CHAPTER 58

Chapter 58: Kuya Hart

TATLONG araw pa lamang ang nakalipas na hindi ko nakikita ang mga anak ko ay parang pinapatay na ako nang sobrang lungkot. Miss na miss na miss ko na sila talaga sila.

Kung dati na kaya ko pa silang tiisin, na kaya ko pang tiisin ang pangungulila ko ay hindi na ngayon. Iba na kasi ang sitwasyon. Ngayon kasi ay may idea na ako sa mga hitsura nila.

Nakikita, nahahawakan, nahahalikan at nayayakap ko na silang tatlo. Hindi lang iyon. Kaya ko na silang kausapin at makipagkuwentuhan buong araw. Nag-e-enjoy ako na magbasa ng mga paborito nilang libro at gusto ko pa silang makasama nang mas matagal pa. Pero hindi na nga talaga puwede.

Wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang sumimangot at humilata na lamang sa kama o sa sofa bed. Kahit ang manood ng TV ay wala akong gana, parang hindi pa ako nasisiyahan. Walang magandang panoorin, psh.

Ang isang bagay lang na nagpapasaya sa akin ay ang makita ko ang lunch pack na nauubos ang mga laman. Yes, nagpatuloy pa rin ako sa paghahanda ng lunch and snack for my daughters. Kahit hindi na ako magpakita pa sa kanila. Madalas pa rin daw ako hinahanap ng mga baby na iyon kung bakit daw ay hindi na ako pumupunta.

Kahit gusto ko ay hindi na rin puwede. Natatakot lang ako sa mga babala ni Archimedes. Baka madamay na naman sila at ayokong mangyari iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ang laki ng problema ko sa totoo lang.

Akala ko ay magtatagal pa ako sa pagka-bored ko sa condo nang mag-isa. Pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang lumabas kahit hindi ako pamilyar sa Manila.

Napabangon pa ako nang may naalala rin ako. Nagmamadali kong tinungo ang kitchen namin ni Zavein at binuksan ang ref. Napangisi ako dahil wala ng fresh milk. Noong nagsasama pa kami ni Archimedes ay puro fresh milk na lang talaga ang iniinom ko. May mga pagkakataon din naman na nagkakape ako. Pero madalas gatas lang.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ko iyon ng litrato saka ko ipinadala kay Archimedes.

Nagtipa ako sa keyboard ng message ko sa kanya. Magandang alibi na ito kaysa naman ang malaman niyang wala ako rito sa condo namin ni Zavein.

“Hon, bibili lang ako ng milk sa grocery store. Don’t worry, hindi ako maliligaw kasi may GPS naman ang phone ko.” Kinagat ko pa ang daliri ko sa kaba kasi baka hindi niya ako payagan. Ayaw pa naman no’n na nagpupunta ako sa ibang lugar kapag hindi ako pamilyar o ni minsan ay hindi pa ako pumupunta roon.

Bumilang lang ako nang ilang minuto ay may reply na agad siya. Napangisi ako.

“Okay, just take care at umuwi ka agad kahit after lunch na. Enjoy, sweetheart.” Mabilis talaga siyang mag-reply kapag ako ang nakikita niyang nag-t-text. Kahit nasa meeting pa siya ay ginagawa niya iyon.

“Thanks, hon! I love you!”

“I love you more, sweetheart.” I took a deep breath sa last reply niya. Hanggang kailan nga ba kami ganito? O hanggang kailan ako magpapanggap na may totoo nga akong nararamdaman sa taong dumukot sa akin?

I picked my white ruff blouse na manipis ang fabric niya kaya kitang-kita ang suot kong itim na strap sando sa loob at ang pababa naman ay brown bermuda shorts, hindi naman ito lumagpas pa sa tuhod ko ang haba nito and white double strap heels na ang taas naman nito ay may 4 inches.

Ibinalik ko na dati ang kulay ng buhok ko. Pinakulot ko lang din ang dulo nito kahit maikli lang siya. Brown handbag din ang pinili ko saka ako lumabas mula sa condo namin. Una kong naisip na puntahan ay ang mall bago ako bibili ng gatas. Alibi ko lang naman kasi iyon.

Malayang-malaya ako kapag ganito na mag-isa lang ako. Walang Archimedes na palaging nagbabantay sa bawat galaw ko. Walang bodyguards na nakabuntot kung saan man ako pumupunta. Hindi ako maaabalidbaran.

