CHAPTER 76
Chapter 76: Miscarriage
DALIA’S POV
SA KABILA ng pasakit na ibinigay sa ’kin ng lalaking mahal ko, sa sinabi niyang hindi niya ako mahal at hindi niya ako matatanggap sa buhay niya ay naging masaya pa rin ako.
Dahil nakasama ko na ulit ang nakababata kong mga kapatid na sina Darlene at Daryl. Matagal ko na dapat silang kinuha mula sa tiyahin ko pero nahihiya lang ako na ipatuloy sila sa bahay ni Archimedes.
Sinundo pa nina Kalla at Engineer Miko ang mga kapatid ko. Ayos na rin daw kay Zavein na tumuloy ang mga ito kasama namin. Ginawa nila ito para sa akin kasi alam nilang nasaktan ako sa ginawa ni Archimedes at hindi raw ako titigil sa pag-iyak kapag wala akong ibang bagay na pagkakaabalahan.
Ngunit naniniwala pa rin ako na magbabago pa rin ang isip niya at magagawa niya rin akong tanggapin kahit na hindi ko na makuha pa ang puso niya. Basta iyong kasama ko lang siya ay sapat na iyon. Hindi naman ako naghahangad pa na masuklian niya ang pagmamahal ko. Basta buo ang pamilya namin.
“Thank you, Kalla. Miss na miss ko na talaga sila. Dalawang taon din kaming hindi nagkita,” sambit ko at may mga luha pang tumulo sa aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pananabik ko sa kanila.
“No worries, Dalia. Kung alam lang namin na may mga kapatid ka pa pala ay sana maaga pa lang ay nasundo na namin sila. Hindi yata maganda ang trato nila sa mga kapatid mo at ang pinsan mong lalaki. Kakaiba ang ugali niyon,” ani ni Jean. Nagsalubong pa ang manipis niyang kilay.
Napatango ako dahil totoo iyon. Masyadong seryoso si Rough at tahimik lang talaga iyon. Pero matino naman ang isip ng lalaking iyon at masyadong strict sa mga kapatid niya. Hindi na ako magtataka pa na kung ganoon din siya sa nakababata niyang mga pinsan.
“Nahihiya lang ako sa kanila,” sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.
“Sa ngayon ay huwag mo na munang alalahanin si Archimedes. Hayaan mo muna siya, Dalia. Focus ka muna sa baby mo. Dinala namin ang mga kapatid mo para makalimutan mo pansamantala ang problema niyo ni Archi. Alam kong na-miss mo rin ang mga kapatid mo at maging sila ay ganoon din. Dalia, hindi niya makukuha ang baby niyo. Hindi namin siya hahayaan. Just trust me, okay?” I just nodded.
Hindi ko magawang magalit kay Kalla o Jean, kahit selos ay wala akong nararamdaman. Kahit na siya pa rin ang tinitibok ng puso ni Archi. Nagpapasalamat pa nga ako dahil kay Jean ay may baby na ako kahit wala sa plano ko ang pagbubuntis. Oo, muntik na naman niyang isakripisyo ang sarili niya alang-alang sa amin ng magiging anak ko.
Maski siya ay nahirapan din sa poder ni Archi. Mabuting tao siya pero nagawa siyang ilayo nito sa pamilya niyang nagmamahal din sa kanya. Jean deserve to be happy.
Ilang beses pa akong nagpasalamat sa kanila saka sila nagpaalam na uuwi na rin. Inasikaso na ni Randell ang bills ko sa hospital at ang discharge ko. Hindi naman daw ako magtatagal dito ngunit may paalala ang doctor ko. Iwasan ko raw ang mag-overthink dahil isa iyon sa nag-cause sa ’kin ng stress.
Sabay-sabay na rin kaming umuwi sa aming mansion. Siyempre hindi naman dito nakatira si Randell kaya pagkatapos niya kaming ihatid ay nagpaalam na rin siya.
Namamangha pa ang mga kapatid ko nang makita nila ang malaking bahay. Nangingilid na agad ang mga luha ko. Dahil ito ang unang beses na makakita sila ng mansion.
“Simula ngayon ay titira na kayong dalawa sa bahay na ito. Hindi ito house ko, okay? Bahay ito sana ng daddy ng baby ng ate niyo at sa kanya rin. May three spare room. Ang kailangan lang natin ay kayo ang pipili tapos saka natin ayusin ang interior ng room ninyo. O, let’s go?” Naglahad ng kamay si Zavein sa bunso kong kapatid at hindi naman ito nag-alinlangan. Humawak sa kamay niya at nauna na silang naglakad.
