CHAPTER 60

Chapter 60: Archimedes’ arrival

SA MGA sumunod na araw ay nasurpresa ako sa pagbalik ni Archimedes. Natutulog pa ako noong may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko na sana ito papansin pa dahil inaantok pa ako pero ang kamay nito ay bumababa sa aking baywang. This is not a dream. This is real.

Magagaan na halik din ang nararamdaman ko at umaabot sa aking leeg. Tumindig ang balahibo ko sa katawan. Doon na ako napadilat at agad akong kinabahan dahil pamilyar ang presensiya nito.

“Archimedes,” I uttered his name.

“Long time no see, sweetheart,” malambing na sabi pa niya at siniil niya ako nang mariin na halik. Wala akong nagawa kundi ang ikawit ang kanang braso ko sa leeg niya at gumanti sa mga halik niya.

Hanggang sa tanggalin niya ang kumot ko at pumuwesto agad siya sa ibabaw ko. Nakatukod ang isang siko niya sa gilid ng ulo ko habang hinahaplos ng likod ng kamay niya ang aking pisngi. Humawak na rin ako sa tagiliran niya at sinasabayan ang bawat halik niya.

Bumaba pa ang mga labi niya sa leeg ko at sa balikat ko. Pinagapang niya ang palad niya sa ilalim ng sando ko pero bago pa man niya tuluyang sakupin ang dibdib ko nang pinigilan ko na siya.

“Hon... Maaga pa para gawin natin ito,” mahinang sambit ko at habol-habol ko ang paghinga ko. Marubdob at mapupusok kasi ang mga halik niya.

“But I miss you, sweetheart. I want you... I want you, badly.” Napadaing ako nang kagatin niya ang leeg ko. Nanginig ang katawan ko sa ginawa niya.

“No, hon... Mamaya na... Mamayang gabi. Alam kong pagod ka. May jet lag ka pa, ’di ba?” I cupped his face para lang mapigilan ko siya. “Don’t worry, maghahanda ako.” Hinalikan niya lang ang noo ko saka siya humiga sa tabi ko.

Nagkunwari akong naglalambing sa kanya dahil miss na miss ko rin siya at niyakap siya nang mahigpit. Pero nang nakatulog na siya ay saka ako bumangon.

Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan si Randell. Nagtungo ako sa kitchen para hindi ako marinig ni Archimedes. Ayokong malaman niya ang matagal na naming itinatago.

“Oh, Kalla?” agad na sagot niya mula sa kabilang linya.

“Randell, nandito na si Archimedes. Kailangan ko na ang babae mo,” sabi ko at nakarinig pa ako nang tawa niya. “Randell, naman...” Tinatawanan niya lamang ako.

“Grabe ka naman sa babae ko, Kalla. Hindi ko iyon babae. Actually nasa bansa na rin kami. Nalaman ko sa sources ko ang flight niya kahapon. Agad din akong nagpa-book ng ticket. Don’t worry kasama ko si Dalia. Nabigyan ko na rin siya ng favorite perfume mo.” Nakahinga ako nang maluwag sa narinig kong ibinalita nito.

To be honest ay kaya ko namang maghanap ng babae para kay Archimedes. Natatakot lang ako na baka mahalata ako nito. Malaki ang tiwala ko sa kaibigan kong si Randell. Kung sa ganitong pagkakataon ay siya ang nilalapitan ko. Idea niya rin naman ito at sino naman ako para tanggihan iyon? Gayong para rin naman ito sa sarili ko.

“Hindi ko talaga makakaya ang lahat ng ito kung wala ka, Randell,” emosyonal na sabi ko.

“Alam ko. Huwag ka nang mag-alala pa. Ako na ang bahala. Hindi kami puwedeng magkita riyan ni Archimedes. Dapat sa susunod pang mga buwan,” he said.

“Thank you, Randell.”

“Tsk. Wala iyon. Don’t stress yourself, Kalla. Tandaan mo na doctor mo ako at hindi ka puwedeng ma-stress, okay?” Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Nagpaalam na rin kami sa isa’t isa.

