CHAPTER 77
Chapter 77: Acceptance
“CARE to share with me what’s on your mind, baby?” Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Masyadong occupied ang utak ko at parang dinadala ako sa ibang dimension ng mundo.
Tumabi siya nang upo sa akin at hinalikan ako sa balikat bago sa pisngi ko, pataas pa sa sentido ko. Naglalambing na naman siya kapag ganito ang inaasta niya.
Nasa playroom kami at busy ang triplets namin sa paglalaro. Kauuwi lang namin ni Miko mula hospital. Hinatid na muna namin si Dalia sa mansion nila at nakauwi naman si Zavein, kasama ang dalawang bata. Naabutan pa namin na kumakain ng ice cream.
Umiiyak pa nga ito nang sinalubong ako at humingi nang paumanhin sa akin dahil sa pagtatago niya ng katotohanan. I don’t want to blame him. Takot lang siya na mapahamak si Dalia at ang baby nito. Sana rin ay mag-sorry siya kay Dalia.
Binagabag pa rin kasi ako sa mga nalaman ko kani-kanina lang. Pinakiusapan ko na si Zavein na mag-share naman siya sa nangyayari sa buhay ni Dalia. Grabe ang pag-alala ko nang malaman kong minsan na siyang nakunan. Tapos may hika pa siya. Ewan ko lang kung gugustuhin niya ang ceasarean at hindi manganak ng normal. Mapipilit pa rin namin siya. Sana nga lang.
Humilig ako sa dibdib ni Miko at niyakap niya ako. Ilang beses niyang hinalikan ang ulo ko pababa sa tungki ng aking ilong. Sininghot ko naman ang amoy niya. Isa ito sa paborito kong ginagawa.
“Bisitahin natin si Archimedes bukas, Miko,” sambit ko.
“Why?” he asked.
“Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari kay Dalia at sa nawala nilang anak,” I answered. Makikipagkuwentuhan ako sa isang iyon na kung gaano kaapektado si Dalia sa ginagawa niya.
“Okay. Pero huwag mo namang i-stress ang sarili mo, Jean. Mas apektado ka pa kaysa kay Dalia,” aniya at pinisil ang pisngi ko.
“Alam mo naman na nag-breakdown si Dalia kanina, eh. Ano’ng hindi siya apektado?” ani ko at tumango siya.
“Okay, tomorrow. By the way, may ibibigay ako sa ’yo,” sabi naman niya. May hinugot siya sa bulsa niya at hindi ko tinanggal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Masarap sa pandinig ang heartbeat niya at nagiging kalmado ako. Pinanood ko lang siya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at naramdaman kong may dumulas sa daliri ko kaya tiningnan ko iyon.
Namilog ang mga mata ko sa nakita. “M-Miko...” Napaayos pa ako nang upo upang makita iyon nang maayos.
“I tried to fix this ring. Wala akong binago, ito rin ang dating singsing na ibinigay ko sa iyo. Inayos ko lang ang sira niya para kaya pang isuot sa daliri mo. Kasya pa ba?” Tumango ako at hinawakan ko iyon. Tama siya na walang binago dahil ganito pa rin ang hitsura nito. Napaluha ako dahil siya ang sumira ngunit pinaayos pa rin niya. Dapat lang na siya ang mag-ayos nito kasi siya nga ang sumira.
“I-Ikaw ang umasyos nito?” tanong ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.
“Nagpaturo lang ako kung paano mag-ayos ng sirang singsing. Hindi pala ganoon kadali pero naayos ko naman siya. Isa akong engineer kaya dapat kaya ko ring mag-ayos nito. Malaki ang pagsisisi ko dahil sa ginawa ko. Hindi mo na kailangan pang itago ’yan sa locket mo. Puwede mo nang suotin para araw-araw kong malaman na kung gaano mo ako kamahal.” Inikutan ko siya ng mga mata. Natatawang hinalikan niya niya lang ang mga labi ko. “I am sorry again, baby,” he said. I nodded.
“Wala na ’yon, kalimutan na lang natin iyon, baby. The important is masaya na tayo,” sabi ko at hinalikan ko siya sa gilid ng labi niya. Nagulat naman ako nang may humila sa bestida ko. Si Shynara lang pala. Pinaghiwalay kami nito ng daddy niya at umupa sa gitna namin saka niya hinaplos ang umbok kong tiyan.
“Hi, my baby...” she uttered.
Natatawa na lamang ako. “Shynara...” sambit ni Miko sa pangalan ng panganay namin. Sinulyapan naman siya nito at ngumuso pa. Hahalikan na sana niya ito nang humilig sa tiyan ko. “Ay, pambihirang bata.”
