CHAPTER 6

Chapter 6: Stranger

“MIKO, Miko ang pangalan ng apo ko na gusto kong makilala mo, hija.”


Hindi ko alam kay Lolo kung bakit gusto niyang ipakilala sa akin ang apo niyang si Miko? Miko lang ba ang pangalan nito? Ang ikli naman pero ang cute naman. Miko... Miko.


Curious ako kung ano ang looks nito o kahit ang ugali na lamang niya. Is he kind kaya? Just like my kuya? Gusto ko rin naman kasi na makakilala ng isang lalaki na katulad lang ni Kuya Hart.


Na mabait, maalaga at mapagmahal. Iyon ang gusto kong mga katangian niya. Sana lang ay may katulad ang nakatatandang kapatid ko para na rin hindi na siya mag-aalala pa sa akin.



Naalala ko naman ang sinabi sa ’kin kanina ni Lucca. Bakit kaya ganoon ang mga nakikita niya na kapalaran ko? Kung tunay man siya na isang manghuhula—iyon ba kaya ang dapat na itawag ko sa kaniya? Pero ang bata pa naman niya para tawagin siyang ganoon.


“Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo nang hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan.”


Sino naman kaya ang pangalawang lalaki na iibig sa akin ng walang makahihigit nino man? Parang may kung ano sa akin ang hirap na makapaghintay na makilala siya. Kahit masyado pang maaga.


Pero ang sabi niya ay makikilala ko ito katulad ng mundong kinagisnan ko? Ha? Hindi ko talaga iyon masyadong naintindihan, e.


“Ang pangatlo naman po ang siyang magbibigay sa ’yo ng liwanag ngunit mali ang kaniyang piniling pag-ibig. Ate sa piling po niya ay mararanasan mo ang isang buhay na prinsesa pero hindi po niya kayang pantayan ang pag-ibig ng pangalawang lalaki. Higit pa sa isang reyna ang ituturing niya sa ’yo. Ililigtas ka niya mula sa panganib kahit buhay pa niya ang kapalit. Ang huling dalawang lalaki ay malaki ang magiging role nila sa buhay mo, Ate Donna. Maaaring magiging masaya ka sa umpisa pero hindi ito magtatagal. Ikaw rin po ang magtutulak patungo sa kamatayan ng pangalawang lalaki. Paghandaan mo po ang mangyayari sa hinaharap at sana piliin mo ang siyang karapat-dapat talaga. Kung alam mo pong mapanganib ay huwag mong pilitin at iyo’y bitiwan agad dahil magsisisi ka rin po sa huli.”



Kung may makikilala pa ako na pangatlong lalaki. Paano naman kami kaya naghiwalay ng isa? Bakit may ibang lalaki pa bukod sa kaniya? Muli ko kayang bubuksan ang aking puso para sa pangalawang pagkakataon na pag-ibig?



Pero bakit nangyaring maling pag-ibig pa rin ang pinili nito? Sa mga sumunod na sinabi pa niya ay parang kinakabahan na ako sa puwede ngang mangyari sa ’kin.


Ngunit sinabi rin niya sa akin na isa sa mga lalaking iyon ang makatutuluyan ko. Kung nagawa na rin ba namin malampasan ang mga pagsubok na darating sa buhay namin.



“Ate Donna, ang buhay mo ay punong-puno ng ligaya ngunit may pasakit, hirap, pangungulila at lungkot pa rin. Isa sa dalawang lalaking iyon ang makakasama mo habangbuhay—iyon ay kung kaya ninyo ang pagsubok na ibibigay sa inyo. Huwag ka lang pong mawalan nang pag-asa.” Gusto ko na ngang malaman kung sino sa dalawang iyon, pero natatakot talaga ako kapag ang pangalawa ang pinili ko.


Dahil pareho raw naming itutulak ang mga sarili namin patungo sa kamatayan. Iyon ang isa sa kinakatakutan ko talaga.


“Ang tatlong buhay na iyon po. Hindi lang ikaw ang nagbigay sa kanila ng sarili nilang mga buhay. Ikaw, Ate. Ituturing ka nila na tila isang babasaging palamuti, mamahalin na higit pa sa mga sarili nila. Gagalangin na tila isa ka ring pinakaimportanteng tao sa mundo. Higit sa lahat, Ate Donna. Sila ang mga buhay na magiging sandalan mo at hindi ka nila iiwan kahit ano man ang mangyari. Kaya huwag mong iwasan ang kapalaran mo.”