Nagluto na lamang ako ng breakfast namin ng asawa ko para paggising niya ay makakain na agad kami. Iyon na nga ang nangyari pa. Kumain kami nang sabay-sabay at halos hindi niya ako tantanan nang tingin. Hanggang sa nagbiro na lang ako sa kanya na baka matutunaw ako. Sanay naman ako sa ganito.

“Bisitahin natin ang building na pinapagawa niyo ni Zavein, Kalla,” sabi niya para lang kabahan ako.

“Hindi ka muna magpapahinga? Kadarating mo pa lamang, hon,” ani ko at umiling lang siya. Desidido siya.

“Let’s go together, okay?” I just nodded.

I wore my violet and black empire waist dress and a flat sandals lang ang suot kong panyapak. Inaayos ko naman ang tie niya at matiim siyang nakatitig sa akin.

“Hinahanda na rin ang treatment mo, Kalla.”

“Okay, anytime naman. Wala akong ibang ginagawa kundi ang samahan si Zavein na mag-design ng mga damit. Tutal naman ay hindi pa tapos ang building,” nakangiting sabi ko. Sinasakyan ko na lamang siya.

“How are you with Zavein?” he asked.

“We’re fine naman. Marami na kaming naka-pending na work kahit wala pa ang company namin. Goods iyon, ’di ba? Para marami kaming gown na mailalabas sa market,” pagkukuwento at napangiti na siya.

“Yeah,” he uttered and kissed my temple.

***

NANG nasa biyahe na kami ay kinakabahan pa ako. Paano na lang kasi kung isasama ni Miko ang mga anak namin sa kanya? Ayokong makita sila ni Archimedes.

Alam na rin kasi nito na nagpupunta sila sa site at kung puwede lang ay huwag na silang makita pa nito.

Tila nabunutan naman ako ng tinik sa aking lalamunan nang si Miko lang ang nakita ko at mabilis siyang napasulyap sa amin.

Nagsasalita pa siya no’n at kinakausap pa niya ang lalaking nasa tabi niya ngunit nang dumating kami ay natigilan din siya.

Itinago ko na lamang ang tuwa ko nang makita kong suot na niya ang binili kong suit at tama nga ako na bagay na bagay ito sa kanya. Mas gumuwapo siya. Pero kasi...huwag muna iyon ang isipin ko.

“He’s the engineer, Kalla?” I looked at Zavein. Kanina pa siya natatakot sa presensiya ng pinsan niya na kahit ang magsalita ay hindi na niya magawa pa.

“Yeah,” maikling sabi ko lamang.

Dumausdos na agad sa baywang ko ang braso niya at naglalakad na kami patungo roon. Hindi pa man kami nakalalapit sa kanila ay tumataas na rin ang tensyon sa paligid namin. Dahil iyon sa dalawang lalaki.

Walang emosyon na tiningnan lang kami ng engineer pero nang dumadapo ang mga mata niya sa baywang ko ay umiigting ang panga niya.

“Good morning. You must be the head engineer, may I right?” agad na tanong ni Archimedes. Aakalain mong inosente siya at wala siyang ginawa na masama noon.

Sumulyap pa sa akin si Miko pero wala pa rin siyang emosyon. Ang hirap basahin ang tumatakbo sa isip niya.

“Yes. Engineer Miko S. Brilliantes, I prefer to be called Engineer Brilliantes,” malamig man pero kaswal naman ang boses niya. Hindi iyong tunog na mang-aaway. Ganoon iyon. Huwag niya lang kasi subukan. Naglahad din siya ng kamay at tinanggap naman iyon ni Archimedes.

“Archimedes Valderama, and this is Kallani Soleil Carvento-Valderama, my lovely wife.” Kitang-kita ko ang paghigpit nang kamay nila sa isa’t isa. Naglalabasan na tuloy ang mga ugat nila.

Hinaplos ko ang dibdib ng asawa ko at nakarinig pa ako nang pag-tsked. Bumitaw rin naman sila at saka ako binalingan nito.

