CHAPTER 69

Chapter 69: Escaping

ILANG beses kong pinag-isipan ang sasabihin ko kay Archimedes. Kahit na may pag-aalinlangan pa sa dibdib ko na parang ang bigat dito. Nagtatalo na nga ang isip at puso ko.

Sa tuwing pipiliin ko naman na isakripisyo ulit ang buhay ko ay naaawa ako sa magiging buhay ng anak ko at may guilt din sa dibdib ko kapag itinago ko kay Miko ang katotohanan na magkakaroon na naman siya ng anak sa akin.

Gulong-gulo na ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiisip ko rin naman si Dalia at ang lahat ng sakripisyo niya para sa sarili ko. It’s my turn to help her with her child.

Dahil kapag nalaman ni Archimedes ang sekreto namin ay may posibilidad na sasaktan niya si Dalia. Kaya mas mabuting ako na lang ang magsasakripisyo. Hindi ako magagawang saktan ng asawa ko dahil malalaman niyang pinagbubuntis ko na ang anak niya.

Iyon na sana ang magiging plano ko pero nagulat na lamang ako nang makita kong hila-hila na niya si Dalia at umiiyak na ito dahil sa buhok niya ito hinawakan.

“Hanggang kailan niyo ako lolokohin, Kallani?! Hanggang kailan niyo ako gagawin na tanga, ha?!” Agad akong kumilos bago pa man niya itulak si Dalia. Muntik pa kaming matumba nang nagawa ko na siyang saluhin.

Paano naman kaya nalaman ni Archimedes ang lahat ng ito? Bakit nabibigla na lamang ako palagi?

Naiiyak na sa takot si Dalia kaya itinago ko na lamang siya sa likod ko. “Bakit mo ba siya sinasaktan, Archimedes?” tanong ko na parang nagkukunwari pa rin na walang alam.

“Are you trying to deny the truth, sweetheart? All this time ay siya lang pala ang kasama ko sa kama at hindi ikaw?! Akala mo ay hindi ko malalaman, ha? Alam ko rin kung kaninong ama ang pinagbubuntis mo ngayon!”

“P-Paano mo—” I didn’t finish my words when he slapped me so hard.

“Marami pa rin akong mga mata, Kalla... Kahit nagkakaproblema ako sa kompanya ko ay alam ko pa rin ang pinaggagawa niyo ni Randell! Ang isa pang hayòp na iyon na walang utang na loob! Nagawa ka pa niyang tulungan at kumuha ng isang prostitute para lang maging replacement mo? Kalla... Ibinigay ko sa ’yo ang lahat! Minahal kita pero nagagawa mo pa rin akong lokohin.” Hindi ako nakakilos nang hawakan niya ang panga ko.

Nagsimula na akong balutin nang takot at kaba. Walang buhay at punong-puno na ng galit ang mga mata niya.

“H-Hon... N-Nasasaktan ako...” naiiyak na sambit ko at bumaba ang kamay niya sa leeg ko.

“K-Kalla...” sambit ni Dalia sa pangalan ko.

“Hon... Ginawa mo rin akong tanga, Kalla. Pinaniwala mo ako na mahal mo rin ako pero hindi... Na kahit ang totoo ay siya pa rin... Siya pa rin ang mahal mo, Kalla...” He was choking me at hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay puputok ang ugat sa sentido ko. Nahihirapan na akong huminga.

“Ako na lang ang saktan mo at huwag si Kalla!” sigaw ni Dalia. Gusto ko siyang pigilan at hayaan na lamang niya ako.

Nang subukan niya ngang hilahin si Archimedes ay siya lang ang nasaktan. Nagawa siya nitong ihagis at tumama ang likod niya sa malamig na pader ng kuwarto ko.

“A-Archimedes...”

“A-Ang...baby ko... Ang baby ko...” Hinampas ko na ang kamay niya at umiiyak na ako. Umiiyak na ako sa naghahalong emosyon hanggang sa bitawan na niya ako. Habol-habol ko na ang hininga ko at ramdam ko pa rin ang kamay niya sa aking leeg.

Umawang ang bibig ko nang makita ko ang kalagayan ni Dalia. May dugo... May dugo sa paanan niya. When I tried to approach her ay pinigilan na naman ako ng asawa ko. Hinagis niya ako sa kama.

