CHAPTER 74

Chapter 74: Dalia’s agony

DALIA’S POV

MAAGA pa lang ay naghanda na ako para sa pagdalaw ko mamaya kay Archimedes. Limang taon pa ang itatagal niya sa selda pero kaya kong tiisin iyon. Kaya kong maghintay para sa kanya dahil iyon ang pangako ko.

Ang binitawan kong pangako na maghihintay ako sa kanya, kami ng anak namin. Alam kong may pinagdadaanan talaga siya kaya nagawa niya ang bagay na iyon.

Takot siyang maiwanan ng taong mahal niya. That’s why hindi ko siya hahayaan na maramdaman pa iyon. Genuine ang pagmamahal ko kay Archimedes kahit na parang imposible, ’di ba? Pero iyon talaga ang totoo. Mahal na mahal ko siya.

“OMG!” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng pinsan ni Archi. Si Zavein. Kasalukuyan na kasi akong nasa kusina at nagluluto na rin. Isasabay ko na rin sana ang breakfast namin.

Siya ngayon ang kasama ko rito sa bagong bahay na binili niya gamit ang pera ni Archi. Marami nga kaming kasambahay rito at hindi ako sanay na pinagsisilbihan nila. Nang makita nga nila ako kanina ay pinigilan pa nila ako pero wala silang nagawa nang sabihin kong ako na lang ang magluluto.

Mahirap lang kasi ang pamilya ko at wala ring kaya sa buhay. Kaya kumapit na ako sa patalim para lang maihaon ko naman sa kahirapan ang pamilya ko. Iyon nga lang hindi naging madali para sa akin ang lahat.

Namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidenteng sunog sa bahay namin. Mabuti na lamang ay wala sa bahay ang dalawang nakababata kong kapatid sa mga oras na iyon. Dahil na rin kailangan kong lumuwas sa Manila at iniwan ko na muna sila pansamantala sa bahay ng tiyahin ko. Oo, may tiya pa ako pero ubod naman ng kasungitan at alam kong mahihirapan ang mga kapatid ko. Pahihirapan din sila roon. Hindi ko pa nga lang sila kayang sunduin ngayon dahil nahihiya ako.

Nahihiya ako kay Zavein at mas lalo na kay Archimedes. Baka isipin nila na ginagamit ko ang batang nasa sinapupunan ko para lang sa kayamanan ni Archi. Hindi ako ganoong klaseng tao kahit na...isa na akong maruming babae pero malinis ang hangarin ko at may busilak akong puso. Kahit ang bagay lang  naman iyon na kaya kong ipagmalaki sa lalaking mahal ko.

“P-Pasensiya na, Zavein. N-Nagluto lang kasi ako,” nauutal na sambit ko.

“Exactly!” Halos magtubig ang mga mata ko sa sigaw niya. Buntis ako kaya emosyunal ako at natatakot na agad kapag may sumisigaw sa akin. “Oh, dear! Don’t cry. H-Hindi naman kita inaaway,” pag-aalo niya bigla at hinawakan ang kamay ko para paupuin ako sa highchair. “You don’t need to do this, Dalia. You’re pregnant for Pete’s sake. Marami tayong servant here at sila ang utusan mo na magluto o kaya naman ako. Dear, gusto mo yata akong ipapatay sa pinsan ko?” Mabilis naman akong umiling.

“H-Hindi. Para rin ito kay Archimedes. Dahil ngayon na siya puwedeng bisitahin, ’di ba?” Tumango naman siya.

“So, para kay kuya ito?” Itinuro pa niya ang mga pagkain na niluto ko.

“Oo.”

“Right, tulungan na lang kita. Tandaan mo ang sinabi ng doctor mo, Dalia. Bawal kang magtrabaho, magdala ng mga mabibigat na bagay at mas lalo na ang ma-stress. Tandaan mo na muntik ka nang makunan. Meaning, sensitive ang pagbubuntis mo at mahina lang ang kapit ng baby mo. Alagaan mo ang sarili mo, please. Para pagbalik ni Kuya Archimedes... I-Isang pamilya ang sasalubong sa kanya... Ang mag-ina niya.” Sunod-sunod akong napatango sa sinabi niya. Kasi gusto ko ang idea na iyon.