Napasinghap ako nang ma-realize ko na ang sinabi niya. Kung ganoon tatlo ang magiging anak ko?! No! It’s triplets?!


“What did you say, Jean? Ano’ng magiging anak mo? Triplets? Aba, sino naman ang nagsabi sa ’yo na magkakaanak ka na agad? Bakit mag-aasawa ka na ba, ha? Tapos triplets pa ang gusto mo?” Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Hart.


Nakalimutan ko pala na nasa kalagitnaan na kami nang biyahe at pauwi na kami sa condo na tinutuluyan namin. Nakaupo ako sa backseat kasi katabi niya sa unahan si Ate Zedian.


Narinig ko rin ang mahinang halakhak ni ate. Hindi ko inakala na nasambit ko pala iyon ng may taong makaririnig sa akin. I thought sa isip ko lang naibigkas. Naisatinig ko pala.


“Wala po, ah kuya. Kinakausap ko lang po ang inner self ko at naalala ko lang po kasi ang... Uhm, may nakausap po kasi akong bata kanina roon sa orphanage. Nakikita niya raw ang magiging kapalaran ko. Tapos nakipagkuwentuhan na po ako sa kaniya.”


“Si Lucca ba ang tinutukoy mong bata na kausap mo, Jean?” tanong ni Ate Zedian. Tumango ako bilang tugon. “Hindi iyon nagsasalita, Jean. I mean, aloof siya at hindi ka niya kakausapin kapag hindi ka niya gusto at oo, may mga bagay siyang nakikita sa kapalaran ng isang tao pero masyadong nakatatakot iyon. Bakit mo siya pinakinggan?” tanong niya. Bigla na lang din kasi ako nagkaroon ng interes, e. Iyon ang dahilan ko kung bakit kinausap ko pa rin siya.



“Basta ang alam ko po ay nakinig lang ako, Ate. Okay naman po iyon siguro para maging aware ako sa mangyayari sa akin sa hinaharap. Na makapaghanda naman po ako.” Kahit na kinabahan pa rin ako. Pero baka rin matagal-tagal pa iyon. Sana nga.



But on second thought, mas better pala ang maaga na mangyayari ang mga bagay na iyon.



“May sinabi ba siya na mabibigyan ka pa rin ng chance na makakita, baby girl?” Pati siya ay may interest na rin.


“Hindi po ako sure, kuya. Ang sabi niya lang po ay may dalawang lalaki akong makikilala. Masyado pong komplikado pero ang pangatlo raw po ay magbibigay sa akin ng liwanag. I don’t get it po,” paliwanag ko pa.



“Well, maybe. Iyon na ang sinasabi niya na liwanag is maooperahan ka tapos makakakita ka,” pagbibigay linaw naman ni ate. Tumango-tango na ulit ako.


“Kung ganoon ay hindi rin pala ako ang makakatulong sa ’yo na muling makakita, baby girl?” malungkot na tanong naman ng kuya ko.


“Don’t say that, Hart. What matter is na muling makakakita ang kapatid mo,” ani Ate Zed na tinanguan ko.



“Tama po si Ate, Kuya. Marami ka na rin pong naitulong sa ’kin. Kaya thank you po talaga, Kuya Hart. Huwag ka na pong malungkot. Nag-date na rin po kasi kayo ni Ate Zed.”


“Psh. Don’t change the topic, Jean.” Tumikhim lang ang katabi niya.


“Kuya, dumaan po tayo sa shortcut. Kasi ang sabi niya rin ay baka may aksidente po ang mangyayari sa dinaraanan natin,” usal ko pero naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan ni kuya.


“What’s wrong, Hart?”


“Jean, may aksidente nga rito. Traffic na agad.”


“Traffic po mamaya sa dadaanan ninyo. Dahil may aksidente pong mangyayari. Kaya mag-shortcut po kayo.” Totoo nga ang sinabi ni Lucca. Hindi lang kathang-isip ang ginawa niya at saka may napatunayan naman na siya.




“Mag-shortcut na tayo, Hart. Bilisan mo, dahil baka may mga sasakyan na agad ang nasa likuran natin.”



“Sana pala kanina mo pa iyan sinabi sa amin, Jean.”


“Hmm, okay lang po iyon. Para naman mapatunayan ko na totoo lahat ang mga sinabi sa akin ng batang iyon.”


