CHAPTER 70

Chapter 70: Safe

“U-UMALIS na tayo rito, Miko,” sambit ko dahil palapit nang palapit ang mga yabag sa aming direksyon. Gusto ko na talagang makaalis dito ngayong nandito na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nang maglakad ako ay napansin niya na paika-ika ang paglalakad ko. Binuhat na lamang niya ako at isinakay sa motor niya. Hinubad niya ang jacket niya para ilagay iyon sa balikat ko. Iyong helmet naman ang sunod niyang isinuot sa akin bago siya sumakay.

“Kumapit ka nang mahigpit sa akin, Kalla. Please, huwag kang bumitaw.” Tumango ako. Dinala niya sa baywang niya ang dalawang braso ko at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya.

Kahit nandito na si Miko ay hindi man lang nawala ang kaba sa aking dibdib. May takot pa rin ako. Paano kung hindi kami makaaaalis dito ng ligtas? Paano kung mahabol kami ng mga tauhan ni Archimedes? Natitiyak kong ibabalik niya ako sa bahay namin tapos sasaktan niya si Miko.

“T-Tara na, Miko... Tara na, please...”

“Okay, okay, baby. Just calm down, please... Hindi kita pababayaan. Mas lalong hindi na kita ibibigay pa sa kanya,” matigas ang boses na saad niya. Pinaharurot na rin niya ang motor niya. Masyado itong mataas kaya halos wala na rin akong naapakan pa. Na isa pa ay masakit pa ang mga paa ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at muli akong nanalangin na sana ay makaalis na kami nang ligtas dito. Hindi na muna ako nag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa maramdaman ko ang paghinto ng motor ni Miko at nang dumilat ako ay nanlambot lang ang puso ko sa nakita.

Pinapalibutan kami ng maraming tauhan at security guards ng isang subdivision. Maliwanag sa paligid dahil na rin sa mga ilaw mula sa poste at sa mga nakaparadang kotse. Armado silang lahat at may suot na uniporme. Alerto sa paligid na parang handa rin na sumabak sa digmaan.

May anim na matatangkad at guwapong lalaki ang lumapit sa amin. Malaki ang pagkakahawig nila kay Miko at nang maramdaman ko ang pamilyar na presensiya nila ay roon pa lang ay nakilala ko na sila.

Isang lalaki ang naglahad ng kamay sa akin at hindi ako nag-alinlangan na tanggapin iyon saka niya ako binuhat para makababa mula sa motor. Maingat nitong tinanggal ang helmet sa ulo ko.

“Jean.” Boses iyon ni Kuya Markus. Tandang-tanda ko pa ang kanyang boses.

“K-Kuya Markus...” Napangiti siya.

“I’m glad that you still recognize my voice kahit na hindi mo pa nakita ang mukha ko noon.” Binigyan ako nito nang isang magaan na yakap at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

Nilingon ko ang katabi niya na dalawang lalaki na iisa lang ang mukha. Iyong kambal na kuya ni Miko. Mabilis na yakap din ang ibinigay nila sa akin.

“Welcome home, Jean.”

“You are now safe, Jean. Nasa pangangalaga ka na ng Brilliantes clan,” sabi naman ni Kuya Michael.

“The Brilliantes clan will protect you no matter what.”

“We’re all family here, Miko’s Donna.”

Hindi ko kilala ang dalawa pa, pero baka mga pinsan din sila. Simpleng bati lang din ang ginawa nila.

“It’s Kuya Darcy and Jemi,” sabi ni Miko at pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko.

“Miko, tumuloy na kayo sa bahay ninyo. Kami na muna ang bahala rito kung may nakasunod man sa inyo.” Huminto ang isang sasakyan na agad binuksan iyon ni Miko.

Hinawakan ko agad ang kamay niya. “H-Hindi ka naman siguro magpapaiwan pa rito, ano Miko?” tanong ko. Umiling siya.