“Tatandaan ko,” sabi ko at saka siya ngumiti.

“Kuya chose to give up for Kalla, and Kalla or Jean deserve to be happy with her family and ganoon din si Kuya. Ikaw mismo ang magbibigay sa kanya ng masayang pamilya, Dalia. So, please. Stop working, okay? Best friend kami ni Kalla and puwede mo rin akong maging kaibigan. Since pamangkin ko rin ang baby na dala-dala mo ngayon.”

Mabait naman talaga si Zavein, nahihiya lang talaga akong i-approach siya. Sinabi na rin niya na huwag akong magdalawang isip na lapitan siya kapag may kailangan na ako.

Siya ang nagdala ng paperbag habang akay-akay ako. Visible na rin ang baby bump ko kasi ilang buwan din naming hinintay ni Zavein ang araw na ito.

Sa visiting area kami naghintay at nakaupo na rin ako. Katabi ko si Zavein. Ang dala naming paperbag ay nakapatong na sa mesa. Kinakabahan ako sa totoo lang.

Kasi ang huli naming pag-uusap ay iyong araw na kasama rin namin si Kalla, kasama ang fiancé niya.

Light green ang suot kong bestida na umabot hanggang tuhod ko ang haba nito. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at oo, nag-ayos pa talaga ako para lang sa kanya. Kahit kabado rin ako masyado. Gusto ko kasi na makita ako ni Archi na disente.

Bumukas ang pinto at nakita ko na roon ang lalaking mahal ko na hindi ko inakala na magsusuot na siya ng ganyang damit. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin nabawasan ang kagandahan niyang lalaki. Malaki nga lang ang pinayat niya pero alam kong makababawi rin ang katawan niya. Kung hindi lang siguro naawa sa kanya ang Brilliantes clan ay baka aabot siya sa sampung taon sa kulungan pero binabaan din ng mga ito, kasi umamin din siya sa kasalanan niya.

Tumayo si Zavein at sinalubong niya ang pinsan niya nang mahigpit na yakap. Tipid na ngiti lang ang nagawa nito.

“Oh, siya. Gusto kong solohin ninyo ang isa’t isa. Kaya iiwan ko na muna kayo rito. Balikan na lang kita, Dalia,” sabi ni Zavein at tanging pagtango lang ang nagagawa ko.

Dumapo na nga ang paningin ni Archimedes sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Tatayo ba ako para yakapin din siya katulad nang ginawa ng kanyang pinsan? O uupo na lamang ako at hihintayin siya na may gawin? Kahit imposible yata.

“Kumusta?” Sa wakas ay may nasabi na rin ako. Ilang segundo kasing naghari ang katahimikan sa pagitan namin.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang hindi siya nagsalita at walang emosyon niya lamang akong tinitigan. Ang hirap niyang basahin sa totoo lang.

Ngunit nang tumayo ako ay saka siya dahan-dahan na lumapit sa ’kin nang hindi niya pinuputol ang titig sa mga mata ko. Hindi ko na rin sinubukan pa na humakbang, dahil nagkukusa siya. Hanggang sa hapitin niya ako sa baywang at nagdikit ang aming mga katawan. Isa ito sa hinahanap-hanap ko. Ang mainit na yakap niya.

Humawak na ako sa baywang niya para yakapin din siya hanggang sa sumiksik siya sa leeg ko.

“I miss you...” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa mahinang-mahina niyang bulong. Idiniin niya ang ulo ko sa dibdib niya na kalmado lang ang heartbeat niya pero kung puso ko ay nagwawala na.

Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Humahaplos ang kamay niya sa baywang ko hanggang sa umabot iyon sa aking tiyan at naramdaman kong natigilan siya.

Bahagya siyang dumistansya at doon lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Unti-unting bumaba ang paningin niya at napaatras pa siya nang makita ang maliit kong umbok na tiyan. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.

“Feel it, Archi. Lumalaki na ang baby natin sa tummy ko,” sabi ko at dinala ko sa tiyan ko ang malaki niyang kamay na muntik pa niyang bawiin pero sa huli ay masuyong hinaplos niya rin iyon.