Hindi rin ako si Donna Jean na palaging may taong nakaalalay sa akin at hawak ko sa kamay para lang hindi ako maligaw. Dahil bulag ako dati. Kaya ngayon, ako si Kallani Soleil Carvento na malaya sa gusto niya. Hindi muna ako isang Mrs. Valderama.

Ako si Kalla...

Nang makasakay ako ng taxi ay parang isang achievement na ito para sa akin. Gusto kong ngumiti to be honest pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko. Baka pagkamalan pa akong baliw. Na bgumingiti nang walang dahilan.

“Keep the change po, Manong!” hyper na sigaw ko kay manong driver nang makarating na kami sa mall.

“Maraming salamat po, Ma’am!” masayang pasasalamat nito sa akin. Pagkababa ko ay napatingin pa ako sa malaki at mataas na gusaling nasa harapan ko ngayon. Napangiti ako pero pagpasok ko ay nawala ang ekspresyon ng mukha ko. Ganito naman ako kung nasa labas.

Habang naglalakad ako ay ngayon ko higit naramdaman ang pamilyar na presensiya na matagal na rin yatang nakasunod at nagbabantay lamang sa malayo. Hindi ko pinahalata na may nakasunod nga sa ’kin na tauhan ni Archimedes. Pasimple pa akong lumingon sa aking likuran at ang mga tao na abala sa kani-kanilang mga ginagawa ang nakita ko.

Hindi ko mahanap, kasi lahat sila ay naka-civillian outfit. Mostly kasi ang mga bodyguard ko ay naka-suit lahat.

Dumiretso muna ako sa men’s section para bumili ng coat or tie. Pero nang makakita ako ng dark violet na suit at longsleeve na light violet din ay si Miko ang naalala ko. Napanguso ako kasi parang nakikita ko na maganda at bagay ito sa kanya.

Wala sa sariling nilapitan ko ito at kinuha ko ang hanger saka ko pinagmasdan. Pinasadahan ng palad ko ang fabric nito. Kasya nga sa engineer na iyon.

The next thing I found it, binabayaran ko na sa counter ang suit na sinamahan ko na rin ng black neck tie. May terno slacks na rin kasi ito. Hindi ko ginamit ang pera ni Archimedes. Pera ko mismo ang ipinagbayad ko.

Bitbit ko na ang malaking paparbag at palihim kong pinakiramdaman ang mga taong nakabuntot pa rin sa kung saan man ako pumupunta. Dalawa sila dahil sa naririnig kong mga yabag ng sapatos nila.

I-r-report naman nila ang ginagawa ko ngayon pero gusto ko silang iligaw para hindi na sila makasunod pa. Ilang beses akong umikot-ikot sa loob at hanggang sa napunta na lamang ako sa boutique. Binati ako ng saleslady na tanging tipid na ngiti lang ang naitugon ko.

Kinuha ko ang peach knee-length dress at pumasok sa fitting room na may hila-hila pa akong babae. Sinigurado ko rin na hindi siya agad makikita ng mga tauhan ng asawa ko.

“S-Sino ka?” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

“Heto, Miss. Kunin mo ang dress na ito tapos ako ang magbabayad ng bills,” sabi ko at ibinigay ko ang dress na kinuha ko. Nagtataka pa siya pero nang ibigay ko rin sa kanya ang 5k ko ay nanlaki pa ang mga mata niya. Nasa 3k lang din kasi ang presyo ng dress. “Wear this before ka lalabas, please? May mga lalaki kasi ang nakasunod sa ’kin. Gusto ko silang iligaw. Don’t worry, harmless naman sila,” paliwanag ko pa para hindi siya matakot.

Siguro concern citizen lang si ate, kaya pinagbigyan na niya ako. Nakalibre naman siya ng damit at may sukli pa. Sinunod niya rin ang sinabi ko na takpan niya ang mukha niya gamit ang hawak niya na isa pang dress. Ibinigay ko ang notes at iyon naman ang ibibigay niya sa mga lalaking magtatangkang susunod din sa kanya. Kasi kapag ibang tao na ang susundan nila ay wala silang magagawa kundi ang lapitan ito at tanungin kung nasaan na ako.

Paglabas niya ay sumulyap ako sa labas. Sinundan ko nang tingin ang babae na naglalakad na rin patungo sa counter. Tama nga ang hula ko. May dalawang lalaki na parehong nakasuot ng casual na kasuotan pero parehong nakaputi. Sinundan din nila ang babae at nawala na ang atensyon nila sa fitting room.