“Archimedes... B-Bakit ba ginagawa mo ito sa akin? B-Bakit ba p-palagi mo na lang a-akong...sinasaktan? A-Akala ko ba ay m-mahal mo ako?” humihikbing sambit ko.

“I did nothing but loving you, Kalla...”

“P-Please... H-Help her... Help her, Archimedes... N-Ngayon... susubukan ko na... Susubukan na kitang mahalin, hon... Please, iligtas mo si Dalia... A-Anak mo pa rin ang batang dala-dala niya... Please...”

“Ano ang makukuha kong kapalit para sundin kita, sweetheart?” tanong niya.

“Kahit ano ang hilingin mo, Archimedes. Ibibigay ko...”

“I want you to abort the child and we can adopt her kid, he’s my flesh and blood after all, and I want you to be mind alone, Kalla...” Tinanguan ko siya kahit labag sa loob ko, “And babalik na tayo sa Indonesia.”

Nilapitan na niya si Dalia at binuhat niya ito. Nang sinubukan ko namang bumangon at nagtungo sa pintuan ay parang nanlulumo na lamang akong napasalampak sa sahig dahil nakasarado na ito mula sa labas. Naiyak na lamang ako. Wala na... Wala na nga talaga akong kawala pa.

Sa pag-iyak ko ay naalala ko ang sinabi ng batang tumingin sa palad ko. Si Lucca.

“Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan,” seryosong sabi niya at nanginig ang katawan ko.

B-Bakit? Bakit naman ganoon ang sinabi niya? Hindi ba siya nagkakamali lang? Dapat ko na bang paniwalaan iyon? Pero katulad nga ng sinabi ko kanina ay walang mawawala sa akin kung paniniwalaan ko rin siya.

“M-Maagang kamatayan?” nauutal kong tanong at bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Minsan ka na rin pong nakipaglaban kay kamatayan at alam kong makaliligtas ka. Ang pangatlo naman po ang siyang magbibigay sa ’yo ng liwanag ngunit mali ang kanyang piniling pag-ibig. Ate sa piling po niya ay mararanasan mo ang isang buhay na prinsesa pero hindi po niya kayang pantayan ang pag-ibig ng pangalawang lalaki. Higit pa sa isang reyna ang ituturing niya sa ’yo. Ililigtas ka niya mula sa panganib kahit buhay pa niya ang kapalit. Ang huling dalawang lalaki ay malaki ang magiging role nila sa buhay mo, Ate Donna. Maaaring magiging masaya ka sa umpisa pero hindi ito magtatagal. Ikaw rin po ang magtutulak patungo sa kamatayan ng pangalawang lalaki. Paghandaan mo po ang mangyayari sa hinaharap at sana piliin mo ang siyang karapat-dapat talaga. Kung alam mo pong mapanganib ay huwag mong pilitin at iyo’y bitiwan agad dahil magsisisi ka rin po sa huli.”

“P-Puwede ko bang maiwasan iyon? Ano ba ang puwede kong gawin?”

“Sundin mo lang po ang siyang sinasabi ng iyong puso, Ate. Pero ang kapalaran po ay tayo ang gumagawa ngunit hindi natin puwedeng iwasan. Kasi, Ate. Tatlong buhay po ang dadalhin mo.”

“Ngunit mauuna po ang tatlong buhay. Iyon nga lang po ay pansamantala mo lang silang dadalhin at makakasama.” Ngayon ko mas naunawaan ang ibig sabihin nito sa tatlong buhay. Iyon ang mga anak ko.

“Paghandaan mo po ang mangyayari sa hinaharap at sana piliin mo ang siyang karapat-dapat talaga. Kung alam mo pong mapanganib ay huwag mong pilitin at iyo’y bitiwan agad dahil magsisisi ka rin po sa huli.”

Tama ba ang pinili ko ang manatili sa tabi ni Archimedes dahil sa paniniwala ko na ligtas ang mag-aama ko kapag pinili ko rin ang lumayo mula sa kanila? Kahit na...may posibilidad na mas masasaktan lang ako? Ito naman ang dapat, hindi ba? Ang isakripisyo ang sarili mo alang-alang sa kanila.

“Sundin mo lang po ang siyang sinasabi ng iyong puso, Ate.”