Hanggang sa lumuhod siya at hinalikan iyon saka parang kinakausap niya. Tumayo rin siya at humalik sa noo ko. Mahigpit na niyakap na naman niya ako. Walang salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Tanging pagkilos niya lang na naging sapat na para sa ’kin. Masaya na ako sa simpleng kilos niya. Dahil nararamdaman kong mahalaga ako sa kanya.

“How are you and the baby?” He finally spoke. Magkatabi na kaming nakaupo at nakapulupot ang braso niya sa baywang ko. Inasikaso ko ang pagkain niya.

“Okay lang kami ni baby,” sagot ko lang. He kissed my temple again.

“Glad to hear that.” Hindi nawala ang paghaplos niya sa aking tiyan na ikinangiti ko pa iyon ng lihim.

“H-Hindi pa nga lang ako nakabisita sa OB na ni-refer sa ’kin ni Kalla,” nahihiyang sabi ko at bigla ay binawi niya ang kamay niya.

Nang marinig niya ang pangalan ni Kalla ay nagbago rin ang emosyon na naglalaro sa mga mata, nagiging blangko na naman at tumigas ang kanyang ekspresyon.

Tumayo siya at humarap sa salamin.  Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pulis. Nataranta ako nang gusto na niyang bumalik sa selda.

“Maaari na po kayong umalis, Ma’am.”

“P-Pero hindi pa po... Archi, hindi ka pa kumakain. Ako ang nagluto nito. Bakit...bakit gusto mo nang bumalik agad?” tanong ko at may mga luha na sa aking pisngi. Hahawakan ko na sana siya nang mabilis niyang itinago ang dalawang kamay niya. “Archi...”

“Leave at huwag ka nang babalik pa rito...” malamig pa sa yelong saad niya. Pinagtatabuyan na naman niya ako.

“Archi... A-Ano ba ang problema mo? N-Nagalit ka ba dahil narinig mo ang pangalan ni Ka—”

“I don’t love you. Just leave,” putol niya sa sasabihin ko sana. Bakit bigla siyang nagkaganito?

“Y-You’re unbelievable... K-Kanina lang tayo okay pero n-ngayon... Huwag mo naman akong paalisin, Archimedes. Ilang buwan ko rin itong hinintay... G-Gusto pa kitang makasama...” umiiyak na sambit ko.

Malamig niya akong binalingan. “Leave, just take care of my child, and when I came back... Ang anak ko lang ang kukunin ko at tatanggapin not you...” Natulala ako sa sinabi niya. Akala ko ay kasama na ako sa pagtanggap niya pero hindi pala.

Kapag nakalaya siya ay kukunin niya raw ang anak niya... Akala ko...akala ko ay magiging masaya na kami pero heto siya. Nagagawa pa rin niya akong pagtabuyan at nasasaktan ako sa mga katagang lumalabas mula sa bibig niya. Sa mga katagang iyon ay nadurog na ang puso ko.

“Archi...mahal kita...” sambit ko bago pa lamang siya makalabas at naiwan akong mag-isa. Sunod-sunod nang bumuhos ang mga luha ko at napahawak na lamang ako sa dibdib ko.

Nalukot ang bestida ko nang hawakan ko ito nang mahigpit dahil sa tindi ng kirot sa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga. Napaupo ako nang wala sa oras at nagsisimula nang dumilim ang paligid. Nagiging malabo na ang paningin ko hanggang sa nawalan na nga ako nang malay.

Nagising ako na nasa puting kuwarto na. May dextrose na sa pulso ko. Si Zavein ang unang bumungad sa aking paningin at umiiyak na nga siya nang makitang gising na ako.

“Dalia...” Tulala lang ako noong una dahil naalala ko ang sinabi ni Archimedes. Ang hirap paniwalaan na mas gusto niya ang anak namin at kukunin niya rin kapag nakalaya siya.

Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay na wala sila sa piling ko. Parang ikamamatay ko yata. Mahal na mahal ko talaga siya.

