CHAPTER 68
Chapter 68: Pregnant
KALLA’S POV
“AYAW mo ba sa mga luto ko, Kalla? May gusto ka bang kainin na iba?” tanong sa akin ni Dalia nang mapansin niya na halos hindi ko ginagalaw ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. Siya mismo ang nagluto ng mga ito. Mukha namang masarap, sa hitsura pa lang.
But I can’t, parang wala kasi akong ganang kumain at pakiramdam ko ay hindi dadaan sa lalamunan ko ang mga luto niya. Iba ang hinahanap ng panlasa ko.
“May iba akong gustong kainin. Hindi ang mga ito, Dalia,” sabi ko at bumuntong-hininga.
“But you need to eat that, Kalla. Nasa living room si Archimedes. Hindi puwedeng wala kang kakainin,” sabi niya at iniurong ko na lamang ang platito ko. Ayokong kumain.
“Wala talaga akong ganang kumain. Gutom ako pero wala akong gana. Masama pa yata ang pakiramdam ko,” pagdadahilan ko at siya naman ang napabuntong-hininga.
“Ipagluluto na lamang kita ng iba. Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mo.” Umiling ako dahil wala akong idea kung ano ang kakainin ko. “Kalla, naman. Ipapahamak mo yata ang sarili mo, eh.”
“Gawan mo na lang ako ng sandwich, Dalia. Puwede bang ihatid mo na lang sa kuwarto ko? Gusto kong magpahinga agad, eh.”
“Okay sige. Madali lang ito kaya hintayin mo na lang.”
Nadaanan ko pa si Archimedes. May kasama na siya at secretary niya iyon. Sa pagiging abala nila ay hindi na nila ako napansin pa. Mas mabuti iyon. Pero nasa hagdanan na ako nang tawagin niya ako. Akala ko ay ligtas na ako.
“Kalla. Mawawala muna ako nang tatlong araw. Inaasahan ko na wala kang gagawin dito na hindi ko magugustuhan,” babala niya at gumamit pa talaga siya ng awtoridad. Pabor sa akin kapag wala siya rito sa bahay. Makakahinga na ako nang maayos.
“Ano naman ang gagawin ko rito, Archimedes? Bumalik ka na naman sa dati at ikinulong mo na naman ako sa liblib na kagubatan. Ang akala mo naman yata ay kaya kong lumabas dito,” malamig na sabi ko.
“Ginagawa ko ito para sa ’yo, Kalla,” mariin na saad niya.
Hinarap ko siya na walang ekspresyon ang mukha. “Para sa akin? Pero ginagawa mo akong preso mo and the worst you did is sinasaktan mo na ako physically, Archimedes.” Nag-iwas siya nang tingin dahil doon at hindi na nga siya nakaimik pa kaya tumuloy na lang ako sa kuwarto ko.
Umupo ako sa paanan ng kama at mayamaya lang ay nakasunod na agad si Dalia. Tahimik niya lang ibinaba sa center table ang tray.
“Kainin mo na ito, Kalla. Dalawang sandwich ang ginawa ko para sa ’yo at saka kape. Please, help yourself,” she said.
“Sige,” sabi ko lang pero hindi ko na nagawa pang galawin iyon. Nakarinig na lang ako ng isang sasakyan at sumilip ako sa balkonahe. Paalis na nga si Archimedes. Importante yata ang gagawin nila kaya hindi puwedeng ipagpabukas na lamang ang pag-alis niya.
Curious na ako kung ano ba talaga ang problemang kinakaharap ngayon ni Archimedes. Parang hindi rin naman siya mapakali.
Umupo na lamang ako sa carpeted floor at isinubsob ko ang paanan ng kama. Naririnig ko ang pagtunog ng tiyan ko pero wala talaga akong gana na kumain. Hindi ko matukoy kung ano nga ba talaga iyon.
Sa pagmuni-muni ko ay naramdaman ko ang pamilyar na presensiya at bago pa man ako lumingon dito ay may mahigpit nang yumakap mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman si Miko.
“Bakit mukhang malungkot ka, Kalla? Nag-away ba kayo ng hilaw mong asawa?” seryosong tanong niya. Hinawakan ko ang braso niya.