Pumikit ako at nanalangin, nanghihingi ng senyales kung ano ba ang pipiliin ko. Pero bigla na lang lumitaw ang imahe sa isip ko. Imahe ng mga taong mahal na mahal ko.

Gustong-gusto ko silang makasama. Gusto kong makasama sila na wala ng hahadlang pa. Iyon ang gusto ng puso ko.

Napamulat ako at isang desisyon agad nabuo sa utak ko. Humugot ako nang malalim na hininga at agad kong kinuha sa ilalim ng carpet ang cellphone na keypad, na bigay ni Miko kapag kailangan ko ng tulong niya. Nanginginig pa ang kamay ko nang buksan ko ito.

Tinagawan ko na si Miko at sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Hinintay ko ang pagsagot niya mula sa kabilang linya pero walang sumasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan at iyak nang iyak na ako kasi hindi siya sumasagot. Siguro dahil sa sinabi kong mas pinipili ko ang asawa ko at magiging masaya naman ako kapag susubukan kong buksan ulit ang puso ko sa isang pagkakataon na pagmamahal sa ibang lalaki. Siguro ay nagalit na naman siya kasi hindi ko siya pinili.

Kung kailan gusto ko nang sumama sa kanya ay saka pa siya hindi sasagot sa mga tawag ko. Saka pa siya hindi makakarating.

Napahinto lang ako nang marinig ko ang maraming yabag ng sapatos sa paligid. Alam kong mga tauhan na iyon ni Archimedes. Hindi na niya hahayaan na may makapasok pa sa bahay namin kaya magbabantay na sila sa paligid ng bahay namin. Hinawakan ko ang locket ko at hinalikan ko ito saka ako nagtungo sa balkonahe.

Manipis na spaghetti strap dress ang suot ko at wala akong slipper pero kailangan kong tumalon mula rito at pababa. But I can’t... Ang baby ko... Ayokong mapahamak siya dahil lang sa pagtalon ko. Ngunit kung hindi ako aalis dito ay baka hindi ko na makita pa ang pamilya ko. Natatakot ako... Natatakot ako na baka pagsisihan ko na ito habang-buhay kapag hindi pa ako gumawa nang paraan.

Mariin akong napapikit at halos sabunutan ko na ang buhok sa sobrang inis nang nararamdaman ko. Napatingin ako sa kama ko at pumasok ako sa walk-in closet para kumuha ako ng mga kumot. Makapal ito at alam kong mahirap mapunit, hindi ako ipapahamak nito.

Nagawa kong itali ang mga ito at tinalo ko rin sa railing. Hinaplos ko ang sinapupunan ko at huminga ulit ako nang malalim.

“Please, baby... Kapit ka lang, ha? Kapit ka lang kay Mommy. Aalis tayo... Aalis na tayo rito at makakasama na natin si Daddy at ang tatlong ate mo... Please...huwag kang bumitaw, ha? Dito ka lang sa tabi ni Mommy... K-Kailangan pa kita, anak ko... Kaya natin ito...”

Pinagpawisan pa ako noong itinali ko ang tatlong kumot pero hindi man lang umabot sa lupa. Nahirapan ako sa pagbaba at humapdi agad ang mga braso ko sa tuwing nadidiin ako sa pader. Pinaghandaan ko pa lang ang pagtalon ko sa baba nang nabitawan ko na ang kumot dahil sa pamamanhid ng mga palad ko. Masakit na talaga ito dahil hindi ko na kaya pang hawakan.

Ang paa ko pa rin ang unang bumagsak pero nawalan pa rin ako nang balanse. Naiyak ako sa sakit dahil mukhang na-sprain ang ankle ko. Hinimas-himas ko iyon at hanggang dito sa ibaba ay may naririnig pa rin ako na mga yabag at nararamdaman ko ang maraming presensiya. Buong puwersa ko na ulit itinayo ang sarili ko at walang lingon-lingon na tumakbo na ako palayo.

Madilim, malamig at sa huni ng iba’t ibang ibon na maririnig ko ay nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan pero ang lahat ng iyon ay binalewala ko na. Dahil kapag nakalabas na ako sa kagubatan na ito ay matatapos na ang paghihirap ko at makakasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.

