CHAPTER 73

Chapter 73: Flute

“MIKO, hindi mo na kami kailangan pang ihatid sa mansion ng grandparents mo. Kasama ko naman ang mga anak mo,” sabi ko kay Miko nang sumama pa siya sa amin.

Nagpasabi kasi kanina si Grandpa na pumunta sa mansion nila at heto nga kami sumama pa siya kahit kasama ko ang mga anak namin.

Naka-suit na nga siya at handa na rin siyang pumasok para sa work niya pero heto, sumasama pa rin sa amin. Nauna nga siyang nagising kaysa sa akin at nagluto pa siya ng breakfast namin. After that ay pinaliguan ko ang tatlong Mika namin. Binihisan saka kami lumabas ng bahay.

Ngayon ko mas naramdaman ang pagiging ina ko sa mga bata. Ngayon ko lang ulit naranasan ito. Hindi bale ang mapagod ako kasi masaya naman.

Kakuwentuhan ko pa nga sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na nga talaga sila. Parang nananaginip pa rin ako.

“Gusto ko kayong ihatid. Masama ba ’yon?” tanong niya. Bumuntong-hininga na lamang ako sa kakulitan niya.

Naglalakad sa unahan namin sina Shynara at Shahara. Naka-holding hands naman kami ni Shanea at ang daddy nila ay nasa kaliwang bahagi ko. Nakapulot ang braso niya sa baywang ko at oo, inaalalayan niya ako.

“May takot ka pa ba na baka mawala ulit ako, Miko?” tanong ko sa kanya. Sinilip ko ang mukha niya. Nahihirapan pa akong tiningalain siya dahil sa tangkad niya.

“Secure na ang buong paligid ng subdivision natin. Hindi na ito katulad pa may nakapasok na outsider. Ang gusto ko lang ay alagaan ka especially that you are pregnant, baby,” he said.

“Okay naman na kami ng baby natin. Remember na strong din siya?” Humalik lang siya sa sentido ko at tumango.

Pagpasok namin ay naghihintay na nga ang grandparents niya. Nagmamadali nang lumapit ang tatlo at nagmano pa sila sa great grandparents nila.

“Magandang umaga po,” bati ko sa kanilang dalawa. Nagmano rin ako at humalik sa pisngi nila. Ganoon din ang ginawa ni Miko saka niya ako inalalayan na makaupo sa couch.

“Sige na, umalis ka na, Miko.” Pareho kaming natawa dahil pinagtabuyan agad ni Grandpa ang apo niya.

“Grandpa naman... Akala ko ba ay ako na ang pinakapaborito niyong apo?” tila nagtatampong tanong nito at umakbay pa sa akin. Sumandal na rin siya sa headrest ng couch.

Wala naman na akong nagawa pa kundi ang sumandal sa dibdib niya. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko.

“Hala, who told you that? Tsk,” his grandfather said. “Anyway, Jean. May ibabalik lang ako na isang bagay na mahalaga sa ’yo. Ang sabi mo sa akin noon ay kukunin mo rin sa tamang panahon. Hindi ko naman akalain na mawawala ka sa amin kaya...”

Napaisip naman ako at pilit kong inalala kung ano ang tinutukoy ni Grandpa Don Brill. Pero wala akong maalala.

“Ano po ’yon, Grandpa?” tanong ko sa kanya. May kung ano’ng bagay naman siya ang inilabas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon.

“Heto, apo.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa nakita. Naalala ko na minsan ko nga itong ibinigay kay Grandpa para lang itago na muna sa kanya.

“Thank you for keeping this, Grandpa,” naluluhang sambit ko at inabot ito para sa ’kin ni Miko. Hinalikan ko ito bago ko inilagay sa dibdib ko.

“Of course, alam ko naman na kukunin mo rin iyan ulit. Umabot nga lang ng apat na taon. Pero masaya na tayo ngayon,” sabi niya.

