CHAPTER 75

Chapter 75: Dalia’s siblings.

NAGLAHAD ng palad niya ang asawa kong engineer pagbukas niya ng pinto ng kanyang sasakyan. Nakangiting tinanggap ko naman iyon at maingat niya akong inalalayan na umibis mula rito.

Maraming tao ang naninirahan dito kaya ang daming tambay sa labas. May mga bata rin ang naglalaro at ang iba ay nakahubad pa. Napangiti na lamang ako. Normal naman ang ganitong buhay, lalo na kung sa bandang ito. Magulo, maingay pero alam kong malayo sa kapahamakan ang mga buhay nila rito. Nagkakaisa kasi sila, hindi lang siguro maiwasan ang tsismisan. May mga ginang na napatingin sa gawi namin at halatang-halata na kami nga ang naging topic nila. Kasi patingin-tingin sa kasama ko at sa aming sasakyan.

Si Miko naman ay masyado siyang takot at naiintindihan ko ang pagiging overprotective niya. May kasama pa nga kaming bodyguards. Naiwan ang dalawa para bantayan ang sasakyan namin at sumama naman ang isa sa amin.

“Address lang ang mayroon tayo pero hindi natin alam kung saan ang ’saktong bahay. May mga pangalan na dapat nating hanapin,” sabi ni Miko. Nasa likuran ko siya na parang may babangga sa akin at nakahanda agad siya.

Nagtanong naman ang kasama namin kung may kilala sila na Araneta Magsaya. Iyon ang pangalan ng tita ni Dalia. Nabanggit na ni Randell ang mga pangalan ng mga kapatid nito.

Doll shoes lang ang suot ko at itim na bestida. Halata na ang pagbubuntis ko kasi may maliit na akong umbok sa aking tiyan. Hindi na nakapagtataka na nasa likod ko si Miko para lang protektahan ako sa kung ano man ang mangyayari. Nakapusod ang buhok ko kasi baka mainitan ako. Kakaiba pa naman ang sikat ng araw ngayon. Masakit sa balat.

Nauuna ang kasama namin sa paglalakad kaya pati kami ay nagtanong na rin. Hanggang sa isang bata ang nilapitan namin. Nakaupo lang ito at nangalumbaba sa mesa. Parang ang lungkot ng mukha niya at tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa gitna ng daan.

“Bata,” tawag ni Miko sa batang babae na kung hindi ako magkakamali ay nasa edad na sampu lang siya.

Mahaba ang buhok niya pero may split ends at magulo ito na parang hindi siya nagsusuklay. Sa tingin ko nga ay matigas ito na tila isang buwan din siyang hindi naligo. Gusot na gusot at may butas ang kanyang suot na puting bestida. Madungis ang mukha niya pero makikita mo rin na magandang bata siya. Napaka-innocent ng eyes niya pero nababalutan din ng lungkot.

“B-Bakit po?” natatarantang tanong nito at napatayo na lamang bigla. Nang tumingala siya para tingnan ang aking asawa ay napanganga siya at muntik na siyang mawalan nang balanse dahil sa kanyang pag-atras. Namula pa nga ang magkabilang pisngi niya.

Napabungisngis ako dahil sa reaction nito when she saw my husband. Na-starstruck pa ang bata. White na V-neck shirt and black coat ang suot nito, dark blue naman ang slack niya and his white sneakers. Hinaplos lang ni Miko ang baywang ko at tumikhim.

“May kilala ka bang Araneta Magsaya?” mahinahon na tanong ni Miko. Dahan-dahan na nagsalubong ang kilay ng bata bago lumipat sa mukha ko ang paningin niya.

Nang ngumiti ako sa kanya at kumaway ay biglang nanubig ang mga mata niya. She seems about to cry.

“Bata, sagutin mo ang tanong ko. May kilala ka bang Araneta Magsaya?” Miko asked her again.

“Why are you crying, little girl?” I asked her.

“W-Wala lang po... N-Naalala ko lang po ang Ate Dalia ko,” sumisinghot na sagot nito at pinunasan niya ang luha niya gamit ang damit niya.

Nagkatinginan kami ng asawa ko. “Isa na yata siya sa mga kapatid ni Dalia, baby.” Napatango siya sa sinabi ko.

Lumuhod na si Miko para pantayan ang mukha ng bata. Hinawakan pa niya ang balikat nito at pinapakalma na niya.

“Hi, ako si Engineer Miko. Kaibigan ko ang Ate Dalia mo. Ikaw ba ang kapatid niyang si Darlene? At ang bunso niyong kapatid ay si Daryl, hindi ba?” Namilog ang mga mata nito at sunod-sunod na tumango.