Kaunting tiis na lang... Kaya natin ito, ’di ba, anak? Makakaya natin ito... Hawak-hawak ko ang tiyan ko para mas maramdaman ko ang presensiya ng anak ko. Sa pagod ko ay ilang beses akong nadapa at parang walang katapusan ang pagtakbo ko sa madilim na lugar na ito.

Nalamalisbis lang ang mga luha ko hanggang sa may naramdaman ako na isang matulis na kahoy na bumaon sa talampakan ko nang maapakan ko ito. Doon na ako tuluyang bumagsak at hindi na nakabangon pa.

Pakiramdam ko ay saglit na huminto ang pag-ikot ng mundo at ang paghinto rin nang oras. Nawala ang aking pandinig na tanging mabilis na tibok lang ng puso ko ang siyang naririnig ko. Ngunit sa kabila no’n ay napatingin ako sa cellphone kong umiilaw. Inabot iyon nang nanginginig kong kamay at nagkaroon ako ng pag-asa na makaalis dito nang makita ko na ang pangalan ni Miko na lumitaw sa maliit na screen. Sinagot ko ito at napahikbi na ako nang marinig ko na ang boses niya. Nabuhayan ulit ako nang loob.

“Thanks God... Sinagot mo na agad ang tawag ko. I’m sorry, Kalla... B-Bakit ka napatawag? May nangyari ba?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Miko...” sambit ko sa pangalan niya na may kasama pang pag-iyak.

“Tell me, baby... Sinaktan ka na naman ba niya, ha?”

“Miko, s-sunduin mo na ako ngayon... N-Nasa labas na ako, Miko... Nagawa kong...umalis sa bahay namin... Nasa loob ako ng kagubatan... H-Hindi ko alam kung saan...ako puwedeng lumabas dito... Madilim... N-Natatakot ako na baka...mahalata nilang wala na ako sa kuwarto ko o kaya naman...ay mahabol nila ako hanggang dito... Please, Miko... P-Puntahan mo na ako rito...” pagmamakaawa ko.

“God, baby... Hindi ko nakita ang location mo! Hintayin mo ako... Huwag kang umalis diyan and please...don’t hang up the phone... Please, please... Kalla.”

“H-Hihintayin kita, Miko... Hihintayin kita...” sambit ko na umaasang darating siya para sunduin ako.

“Darating ako, baby... Darating ako, kaya huwag kang umalis diyan, okay?” Tumango ako bilang tugon kahit na hindi pa niya ako nakikita.

Pinilit ko na rin ang bumangon at pinunasan ko ang mga luha ko na dumadaloy pa rin sa aking pisngi. Ngayon ko mas naramdaman ang pananakit ng talampakan ko.

Naririnig ko pa rin ang ingay sa kabilang linya na maski ang paghinga ni Miko ay hindi rin nakatakas sa aking pandinig.

“Aw...” mahinang daing ko nang mahawakan ko ang paa ko. May dugo, kung ganoon ay nagkaroon nga ako ng sugat.

“Please, stop crying, Kalla... Tumahan ka na dahil darating na ako this time... Kaunting minuto na lang, Miss...”

“I p-promise you too that I won’t leave here hangga’t hindi ka pa dumarating.”

“Don’t make any promise, baby. Basta diyan ka lang at hintayin mo ako.”

Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako nang pagtahol ng aso. Nakaramdam na naman ulit ako nang takot.

“M-Miko...” Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Miko. “Miko... M-May n-naghahanap na yata sa akin... Marami...maraming mga yabag ng sapatos akong naririnig... Miko...”

“Calm down, baby...”

“N-Natatakot na ako... Natatakot na ako, Miko...” Kahit nahihirapan na naman akong tumayo ay nagawa ko naman ulit saka walang direksyon na tumakbo na ako.

Nang lumihis ako ng daan ay may kalsada na akong naaapakan. Kahit ang buwan ay walang makikita. Sa pagtakbo ko ay nakita ko ang ilaw na papalapit sa aking direksyon. Sa halip na matakot ako na baka tauhan siya ni Archimedes ay hindi ako nagtago dahil sa narinig kong boses ni Miko.

“I saw you, Kalla.”

Mabilis na bumaba siya mula sa motor niya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya.

“M-Miko...”

“N-Nandito na ako, Kalla... N-Nandito na ako...” I cried out loud. Hindi ako binigo ni Miko this time ay dumating siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top