“A-Ayaw niya sa ’kin... Ayaw niya... Ayaw niya... K-Kapag nakalaya siya... K-Kukunin niya ang baby namin... Hindi niya ako tanggap... Hindi niya ako matatanggap, Zavein... Hindi niya ako magagawang mahalin...” umiiyak na sumbong ko kay Zavein. Umupo siya sa gilid ng kama at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat niya.

“B-Baka...hindi pa handa si Kuya... O kaya naman nabigla lang siya... Magbabago rin ang isip no’n,” sabi niya.

“M-Maayos naman kami noong una... Niyakap pa niya ako at hinalikan...pero nang... N-Nang sambitin ko ang boses ni Kalla ay bigla siyang nagbago... M-Mahal pa rin niya si Kalla... Zavein... A-Ang sakit sa dibdib...” Pinukpok ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko na ramdam na ramdam ko ang kirot. Hinawakan niya ang pulso ko at pinigilan niya ako.

“Please... Maging matatag ka, Dalia... Pagsubok lang ito... Pagsubok lang niyo ni Kuya Archimedes... You can do this... Dalia... I knew you can do this, right?”

“A-Ayokong mawala siya, Zavein... A-Ayoko rin na mawalay ako sa baby namin... N-Natatakot na ako... N-Natatakot na ako baka magising na lamang ako isang umaga na w-wala na ang mag-ama ko... Zavein...” Nang mariin akong pumikit at nagmulat ay wala na akong makita. Dilim na naman ang nakikita ko. Dumagundong ang malakas na tambol sa dibdib ko at binalot na ako ng takot.

“Dalia? Dalia?!” Marahan niya akong niyuyugyog at kahit ilang beses akong pumikit ay sa pagbukas ng mga mata ko ay wala talaga akong nakikita.

Mariin akong humawak sa braso niya. “Z-Zavein... Zavein, b-bakit m-madilim? B-Bakit wala akong makita?” naiiyak na tanong ko at nagawa ko nang kinusot ang aking mata para lang bumalik ang liwanag pero nabigo ako. Nagsimula na ring nawala ang boses niya at doon ulit ako nahimatay.

JEAN’S POV

MATINDING awa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang pinagmamasdan ko ang maputlang mukha ni Dalia. Basang-basa ang pilik-mata niya na tanda nang pag-iyak niya kanina.

Tinawagan ako ni Zavein kanina na sinugod sa hospital si Dalia pagkatapos nilang dalawin si Archimedes. Noong nagising daw ay umiiyak pa rin at natakot ng wala itong makita.

Pero naipaliwanag naman ng doctor ang kondisyon niya. Hindi naman daw ito literal na mabubulag pero ang kinakatakutan namin ay iyong dugo niya. Tumataas ang blood pressure niya at palaging stress si Dalia. Kahit ang pag-iyak nito ay nalalagay na sila sa alanganin, nadadamay ang baby niya.

Hinaplos ko ang buhok niya. Kasama ko sa pagbisita sa hospital ang asawa ko, si Miko. Sabay sana kami ni Dalia na magpa-check up sa OB namin para malaman na rin namin ang gender ng baby namin pero heto siya. Naka-confine pa sa hospital.

Nandito rin si Randell. Nauna nga lang siya sa pagpunta bago kami ni Miko. Pumasok din ang tatlo at agad na lumapit sa gawi ko ang aking asawa. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

“Hindi pa rin siya nagigising,” malungkot na sabi ni Zavein.

“Pagod siya at stress. Bakit naman kasi iniwan mo silang dalawa roon, Zavein?” Umupo sa tabi ko si Zavein at napahilamos siya sa mukha niya. Hindi magandang idea iyong naiiwan sila ng mag-isa.

“Gusto ko lang naman na...magsolo silang dalawa... Alam kong miss na miss ni Dalia si Kuya Archimedes. Binigyan ko lang sila ng privacy pero ilang minuto lang ang nakalipas ay ganoon na ang nangyari,” sabi niya at pulang-pula na rin ang eyes niya. Nakikita ko rin doon ang pagsisisi niya.