Napahawak ako sa seatbelt ko, dahil sa pag-ikot-ikot yata ni kuya sa kotse niya ay parang gumigiling-giling kami. Hanggang sa naramdaman kong tumulin na ang takbo ng sasakyan.


“Buksan mo ang radio, Zed. Para malaman natin kung ano’ng aksidente ang nangyari kanina,” utos ni kuya.



“Lunes, 9:20 nang umaga, isang sasakyan ang naaksidente kanina na malapit sa building ng Shopping Mall department. Sa nakikitang mga video sa CCTV footage ay may makasasalubong ang itim na kotse na isa pang sasakyan at base pa lang sa pagmamaneho nito ay ’di umano nawalan ng break ang pangalawang kotse, kaya ginawa naman ng isa ang lahat upang maiwasan ang aksidenteng mangyayari. Iniwasan naman nito, sa kasamaang palad ay sumalpok lang sa isang building ang kaniyang sasakyan. Pareho ring naaksidente ang pangalawa. Nadala naman agad ang dalawang driver, dinala sila malapit sa isang hospital. Dito sa de Cervantes hospital. Critical ang kondisyon ng isa at hangganan ngayon ay kasalukuyan pang inooperahan. Iyon nga lang ay dead on arrival naman ang nagmamay-ari ng itim na kotse. Nakilala rin ang taong namatay, labis na masalimuot ang sinapit ng isa sa mga apo ni Denbrill Arkun Brilliantes, o mas kilalang Don Brill. Ngayon ay nagluluksa na ang Brilliantes clan sa pagkawala ni Engineer Miko S. Brilliantes, sa edad na 23 years old. Ako si Cristalle Henares ng Sunday News Company.”



D-Don Brill? Iisa lang kaya ang nakilala ko kanina na matandang lalaki sa orphanage? At Miko? Tama ba ang narinig ko sa balita na si Miko ang namatay?


Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla na lamang akong kinabahan. Posible kaya na siya rin ang apo ni Lolo na gusto niyang makilala ko?


“Kilala mo ang Brilliantes family, Zed?” curious na tanong ni Kuya Hart.


“Isa sila sa pinakamayamang pamilya rito sa Manila, Hart. Ang clan nila ay puro engineer,pero walang anak na babae ang mga iyon. Ayon sa mga paniniwala nila ay isa lang daw itong...uhm basta. Ewan ko sa family belief nila. May malaking firm sila at sa pagkakatanda ko rin ay si Engineer Miko S. Brilliantes ay ang panghuling pangalawang bunsong apo ni Don Brill, apo niya sa panganay niyang anak,” mahabang paliwanag nito.



Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Miko S. Brilliantes?


“Bad for them at nabawasan na ng isang miyembro ang pamilya nila,” ani kuya na kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umiiling siya. Parang nakalulungkot naman iyon.


Car accident tapos dead on arrival pa.



“Wait, Hart. A-Ano iyon? Parang...parang may tao sa bandang iyon,” biglang saad naman ni Ate Zedian. Napaayos naman ako nang upo.

May tao? Sino naman kaya iyon?


“Baka isa ito sa patibong. Madilim na sa lugar na ito at bihira lang ang mga sasakyan na dumadaan kaya paanong may tao roon? Masama ang pakiramdam ko riyan.”


“Ihinto mo malapit sa kanya, muya,” utos ko.


“No, baka masamang loob iyang kumakaway sa atin, Jean. Iwasan na lamang natin.”


“P-Parang...parang humihingi siya nang tulong, Hart?”


“Please naman po, kuya. Ihinto ninyo po. I-check mo siya.” Nagtunog desperada ang tono ng boses ko. Tila hindi naman kaya iyon ng kalooban ko ang hindi pansinin ang taong ito.


“Jean, delikado ito.”


“Please, kuya...” I pleaded. May kung ano lang kasi sa dibdib ko na.

Naalala ko ang sinabi ni Lucca kanina. “Mamaya, kapag uuwi kayo, Ate. Kapag may humingi po nang tulong sa inyo ay huwag ka pong magdalawang isip na tumulong. Ang nangangailangan po ay binabasbasan ng langit at ganoon din po ang mga taong bukal sa loob nila ang tumulong sa kapwa.” Baka iyon na ang kaniyang tinutukoy? Siya na rin ang taong humihingi ng tulong?


