doon ay nagagawa kong pilitin ang sarili ko na tuluyang magising. Anyway, kailangan ko palang tawagan ang kuya ko. Puwede ko bang hiramin ang phone mo sandali lang?” he asked.

“No. Buhay ka nga, Engineer Brilliantes pero sa pamilya mo ay patay ka na,” diretsong saad ni kuya.

“W-What? What are you talking about?”

“Baby girl...” tawag naman niya sa akin.

“Bakit po, Kuya?” tanong ko.

“Puwede bang lumabas ka na muna? Mag-uusap lang kami. Ayokong makarinig ka ng mararahas na salita. Hindi iyon maganda sa ’yo,” aniya at napatango naman ako.

Bago nga ako lumabas doon ay naramdaman ko pa ang pagsulyap sa akin ng pasyente ng nakatatandang kapatid ko. Napansin ko sa ugali niya na pabigla-bigla ang pagbibiro niya pero mukha naman siyang mabait.

Sana lang ay habang nandito siya ay hindi na niya uulitin pa ang sasabihin niya na kung bulag ba ako dahil nasasaktan talaga ako kapag may magsasabi ng ganoon sa akin. Parang lumalabas din talaga na wala akong silbi at wala na rin akong pag-asa pa.

Nasa bahay namin na nasa Pangasinan ay ang ’saktong booth namin at babalik na lang ako sa work ko as a DJ.

Naglalakad na ako sa hagdanan nang marinig ko naman ang boses ni Ate Zedian.

“Ate Zed?” Hinawakan niya ako sa braso para lang sabayan ako sa paglalakad.

“Nagmamadali kaming pumunta rito ng kuya mo dahil sa nalaman niyang gising na nga ang pasyente niya.”

“Bakit hindi ka po pumasok sa loob kung ganoon?” I asked her.

“Ayokong makaistorbo, eh. Pero kumusta naman ang pasyente?”

“Mabuti na po ang kalagayan niya, Ate. Kasi kayang-kaya na po niyang magbiro. Muntik na nga siyang sugurin ng kuya ko,” kuwento ko pa at natawa lang siya.

“That’s good to hear. Hintayin na lamang natin si Hart na magkuwento tungkol sa pinag-usapan nila,” aniya at pumasok na kami sa booth. “Gusto ko bang maglibot-libot tayo, Jean?”

“Hindi na po. Dito na muna tayo sa bahay,” ani ko na sinabayan ko pa nang pag-iling.

“Ilang buwan ka rin sa booth mo simula nang bantayan mo ang pasyente ng kuya mo,” sabi pa niya.

“Opo, para may magbantay naman po sa kanya,” ani ko. Pinaupo pa ako ni Ate Zedian at ganoon din ang ginawa niya. “But...he seems palabiro po, Ate. Nainis sa kanya si Kuya kanina,” sumbong ko pa.

“Mabait naman iyon at iyon na tanaga ang ugali niya. Compared sa mga nakatatanda niyang kapatid ay iyon na siya,” aniya na tinanguan ko na lamang.

“Aalis na siguro siya after nila na mag-usap, ’no?”

“Oh, bakit mukhang nalungkot ka pa?” nang-aasar na tanong niya sa akin.

“Ate, naman. Hindi kaya, ’no,” tanggi ko.

Pero inaamin ko na medyo nakaramdam nga ako ng lungkot dahil baka aalis na rin siya. I’m happy for him na rin kasi malalaman na ng family niya na buhay naman pala talaga siya. Iyon ang mas mahalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top