CHAPTER 59
Chapter 59: A family bond
LUMIPAT ang tingin ko sa labas ng bintana pagdating namin sa nursery house. Second floor lang ito pero malaki siya at makulay na halata ring mga bata ang nasa loob niyan. Maraming security sa labas at may guard house rin.
Hindi ko na namalayan pa ang pagbaba ni Miko. Tumambad na lamang si Miko sa paningin ko. Binuksan niya ang door car niya. Naglahad pa siya ng kamay para lang alalayan ako. Inirapan ko siya at tinabig ko ang palad niya. I got off from his car at ang isang kamay niya ay nasa tuktok na ng ulo ko. Hinawi ko lang ang buhok ko saka ko siya nilagpasan.
“Sungit,” he whispered na as if hindi ko iyon narinig kaya nang balingan ko siya ay sinamaan ko pa siya nang tingin.
Pinagkrus naman niya ang mga braso niya at bumaba ang mukha niya sa leeg ko.
“That locket...” Hinawakan ko ito at itinago ko sa blouse ko. “Pansin ko na palagi mong suot ’yan.”
“Pakialam mo ba? May sentimental value ’to!” sigaw ko.
“At ano’ng klaseng damit naman ’yan? Bakit nakikita ang itim mong sando?”
“Style ’to,” sabi ko pa at inunahan ko na siya sa pagpasok sa loob ng nursery house. Naramdaman ko naman ang agad ang pagsunod niya.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang mga anak ko. Napanguso ako kasi hindi ko sila makita.
Sa dami ng mga bata ang naglalaro at makukulit sila. May mga nagtatawanan, nagkukuwentuhan at ang iba naman ang umiiyak na inaalo ng mga babysitter nila.
“Dito tayo, Miss.” Hinawakan ni Miko ang siko ko at siyempre tinabig ko pa rin ang kamay niya. Sumunod din naman ako sa kanya kasi alam niya kung saan yata ang favorite spot ng mga anak niya.
Lumiko pa kami sa kabilang kuwarto at maririnig pa rin ang kulitan ng mga bata. Hanggang sa pagpasok namin sa isang silid ay roon ko na nga nakita ang hinahanap ko.
May isang magandang bed na pinapalibutan ng mga bulaklak at nakita kong may batang nakahiga room. She was wearing her one-shoulder gown at kumikintab ang fabric nito. May isang punpon siyang bulaklak sa bandang tiyan niya na parang—
“Oh, Her Prince! Kiss your princess, already!” Napalingon ako sa isang batang sumisigaw at si Shanara iyon. Si Shanea ang nasa bed at nakapikit siya. Habang iyong isa ay pinagtutulakan niya ang batang lalaki.
“Sis! I don’t want to be kiss by anyone!”
“Oh, please Shanea! Close your eyes! You are dead!” Tinakpan pa ni Shynara ang mga mata nito.
“I am not kaya! I’m just playing dead!”
“Then do it!”
Tube dress naman ang suot niya and cocktail ang style nito na nakikita pa ang legs niya. Strap dress naman kay Shanara.
“Go on, Prince!”
Well, nag-roleplay yata sila ng isang sikat na Disney Princess. Na si Snow White. Na kailangan na ngang i-kiss ng prince ang princess niya to break the curse, I mean para magising na rin ang prinsesa.
Nang lumapit ang batang lalaki ay hahakbang na sana si Miko pero hinila ko ang coat niya para hindi siya makalapit doon. Natutuwa akong makita sila, eh.
“What now, Miss?”
“Ano ba ang gagawin mo?” kunot-noong tanong ko.
“Pipigilan iyong bata.”
“At bakit naman?”
“Miss, hahalikan niya kaya ang anak ko. Sino ang matutuwa roon?” salubong ang kilay na sabi niya.
“Bata lang iyon.”
“At lalaki pa.”
“Oh, no! Don’t kiss me!” Sabay pa kaming napalingon doon. Hinawakan ni Miko ang kamay kong nasa coat niya at hinila niya ako palapit doon.
Psh, ang kulit ng isang ito.
“Close your eyes, Shanea! Hindi pa tayo finish!”