“Sasamahan kita. I told you, hindi kita iiwan nang mag-iisa.” Pagkasakay ko ay umikot siya sa kabila. Pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin at kinabig ang ulo ko para isandal sa balikat niya. “Now can you calm down, baby? Nanginginig ka pa, oh,” sabi niya at hinalik-halikan ang likod ng kamay ko.

“N-Natakot lang ako,” sabi ko.

“Ngayon ay huwag ka nang matakot pa. Marami na kami ang magtatanggol sa ’yo. Hindi ka niya makukuha sa amin. Dadaan muna siya sa bangkay ko, baby.” Sa sinabi niya ay saka ko lang naalala sina Randell at Dalia.

“Miko... Pahiram ako ng phone mo, Miko.” Inilahad ko agad ang kamay ko.

“Why? Sino ang tatawagan mo?”

“Si Randell, nasa hospital si Dalia. K-Kapag nalaman na ni Archimedes na wala na ako sa bahay namin ay baka saktan niya si Dalia.”

“Bakit nasa hospital ang babaeng iyon?” kunot-noong tanong niya.

“Buntis siya,” maiksing sagot ko lang.

“Here, i-dial mo na lang ang contact number nino? Si...iyon ba ang doctor na kaibigan mo dati, Kalla?” tanong niya na ikinatango ko. “So, siya nga ang kaibigan na tumutulong sa ’yo kapalit mo si Dalia?”

“O-Oo.”

“Sa bahay na lang tayo mag-usap, Kalla. Sasabihan ko na lang sina kuya na magpadala ng mga tauhan sa hospital para hanapin ang kaibigan mo.”

“Salamat, Miko.”

“No, don’t say that, baby. Ako dapat ang magpasalamat sa ’yo dahil lumaban ka pa rin at ginawa mo ang lahat para makaalis ka sa bahay na iyon.”

“Thank you...” Hinalikan niya ang sentido ko.

“Kuya, may kaibigan daw si Kalla na sinugod sa hospital. Babae, kailangan niyo siyang makuha dahil baka pagbubuntunan nang galit ng Valderama na iyon. May isa pa, Kuya. Iyong kaibigan na doctor din ni Kalla.” Sana lang ay makuha rin nila agad si Dalia.

Binuhat ako ni Miko papasok sa mansion na ngayon ko lang nakita sa unang beses pero ang ambiance ay pamilyar sa akin. Ibinaba niya ako sa sofa at abala ulit ang mga mata ko sa paligid.

Napaigtad naman ako nang hawakan ni Miko ang paa ko. Nakaluhod na siya sa harapan ko at sinusuri niya ang talampakan ko.

“Fvck, baby... Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sugat ka rito? Ang daming dugo!” Nang hinawi niya pataas ang bestida ko ay nakita ko na ang paa ko na binabalot na ng dugo. “Kuya! I need our family physician here!” Kausap na agad niya sa phone ang kuya niya. “Si Kalla po, may sugat siya at may...may... Shít, kailangan matanggal ang matulis na kahoy sa paa niya. Maraming dugong lumalabas.” Hindi niya magawang matapos-tapos ang sasabihin niya dahil sa pagtulo ng luha niya at pinupunasan niya iyon.

“Okay lang ako, Miko. Kaya ko pa namang tiisin ang sakit,” ani ko at marahan kong tinapik ang balikat niya.

“Dito ka lang. Kukuha ako ng tubig sa basin at towel. Babalik agad ako.” Tumango lang ako. Bago pa nga lang siya umalis ay hinalikan pa niya ang noo ko.

Hindi siya umakyat sa hagdanan dahil sa isang pintuan siya pumasok. Nabigyan ako nang sapat na oras para suriin ang buong bahay. Dito, dito ako nakatira dati kasama si Miko. Nasaan kaya ang mga anak namin? Tulog na ba sila? Pagtingin ko sa relong nasa center table ay 12AM na pala nang madaling araw.