“Ano ba ang ginagawa mo rito, Miko? H-Hindi ba ang sabi ko at huwag ka nang bumalik pa rito?” kinakabahan na tanong ko at halos maiyak na naman ako dahil nandito na naman siya. “Miko, huwag mo namang dagdagan pa ang pag-alala ko sa dibdib, pakiusap,” dugtong ko pa. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo pababa sa pisngi ko. “M-Miko, naman...” Ang tigas-tigas talaga ng ulo niya! Daig niya pa ang bata pero mabuti pa nga ang bata ay marunong sumunod. Eh, siya?
Pero inaamin ko na gumaan bigla ang bigat sa dibdib ko nang makita ko ulit siya at nayakap ko pa nang sobrang higpit. I rested my head on his chest. Ano pa ba ang magagawa ko, eh nandito na siya?
“I’m fine. Nag-iingat na ako, Miss. Wala kang dapat ikabahala sa akin. Kaaalis lang ng lalaking iyon,” sabi niya at nag-angat ako nang tingin sa kanya ay siniil niya ako nang mariin na halik. Mabilis ko ring tinugunan iyon na muntik na naman kaming maubusan nang hangin sa bibig. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalik-halikan na lamang ang gilid ng labi ko. “I love you... Kumusta ka rito?”
Umupo na rin siya sa tabi ko na nakasandal sa kama. Hinayaan ko ang sarili ko na ibigay sa kanya ang buong bigat ko na sinasalo naman niya.
“Ayos lang naman ako,” sagot ko.
“Hindi ka ba niya sinasaktan?” tanong niya pero umiling ako.
“Hindi,” tipid na sagot ko at naramdaman ko ang marahan niyang paggalaw.
“Kalla, bakit hindi mo kinain ang sandwich mo, oh?” Sinilip ko lang iyon sa center table.
“Hindi pa ako kumakain ng dinner ko,” sabi ko.
“Tsk. Kaya pala hindi ako mapakali dahil ginugutom mo ang sarili mo.” Napanguso ako nang pinitik niya ang noo ko. Nang makita niyang hinahaplos ko iyon ay pinatakan niya lang ng halik.
“Wala akong ganang kumain. Parang hindi masarap ang mga luto ni Dalia. Ayoko sa mga iyon,” sumbong ko sa kanya.
“Kahit hindi mo gusto ang mga pagkain ay kailangan na may laman pa rin iyang sikmura mo. Para naman may lakas ka at hindi ka magsakit. Teka nga lang, kukunin ko.” Humiwalay siya sa akin para kunin ang tray. Ibinaba niya iyon sa sahig saka niya ako niyakap ulit. Kinuha niya ang isang sandwich at nang malanghap ko ang amoy ng mayonnaise ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko para maiwasan ko iyon. “Ano’ng trip ’yan, Miss? Kainin mo muna ’to.”
“Ayoko niyan, Miko,” ani ko na sinabayan ko pa rin nang pag-iling.
“Ayoko rin sa trip mo, baby. You need to eat this. Huwag kang maarte.” Naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya pero pinipili niyang dumistansya ako para lang masubuan niya ito. I took a deep breath at kinagatan ko na lang ito.
Napapangiwi ako sa tuwing nalalasahan ko ang mayonnaise. Kumukunot ang noo niya sa tuwing nakikita ang reaksyon ko. “Ayoko nito, Miko. Ang pangit ng lasa,” ani ko pero inilingan niya ako.
“Kainin mo.”
“Ayoko rin ng kape. Sa ’yo na ’yan.”
Napilit niya akong kainin ang dalawang sandwich at naubos ko rin ang laman ng baso, iyong tubig.
“Very good.” Napasimangot ako.
“Hindi ako bata, Miko,” mariin na sabi ko at nagkibit-balikat lamang siya.
“May ipapamirma pala ako sa ’yo, Kalla,” aniya nang punasan niya ang gilid ng labi ko.
“What is it? And para saan ang pirma?” I asked him in confused.
“Basta. Huwag ka nang maraming tanong pa.” May dala siyang isang malaking tote bag at naglabas ng folder na tinupi niya lang din.
Ibinigay niya sa akin ang sign pen at saka itinuro kung saan ako pipirma. “Para saan ba talaga ito?” nagtatakang tanong ko pa rin.
“Pumirma ka na lang, Kalla. Wala na akong oras. Kailangan ko na ring umalis agad.” Tumango na lamang ako at bago pa ako makapirma nang magsalita na agad siya. “Iyong totoong pangalan at pirma mo bilang si Donna Jean, Miss.”