Pinagkakaisahan na nila ang bunso namin. Kawawa naman ang Shanea ko. Nilapitan na ni Miko ang bed at napatingin sa amin ang mga bubwit.
Namimilog pa ang mga mata ng dalawa nang makita ako at basta na lamang nilang iniwan ang ginagawa nila para lang makalapit sa akin.
Nakangiting lumuhod ako at sinalubong sila. Muntik pa akong matumba dahil dinamba nila ako nang yakap. Walang salitang namutawi mula sa bibig nila dahil sa halip ay tumulis ang mga labi. Nagsimulang namula ang kilay at ilong nila.
“I miss you po, pretty,” sambit ng panganay ko at nanginig pa ang mga labi niya na parang nagpipigil na umiyak.
Hinalikan ko ang pisngi niya. Pareho na silang nakayakap sa leeg ko. “I miss you too, my angel.” She even kissed me too. Shanara rested her head on my shoulder at ang lips naman niya ang hinalikan ko. Tahimik lang siya pero nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya. “I miss you too, Shanara.”
Masyado akong nawili sa kanilang dalawa at hindi ko na namalayan na pinapanood na pala kami ng daddy nila. Hindi ko na lamang ito pinansin at tumayo na ako habang yakap nila ang binti ko.
“Sis! I smells our father’s perfume!” sigaw ng bunso namin na hanggang ngayon ay nasa bed pa rin siya. Bumaba ang mukha ng daddy niya at matunog siyang hinalikan sa noo nito. Doon na siya napadilat. “My Daddy Miko!” Binuhat na siya nito at pinaalis na roon sa kinahihigaan niya.
“Your Aunt Kalla is here, anak.”
“Po?” inosenteng tugon nito at nang iniharap siya sa amin ay nakita na nga niya kami. I smiled at her.
“Hi,” I greeted her.
“Oh, My pretty!” Mukhang masasanay na akong tawagin nila akong ganoon, pretty.
Hindi na rin kami nagtagal pa roon at sabay-sabay na kaming lumabas. Kinausap pa ni Miko ang babysitter ng triplets. Pinauna na rin niya itong umuwi at binigyan pa ng pamasahe saka pangmeryenda.
“Where are we going po, Daddy?” Shanea asked her dad. Nakaupo siya sa kandungan ko kasi ang dalawang ate niya ay nasa backseat. Naka-seatbelt na rin sila.
“Secret, princess.”
“Bakit naka-gown kayo?” tanong ko. Makapal kasi ang gown nila at parang ako ang maiinitan kapag nakikita ko silang nagsusuot ng ganitong klaseng damit.
“Oh, we love gowns po!” halos sabay na sigaw nilang tatlo.
“Where have you been, pretty? Bakit po wala na ikaw sa work ni Daddy?” magulong tanong ni Shanara. Naramdaman ko rin ang pagsulyap sa akin ni Miko. I ignored him again.
“Just busy,” I simple said.
Nang makasama ko na sila ay parang nakalimutan ko na agad si Archimedes na posibleng magalit kapag nalaman niya ito. Ngunit gusto ko rin naman na mag-risk. Gusto kong sulitin ang pagkakataon na ito na makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Gusto ko munang maging malaya. Maging malaya sa isang hawla na matagal ko na ring pinagtiisan.
Dinala kami ni Miko sa isang resort at 30 minutes drive lang naman siya. Makababalik pa kami nang walang nagdududa kung saan ako pumunta.
Maganda ang bahay sa itaas kahit gawa pa siya sa kahit at kawayan. Hindi mo masasabing isa ring kubo at may hagdanan siya pataas. May mga handle naman para hindi ka mahulog o gumulong pababa. May kataasan ito.
Nang makababa ang tatlo ay nag-uunahan pa silang umakyat habang inaangat pataas ang gown nila.
“Mag-iingat kayo sa pag-akyat!” sigaw ko dahil tuloy-tuloy sila sa pag-akyat sa hagdanan na gawa lang ito ng lupa tapos may mga bulaklak din sa gilid ng mga ito.
Bitbit na ni Miko ang malaking duffel bag at marami rin siyang dala na plastic bag.