I grinned at mabilis na akong lumabas doon. Sumakay ako ng elevator para makapunta ako sa mas mataas na floor. Marami pa akong gustong gawin dito bago ako uuwi.

Huli kong destinasyon ay ang store para sa mga bata, may laruan at mga damit doon. Lumubo ang pisngi ko. What if bilhan ko rin sila ng mga damit? Kahit tig-isa lang sila? O mas maganda kapag doll? Or books?

Humakbang ulit ako at papasok na rin sana nang may humaklit sa pulso ko. Napasinghap pa ako sa gulat at handa na rin sana akong sampalin ito at magpumiglas pero parang naging blangko ang utak ko.

Nakilala ko ang lalaking bigla na ring sumulpot at ngayon ay parehong-pareho ang naging reaksyon nila ni Miko nang makita nila ako.

“B-Baby girl... Jean...” Si Kuya Hart! Si Kuya Hart ang nasa harapan ko ngayon at hawak-hawak ang pulso ko.

Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko. Kahit mahigit isang dekada pa na hindi ko nakita ang mukha ng kuya ko ay kailanman hindi ko nakalimutan ang hitsura niya. Hinding-hindi ko makalilimutan ang mukha ng taong mahalaga sa buhay ko at ang kaisa-isa kong kuya.

Nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Halos maiyak ako nang makita ko ulit siya. Gusto kong umiyak, gusto kong yakapin nang mahigpit ang aking kuya. Gusto kong magsumbong sa mga nangyari sa akin four years ago at ngayon na pagtitiis ko na hindi ko makita ang mga anak ko.

Gusto kong sabihin kay kuya na ako naman talaga ito, na ako si Donna Jean. Ang nag-iisang kapatid niya na dating bulag pero hindi niya ako pinabayaan. Gusto ko rin na makasama siya at ikuwento ang naging buhay ko. Pero si Archimedes na naman ang naalala ko. Ang asawa ko na alam ko ang mangyayari kapag ipinakilala ko ang sarili ko bilang si Donna Jean.

Alam ko ang gagawin niya sa mga mahal ko sa buhay at hindi siya magdadalawang isip na saktan na naman ang mga ito alang-alang sa akin. Ayoko, ayokong mangyari iyon.

“I’m sorry... Hindi kita kilala.”

It’s enough for me that I’ll be the only one to endure, that I’ll get hurt and that I’ll sacrifice alone. I don’t want them to be involved... Because I’m definitely still going to be hurt more.

“A-Alam kong ikaw si Jean! I-Ikaw si Donna Jean! You are my sister! J-Jean... B-Baby girl, si kuya ito... S-Si K-Kuya Hart m-mo ’to,” umiiyak na sambit niya. Punong-puno rin ng mga luha niya ang kanyang pisngi.

“I’m sorry, Sir. I really don’t know you, and no, I am not the person you were looking for,” malamig na sabi ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko kasi nagawa ko pang itago ang totoong nararamdaman ko. Na nagawa ko pang magkunwari na ibang tao at hindi ko siya kilala.

But deep inside...may kirot na sa puso ko kasi ang nag-iisa kong kuya ay nagawa kong talikuran at pagtatabuyan ko pa.

Wala naman siyang ibang ginawa noon kundi ang alagaan ako at protektahan pero ngayon...

“J-Jean... H-Hindi mo ba nakikilala si Kuya? O h-hindi mo na rin naaalala pa ang mukha ni kuya? Jean... Si kuya ito... Ako ito si Daizo Hear, baby girl...  Alalahanin mo naman si kuya...” Dinala ng kuya ko ang kamay ko sa magkabilang pisngi niya at parang napaso pa ako. Binawi ko ang kamay ko at humigpit ang pagkuyom nito.

Hindi, Kalla... Pigilan mo ang sarili mo... Pigilan mo at kailangan mong lumayo... Tama, lumayo ka...

Ilang beses akong umatras na pilit naman niya akong inaabot. Umiling din ako.

“I am Kalla Soleil. Hindi po ako si Donna Jean. Hindi rin kita kilala, Sir... I’m sorry... Maling tao ang nilapitan mo.” Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo, makalayo lang ako mula kay Kuya Hart.

“Jean! Jean, si kuya ito! Ang Kuya Hart mo!” pahabol ni kuya na kasunod nang paghagulgol niya.