“O-Opo... A-Ako nga po si Darlene. K-Kumusta po ang ate ko? Talaga po bang... kaibigan niyo siya? N-Nasaan na po siya? Matagal na po siyang hindi dumadalaw sa amin.” Sa pananabik niya sa ate niya ay wala na siyang pakialam kung estranghero pa ang mga taong kausap niya ngayon.

May kung ano tuloy ang kumurot sa dibdib ko. Nagtitiis ang mga kapatid ni Dalia at mukhang matagal na rin ang huli nilang pagkikita. Kasi nasa Indonesia rin si Dalia sa loob ng apat na taon.

Hindi kami nahirapan nang akayin niya kami sa munti nilang tahanan. Masikip nga sa loob pero malinis naman. Iilan na mga gamit lang ang makikita at walang TV.

Magiliw pa kaming inayang umupo ng batang babae at kumuha pa siya ng tubig sa pitcher. Nagsalin ng tubig sa baso si Miko at ibinigay niya iyon sa ’kin. Uminom naman ako bago niya kinuha iyon sa aking kamay.

“Kayo po? Ayaw niyong maupo?” inosenteng tanong ni Darlene sa bodyguard naman na nanatiling nakatayo lang sa may pintuan. Umiling lang ito at hindi na siya pinansin pa.

“Darlene, sino-sino ang mga kasama mo rito at nasaan ang bunso niyo?” tanong ko sa kanya.

“Ang Tiya Araneta ko po ay may trabaho siya roon sa isang kainan. Tapos si tiyo naman po ay taxi drayber siya. Ang tatlo ko pong pinsan, lalaki at babae ay may pasok po sila sa eskwela,” paliwanag nito. Pero nasaan naman kaya ang kapatid niya?

Pinagmasdan ko pa ang bahay nila. Wala namang kakaiba rito. Simple lang ang pamumuhay nila pero naiiwan pala sila rito.

“Eh, nasaan si Daryl?” tanong ko ulit at sasagot pa lang sana siya nang may narinig na kaming batang umiiyak.

Mabilis siyang napatayo para salubungin ang bata na papasok sa bahay nila. He was wearing his red shirt and black pants.

“Bakit ka umiiyak, Daryl? Inaway ka na naman ba nila? Ayaw ka nilang isama sa paglalaro?” May hawak-hawak na laruan na robot ang bata pero wala na itong mga braso. Ngunit nagagawa niyang pagtiisan kahit sirang-sira na.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng habag sa mga batang ito. Wala na silang mga magulang pero malayo pa rin sa kanila ang ate nila.

“G-Gusto ko lang naman pong manood ng T-TV. K-Kahit na roon lang po ako sa may pintuan ng b-bahay nila pero pinagsarhan po nila ako ng pinto, Ate...” sumbong nito at umiyak sa tiyan niya. Nasa pitong taong gulang na ang bunso. May katabaan na hindi katulad ni Darlene. Payat kasi ito.

“Ang sabi ko naman sa iyo ay rito ka na lang sa bahay maglaro at huwag ka nang lumabas,” pangangaral ni Darlene.

“A-Ayoko po, Ate... U-Uutusan lang po ako ni Kuya Caloy at kapag ayaw ko ay papaluin niya po ako sa puwit.” Natigil sa pag-iyak ang bata nang makita kami. “S-Sino po sila, Ate?” Ang cute ng matambok niyang pisngi na parang sarap kurutin. Kahit madungis pa siya.

“Mga kaibigan sila ni Ate Dalia.”

“T-Talaga?! Nakauwi na rin ba si Ate Dalia?!” excited na tanong nito at nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinahanap niya ang ate niya. Umiyak lang siya ulit dahil wala nga rito si Dalia.

“Ano’ng oras umuuwi ang mga tito at tita niyo?” Nagtanong na ulit si Miko. Kasi alam niya na hindi na kami puwedeng magtagal pa rito.

“Mamaya pa hong hapon,” sagot ni Darlene.

“Puwede kaming manatili muna rito para hintayin sila?” tanong pa ni Miko. Hindi naman maganda kung basta na lamang namin isasama sina Darlene at Daryl na wala rito ang mga taong nag-alaga sa kanila.

“Bakit po?” nagtatakang tanong nito.

“Kailangan namin silang makausap dahil pinapasundo na kayo ng ate ninyo.” Natuwa silang dalawa. Napakainosente nila at wala na talaga silang pakialam pa kung hindi nila kami kilala.