“May araw pa, Miss. Tara,” pag-aaya niya at ininguso pa niya ang daan patungo sa resthouse. Bumaba ang tingin ko sa dala niya.
“Do you need some help?” I asked him.
“No, kaya ko na ito. Come on, akyat na, Miss.” I took a deep breath at sinunod ko na lamang siya sa gusto niya.
Napapangiti ako dahil naririnig ko ang pagbungisngis nila. Pagdating namin sa tuktok ay nakita ko na sa malapitan ito. ’Sakto lang ang laki nito at mas namangha ako nang makita ko na may pananim na pulang rosa.
Naglalaro na tila habang hinahabol nila ang paruparo. Tunay na isa itong paraiso. Napakaganda nito, nanunuot din sa ilong ko ang mahalimuyak na bulaklak. Hindi masyadong mainit kasi may isang punong mangga roon na mukhang kasalukuyan din itong nagbubunga.
Si Shanea ay umupo sa hanging chair, may table rin at mga upuan. Ang cute pa ng mini-kubo na kapag gusto mong tumambay sa labas ay puwedeng-puwede.
“Come here, pretty!” Nakangiting lumapit nga ako roon at umupo sa tabi niya.
Naglalambing na yumakap pa siya sa baywang ko. I kissed the top of her head. Pareho naming pinapanood ang dalawa na kahit nahihirapan sa gown nila ay hindi pa rin sila tumitigil sa paghabol ng mga paruparo.
Ibinaba naman ni Miko ang mga plastic bag sa mesa. “Dad, may drinks po tayo?” she asked her father.
“Nasa kotse pa, ’nak. Sandali lang kukunin ko, ha?”
“Sige po,” tumatangong sabi niya.
“Ano ang nasa plastic bag?” tanong ko naman at tumayo ako para tingnan iyon.
“Gusto nila raw ng barbecue. Ako na ang bahala riyan, Miss. Tutuhugin ko pa ’yan.” May spaghetti na hindi pa luto, mga sangkap para sa pagluluto. May bread pa, hotdog at saka eggs.
“May balak na kayong mag-picnic dito?” curious kong tanong. Tumango siya.
“Yeah. Kasama ka.”
“Kasama ako. Eh, paano kung hindi mo ako nakita sa mall?” tanong ko pa.
“Alam ko kung saan ka nakatira. Sa High Towel Condominium.” Mariin kong naitikom ang bibig ko. Hanggang saan pa ang nalalaman ng lalaking ito? Pinapahamak niya lang ang sarili niya.
“Ako na lang ang magluluto ng mga ito,” ani ko.
“Doon sa resthouse. Kompleto ang mga gamit doon.”
“Ang mga anak mo?” Turo ko sa mga bata. Ayokong iwan sila rito sa labas.
“Kids, dito muna tayo. Mamaya na kayong maglaro. Magpapalit pa kayo ng damit niyo.” Agad naman siyang sinunod ng mga ito.
Walang kuryente sa resthouse pero may solar power naman. ’Sakto lang talaga ang laki nito. Maganda sa loob ay may mga bed pa. Parang gusto ko na ring matulog dito.
“Parang doll house naman ito.” Ang cute rin ng kitchen.
“Nasa duffel bag niyo ang mga damit niyo. Bababa lang ako para kunin ang ice box,” paalam ni Miko. Bago ako nagsimulang magluto ay tinulungan ko na munang magpalit ng mga damit nila ang triplets. Thin na bestida ang suot nila at may shorts pa sila.
Matagal bago nakabalik si Miko. Nagsasaing na ako ng kanin. Hindi nagpaiwan sa loob ng bahay ang tatlo. Nakaupo sila ngayon sa harapan ko at pinapanood ako habang nagluluto.
“Pretty?” tawag ni Shynara sa akin.
“Hmm?” tugon ko naman at mabilis ko siyang sinulyapan. Gumawa muna ako ng sandwich para pagbalik ng kanilang ama ay may snack na agad sila.
“You are so very pretty,” she said and I chuckle.
“Just like you?”
“But mas pretty ka po,” tumatangong sabi naman ni Shanara na nakapangalumbaba pa.