“Engineer Brilliantes, I would like to invite you over for coffee. Maybe it’s okay for you?”

“Thanks. That was a nice invite but sorry. Been busy at work and still need to go through our materials,” formal na sagot naman ni Miko. Kapag nasa trabaho talaga siya ay nagiging seryoso siya. Ito ang side niya as an engineer. Akala mo ay hindi siya palabiro. Na hilig niya rin kaya ang mang-asar.

“Oh, it’s okay,” Archimedes uttered.

“Pero puwede ko naman sigurong singilin iyan sa ibang araw?” pahabol na wika niya.

“Sure. No problem. Here is my calling card. Since gusto ko ring makipagkaibigan sa ’yo ay ito ang ibibigay ko instead the business card.”

Tinanggap naman iyon ni Miko at tiningnan pa niya ang calling card ni Archimedes. Binabasa siguro.

“Here’s mine.” Nakipagpalitan na nga sila ng calling card at saka lang nagpaalam si Miko. Mabilis ko lang iniwas ang tingin ko sa kanya at nagsalubong ang mga mata namin ng asawa ko.

Ngumiti ako sa kanya at itinuro ko ang tent. Tumango siya at saka kami naglakad doon. Nandoon na si Zavein.

“Do you want me to provide you an office to work, Zavein?” he asked his cousin. Nag-angat ito nang tingin.

“No thanks, Kuya. Hindi naman kami madalas dito ni Kalla. Sa condo lang kami. To be honest ay hindi rin sana kami pupunta rito kung hindi ka nag-suggest,” sagot ni Zavein na pati ang boses niya ay lumalim din na hindi mo mahahalatang gay siya. Kahit alam naman ng pinsan niya kung ano na siya.

“Okay.”

Inalalayan pa ako ni Archimedes na umupo and then he sat beside me. He started to flirt with me even though there are many people around us. Zavein is barely moving and is so focused on his tab. But I know takot lang siya lumingon sa amin. Archimedes kissed my face and fortunately not my lips.

I feel the stabbing stare of two pairs of eyes as if we are going to be burned alive. That also stopped when Archimedes’ cellphone rang and he was able to smile.

“Your therapy has a schedule, Kalla. Next week,” sabi niya. I just nodded in response and he couldn’t help himself to kiss me on the lips. Muli lang naputol dahil tumunog ulit ang phone niya. “God, kailangan kong umalis agad. Kalla.”

“I’ll come—”

“No, just stay here. Alam ko na gusto mong samahan si Zavein,” sabi niya at hinalikan pa niya ang sentido ko saka siya nagpaalam. Pinaalalahanan pa niya ang pinsan niya.

Nang makaalis na rin siya ay nakahinga na ako nang maluwag. Mabuti na lamang ay may tumawag sa kanya. Parang aatakihin ako sa puso. Ngayon na nandito na siya ay wala na talaga akong kawala pa. Hindi ko na magagawa pa ang mga bagay na nais ko.

Lumingon naman ako sa pinanggalingan ni Miko kanina at wala na siya roon. I took a deep breath at wala sa sariling pumunta ako roon.

“Sabi ko naman sa ’yo ay huwag kang gumala rito nang wala kang suot na proteksyon,” narinig kong malamig na sabi nito at sa paglingon ko ay nakita ko na ang taong hinahanap ng mga mata ko kanina.

May hawak siyang isa pang puting hardhat and he stepped towards me. Hindi ako umatras at hinayaan ko lang siya. Titig na titig lang ako sa guwapo niyang mukha habang sinusuot na sa akin ang hardhat.

“Kaya ko namang isuot ’yan ng walang tulong mo,” ani ko and after that ay tinitigan niya ang mukha ko. I raised an eyebrow at may inilabas siya na puting panyo. Natabig ko pa ang kamay niya pero nagpumilit siya na punasan ang mukha ko at labi ko. “Ano’ng... Ano ba ang ginagawa mo?” mahinahon na tanong ko.