Dahil sa pagtakas ko ay marami akong naabala pero handa pa rin silang protektahan ako. Salamat sa pamilya ng lalaking mahal ko.

Ang bilis ni Miko at nakabalik agad siya. Muli siyang lumuhod at sinimulan niyang linisan ang binti ko pababa sa talampakan ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa sugat ko.

“Ouch... M-Miko, huwag mong pisilin ’yan,” ani ko. Iyong kaliwang ankle ko ang na-sprain at ang kanan naman ay ang may sugat na.

May pumasok sa loob na dalawang babae na malaki ang similarity sa isa’t isa. Halatang magkapatid sila. Sa likuran nila ay may matandang babae at lalaki rin ang pumasok. Kitang-kitang ko ang pag-aalala sa mga mata nila. Akala ko ay wala nang susunod pa pero sa huling taong pumasok ay nagsimula na ulit tumulo ang mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko pero may saya sa puso ko.

“K-Kuya Hart...” Pulang-pula rin ang mga mata niya at may mga luha na sa kanyang pisngi.

“Jean.” Binalot niya ako nang mahigpit na yakap at ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya saka siya tumabi kay Miko. Sinuri niya ang sugat ko.

“S-Saan mo ito nakuha, Jean?” garalgal ang boses na tanong ni Kuya. Umupo na rin sa tabi ko si Miko at niyakap ako.

“N-Noong tumatakbo po ako, Kuya...”

“Na-sprain din yata ang ankle niya sa kaliwa, Daiz.” Maingat na pinisil iyon ni Kuya Hart. Hindi na maampat ang mga luha ko lalo na noong lumapit na rin sa amin ang iba.

Kahit hindi ko sila nakita noon at wala akong idea sa hitsura nila ay sa puso ko malalaman ko kung sino sila.

“Grandma Lorainne, Grandpa Don Brill...” Umupo sila sa sofa na nasa tapat lang nang kinauupuan namin.

“You’re now safe, hija... Huwag ka nang matakot.” Ngumiti lamang ako bilang tugon.

Nang makita ko naman ang injection na hawak ni Kuya Hart ay agad na akong umalma. “Kuya, ayoko niyan.”

“You need this, baby girl. Para hindi ka masaktan kapag tinanggal ko na ang bumaon sa talampakan mo.”

“Ayoko, Kuya. T-Tanggalin mo na lang po iyan at ayos lang po sa akin kahit wala iyan.” Itinuro ko pa ang injection sa kamay niya.

“Jean, anesthesia lang iyan. Para wala kang maramdaman na sakit kapag tinanggal na ni Daiz ang matinik na kahoy na bumaon sa paa mo,” paliwanag ni Miko pero inilingan ko siya.

“A-Ayoko...”

“God, Jean. Bakit mo pahihirapan pa ang sarili mo?” tanong ni Miko sa akin na parang stress na agad siya. Hinawakan pa niya ang dalawang kamay ko para hindi na rin ako makakilos pa.

Si Kuya ay handa na rin talagang iturok sa akin ang anesthesia. I feel like a kid na takot sa injection.

“What’s wrong, Jean? Kailangan mo iyan.” Sa boses pa lang ng babae ay alam ko na kung sino siya. Si Ate Theza.

Ilang beses akong umiling. Hindi ako puwedeng maturukan ng kahit na ano’ng gamot.

“Ang...ang baby ko, Kuya... B-Baka m-mapahamak siya,” sambit ko at lahat sila natigilan sa sinabi ko. Hinawakan ko pa ang nasa bandang sinapupunan ko.

“Y-You’re pregnant...” Parang namutla si Miko sa nalaman niya at si Kuya naman ay salubong na ang kilay niya.

“W-Why—what—I mean... Ang kinikilala mong asawa ang ama...ng pinagbubuntis mo, Jean?” malamig na tanong ng kuya ko. Humigpit ang yakap ni Miko pero agad siyang dumistansya. Tumayo siya at parang hindi na mapakali. “Jean, sagutin mo ang tanong ko.”