“Thank you po sa lunch box namin, pretty!” hyper na sigaw naman ni Shanea.
“You’re always welcome.” Lumingon ako kay Miko na may dala ng ice box.
Naglabas siya ng drinks doon at fresh milk. May strawberry juice pa. Isa-isa niyang binuksan para sa mga ito. Tapos ko na ring nagawa ang sandwich na tig-dalawa kami para mabusog agad sila tapos mamaya ay lunch naman.
Miko sat down beside me at inilapit ko naman sa kanya ang isang platito na may dalawang sandwich.
“Thanks, Miss,” pasasalamat pa niya at ibinigay naman sa akin ang softdrinks.
Masaya akong nakasama sila at pansamantala kong nakalimutan ang realidad. Kahit ngayon lang sana ay pagbigyan naman ako sa gusto ko.
Tumulong pa sa akin sa pagluluto ang engineer. Siya ang nagluto ng adobo at ako naman ay spaghetti. Tapos na ang fried chicken at nakabantay ang mga anak namin.
Kung sana ay ganito na lamang kami. Walang problema at kami lang ang magkasama. Pero hindi puwede, may kanya-kanya na kaming mga buhay at kahit sandali ko lamang sila makakasama ay masaya na ako at kontento na.
Bago nga kami nagluto ay hinubad ko pa ang blouse ko at naiwan na lang ang suot kong itim na sando. Sumipol pa si Miko kaya sinamaan ko siya nang tingin.
“Ano ba ang mayroon sa locket mo?” Hayan na naman siya. Bakit ba curious siya na malaman kung ano rin ang laman nito?
“Locket lang ito. Kanina ka pa, ha? Bilisan mo na lang iyang niluluto mo. Gutom na ang mga anak mo,” ani ko at ininguso ko pa ang tatlo na ilang beses ko nang nakitang kumukuha ng hotdog at kinakain iyon.
Sa tuwing nahuhuli ko sila ay ginagawaran lang ako nang matamis na ngiti. Wala na rin naman akong nagagawa pa kundi ang gantihan sila nang mas matamis na ngiti.
Napaigtad naman ako nang dumikit ang dibdib ni Miko sa likod ko para lang abutin iyong tomato sauce. Nanindig pa ang balahibo ko sa katawan.
“What? Inaabot ko lang naman ito,” he reasoned out nang pukulan ko na naman siya nang tingin.
“Puwede mo namang ipasuyo sa akin, ah.” Paano ba naman kasi ang isang braso niya ay galing pa sa likuran ko.
“Kaya ko namang abutin.”
“Tse!” masungit na turan ko.
“Tse ka rin, Miss,” sabi niya lang.
After our cooking ay lumabas na rin kami at doon kami kakain sa kubo. Isnag beses lang ako bumalik sa resthouse para dalhin ang mga niluto namin kasi ang kasama naming engineer ang nagdala nang lahat ng iyon
Habang inaabala ko ang sarili ko sa kanila ay parang ang bilis din na lumipas ang oras. Kasi noong sinipat ko ang relong pambisig ko ay malapit nang mag-5PM.
“Kung puwede lang pahintuin ang takbo nang oras, ’no?” Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Nakatulog ang mga anak namin sa pagod na paglalaro at busog na busog na rin sila.
“Ako. Ayokong huminto ang takbo nang oras,” kaswal na saad ko.
“Bakit naman?”
“Kahit gusto ko man na hindi pa matapos ang araw na ito ay ayoko pa ring bumilis ang takbo ng oras at ayokong huminto.”
“Bakit nga?” curious niyang tanong.
“Dahil gusto kong umuusad pa rin ang mundo, ang buhay ko. Ayokong ma-stuck. Life goes on nga. Huwag mo na lang hahayaan na habang lumilipas ang oras ay wala ka man lang ginagawa. Na parang naghihintay ka lang na matapos ang araw na ito,” paliwanag ko.
“Ano’ng klaseng lalaki ba ang asawa mo?” Napabaling na naman ako sa kanya. May interes sa boses niya pero may bahid na inis din iyon.
“Mabait siya, maasikaso at mapagmahal,” sagot ko naman. Seloso rin siya, strict at obsessed masyado sa akin.