“Sa kanilang magkakapatid. Si Miko ang mas makararanas ng sakit, lungkot at pangungulila,” pagsimula naman ni Grandma, na nakadikit na sa kanilang dalawa ang triplets namin. “Si Markus na muntik nang umako ng responsibilidad, iniwan pero hindi naman siya agad sumunod dahil na rin sa problema ng pamilya namin. Si Markin, siya naman ang mas nakaranas ng kahirapan. Iyong tipong isinakripisyo na rin niya ang shares niya sa kompanya at ginawa ang lahat para mabilis ang Elvo streets. Subalit, iniwan din siya ng mag-ina niya ng walang dahilan at sa kung saan-saang bansa na siyang naghanap katulad ni Mergus. Siya naman itong indenial sa feelings niya para kay May Ann. Nasaktan ang ego dahil lang sa narinig niya. Tapos si Michael, pagtitiis at pangungulila naman ang naranasan niya. Pinili niya ang lumayo sa pamilya niya alang-alang sa kapakanan ng babaeng mahal niya. Kaya ngayon, masaya akong nakikita kayong masaya na rin at maayos na. Kung mayroon man na pagsubok ang darating sa mga buhay niyo ay sabay na niyong haharapin iyon,” mahabang saad pa niya.

“Salamat po, Grandma...” halos sabay na sabi namin ng asawa ko. Tama, dapat ko na rin siyang tawagin na ganoon dahil legally na nga kaming mag-asawa.

Matiim ko pang tinitigan ang plauta ko at hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Napakahalaga nito sa ’kin at apat na taon kong hindi nahawakan. Dahil nasa pangangalaga ito ng isa ring taong importante sa akin. Si Grandpa Don Brill.

“Sinadya ko po talagang itago ito kay Grandpa. Kasi alam kong mawawala ko,” sabi ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng asawa ko sa braso ko.

“Eh, bakit ang singsing hindi nawala?” Sinamaan ko nang tingin si Miko.

“Tumahimik ka, Engineer. Hindi ikaw ang kausap ko,” malamig na sabi ko sa kanya. He averted his eyes and clinch his teeth.

“Sungit,” he uttered.

“Kayo naman. May LQ agad kayo,” natatawang komento ni Grandma na ikinangiti ko lang. “Kayong mga rosas ko. Hindi niyo naman siguro pinapahirapan ang mommy niyo, ano? Nagdadalang tao si mommy at ilang buwan na lang ay may baby na kayo,” sabi nito sa mga apo niya na agad akong tiningnan.

“Hala sige po, Grandma. Pagalitan niyo ’yang mga apo niyo. Ginagawa po nilang yaya ang mommy nila. Ultimo pagligo ay si Jean pa ho ang gumagawa at minsan ay nagpapaluto rin ng paborito nilang pagkain,” agad na sumbong ni Miko at kinurot ko ang hita niya.

Sumimangot tuloy ang tatlo. “Naku, Grandma. Gusto ko po silang alagaan bagay na hindi ko po nagawa sa loob ng apat na taon. Baka po magising na lang ako na dalaga na ang mga anak ko at hindi man lang ako nagsawa na alagaan silang tatlo. Ngayon ko lang po mas naramdaman ang pagiging ina ko,” emotional na sabi ko.

“I love you, Mommy pretty,” malambing na sabi ni Shahara at humawak sa dibdib niya.

“Love you po, Mommy ko.” Nag-flying kiss naman si Shanea.

Samantalang si Shynara na mahiyain ay tumayo pa siya lapitan ako. Yumakap siya sa baywang ko. Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya.

“Mahal kita ng sobra, Mommy.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa narinig na sinabi niya.

“Mahal na mahal din kita, anak,” sambit ko at hinaplos ko ang buhok niya saka ko tiningnan ang dalawa ang I mouthed them ‘I love you too’.

***

Bumalik din kami sa bahay namin at maliban din sa mga anak ko ay may kasama na ako. Nandito si Mommy Jina. Hindi pa rin umaalis ang guwapo kong asawa. Napatingin naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang kuwintas ko.

Napaigtad pa nga ako nang maramdaman ko ang mainit na daliri niyang dumampi sa leeg ko.

“Why? May gusto ka bang sabihin?” I asked him. Naninimbang na tinitigan niya ang mukha ko.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. Nag-init nga agad ito. Hinawakan ko siya sa binti niya pero hinuli niya iyon at hinalikan ang palad ko. I smiled at him.

“Puwede ko bang hiramin ang singsing mo, baby?” tanong niya. Napahawak ako roon.