“Fine! But stay here, ako na ang titingin sa labas. Dito ka rin, Zedian,” seryosong sabi niya sabay hinto ng kaniyang sasakyan.


Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Tinanggal ko ang seatbelt ko kasi balak ko rin namang bumaba.

“Jean! Diyan ka lang at huwag kang bumaba! Magagalit ang kuya mo!” sigaw sa ’kin ni Ate Zedian, pero hindi ko siya pinakinggan pa. Dahil bumaba pa rin ako at naglakad. Pinakiramdaman ko lamang ang presensiya ng kuya ko para kaya ko siyang lapitan kahit wala akong makita.


“Jean, back to the car!” sigaw sa akin ng kapatid ko pero inilingan ko siya.



“Jean, naman! Hayaan mo na ang kuya mo!”


“We need to get out of here dahil baka may mga kasamahan pa siya.” Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa siko ko.


Pero iba pa rin ang nararamdaman ko. Parang totoong nanghihingi nga ito nang tulong. Hindi niya lang magawang magsalita dahil nahihirapan na rin siya?


Nagpumiglas ako sa mula sa pagkakahawak sa ’kin ng aking kuya at patakbong lumapit ako sa unahan.



Agad ko namang naramdaman ang hindi pamilyar na presensiya ng isang tao. Lumuhod ako at gumapang para mahanap ko siya kasi alam kong nakabulagta na siya sa sahig. Hanggang sa nahawakan ko na ang ulo niya at pinaunan ko siya sa mga hita ko.


He’s alive dahil naririnig ko pa ang mabagal niyang paghinga. May malay pa siya at saka mainit pa ang kaniyang katawan.



“Stay away from him, Jean!” Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni kuya. “Jean! Get inside!”



“Jean! This might just be a trap!”


“No, Kuya... He needs our help!”


“Donna Jean! Bakit ang tigas ng ulo mo?!” may bahid na galit na tanong ng nakatatandang kapatid ko.


“Jean, come on! I-report na lang natin iyan sa pulis!” Kahit sumigaw na sila ay hindi ako umalis dito. Pinakiramdaman ko pa ang lalaki at may nahawakan ako na malagkit na likido. Naaamoy kong dugo iyon. Posible rin na may sugat siya kasi may dugo nga siya.



“Kuya, may sugat po siya... T-Tulungan ninyo na lang po siya!” naiiyak na saad ko. Baka kanina pa siya naghihingalo. Mauubusan siya ng dugo kapag hindi namin siya tinulungan agad. Kailangan niyang dalhin sa hospital at mailigtas dahil alam ng puso ko na hindi siya masamang tao.


“Just what if masamang tao pala siya? Jean!” Hindi nga... Ramdam kong hindi nga siya ganoon.


“Sige na po, kuya! Iligtas na po natin siya!” naiiyak ko nang sigaw sa kanila. Sana naman ay maniwala na sila na mabuting tao ang lalaking ito at humihingi lang siya nang tulong sa amin.


“No!” mariin na sigaw ni kuya. Bakit ba ayaw niyang tulungan ang lalaking ito?!

“Hold on...please. We’ll going to save you.” Hinaplos ko ang pisngi niya. Mayamaya lang ay parang naging pantay ang paghinga niya na tila nag-relax din ang kaniyang katawan. Hindi naman ako natakot. Because I know, nawalan lang siya nang malay. “Please, Kuya. Alam mo... Alam mo na nararamdaman ko po ang isang tao kung may masama ba iyong hangarin o may kabutihang loob siya! He just need our help po! Please! P-Please, Ate Zedian. Tulungan na lang po natin siya. D-Dalhin na natin siya sa hospital!” paulit-ulit kong sigaw at sa hindi kalayuan ay may narinig ako.

Nakaramdam ako nang hindi maganda at mahigpit ko nayakap lang ang lalaki. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. May panganib...

“Jean...”

“K-Kuya. May, may mga parating po...”


“What do you mean by that, Jean?” naguguluhan na tanong ni Ate Zedian.


“M-Marami po sila... May naririnig po akong isang tunog na parang bakal na sumasagi sa sementado habang naglalakad sila.” Kapag sinabi ko ang mga nararamdaman ko sa paligid ko ay hindi sila nagdadalawang isip na paniwalaan ako. Kasi alam nila na totoo lahat ang mga sinabi ko.



“I told you this is just a trap! Come on, umalis na tayo at iwan na lang natin siya!” sigaw pa ni Kuya Hart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top