“Masaya ka ba sa kanya?” sunod na tanong niya. Bakit nga ba namin pinag-uusapan ito, ano?
“Masaya.” Hindi. Kailan nga ba ako naging masaya? Kung nagtitiis ako sa pangungulila ko sa kanila? Nagtiis ako na hindi ko na sila nakasama pa. Hindi rin natupad ang pangako ko na una kong makikita ay siya mismo. Sa halip ay ibang lalaki pa ang unang bumungad sa akin.
Ibang lalaki na pinipilit na maging kanya kahit na pagmamay-ari na ako ng iba. Isang lalaki na sobra ang obsession at hindi ko rin naman maramdaman ang pagmamahal nito. Mas nasasákal lang ako sa totoo lang.
“Gaano ka kasaya?” giit pa niya.
“Masaya ako dahil ang turing niya sa akin ay parang isang prinsesa. Lahat ng bagay na gusto ko ay kayang-kaya niyang ibigay sa isang pitik niya lang,” sagot ko pa at napabuntong-hininga siya. Kahit ang totoo ay may limitasyon ang mga bagay na gusto ko. Iyon ang gusto at kaya niya lang.
“Kung hindi lang ako nagkamali noon ay higit pa sana roon ang mararamdaman niya, isang reyna ang turing ko sa kanya,” sabi niya at matiim pa niya akong tinitigan.
“Sino naman iyon?” tanong ko na kunwari ay hindi ko alam.
“Ang babaeng hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.” Awtomatikong napahawak na naman ako sa kuwintas ko.
“Alam mo. Hindi maganda kung patuloy mong mamahalin ang taong wala na sa mundo,” I told him and he shook his head.
Masakit naman aminin o malaman mula sa kanya na patay na ako. Pero iyon naman ang nararapat at kailangan niyang gawin. Ang tanggapin na wala na ako at hindi na kami ulit magkakasama pa.
Parang malulunod ako sa paraan nang kanyang titig. Na mahihirapan akong makaahon. Pumipintig ang tibok ng puso ko.
“Kahit noong nawala siya sa akin ay hindi ko inisip na wala na siya. Ramdam ko na nandito lang siya,” he said and tapped his chest.
Hindi ko na tuloy alam ang isasagot ko sa kanya. Inaamin kong sa kanya pa rin tumitibok ng puso ko pero ayoko nang magkamali pa. Ayokong may mapahamak na naman.
“Umuwi na tayo. Kailangan ko nang bumalik dahil ang mga bodyguard ko ay nasa mall pa rin hanggang ngayon,” ani ko.
“Tinakasan mo sila?” namamanghang tanong niya at nag-iwas na lamang ako nang tingin.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito kung hindi, ’no? At bakit pala nasa mall ka? ’Saktong nakita mo pa ako roon,” tunog na akusasyon ang boses ko.
“Ayokong sabihin baka magulat ka pa.”
“Bumalik na tayo,” sabi ko pa pero umiling siya. “Engineer Miko.”
“Mamaya na. Saka na kapag gising na sila.”
“Pero kailangan ko na talagang umuwi,” giit ko pa. Hindi na ako puwedeng magtagal pa rito. “Miko... Isa... Tara na, gisingin mo na ang mga anak mo,” pangungulit ko pa.
“Mamaya na nga.”
“Miko...”
“Oo na. Bakit parang takot na takot ka na hindi kita iuwi? Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita itatanan.”
“Wala akong iniisip na ganoon,” sabi ko at tumikhim pa siya.
“Gising na, anak ko... Gising na at uuwi na tayo... Uuwi na po tayo.” Sina Shanea at Shanara na magkatabing nakahiga. Naglatag kasi kami ng picnic blanket para magkasya kami at para makahiga rin sila.
Ako naman ay hinaplos ko lang ang pisngi ni Shynara. Napakaganda talaga niya, ang haba ng pilik-mata. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at napatingin ako sa suot nilang anklet.
Nagulat pa ako kanina nang makita ko iyon. Na muli nilang suot-suot ang anklet na nagawang tanggalin ng daddy nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top