“Bakit? Ano’ng gagawin mo?” nalilitong tanong ko at nang hawakan niya ulit ito ay tinabig ko ang kamay niya. Tumikhim siya at napahawak sa batok.

“Hindi ko naman po ’yan sisirain o itatapon, baby,” sambit niya at sumiksik sa leeg ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga niyang tumatama sa aking balat. “You don’t have any idea kung gaano ako kasaya nang makita ko ang bagay na ’yan. P-Pinagselosan ko pa ang Valderama na iyon dahil ang akala ko ay galing sa kanya ang bagay na iniingatan mo. Na ang locket na ’yan pero hindi pala, iyong nasa loob pala ang iniingatan mo,” mahinang saad niya na ikinatango ko.

“H-Hindi ko na kasi magagawang isuot ito, Miko. S-Sinira mo kasi. Wala ka ring idea kung gaano ako nasaktan noong sinira mo ito. Parang ang puso ko lang nadurog,” sabi ko at tumulo ang luha mula sa aking mata.

“I am so sorry, Jean... Kaya ngayon, hihiramin ko muna ’yan, ha?” Hinigpitan ko ang hawak ko rito at dahan-dahan na akong tumango.

Wala naman na akong takot pa ngayon. Dahil ang mas mahalaga ay ang makasama ko na sila ng mga anak namin. Kahit gaano pa niya ako nasaktan noon. Pamilya ko sila at alam ng puso ko na sila pa rin ang pipiliin ko sa huli.

“Sige po,” tugon ko.

“Thanks, baby. I love you.”

“I love you too, Miko,” sabi ko rin. Pinisil niya ang baba ko saka niya ako siniil nang mariin na halik. Gumanti naman ako ng halik. Ilang minuto lang ay kinapos na ako ng hangin. Pinakawalan niya rin ang mga labi ko. Dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko at niyakap ako.

“I love you, always...my Donna.”

PAG-ALIS ng asawa ko ay dumalaw naman ang kuya ko kasama ang pamilya niya. Buhat-buhat pa ng nakatatanda kong kapatid ang bunso nilang lalaki. Nakasuot lang siya ng casual outfit na parang wala rin siyang duty. Naka-wrapped dress naman si Ate Zedian.

“Kuya Hart!” masayang sigaw ko. Tinakbo ko pa siya at halos mamutla siya nang makita ang ginawa ko.

Nang makalapit ako ay iniyakap ko agad ang mga braso ko sa leeg niya saka ko siya mahigpit na niyakap. Sa tangkad ng aking kuya ay nagawa pa niya akong buhatin.

He caressed my back. “Huwag ka namang tumakbo, baby girl. Gusto mo yatang balatan ako ng buhay ng asawa mo,” sabi niya na ikinatawa ko.

Humiwalay rin ako. Mabilis niyang hinalikan ang noo ko. Hinawakan ko naman ang panga niya.

“Na-miss ko ang mukha mo, Kuya. Wala pa ring pinagbago. Nag-mature ka man pero guwapo pa rin at saka kailan ka pa ho natakot kay Miko?” nang-aasar na sabi ko.

“Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ka niyang buntisin kahit na may tumatayong asawa mo,” naiiling na sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

“Alam mo na po ang nangyari, Kuya. Mabilis po talaga ang mga engineer.” Nagawa ko namang kurutin ang pisngi niya. “Mukhang ikaw na ang paglilihian ko, Kuya Hart.”

“Masaya akong nakabalik ka na ring ligtas,” sabi niya. “At hindi lang engineer. Sadyang nasa lahi na ng Brilliantes clan ang mabilis makabuo ng bunso,” sabi niya. Bumungisngis lang ako saka ako humiwalay.

“Ate Zed, na-miss din po kita,” sabi ko. Nagbeso-beso kami ng sister-in-law ko saka kami nagyakapan.

“I miss you too, Jean.” Sunod naman ang mga cute-cute kong pamangkin.

Dinala ko sila sa playroom kasi nandoon ang triplets kasama si Mommy Jina.

“Angels, nandito ang mga pinsan niyo.” Nang makita nila ito ay nag-uunahan sila sa paglapit.

Tumayo naman mula sa pagkakaupo niya ang mother-in-law ko. “Maghahanda ako ng snack niyo, hija.”