Nang makakita ako ng ladies room ay dali-dali kong tinungo ito at pumasok sa isang cubicle. Isinandal ko ang likuran ko sa nakasarang pinto at napatutop ako sa aking bibig para lang pigilan ang hikbi ko. Sinapo ko ang dibdib ko kasi parang kakapusin na ako nang hininga. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Ang sakit-sakit na parang paulit-ulit akong sinasáksak ng kutsilyo.

Hindi ko na pinigilan pa ang pagbuhos ng mga luha ko kasi gusto ko nang pakawalan pa ang mga iyon. Umabot pa sa puntong lumalabo na rin ang paningin ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa aking pisngi at kumurap-kurap para bumalik ang paglinaw ng mga mata ko. Saka ako nagpasyang lumabas na at dala-dala ko pa rin naman ang paperbag.

Paglabas ko nga lang mula sa cubicle ay parang gusto kong umatras ulit at magsara ng pintuan dahil sa matangkad na lalaking nakatayo sa tapat mismo ng pinto.

Bumuka ang aking bibig na parang may sasabihin ako pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin? Parang naumid na rin ang dila ko at wala akong lakas nang loob na harapin siya.

Sinapo niya ang pisngi ko at muli akong umatras. Pero hinigit niya lang ako. Hindi na ako nakapalag pa nang ikulong niya ako sa mga bisig niya. Mahigpit at parang secure na secure na ako sa yakap niya. Kinabig pa niya ang ulo ko para dalhin iyon sa matigas niyang dibdib.

“Do you know what Shahara told me? ‘Daddy, pretend to be dumb, but not deaf. Expand your mind and never forget to see the truth. Shynara also said, the person you used to hate find out the real reason why you got mad at her or why she hurt you?’ While Shanea, ‘daddy, the truth you want to know is right in front of you. In her eyes’ hindi ko na-gets noong una na kung para saan ang mga linyang iyon? Na ano ang ibig sabihin ng mga iyon? Pero ngayon, susundin ko ang mga sinabi nila. Magpapanggap akong pipi at walang sasabihin, pero palaging bukas ang tainga at isip ko. Tatalasan ko ang mga mata ko para makita ko kung ano ang katotohanan at hihintayin lang ang tamang oras para kumilos.”

Inagaw niya ang paperbag ko at hinila niya ako kung saan. Hindi na ako nagprotesta pa at basta na lamang akong nagpaubaya. Iyong isip ko ay na kay Kuya Hart pa kaya hindi ko na namalayan na nasa basement na kami.

Binuksan niya ang pinto ang pintuan ng blue Mercedez niya. Inalalayan pa niya akong makasakay at wala pa ako sa sarili nang ikabit niya sa aking katawan ang seatbelt. Natauhan lang ako nang pinaandar na niya ang kotse niya at lumalayo na rin kami sa mall.

Mabilis ko siyang binalingan. “W-Where did you taking me?!” sigaw ko kay Miko. Tama, siya ang kasama ko ngayon at bigla na lamang akong hinila.

“Calm down, Miss. Hindi naman kita dudukutin. Pupunta lang tayo sa nursery house. Susunduin natin ang mga bata,” paliwanag niya pero hindi pa rin ako kontento.

“Pull over at ibaba mo ako,” malamig na saad niya. Umiling siya sa akin. Pinanlakihan pa ko pa siya ng mata. “Pababain mo ako, Engineer!” muling sigaw ko.

“Ibabalik din naman kita. Sandali lang. Relax, okay? Ang puso mo, ingatan mo naman,” sabi niya na ewan ko kung nagbibiro lang siya.

“Bakit kailangan ko pang sumama kung susunduin mo lang ang mga anak mo?” nalilitong tanong ko.

“Dahil na-miss ka namin.”

“Excuse me?”

“You heard it right, Miss.”

Napasinghap pa ako nang maalala ko ang bodyguards ni Archimedes. Kailangan kong bumalik agad pero...

Kung kapalit naman nito na makikita ko ulit ang triplets. Sa tingin ko naman ay hindi aalis ang dalawang iyon. Hahanap-hanapin pa rin nila ako at hindi sila magkakamali na sabihin sa boss nila ang pagkawala ko.  Malalagot kasi sila, nagawa ko silang takasan. Alam nila na kung paano magalit si Archimedes.

“Hindi ko kailangang nagtagal sa labas,” ani ko na kalmado na rin ang boses ko.

“Don’t worry, ihahatid naman kita before sunset,” he said. I sighed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top