“Mommy pretty! We’re having a baby brother na po ba?!” excited na tanong ni Shanea at pinili niya ang umupo sa lap ng daddy niya. Mabilis naman siya nitong niyakap at si Shahara naman ay nasa left side ko kaya inakbayan ko siya. Naglaro lang yata sila buong araw. Iba na rin ang damit nila.
“Yeah. Baby brother it is,” he said and looked at me. I just shrugged my shoulders. Ayoko pang sabihin sa kanya ang tungkol sa gender ng anak namin para surprise pero hindi na yata kailangan pa ng surprise kasi may idea na siya.
“Really po?” tanong naman ni Shahara. I remained silent at ngumiti lang ako.
Nasa bahay pa pala namin ang kuya ko at ang mag-iina niya pero kanina ay umalis na muna sila pero mayamaya lang ay dumating naman na sila. So, hayon busy-busy na naman ang mga anak namin sa mga pinsan nito.
Nag-take out ng pizza si Kuya kaya iyon ang kinain namin at parang wala na rin akong ganang kumain ng dinner. Naparami na kasi ang kinakain ko.
“Are you sure na hindi ka na kakain pa ng dinner, Jean?” tanong ni Miko.
“Busog na ako. Wala na rin akong ganang kumain maliban sa pizza. Masarap kasi, eh,” sabi ko lang. Nakahiga na ako sa bed at nasa kuwarto na nila ang tatlo. Dahil three years old pa sila ay nasa iisang room na muna sila pero may kanya-kanya silang bed.
Pinaliguan ko pa sila at binihisan. Hindi man lang ako napagod, dahil na rin siguro hindi ko iyon nagagawa sa kanila. Noong nawala ako ng two months at sa pagbalik ko ay ilang sandali ko lamang silang nakasama.
Ang akala ko nga ay hindi na ako makababalik pa at hindi na rin ako mabibigyan pa nang pagkakataon na makasama ang mga anak ko, ang totoo kong pamilya. Thanks God at pinagbigyan pa rin ako. Nakasama ko na ulit sila at sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa. Dito na lamang ako sa tabi nilang apat.
“Pero alam kong gigisingin mo na naman ako nang hating gabi,” sabi niya na tinawanan ko lang saka ko tinapik ang space sa kama na nasa tabi ko. It was true, kahit lumipas na ang cravings ko. Nagugutom kasi ako palagi, that’s why.
“Dito ka na. Matulog na tayo dahil maaga tayong aalis bukas. Isama natin ang mga bata para hindi na sila magtampo pa. Palagi raw tayong lumabas na hindi sila kasama at mas love raw kita kaysa sa kanila,” ani ko. Kahit naintindihan naman kami ng tatlo.
“I don’t think so it’s a good idea, baby. Pero sige, kung gusto mo silang isama. Support kita riyan.” Nang humiga na siya ay tinanggal niya ang unan ko. Dinala niya iyon sa dibdib niya kaya napapikit na ako.
“I love you,” I uttered. He kissed my cheek.
“I love you more, baby. Now, sleep.” Marahan niyang tinapik ang likod ko at kalaunan ay nakatulog na rin ako.
***
DALIA’S POV
NAKANGITING pinagmamasdan ko ang pagtulog ng mga kapatid ko. Mahimbing na rin ang kanilang tulo. May kuwarto na sila ngunit pinili nila ang tumabi sa akin. Hindi naman ako tumanggi pa dahil gusto ko rin silang makatabi sa pagtulog.
Isang masakit na katotohanan ang nalaman ko ngayon. Nawala ang isa kong baby at wala akong kamalay-malay. Dahil ito sa pag-overthink ko, sa pag-iyak ko at palagi na akong stress. Kapag ipagpapatuloy ko ang ganitong buhay ko ay baka iwan na naman ako ng magiging anak ko.
Hindi ko na kakayanin kapag siya na naman ang mawawala sa ’kin. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko.
“I’m sorry, baby...” Napatingin ako sa bintanang nakabukas at may hangin ang pumasok doon. Sinasayaw ng hangin ang puting kurtina.
“Sleep ka na, Dalia.” Nagulat naman ako nang bigla na lang nagsalita si Zavein.
Nagtungo siya sa bintana at isinara niya iyon. Ngumiti siya sa akin at sumimangot ako nang itinuro niya ang kama. Sumunod naman ako. Tumayo pa siya sa gilid ng kama at nakakrus ang mga braso niya.
“Zavein, wala ka bang balak na magkapamilya?” tanong ko at alam kong personal matters iyon but I want to ask him that.
“Oh, bakit bigla mong naitanong ’yan?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Sayang kasi ang lahi niyo kapag hindi ka magkakaroon ng sarili mong pamilya. Iyong anak mo?” He rolled his eyes.