Bumaba ang tingin ko kay Darlene. Nagniningning ang mga mata niya. Hinaplos ko ang buhok niya at hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay.
“Ate, ang ganda po ng bahay niyo,” sabi niya na may lambing sa boses niya. Malaki ang pinayat niya kumpara sa huling beses naming pagkikita.
“Hindi mo ba narinig si Kuya Zavein mo? Dito na kayo titira ni Daryl at hindi na tayo maghihiwalay pa. Kaya bahay ninyo na rin ito,” nakangiting sambit ko. Inaya ko na siyang pumasok sa loob.
“Dalia, magpahinga ka na sa kuwarto mo. Ako na ang bahala sa mga bubwit na ito,” sabi ni Zavein.
“Thanks, Zavein. Mababait ’yan sila. Makulit lang ang bunso namin,” ani ko.
“Come on, ihahatid ka namin sa room mo. Tandaan mo ang sinabi ni Kalla. Kalimutan mo muna si Kuya Archimedes.” Tipid lang akong ngumiti. Pati sa kama ay inalalayan pa ako ni Zavein at inayos ang kumot ko.
Humalik sa pisngi ko sina Darlene at Daryl. Ayaw pa ngang humiwalay ang aking bunsong kapatid. Nangangamba siya na baka raw mawala na naman ako.
Naiwan din ako sa aking silid at kahit ilang beses pa nilang sinabi sa ’kin na kalimutan ko na muna si Archi ay ang hirap pa ring pigilan ang sarili ko na huwag siyang alalahanin.
Mahal ko si Archimedes at nasasaktan talaga ako sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya.
“Archi... A-Ano ba ang problema mo? N-Nagalit ka ba dahil narinig mo ang pangalan ni Ka—”
“I don’t love you. Just leave.”
“Y-You’re unbelievable... K-Kanina lang tayo okay pero n-ngayon... Huwag mo naman akong paalisin, Archimedes. Ilang buwan ko rin itong hinintay... G-Gusto pa kitang makasama...”
“Leave, just take care of my child, and when I came back... Ang anak ko lang ang kukunin ko at tatanggapin not you...”
“Archi...mahal kita...”
Napabuntong-hininga na lamang ako at hinawakan ko ang baby bump ko. Tama naman sila, dapat pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagbubuntis ko at malaking tulong nga ang aking mga kapatid. Sila na muna ang aalagaan ko sa ngayon.
Sa lalim nang iniisip ko ay nakatulugan ko na rin. Nagising na lamang ako na may humahalik sa pisngi ko at sinabayan pa nang paghaplos sa aking buhok.
Nang magmulat ako ng mata ay ang mga mahal ko sa buhay ang unang bumungad sa akin.
Katabi kong nakahiga si Daryl at nakayakap pala siya sa baywang ko. Si Darlene naman ay nakaupo lang at nakasandal sa headboard ng kama.
“Hi,” bati ko sa kanilang dalawa.
Hinalikan ko ang kamay ni Darlene na nasa pisngi ko at bumaling naman ako kay Daryl. Humalik ako sa noo niya.
“Ate, parang nananaginip pa po ako. Sana po ay hindi na ako magising, ’no?” Napangiti ako sa sinabi ng aming bunso. Kinurot ko ang matambok niyang pisngi at napadaing siya.
“Hindi ito panaginip, Ryry. Totoong nangyayari ito,” ani ko. Dahan-dahan naman akong bumangon at pinaunan ko sa hita ko si Ryry. Humilig sa balikat ko si Darlene. “Hindi ka ba kumakain sa tamang oras, Darlene?” tanong ko.
“Po? Kumakain naman po ako sa tamang oras, Ate,” sagot niya.
“Pero bakit mas malaki ang pinayat mo ngayon?” nagtatakang tanong ko at hinawakan ko pa ang pulso niya. Parang buto na niya ang nahawakan ko sa tigas nito.
“Diet po kasi ako, Ate,” pagdadahilan nito ngunit alam kong hindi iyon totoo.
“Darlene, pinakaayaw ni ate ang nagsisinungaling, ’di ba? Minamaltrato kayo nina tiya at ang mga pinsan natin, tama?” kalmadong tanong ko. Naglumikot pa ang mga mata niya at pinipigilan niya lang ang magsalita ng totoo.
“Dahil po ’yan sa ’kin, Ate,” sabat naman ni Daryl at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. Matiim ko siyang tinitigan. “Ibinibigay po kasi ni Ate Len ang pagkain niya, kasi raw po busog na siya.” Umiling ako sa sinabi ni Daryl.