“Tsk.” He hissed. “Siya ba ang asawa mo?” malamig na tanong niya para lang kilabutan ako. Parang kami ang mag-asawa at nag-cheat ako.

“Yes, he is,” sagot ko.

“’Di hamak na mas guwapo naman ako roon, ah.” I frowned.

“Mas guwapo ang asawa—”

“Puwede ba huwag mong ipagmalaki ang lalaking iyon?” putol niya sa sasabihin ko na sana.

I crossed my arms. “Bakit parang ang init ng dugo mo kay Archimedes?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“Dahil nayayabangan din ako sa kanya. Psh.” Napahilot ako sa sentido ko at umiling na lamang. Napahilot din siya sa tungki ng ilong at mabilis na nagbago ang mood niya.

Sumilay ang matamis niyang ngiti at nakaiinis lang. Ang bilis tumibok ng puso ko at nagkakagulo na agad siya.

“Parang baliw.”

“Miss, tingnan mo. Ang ganda ng suit ko. Bagay na bagay sa akin, ’no? Mas pogi na ako kaysa sa lalaking iyon, ’di ba?” pagbibida niya at ginulo pa niya ang buhok niya. Wala na naman ako sa sarili ko dahil nagawa kong ayusin iyon sa kanya tapos nakayuko na rin pala siya.

Parang napapaso ang kamay ko at binawi ko iyon ngunit bago ko pa nga mabawi ay hinila na niya ang kamay ko. Bigla na lamang niya akong hinatak palapit sa katawan niya at pumulupot ang isang braso niya.

Namimilog ang mga mata ko habang nakatinga ako sa mukha niya. Sinapo pa niya ang pisngi ko.

“What the hèll are you doing, Engineer? Gusto mo bang makita ka ng asawa ko?”

“He’s gone already.” Pilit ko namang inilalayo ang face ko pero hindi na ako makagalaw pa.

“Mahal mo ba siya? Mahal mo ba ang asawa mo?” tanong niya. Malamig pa sa yelo ang boses.

“Ano’ng klaseng tanong naman ’yan? Asawa ko siya at malamang mahal ko si Archimedes,” mariin na saad ko at nagpupumiglas na ako mula sa pagkakahawak niya. “Ano ba?! Bitawan mo ako!” Mabilis niya ring tinakpan ang bibig ko.

“Huwag kang maingay.” Still, nagprotesta ako pero yumuko siya para hawakan ako sa mga hita ko at bigla na lamang niya akong binuhat.

“M-Miko... Ano ba ’yang ginagawa mo?” Napakapit ako sa leeg niya sa takot na mahulog.

Ngumisi lang siya at naglakad. Agad na akong binalot nang takot at kaba nang umikot siya sa kabila. Nagtataka ako kung bakit walang nakakita sa amin noong dalhin niya ako sa temporary office iyon. Iyon pala ay sa kanya ang nasa dulo.

Tila lalabas ang puso ko at nang pababain na niya ako ay malakas ko siyang tinulak. Sisigawan ko rin sana siya nang kinabig niya ang batok ko at mariin akong siniil ng halik sa mga labi ko.

Nanlambot agad ang mga tuhod ko. Compared to Archimedes’ kiss is nothing. I don’t feel anything but guilt. I don’t know why I feel guilty, and a different feeling kiss Miko gives me.

The kind of kiss that feels like he’s swinging me around the corner and feels like he’ll take me to paradise too. His lips are plump and soft, still feel this way.

I was so carried away by his luscious kisses that I didn’t even realize that I was also kissing him back. I’m leaning against the door and both my arms are wrapped around his neck.

Mas hinapit niya ako palapit sa kanya kaya humigpit din ang yakap ko sa kanyang leeg. Nang nakaramdam ako nang init sa katawan ay sinubukan ko na siyang itulak. Pinakawalan naman niya ang mga labi ko at naramdaman ko agad ang pamamantal no’n. Nakapikit pa ako at umaawang ang mga labi ko. He kissed my lips at napadilat ako.

Kislap ng mga mata niya na punong-puno ng pagmamahal at kasabikan ang mababasa roon.