Nag-stay nga kami roon at bumili pa  kami ng makakain namin. Tuwang-tuwa silang dalawa nang makita na maraming pagkain ang dumating. Nahihiya pa sila noong una at nagpasalamat din.

It was 2PM in the afternoon nang halos sabay na dumating ang tatlong bata. Hindi na sila literal na bata pa. Nasa edad 20 na ang isang lalaki, may sukbit na backpack sa balikat, dalagita naman ang dalawa. Kung titingnan silang dalawa ay maayos naman ang pananamit nila. Hindi katulad ng mga kapatid ni Dalia. Halatang hindi naliligo.

“Darlene, sino ang mga taong ’yan? At bakit nagpapasok ka sa mga estranghero rito sa loob ng pamamahay natin?” malamig na tanong ng lalaki. Napakaseryoso niya pero sa halip na si Darlene ang titingnan ay diretso nga ang titig niya sa face ko. Na parang may kakaiba rito. I remained silent.

“Ang dami pang pagkain na galing sa Jabby!”

“Honary! Tumigil ka,” suway ng lalaki sa kapatid niya at hinila niya ito sa siko. Ngumuso naman ang huli. “Sino kayo? Bakit nasa bahay kayo?”

My husband stood up at nanatili akong nakaupo. “I am Engineer Miko S. Brilliantes, and this is my wife, we’re Dalia’s friends. Sinusundo namin ang mga kapatid niya,” walang emosyon na sabi niya sa lalaki.

“Brilliantes. Isa kang Brilliantes.” No wonder na kung bakit niya nakilala ang pamilya ni Miko.

“Ha? Bakit kayo ang susundo sa mga pinsan ko? Bakit hindi siya? Nasaan ba siya? Mapagkakatiwalaan ba kayo?” nakataas ang kilay na tanong ng isang dalagita. Parang gusto kong ahitan ang kilay niya at nakatitig pa siya sa asawa ko.

“Isa ka pa, Zenai. Magpalit na nga kayo roon ng uniporme niyo.”

“Kuya, hahayaan mo silang makuha ang dalawang paslit na ’to?” Napasinghap ako nang sundutin ng mahaba niyang daliri ang pisngi ni Daryl. Napatayo ako at hinila ko palapit sa ’kin ang batang lalaki na hindi naman nag-alinlangan at nagpaubaya siya.

“Huwag mong sundutin ng ganoon ang bata. Ang haba pa ng kuko mo. Baka masugatan mo siya,” mahinahon na saad ko. Hindi man lang bumaba ang isa niyang kilay, higit na nang makita niya ang tiyan ko.

“Buntis ka?”

“Hindi ba obvious?” balik na tanong ko.

“Kung gusto niyong sunduin ang mga batang iyan ay dalhin niyo na saka kayo umalis sa bahay namin,” malamig na saad ng lalaki at wala lang sa kanya na umalis ang nakababata nilang pinsan? Mga walang puso talaga ang mga taong ito.

“Kuya, magagalit si Mama! Kahit nga si Ate Dalia ay nahihirapan silang kunin!”

“Hindi iyon. Magiging masaya pa siya kapag nawala na ang palamunin niya,” malamig na saad pa nito.

I looked at Darlene. Hindi ko siya nakitaan ng sakit at lungkot sa mga mata niya. Mas gusto niyang sumama sa amin para makita na niya ang ate nila.

“Let’s go kids,” pag-aaya ni Miko. Ang isa nilang pinsan ay kumakain na sa mesa.

“Yes, wala na kaming baboy na pakakainin!” Kumuyom ang kamao ko sa narinig. Bumaba ang tingin ko kay Daryl. Katulad pa rin siya ng Ate Darlene niya. Wala na ring pakialam pa.

“Sandali lang po! Kukunin ko lang po ang aming mga gamit!” Hindi na sana kailangan pa pero tumakbo na siya sa isang kuwarto. Hinintay namin siya at pagbalik niya ay may bitbit na siyang isang tela? Na parang ibinungkos niya lang.

Kinuha ito ni Miko at ibinigay niya sa bodyguard namin para ito ang magdala. Hawak ko sa kamay si Daryl.

“Hindi na kayo magpapaalam sa mga pinsan niyo?” may lambing na tanong ko. Umiling lang sila.

“Si Ate Dalia po ang gusto kong makita,” naluluhang sambit nito. I nodded and caressed his hair.

Dumaan na muna kami sa condo para makaligo ang dalawang bata. Paano, nangangamoy sila na ano... May disenteng damit naman sila na binili raw sa kanila dati ni Dalia kaya iyon ang isinuot nila.