“Oo na nga.” Marami akong pinirmahan at nang matapos na iyon lahat ay napangisi siya. “Hindi mo naman siguro ako ipapahamak dahil lang sa mga papeles na ’yan, Miko, ano?” tanong ko na may kaba sa dibdib.
“Bakit naman kita ipapahamak? Mahal kita, Miss.” Mariin niyang hinalikan ang balikat ko at sunod na naman ang mga labi ko. Humiwalay rin naman agad siya at hinawi ang buhok ko, hinalikan pa niya ang dulo nito. Hinawakan niya ang kamay ko at tila may sinusuri siya roon. “Sorry kung nagawa kong saktan noon ang kamay mo, baby. Hindi ko iyon sinasadya,” paghingi niya nang paumanhin at nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.
I smiled at him. “Matagal na iyon. Kalimutan mo na,” sabi ko at napatitig siya sa leeg ko. Sa kuwintas.
“Nalaman ba ni Valderama ang nangyari sa atin kaya dinala ka niya rito?” he asked.
“Isa akong Valderama,” ani ko.
“Pûtàng-ina, huwag mong ipagmalaki ’yan sa akin, Kalla,” malamig na sabi niya at napanguso ako. Pinisil niya nang mariin ang tagiliran ko na may scar kaya tinabig ko iyon.
“Alangan namn na isa akong Brilliantes? Eh, hindi naman tayo kinasal. Iniwan mo pa ako sa pedestrian lane.” Mabilis na nangilid ang mga luha niya at napasinghot siya.
“I’m sorry. Isa iyon sa pinagsisisihan kong ginawa ko noon sa ’yo, baby.” I cupped his jaw.
“I’m fine na,” nakangiting sambit ko. He buried his face on my shoulder as he cried silently. Hindi ko rin mapigilan na alalahanin iyon kahit mga boses lang ang naririnig ko pero na-p-picture out ko na iyon.
“T-Takot na takot ako noon, Miko... W-Wala akong makita... H-Hindi ko maramdaman ang presensiya mo... I-Iyak ako nang iyak dahil p-pakiramdam ko ay m-masasagasaan ako ng s-sasakyan. Mapagalitan ng mga tao kapag sinubukan kong humakbang at mababangga ko sila... A-Ang bilis n-nang tibok ng puso ko noon d-dahil sa sobrang kaba...” Higit na nanginig ang katawan niya at pinipigilan niya ang humikbi. Humigpit din ang yakap niya sa akin.
“I-I’m s-so sorry... I’m sorry, baby...”
“H-Hindi ko na rin alam a-ang g-gagawin ko noon, M-Miko... Ano ba ang g-gagawin ko? T-Tatakbo ba ako? A-Aalis mula sa kinakatayuan ko? Ah, h-hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon, Miko... T-Takot na takot ako...” Nabasa lalo ang manipis kong t-shirt dahil sa mga luha niya. “But when you told me na... susunduin mo ako... Na huwag akong umalis at hintayin ka... I did that, Miko. But... someone... S-Someone stabbed me from behind saka niya ako...hinila palayo...” Natigilan siya sa pag-iyak at dahan-dahan din na lumuwag ang yakap niya.
“M-May... May sumáksak sa ’yo, Kalla?” malamig at seryosong tanong niya. Ayoko pa sanang sabihin ito sa kanya gayong ang komplikado pa ng lahat. Pero wala, nasabi ko na. Ano pa ang itatago ko?
“H-Hinintay lang kita para s-sunduin ako...pero may isang malamig na patalim akong naramdaman sa tagiliran ko hanggang sa maramdaman ko ang dugong umagos...” Nagulat na lamang ako nang bigla niyang itaas ang damit ko at hinanap niya kung may bakas pa ba mula sa pagkakasaksak sa akin. Mariin akong napapikit nang hinaplos na iyon ng mga daliri niya.
“Fvck!”
“M-Miko...” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil sa biglaan niyang pagsigaw pero tumayo siya kaya iyon din ang ginawa ko.
“Sino? S-Sino ang may gawa nito sa ’yo, Kalla? Sino at ako mismo ang papatay sa kanya?!” Malamig ang mga mata niya at nawalan din ito ng ekspresyon.