“Buwis buhay kang tumakas, Kalla... Habang... habang ako ay nahuli pa nang dating? Hindi man lang kita nagawang ilabas doon?” nagsisising tanong ni Miko. Dumating naman siya.

“Is he the father, Jean? Iyong asawa mo?” Ate Theza asked me. I shook my head.

“Si Miko po,” nahihiyang sagot ko na ikinasinghap pa nila.

“W-Why and how?”

“Paano ka nakatakas, Jean?” seryosong tanong ni Miko. Ibinalik na lang ni Kuya ang injection sa pinaglalagyan nito para simulan ulit ang panggamot. Bumalik si Miko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

“Walang anesthesia. Tiyak akong masakit ito pero hindi natin puwedeng i-risk ang buhay ng batang nasa sinapupunan mo, Jean. Nagtataka lang ako kung paanong si Miko...” Napayuko ako dahil hindi ko rin kayang ipaliwanag. Nahihiya ako.

“Kaya naman ang sabi ng mga kuya mo ay may naging kabit sa pamilya natin. Tsk.” Mas humaba ang nguso ko sa narinig na komento ni Grandpa.

Mariin akong napapikit nang binuhusan na ni kuya ang sugat ko at nakaramdam ako nang hapdi roon. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang paghila ng kung ano sa paa ko.

Kinabig ni Miko ang ulo ko. Ilang beses niyang hinalikan ang noo ko at inalo niya lang ako pero hindi ko pa rin napigilan ang mapahikbi.

“M-Masakit, Kuya...”

“Kaunting tiis na lang, Jean. Matatanggal mo na ito.” Ramdam ko ang bayolenteng pagtaas-baba ng dibdib ni Miko.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at tiniis ko ulit ang sakit hanggang sa magawa nang makuha iyon ni Kuya Hart.

“Maliit na tinik lang at maghihilom din agad ang sugat mo, Jean.” Binendahan na agad niya iyon.

“Good job, baby... Good job...”

May mga galos pa ako sa braso na nilagyan din iyon ni Kuya ng ointment. Nakita niya tuloy kung ano ang nasa leeg ko.

“Jean... Bakit may pasa ka rito?” tanong niya. Nandilim tuloy ang ekspresyon ng mukha niya at ganoon din si Miko.

“Nalaman ni Archimedes ang secret namin ni Randell at si Dalia, tinulak niya sa pader. Sinaktan niya kahit alam niyang buntis...”

“Does he know that you are pregnant too, Miss?” tanong ni Miko. I nodded.

“Kaya... nagawa niya akong...” Bumuntong-hininga ako. “I told him...handa kong buksan ang puso ko para sa kanya—”

“Gagawin mo iyon, Kalla?” tanong niya. Kahit ayokong sabihin ay tinanguan ko na lang iyon.

“Kailangan kong gawin iyon para mailigtas si Dalia at ang anak niya... But he wants to abort our child na in return dadalhin niya sa hospital si Dalia para ipagamot dahil dinugo siya kanina and iyong anak nila ni Dalia ang aampunin namin.”

“Pûtàng-ina.” Hinila ko pababa ang damit ni Miko dahil may balak na naman siyang tumayo.

“Paano ka nakatakas, hija? Nabulabog lang iyong mga kuya at pinsan nitong si Miko nang sinabi niya na aalis siya para sunduin ka. Kailangan niyo raw ng back-up pero sinabi niya iyon sa labas at mabilis na pinaharurot ang motor niya. May sumunod naman sa kanya na naka-motor din,” paliwanag ni Grandpa.

“Sa guard house na lang nag-abang ang lahat para sa pagdating niyo. Nakakakaba naman kayo,” sabi naman ni Ate Theza.