Pinaliguan ni Miko si Daryl at si Darlene naman ay hindi na kailangan pang paliguan dahil marunong naman siya.

Sinusuklay ko na ngayon ang buhok niya at nang tinanong ko kung puwede kong gupitan ay hindi siya nagdalawang isip na sumagot ng oo.

Maikli na lamang iyon at nasa balikat niya lang ang haba. Nilagyan ko ng hairclip at saka lang lumitaw ang pagiging Dalia niya. Kamukha niya kasi ang ate niya.

She was wearing her pink dress and sandals na may kaliitan na rin sa mga paa niya. Itinatago nila nang mabuti ang mga gamit na binibili ni Dalia.

Pagdating namin sa hospital ay gising na si Dalia at nang makita niya ang dalawang batang kasama namin ay natigilan siya. Kumislap agad ang mga mata niya. Na alam kong mga luha iyon.

“Ate Dalia!” Nag-uunahan sa paglapit sa kanya ang mga bata. Sumampa sa hospital bed. Parang ayaw maniwala ni Dalia sa mga nakikita niya kung hindi lang siya niyakap ng dalawa. Umiiyak na nga ito.

“A-Ate Dalia! N-Na-miss ka po namin!”

“D-Daryl?” Hinawakan pa niya ang chin nito para iangat ang mukha.

“A-Ako po ito, Ate... Si Ryry...” umiiyak na sagot ni Daryl.

“Ang mga k-kapatid ko... M-Miss na miss din kayo ni Ate... Oh, my God...” Umalog nang husto ang mga balikat niya.

Humilig ako sa dibdib ng aking pinakamamahal na asawa. Hinalikan niya ang sentido ko at hinagod ang aking likod.

Masaya ako na nagkita na silang magkapatid. Ramdam ko rin ang pananabik nila sa isa’t isa. Ang kaso lang ay hindi pa rin maganda kay Dalia ang pag-iyak niya. Pero ngayon lang naman ito kasi kasama na niya ang mga kapatid niya. Natutuwa ako para sa kanila at sana lang ay huwag na silang maghihiwalay pa. Masakit na masakit talaga kapag nawalay ka sa mga mahal mo sa buhay.

Naranasan ko na iyon at ayaw ko nang mangyari pa ulit. Sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pa.

“Aw, na-touch naman ako. Gusto ko ring may kayakap.” Nilingon ko ang best friend ko na humilig sa balikat ni Randell. Kumunot ang noo ng isa pero hinayaan lang siya. I just shook my head pero nang mapansin niyang nanonood ako ay umayos siyang upo saka ngumiti.

“S-Salamat sa inyo pero paano niyo sila nakuha nang hindi kayo nasisigawan ng tiya namin?” curious niyang tanong. Matagal silang nagyakapan at nag-iyakan. Hinayaan lang namin sila kasi kailangan nila iyon.

Sa ngayon nga ay pinapagitnaan siya ng mga ito. Nakabaon ang mukha ni Daryl at si Darlene ay sumisilip-silip lang. Madalas kong nahuhuli ang pagsulyap niya sa dalawang lalaki na nakatayo na sina Randell at Zavein pero mas matagal kapag kay Miko na. She’s blushing too na parang kinikilig dahil nakakita siya ng pogi.

“Nasa trabaho ang tita mo. Ang mga pinsan mo lang ang dumating sa bahay. Tapos iyong nakatatanda ang nagsabi na isama na namin sila,” paliwanag ko.

“Si Rouge. Thank you. Ang saya-saya ko na makita ang mga kapatid ko... Dalawang taon din kaming hindi nagkita,” naluluhang sabi pa niya at hinalikan niya sa ulo ang mga ito.

“Ang sabi ni Zavein ay okay lang daw na tumira na kasama niyo ang mga kapatid mo, Dalia. Right, Zavein?” Randell said.

“Kung maaga niyong sinabi na may mga kapatid pala si Dalia ay sana matagal na naming nakuha ang dalawang bubwit na ito,” nakangiting sabi ni Zavein.

“Thank you, Zavein.”

“Now ang bigyan mo nang pansin ay ang baby niyo ng pinsan ko at sa mga kapatid mo, Dalia. Please, avoid being stress.” Dalia nodded.

“B-Buntis ka po, Ate?!” Halos sabay na sigaw ng mga kapatid niya. Sa excitement ay hindi na nila napansin na buntis nga ang ate nila kahit nahawakan na nila ang tiyan niyo.

“Oo. Tito at tita na rin kayong dalawa. May baby na ang ate niyo,” Dalia uttered and smiled.

“Hala po! Ang saya naman!” Pareho kaming natawa sa remarks nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top