“Miko, h-humimahon ka muna, please!” suway ko sa kanya ngunit ilang beses siyang umiling. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. Hinawakan ko siya sa braso niya at sinubukan ko pa rin siya na pakalmahin. “M-Miko naman...” Niyakap ko lang siya at ramdam ko na ang panghihina niya.
“J-Jean... S-Sumama ka na lang sa akin, please... Sumama ka na lang... Sige na... Ayokong iwan ka pa rito, Miss... Tara na... Umalis na tayo rito...” Binawi ko ang kamay kong hawak niya.
“H-Hindi ngayon, Miko... Hindi ngayon...” Naghalo-halo tuloy ang emosyon niya. Ang pag-iyak niya at ang galit. Kaya isang mariin na halik ang ibinigay niya sa akin saka yakap bago siya umalis nang hindi man lang siya nagpaalam. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nakita kong pagtalikod niya.
Hanggang sa umabot ulit nang tatlong araw ay hindi na siya bumalik pa. Panatag na ang loob ko sana, dahil hindi na ako mag-aalala pa sa kanya sa tuwing pumupunta siya rito pero ang mas ikinatakot ko ay ang sanggol...
Ang sanggol na dinadala ko na ngayon sa sinapupunan ko. Ito ang dahilan kung bakit ilang linggo na masama ang pakiramdam ko at kung bakit naging mapili na ulit ako sa mga kinakain ko. Hindi pa ako nagpa-check up pero alam kong buntis na ako. Ito ang mas iniyakan ko dahil kasama ko siyang magdurusa rito sa poder ng asawa ko sa halip na kasama niya ang daddy at mga kapatid niya.
Kung babalik dito si Miko ay sasama na ako. Sasama na ako sa kanya. Wala na akong pakialam pa sa posibleng gawin ni Archimedes. Gusto ko lang iligtas ang baby sa tummy ko. Gusto ko siyang ilayo sa lugar na ito.
Ngunit, ang mas nakagugulat at nakatatakot ay ang malaman ko rin na buntis na rin si Dalia.
“Kalla...” Nanginig ang mga kamay niya at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.
“Paanong nangyari, Dalia? Wala ka bang... Wala ka bang iniinom na gamot?” tanong ko at napahinga siya nang malalim.
“Naubusan ako, Kalla. Hindi ko nadala ang isang bag ko na punong-puno ng gamot. Iyong gamot lang para kay Archimedes ang nadala ko. Kalla, sorry...” she said.
“B-Bakit nag-s-sorry ka?”
“Parang natatakot na ako, Kalla... Dahil pareho na tayong mapapahamak...” I held her hands.
“I’m pregnant too, Dalia... W-Wala na rin akong choice pa kundi ang sabihin sa kanya na...magkakaanak na kami,” sabi ko na lamang.
“Kalla... Isasakripisyo mo na naman ang sarili mo? Ang anak mo?” malungkot na tanong niya.
“Dalia, ngayon tapos na ang pagtulong mo sa akin kaya sabihin mo kay Randell. Ilabas ka na niya rito. Ayokong madamay pa kayong mag-ima.” She didn’t agree at todo tanggi siya pero ayokong madamay silang mag-ina. Problema ko na ito at dapat ako ang humarap.
Sa kuwarto ko ay kinuha ko ang cellphone na bigay sa akin ni Miko. Sa ilalim ng carpet ko ito itinago para hindi makita ng asawa ko. Dahil tiyak akong sisirain niya lang ito.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at binuksan ko ito. Ni minsan ay hindi ko pa ito nagamit. Ang sabi kasi ni Miko, gagamitin ko lang ito kapag may nangyaring hindi maganda pero ngayon. Wala na. Dahil kahit ano’ng gawin ko ay hindi na ako makakaalis pa sa poder niya at mananatili na lamang ako na si Kallani Soleil Carvento-Valderama.
Mas okay na ito. Walang mapapahamak at sisiguraduhin ko sa sarili ko na magiging ligtas din ang batang dinadala ko na ngayon.
Nagtipa ako sa keyboard ng keypad para magpadala ng mensahe kay Miko. Sasabihin ko na sa kanya na huwag na siyang mag-alala pa sa akin at huwag na rin siyang bumalik pa rito. Alang-alang sa kaligtasan namin pareho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top