“Napagtanto ko po na ni minsan pala ay hindi ko sinubukan na tumakas at hindi ako naging selfish. I-Inaalala ko po palagi ang kaligtasan ng pamilya ko, Grandpa... Pero...ayoko na po roon... Ako lang ang nahihirapan. Hanggang sa naisipan ko na lang ang tumakas,” pahayag ko pa at lahat sila ay nagkaroon ng interes na marinig pa ang paliwanag ko.

“Tapos? Saan ka dumaan?”

“Sa balkonahe ko. May mga bantay na sa bahay kaya wala na po akong choice kundi bumaba mula roon.”

“Tumalon ka ba, Miss? Kaya may sprain ang ankle mo?” Inilingan ko si Miko. Nasa boses na naman niya ang kaba.

“Iyong mga kumot na tinali ko lang pero hindi umabot sa lupa at bago pa man ako makapaghanda sa pagtalon ko ay nabitawan ko na ang kumot. Nanginginig na kasi ang mga kamay ko at masakit na. Hindi maganda ang pagbagsak ko at nawalan din ako nang balanse,” sagot ko.

“Kaya ka pala nagkaroon ng mga gasgas at galos sa mga braso mo. Ang dami mong pinagdaanan bago ka nakarating dito, Jean,” sabi ni kuya na naiyak lang sa huli.

“A-Ang gusto ko lang po ay makaalis sa lugar na iyon,” sambit ko.

“Miko, ipagpahinga mo muna ang kapatid ko. Bukas na lang natin siya kausapin ulit.”

Bago nga ako pinatulog ni Miko ay pinunasan pa niya ng maligamgam sa tubig ang katawan ko at siya rin ang nagbihis sa akin. Gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko. Pinainom pa niya ako ng tubig.

“Sleep, Miss. Babantayan kita,” sabi niya. Nakaunan ako sa hita niya at yakap ko ang binti niya. He even caressed my hair.

“N-Nasaan ang mga anak natin, Miko?” tanong ko.

“Nasa kuwarto nila, Miss. Bukas mo na lang sila harapin. Kailangan mo munang magpahinga. Remember na may baby na ulit sa tummy mo.” He kissed my forehead. I nodded.

Pumikit na ako at dahil masakit ang mga mata ko ay nakatulog din ako. Mahimbing na nga ang tulog ko. Nagising lang ako sa narinig ko na mahinang boses na tila nag-uusap. Nasa paligid lang sila.

Masilaw pa noong sinubukan kong dumilat na kalaunan ay nakapag-adjust din ako. Bumungad sa akin ang tatlong Mika ko na nakaupo sa paanan ng kama at naka-Indian sit ang dalawa tapos ang isa ay nakadapa. Nag-uusap nga silang tatlo.

“Bakit nasa house natin si pretty?”

“And what happened sa foot niya? May sugat yata siya there.”

“I told you, behave lang muna kayo. Magigising natin si pretty.” Napangiti ako and naiyak na rin at the same time. Sa pagsinghot ko ay napatingin silang lahat sa akin.

“Pretty, gising na!”

“Eh, why siya nag-cry?”

“Si Daddy! Dad! Gising na po si pretty!” Tumakbo pa palabas si Shynara para lang tawagin ang daddy niya. Hindi makalapit sa akin ang mga anak ko dahil hindi nila alam ang gagawin nila. Umiiyak lang ako sa naghahalong emosyon sa aking dibdib. Nag-uulap na nga rin ang paningin ko hanggang sa pumasok na si Miko na buhat-buhat ang panganay namin.

“Kalla.” Nang makasampa siya sa kama ay agad akong yumakap sa kanya. Humalik siya sa noo ko. “Good morning, baby. Tahan na...”

“H-Hindi ba ito isang... panaginip lang, Miko?” naiiyak kong tanong. Kasi baka hindi ito totoo. Na baka nananaginip lamang ako. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa baywang ko.