“May sinabi yata si Archimedes kay Dalia. Alam naman ng taong iyon na buntis si Dalia pero nagawa pa rin niyang...” Bumuntong-hininga si Randell.

“Ano na ang gagawin natin? S-Sinabi kanina ng doctor niya na bawal talaga siyang umiyak dahil nag-c-cause na iyon ng stress pero kanina... Nahihirapan akong patahanin siya. Iyak nang iyak... Mas natakot pa ako nang sabihin niya na wala siyang nakikita. Akala ko tuluyan na siyang... nabulag.” Hinagod ko ang likod ni Zavein. Ramdam na ramdam ko ang takot niya.

“Ano ba ang sinabi ni Archimedes kay Dalia?” tanong ko.

“A-Ang sabi ni Dalia... Kapag nakalaya raw ang pinsan ko ay kukunin niya ang baby nila at hindi niya tatanggapin si Dalia. Mas gusto niyang...makasama ang anak nila kaysa sa mommy nito... Na-stress na rin ako kay kuya...”

Napatingin ako kay Randell. “May paraan ba para hindi na umiyak si Dalia at alalahanin na lamang niya ang pregnancy niya?” I asked him.

“Sa pagkakaalala ko. May mga kapatid pa siya na naiwan sa tiyahin niya,” he answered. “Baka makatulong ang mga kapatid niya.”

“Really? Tell me the address, Randell. Ako mismo ang susundo sa mga kapatid niya para lang maiwasan niya na isipin ang gágo kong pinsan!” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. “Sorry.” Ngayon lang siya nag-burst out at tinawag pa niyang gágo si Archimedes.

“May maitutulong ba ako? Ipasusundo ko ang mga kapatid niya,” sabi ni Miko at mabilis na nilingon ko siya. Ginawaran ko siya nang matamis na ngiti. Gumanti rin naman siya. Parang kinikiliti tuloy ang puso ko.

“Nasa probinsya iyon pero lumipat na yata ng bahay ang tiyahin niya. Baka nasa Manila na,” sabi pa ni Randell.

“Please... Please, kailangan na nating sunduin ang mga kapatid niya... Para naman makalimutan niya pansamantala ang problema nila. Hindi na talaga ako natutuwa sa kalagayan niya ngayon... Aatakihin na ako sa puso.” Tinapik ko ang balikat niya.

“Calm down, babe. Walang mangyayaring masama kay Dalia. Gagawin natin ang lahat para sa kanya, para sa baby niya. Alam ko na magbabago pa rin si Archimedes. Nasa move on state pa siya siguro. Hayaan na muna natin siya. Randell, sabihin mo na ang address at kami na ang susundo ni Miko,” sabi ko at tumayo na rin ako.

“Kahit ako na lang, Jean.” Inilingan ko ang asawa ko.

“Sasama ako sa ’yo,” sabi ko.

“Sigurado ka, Jean? Puwede naman nating ipasundo ang mga bata,” suggestion ni Randell.

“May kutob ako na baka mahihirapan lang kayo. Kaya sasama ako, just maybe hindi kayo hahayaan ng tita ni Dalia na makuha ang mga kapatid nito. Ako na lang ang makikipag-usap. Kaya ano na, Randell? Sabihin mo na sa amin ang address para paggising niya ay unang bubungad sa kanya ang mga kapatid niya. Alam ko rin na miss na miss na nila ang isa’t isa. Masakit mawalay sa sarili mong kapatid,” mahabang saad ko.

“Sige. Kayo na ang sumundo at magpapaiwan na lamang ako. Baka hindi kayang patahanin ni Zavein si Dalia. Iiyakan pa niya,” Randell blurted out kaya inirapan tuloy siya ng best friend ko. Well, pareho ko naman silang matalik na kaibigan at talagang maaasahan.

“Kahit gising na siya pagbalik namin ay okay lang. Huwag niyo na lang sabihin sa kanya. Para surprise,” saad ko na sabay nilang tinanguan.

Kumuha ng ballpen at notes si Randell. Nagsulat na siya niya ng address. Ibinigay niya iyon sa ’kin at binasa ko naman.

Nasa Manila nga pero may kalayuan pa rin sa City.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top