“Samahan na po kita, Tita,” pagboluntaryo ni Ate Zed.

“Sige. Tara.” Hinawakan pa siya nito sa likod. Hinila ko naman si Kuya Hart papasok sa playroom. Busy na sa paglalaro ang anim na bata.

Umupo kami sa pink na sofa. Malaki ang playroom nila at nasa first floor lang ito. Maraming mga laruan sa loob at three colors lang ang makikita mo. Pink, purple and white.

“Kuya,” tawag ko sa kanya sabay kalabit sa braso niya.

Lumingon naman siya matapos magsawa sa pagtingin sa paligid. “Hmm, ano yon?” tanong niya.

“Sorry po noong isang araw na nakita mo ako,” sambit ko. Naalala ko lang kasi ang araw na iyon. Nasaktan ako nang sobra dahil sa pag-d-deny ko.

“Iyong nasa mall ka?” Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “Wala iyon, Jean. Actually, kasama ko si Miko at that time. Ako lang ang unang nakakita sa ’yo. Hinabol kita. I knew that you are my sister. Kahit nag-iba man ang pananamit mo at mga kilos ay kilalang-kilala kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid at hindi puwedeng hindi kita makilala,” sabi niya.

Humilig ako sa balikat niya at naluluha na naman ako. “Sorry po, Kuya. Nasaktan din po ako ng i-deny ko iyon... I need to do that, Kuya...” He kissed my forehead.

“Alam ko. Alam ko, baby girl. Nang sinabi ni Miko na naglaho ka na lang bigla four years ago. Halos mabaliw ako sa nalaman kong iyon... K-Kung wala lang ang Ate Zed mo ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Muntik na ring masira ang magandang relasyon namin ng Brilliantes clan. Dahil sinisisi ko sila kung bakit nawala ka. Pinagkatiwalaan ko sila na aalagaan ka nila nang mabuti katulad ng pag-aalaga ko sa ’yo pero hindi ka nila nagawang protektahan...” Nanginig ang katawan niya habang sinasabi niya iyon.

“Sorry po, Kuya...”

“No, don’t say that... Ako dapat ang mag-sorry dahil sa mga panahon na iyon ay wala rin ako. Dalawang buwan kang nawala noon at bumalik kami sa Pangasinan ni Zed. Doon ka namin hinanap at nang sabihin nila sa ’kin na nakabalik ka na ay agad din kaming lumuwas pero wala na... Wala na naman akong naabutan. Doon na ako sumabog at nasigawan ko silang lahat... Hinayaan nga nila ako na saktan si Miko. Ang lalaking iyon ay wala na sa katinuan. Parang buhay na patay na nga siya. Pangalan mo lang ang nagagawa niyang sambitin. Alam kong nasasaktan din siya pero wala. Galit na galit ako sa kanya noon,” mahabang sambit niya at parang na-p-picture out ko na rin ang mga eksenang iyon.

“Ang mas mahalaga po ngayon ay nandito na ako, Kuya... Kalimutan na po natin ang masasakit na alaalang iyon,” sambit ko at naramdaman ko ang kanyang pagtango. Saka naman niya hinawakan ang baba ko at tinitigan ang mga mata ko.

“Masaya rin ako na muli kang nakakita, Jean. Magaling ka na nga talaga. Na-miss ko ang bangs mo. Kitang-kita tuloy ang malapad mong noo.” Marahan pa niyang pinitik ito.

“Kuya, hindi naman po ito malapad, ah,” nakangusong sambit ko at humalakhak lang siya.

“Anyway, dito muna kami pansamantala. Request ko ito kay Miko. Gusto kitang makasama ulit nang mas matagal at nag-leave pa nga ako sa trabaho ko para may bonding tayong magkapatid. Gusto mong mag-date tayo? Iwan natin ang triplets mo sa Ate Zed mo.” Mabilis akong tumango kasi gusto ko ang idea na iyon.

“Gusto ko po ’yan, Kuya!” masayang sambit ko.

Pagdating nina Mommy Jina at Ate Zed ay tumayo pa si Kuya para kunin ang tray na hawak ni Mommy.

“Kumain muna kayo ng snack niyo.”

“Thanks, Tita.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top