“You’re not dreaming, Miss. Wala ka na sa poder ng lalaking iyon at kasama mo na ngayon ang totoo mong pamilya. Ako, at ang mga anak natin, Jean... Tama, hindi na ikaw si Kallani Soleil Carvento-Valderama. Ikaw na ulit si Donna Jean V. Lodivero. Ang ina ng mga anak ko.” Lumakas ang pag-iyak ko sa sinabi niya. Napuno na ulit ng kasiyahan ang  puso ko. “What are you waiting for, my angels? Hug your Mom, already. She’s your Mommy Donna.”

“Oh, Mommy! Welcome home po!”

“Welcome home, Mommy Pretty!”

“We loves you, Mommy Donna.” Lahat sila ay nagawa akong yakapin kaya ganoon din ang ginawa ko. Naiiyak na may kasamang ngiti sa labi ko.

Masayang-masaya na ako ngayon at sana lang ay wala ng magiging hadlang pa. Na sana lang ay hindi na matatapos ang kasiyahan na ito. Masaya na ako na makasama ang mga anak ko at si Miko.

“And we’re expecting a new member of the family, angels.”

“What po?”

“Huwag niyo masyadong ipitin ang mommy niyo dahil may baby sa tummy niya.”

“A baby brother po, Dad?!”

“Let’s wish for it, anak.”

“Wow!”

***

“Five weeks pregnant, mahigpit ang kapit ng baby kaya hindi siya naabala sa pamamahinga niya sa tummy ng Mommy niya kahit ilang beses pa itong nadapa. Kailangan niya lang inumin ang mga vitamins niya and huwag kalimutan ang Do’s and don’ts,” nakangiting sabi ng doctora. After ng breakfast namin ay dumating ang OB-Gyne doctor ng pamilya nila.

Until now ay hindi pa rin sila makapaniwala na muli nga akong nabuntis ni Miko. Hindi naman nila pinagdududahan ang batang nasa sinapupunan ko.

“Thank you po, doc,” nakangiting pasasalamat ko.

“You are so strong and brave, kaya nararamdaman iyon ng baby mo,” sabi niya at natuwa ako roon.

Nandito sina Ate Zedian at ang tatlong pamangkin ko. Naiyak kami pareho dahil sa wakas ay nagkita-kita na ulit kami.

Sina Shynara, Shahara at Shanea ay hindi na sila humiwalay pa sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila dahil hindi na naglaho pa ang ngiti sa mga labi nila. Nang pumasok sa kuwarto si Miko ay parang may good news siya.

“Jean, nasa pangangalaga na namin sina Dalia at Randell pero si Valderama...”

“Ano ang tungkol sa kanya, Miko? N-Nahuli na ba siya?” Umiling siya.

“Nagsampa siya ng kaso laban sa amin na kinidnap daw namin ang asawa niya. Ipinaglalaban pa rin niya iyon at gusto ka niyang makuha.”

“P-Pero ayoko nang bumalik pa roon, Miko.”

“Siyempre hindi na. Bakit kita ibabalik pa sa kanya?”

“But paano na iyon?”

“Ayokong iharap sa kanila dahil buntis ka. Pero kailangang, ihaharap kita bilang si Donna Jean at asawa ko...” nakangising sabi niya dahilan na kumunot ang noo ko.

“Hindi naman tayo mag-asawa, Miko. Ano naman ang pinagsasabi mo riyan?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Hindi tayo ikinasal pero mag-asawa na tayo,” sabi niya sabay halik sa lips ko kaya humagikhik ang mga anak namin. Naguluhan ako sa sinabi ni Miko. “Thank you for making me a father again, Miss. Sana lalaki na this time,” sabi niya sabay haplos sa tiyan ko. Napangiti ako.

“Gusto ko rin, Miko,” tumatangong sabi ko.

“Ngayon, hindi na tayo maghihiwalay pa at hindi ko na hahayaan pa na mawalan ng ina ang mga anak ko.”

“Mahal ko kayo,” sambit ko at muli akong pinalibutan ng tatlong Mika.

“We loves you too, Mommy,” they said in unison.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top