“Ibinibigay kasi ng Ate Len mo dahil gusto mo pa. Kaya ka pala mas tumaba dahil ibinibigay ni Darlene ang pagkain niya.” Napanguso siya sa sinabi ko. “Huwag kayong mag-alala. Dito hindi kayo magugutom.”
“Si Kuya Zavein po, pinagluto pa niya kami kanina,” sambit niya.
“Ate, nasaan po ba ang daddy ng baby mo?” curious na tanong ni Darlene sabay hawak sa aking tiyan.
“Boyfriend mo ba, Ate?” tanong naman ni Daryl. Umiling ako.
“Wala pa siya rito. Matagal pa bago siya uuwi,” sagot ko lamang.
Kinabukasan ay dumaan ang mag-asawang sina Engineer Miko at Jean. Sasabay ako sa kanila para sa check-up namin ng baby ko. Si Zavein naman ay binalak niyang ipasyal ang mga bata. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya at alam kong hindi niya pababayaan ang mga ito.
***
JEAN’S POV
NAUNA ako sa check up. Malalaman na namin ngayon kung ano ang gender ng anak namin ng asawa ko pero dahil secret pa kasi binalak na naman ng Brilliantes family na magpa-baby gender reveal ay ako at ang OB ko muna ang makakaaalam nito, and it’s a baby boy.
May little Miko na rin kami, kahit excited siyang malaman iyon ay hindi ko pa rin sinabi. Pero may hula na siya kung ano.
“Nakunan ka ba dati, Mommy Dalia?” tanong ng OB namin ni Dalia at nagulat naman ako sa tanong niyang iyon. Ano ang ibig sabihin nito na nakunan na dati si Dalia?
Naalala ko naman ang pag-aaway namin ni Archi. Iyong naitulak niya si Dalia sa pader at dinugo ito noon. Iyon kaya ang dahilan kung bakit siya nakunan? Pero imposible naman.
“A-Ano po ang ibig niyong sabihin, doc? Wala po akong naalala na nakunan ako,” kinakabahan na sabi niya. Bago kasi iyong ultrasound ay dumaan din kami sa maraming body test.
“May record ka na miscarriage a month ago. You’re having a twins sana but you lose your other baby.” Hinawakan ko ang kamay ni Dalia nang makita ko na natulala na lang siya bigla at parang gulong ang mga luha niyang dumadausdos sa kanyang pisngi.
“Dalia,” sambit ko sa pangalan niya.
Nangangatal at nanlalamig ang kanyang kamay. Pinisil ko iyon at pinakalma siya. Hindi siya puwedeng maapektuhan dahil lang sa pagkawala ng baby niya.
“H-Hindi ko man lang alam, doc... W-Wala man lang akong kaalam-alam na n-nawala na pala sa sinapupunan ko ang isa k-kong anak... Wala akong alam...” umiiyak na sabi niya. Umupo na ako sa hospital bed at niyakap ko siya. Umiyak siya sa dibdib ko at hinagod ko lang ang likod niya.
“Dalia...”
“H-Hindi ko alam... W-Wala man lang akong... kaalam-alam... A-Ako ba ang pumatay sa b-baby ko, Jean? A-Ako ang...k-kasalanan ko... Kasalanan ko kaya...nawala sa ’kin ang anak ko ng hindi ko man lang alam...”
“Please, stop crying... Everything is gonna be alright, Dalia... May baby ka pa... May baby ka pa sa tummy ko... Please... Pull yourself together... Be strong, Dalia...” Pinunasan ko ang mga luha niya pero sunod-sunod talaga ang pagpatak nito.
“What’s going on here?” tanong ni Miko nang hindi na niya napigilan ay pumasok na sa loob.
“H-Hindi siya aware sa miscarriage niya,” sagot ko. “Dalia...”
Lumapit sa amin ang doctora at pilit naman siya nitong pinakalma. Nawala man ang paghikbi niya ay ang luha niya bumubuhos na parang isang gripo.