“Tsk. Wala.”
“Alam kong may pangangailangan ka rin bilang lalaki. Ni minsan ba ay hindi mo sinubukan na makipag-ano sa isang babae?” Bigla na lamang niyang tinakpan ang tainga niya kaya mahinang humalakhak ako.
“Bakit ba ganyan ang topic mo? Tsk,” masungit na sambit niya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Sana kapag may anak ka na ay ako ang kunin mong ninang, ha?”
“Talaga naman.”
“Alam ko naman kung ano ka, Zavein. Hmm, wala ka bang nagustuhan na babae? Imposible na hindi ’yan tatayo kapag wala kang nakikitang magandang babae.” Nabawi niya bigla ang kamay niya at nagsalubong ang kilay.
“You’re so blunt, Dalia but fine. Mayroon na nga akong nagustuhan pero hindi na puwede.”
“Sino?” tanong ko.
“Kung pagbibigyan lang ako ng pagkakataon o kung nakilala ko lang siya bago sila ay baka... papatulan ko siya.” Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.
“Si Jean ba?” He shrugged his shoulders.
“Mabait si Jean, lahat ng katangian ng isang babae ay nasa kanya. She almost perfect, Dalia. Siguro nabuhay niya ang kung ano man ang nasa loob ko—but hey, hindi iyon in a way of—ano basta, ha?” I nodded. Mas lumapit pa siya at ang kumot ko ay umabot na sa leeg ko. “I’m still lucky and happy na naging kaibigan ko siya. Come on, go to sleep.”
“Magpahinga ka na rin. Thank you sa mga pinamili mo sa mga kapatid ko.”
“Wala iyon. Nag-enjoy ako na kasama sila. Grabe iyong mga ngiti nila nang sabihin ko na babayaran ko ang mga damit at laruan na mapipili nila. Noong una ay isa lang ang kinuha nila pero ako na rin mismo ang nagtanong. Tama ka na mababait mga sila. Kaya ikaw, sila na lang muna ang pagkaabalahan mo. Sorry rin kung itinago ko sa iyo ang totoo. Natatakot lang ako sa magiging reaction mo,” mahabang sambit pa niya. Naiintindihan ko siya.
“Wala iyon. Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa iyo dahil hindi mo rin ako iniwan at hinayaan mo ang mga kapatid ko na manatili rito sa bahay,” ani ko.
“Dalia, hindi naman ito bahay ko. Sa iyo na ito. Ang gusto ko lang ay alagaan mo ang sarili mo at mabuhay kayo ng masaya kasama ang mga kapatid mo. Wala kang dapat ikabahala kapag pera na ang pag-uusapan. May mga properties si Kuya Archimedes na inilipat sa pangalan mo. Kapag nakapanganak ka na at naka-recover saka ko i-d-discuss iyon pero ibibigay ko na sa ’yo ang mga papeles and please, huwag ka na munang maging mapusok. Hayaan mo siya na maghabol sa ’yo, like Engineer Miko.”
“Hindi naman ako nagpapahabol, Zavein at imposible ang bagay na ’yan. Sinabi niya mismo na hindi niya ako mahal at hindi niya ako matatanggap. Ang anak lang namin ang mahal niya,” malungkot na sabi ko. Ang sakit sa puso na malaman iyon. Na wala akong halaga sa kanya at ang pinagbubuntis ko lang naman ang gusto niya. Ang gusto niyang makasama at hindi ako kasama. Hindi ako kasama sa plano niya.
“Ah, basta. Huwag na muna natin siyang pag-usapan. Matulog ka na. Bawal sa buntis ang magpuyat,” paalala pa niya.
I just closed my eyes at pinakiramdaman siya. Ilang minuto pa siyang nag-stay at lumabas na rin kalaunan. Pagmulat ko ay ang lampshade na lang ang nakabukas. Huminga ako nang malalim saka ko ipinikit ulit ang mga mata ko.
Magiging maayos din ang lahat. Paniniwalaan ko na muna iyon sa ngayon.
Tatanggapin ko rin ang pagkawala ng isa kong anak. Basta ang importante ay munting prinsesa pa ako na nasa sinapupunan ko. Tama ang lahat nang sinabi ng doctor. Lumalaban pa rin ang baby ko at ayokong matalo ako ng sakit at lungkot. Kakayanin ko ang lahat ng ito. Kakayanin ko ang pagsubok na kinakaharap ko ngayon.
Marami na akong kasama, may baby na ako at nandiyan pa ang mga kapatid ko. Si Zavein, si Jean din. Kahit na hindi na si Archi ang susuporta sa ’kin. Masuwerte pa rin ako na may mga mabubuting tao pa rin ang tumutulong sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top