“You don’t love your husband, Miss,” nakangising sabi niya.

“P-Paano mo naman nasasabi ’yan?” tanong ko at pinagtaasan ko rin siya ng kilay.

“Because you kissed me back. Nakikita ko kanina ang takot mo sa lalaking iyon at halos hindi ka makakilos. Kahit ang magreklamo ma habang nilalandi ka niya sa harapan ko ay hindi mo ginawa. Nakikita ko ang pag-aalalangan at takot sa mga mata mo. Tell me, napilitan ka lang ba na pakisamahan siya? O pinilit ka niya?” malamig na tanong niya.

“Wala ka nang pakialam pa roon.” Hinawakan ko na ang doorknob at bubuksan na sana ito nang hawakan niya ang pulso ko.

“Puwede mo ba akong pagkatiwalaan, Miss?” tanong niya. Seryoso na naman siya.

“Ano?” He didn’t answer, he kissed me again at nakita ko na lamang ang sarili ko na hinahalikan siya pabalik.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kung ano ang nangyayari sa katawan ko at ang bilis kong bumigay.

“You love me, Kalla... I can feel it, the way you kiss me back... You love me, do you?” Pinagdikit pa niya ang aming noo.

“No... I don’t love...”

“Pero bakit mo ako hinalikan pabalik kung hindi mo ako mahal?”

“Are you crazy? Nitong nakaraang lang tayo nagkakilala,” I told him.

“Kallani... Pipilitin pa rin kitang umamin na mahal mo ako. Kaya hinahayaan mo akong halikan ka at hindi mo ako pinagtulakan. At kung mahal mo rin ang asawa mo ay hindi mo magagawa ito. Hindi mo magagawang magtaksil sa asawa mo.”

Walang salitang namutawi mula sa bibig ko at hinayaan ko na lamang siya magsalita. Binuksan ko na ang pintuan at tuluyan na akong lumabas. Iniwan ko na siya roon. I sighed.

Marahan kong sinampal-sampal ang pisngi ko. Bakit nga ba ako nagpadala sa mga halik ng engineer na iyon? Ang lakas pa nang loob kong makipaghalikan sa kanya. Tapos sasabihin niya rin na mahal ko siya?

Ha? Nararamdaman ba niya iyon? O nag-a-assume lang siya at ipilit pa rin niyang pinapaniwalaan ang katotohanan na buhay si Donna Jean?

Pinilig ko ang ulo ko at muling bumuntong-hininga. Iwasan mo siya, Kalla. Iwasan mo na siya habang maaga pa, please lang. Tandaan mo na nandito na rin si Archimedes. Maraming mapapahamak kapag naging marupok pa ako. Huwag namana sana.

“Kalla, saan ka naman nagpunta?” bungad na tanong ni Zavein. Ngayon ko lang naalala na wala na rin pala akong suot na hardhat. Paano kaya natanggal iyon mula sa ulo ko? Wala na akong naalala pa. Dahil lunod na lunod ako kay Miko.

Tumabi na lamang ako kay Zavein. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko. Grabeng kiss iyon, nakapupugto nang hininga at hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang puso ko na super feed na ng heartbeat nito.

“Tumingin-tingin lang ako sa paligid,” sagot ko at hayan na naman si Miko. Manggugulo na naman siya ng sistema. May dala na agad siyang paper cup at tatlo pa ang hawak niya.

“Hi. Coffee?” nakangiting sabi niya. Ang best friend ko naman ay parang isang worm lang kung gumalaw at kilig na kilig na naman siya.

“Sure, Engineer! Thank you! Kanina pa nga gusto ng body ko ang coffee,” Zavein uttered at ibinigay nito sa kanya ang isa. Saka ako binalingan nito.

“Here, Kallani. Coffee?” Pasimple ko siyang inirapan at kinuha ko na lamang iyon nang walang imik.

Kita mo siya, kanina ay nag-aya sa kanya ng asawa ko na makipagkape pero siya itong nagbibigay rin ng coffee.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top