“Kahit nawala man ang isa mong anak. Huwag kang panghinaan ng loob. Gagabayan ka niya palagi at ang kanyang kapatid. Siguro, hindi para sa ’yo ang baby na iyon. Para iyon kay God at siya ang magsisilbing guardian angel niyo. May munting anghel pa sa sinapupunan mo. Kailangan niya nang atensyon at pagmamahal mula sa kanyang ina. Huwag kang umiyak dahil nararamdaman niya ang hinanakit mo sa dibdib. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang makararamdam ng sakit, lungkot, hinagpis at pagdurusa. Pati ang baby mo na patuloy pa ring kumakapit sa ’yo. Maging masaya ka at iparamdam mo sa kanya kung gaano ka rin kasaya dahil patuloy siyang lumalaban. Hindi siya sumama sa kapatid niya. Pinili niya ang manatili at kumapit dahil mahal ka niya. She’s a little angel,” mahabang wika ni doc at may butil na luha rin ang tumulo sa kanyang pisngi.
“You heard that, Dalia? Babae... Babae ang baby mo. May little Dalia ka na,” naluluhang sambit ko at tumango-tango siya.
“S-Salamat, doc... Salamat, Jean...” sabi niya at muli ko siyang niyakap.
Binigyan din siya ng picture ng ultrasound at lumuluha niyang tinitigan iyon. Masaya ako and malungkot at the same time. Masaya dahil kahit papaano ay nagagawa niyang maging strong sa kabila nang nangyari sa buhay niya. Malungkot dahil nawala sa kanya ang isa niyang anak at mukhang...si Zavein lang ang may alam sa bagay na iyon.
Nagpaalam na muna ako at pumunta sa banyo. Hinanap ko sa phonebook ko ang contact number ng best friend ko. Tinawagan ko siya at matagal bago niya ito sinagot. Ang alam ko ay namamasyal siya kasama ang mga kapatid ni Dalia.
“Oh, hi Kalla!” bungad na bati niya.
“Zavein, may alam ka sa miscarriage ni Dalia, right?” I asked him at hindi siya agad nakasagot. “Zavein...”
“O-Oo. Hindi ko sinabi sa kanya dahil baka... mag-breakdown na naman siya, Kalla. Iyak nang iyak siya dahil sa kalagayan ni Kuya Archimedes. Kapag nalaman niya iyon ay baka sisisihin na naman niya ang sarili niya. Mas lalo silang mapahamak ng baby niya.”
“I understand, Zavein. N-Ngayon nga ay umiyak siya at sinisisi ang sarili. But deserve pa rin ni Dalia malaman ang tungkol sa baby niya. Kahit gaano pa kasakit na malaman iyon ay sana...aware siya, Zavein,” saad ko at narinig ko lang ang paghikbi niya.
“N-Nahirapan din ako noong hindi ko sinabi ang tungkol diyan, Kalla. Halos hindi makatulog ng ilang gabi. But I can’t risk their lives. Masyadong sensitive ang pregnancy ni Dalia at maliit lang ang kapit ng baby. Kahit gusto kong sabihin sa kanya ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. A-Ayoko na pati ang isa niyang anak ay mawawala na lang... M-May posibilidad din na pati siya ay mapahamak. Ang sabi ng doctor... Wala pa sa kondisyon niya ang magbuntis, Kalla... Kapag nanganak siya...hindi dapat normal labor. Ceasarean dapat...” mahabang sambit niya at mas nakaramdam lang ako ng kaba sa sinabi ni Zavein.
Bakit itinago niya ang lahat ng ito? Mga importanteng bagay ito pero wala man lang siyang sinabi sa ’kin
“What do you mean by that, Zavein?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“M-Mahina ang puso ni Dalia. Hindi ko masasabing may sakit siya sa puso pero iyon lang ang sinabi ng doctor.”
Ako naman ang natulala sa nalaman ko. Paanong mahina ang puso ni Dalia? Sa ginagawa nila ni Archimedes ay alam kong isa iyon sa bawal niyang gawin.
Lumabas na ako sa banyo at pinuntahan ko siya. Gusto kong malaman kung may sakit ba siya sa puso.
“Dalia...”
“Bakit, Jean?” tanong niya.
“May sakit ka ba sa puso?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nabigla. Mas lalo akong kinabahan na baka totoong may sakit siya sa puso kaya mahina ang heartbeat niya.
“Wala, Jean...” sagot niya at sinabayan nang pag-iling. Hindi pa rin ako kampante.
“Bakit mahina ang heartbeat mo?” Sa tanong kong iyon ay natigilan ang OB.
“It’s normal, Mommy Jean. Buntis siya kaya mahina talaga ang heartbeat niya.”
“But doc...”
“Hika. May hika lang ako, Jean. Pero...matagal na akong hindi hinihika,” paliwanag niya na mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
“Sigurado ka?” I asked her.
“Oo,” mabilis na sagot niya.
“What’s wrong, baby?” my husband asked me. I just shook my head and took a deep breath.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top