CHAPTER 57
Chapter 57: Warning
“HMM, it’s delicious!” Nag-thumps up sa akin si Shahara at sunod-sunod ang pagsubo niya. May kalat pa siya sa table at madungis ang bibig niya. Ang cute niya.
“You’re good in cook po, pretty!” ani naman ni Shanea at siya lang din ang hindi makalat na kumain.
“Thank you po sa food,” nahihiyang sambit naman ni Shynara. Natural naman ang pagpula ng pisngi nila pero kapag nahihiya sila at mas namumula pa iyon. Halatang-halata rin kasi.
“You’re welcome,” nakangiting sambit ko. Kahit huwag na akong kumain ay parang mabubusog na ako. Makita ko lang sila na kumakain at sa kauna-unahang pagkakataon ay natikman nila ang luto ko. Ang luto ng mommy nila.
“Miss, kumain ka rin.” Binalingan ko si Miko na nakaupo sa tapat ko. Si Zavein din kasi nakaupo sa left side ko. Si Miko ay nasa left niya rin pareho sina Shynara at Shahara. Si Shynara na ang bunso namin ang katabi ko sa kanan ko.
Kami na lang ang kumakain namin ng lunch at that moment. Tapos na rin kasi ang iba at nagpapahinga na lamang sila para mamaya ay may energy na ulit sila para magtrabaho.
Nilagyan niya ng maraming ulam ang paper plate ko. “Tama na, hindi ko na iyan mauubos pa,” suway ko sa kanya at kumain na rin ako.
Marami rin akong nakain at lahat ng iyon ay naubos namin. Nang bumalik na sa work niya si Miko ay naiwan ulit sa amin ni Zavein ang triplets. Nakatulog pa sila kaya roon kami sa office ng kanilang ama tumatambay. Ganoon naman daw ang mga ito, kapag sleeping time na nila.
Tumagal pa nang isang linggo at ganoon palagi ang routine namin sa site, maliban lang sa mga day-off nila at doon lang din kami hindi nagkikita.
Lumipat na rin kami ng condo at wala na kami sa hotel. Kaya roon ay malayang-malaya na ako sa kusina at nakapagluluto ako ng iba’t ibang putahe. Hindi rin nawala ang vegetables. Favorite rin nila iyon kainin.
Sunday ngayon kaya nasa unit lang kami ng best friend ko. Nanonood siya ng movie sa Netflix. Ako naman ay pinili kong mag-drawing at napapangiti ako nang makita ko na maganda ang pagkakagawa ko. Kulay na lang ang kailangan. Silang tatlo mismo ang naging subject ko. Na-i-inspired ako kapag sila ang nakikita ko sa malinis na sketching book ko.
Nasa living room pa rin naman ako at tahimik lang ang kasama ko hanggang sa magsalita na rin siya. May kinakain siyang popcorn at nasa center table naman ang mga drinks namin.
“Kalla, feeling ko lang ay may gusto sa ’yo si Engineer Miko.” Napaayos ako nang upo at gulat na tiningnan siya.
“What do you mean by that, Zavein? Paano naman ako magugustuhan ng engineer na iyon? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na engaged to be married na siya. So?” nakataas ang kilay na saad ko.
May napansin na naman siya. Naku, kung alam lang niya na hindi lang iyon pagkagusto ay baka magulat pa siya. Ramdam ko pa rin naman ang mga palihim at nakaw na sulyap ni Miko. Kahit walang siyang sinasabi ay may kutob pa rin ako na hindi nawala ang nararamdaman niya para sa ’kin.
Pero hindi na namin puwedeng balikan pa iyon. Nakaraan na kasi at matagal na rin ang lumipas. Kailangan nang ibaon iyon at kalimutan. Mas mabuting ganito na lamang kami para wala nang masasaktan pa.
“Kakaiba kasi ang mga titig niya, tila nagpapahiwatig ng pagmamahal.” I glared at him. “I’m serious, Kalla.”
“Imposible iyan, eh,” ani ko. “Ikaw, Zavein? Hindi mo ba ako pipigilan sa mga kahibangan ko?” pag-iiba ko ng topic namin.
“Ha? Ano’ng kahibangan naman ’yang pinagsasabi mo?” kunot-noong tanong niya.
“Ang mga ginagawa ko para sa mga bata, Zavein. Hindi mo ba ako pipigilan o bakit hindi mo ako pinipigilan? Kasi masyado na akong malapit sa mga anak ni Engineer Miko at nakuha ko na rin ang loob nilang tatlo,” pagbibigay linaw ko para mas maintindihan niya ang gusto kong sabihin.
“Kalla, simula nang sabihin mo na ipaghahanda mo sila ng pagkain ay wala akong reklamo o hindi kita pinigilan. Kasi bakit?”
“Bakit?”
“I told you, babe. Na ngayon ko lang nakita na magaan ang aura mo. Na parang hindi ka malungkot at ang saya mong makita ang mga batang iyon. Oo, masaya ka naman sa buhay mo pero kakaiba ang isang ito. Kalla, gawin mo ang gusto mo. Huwag kang mag-isip ng negatibo. Kasi alam ko kapag uuwi na rito si Archimedes ay hindi mo na magagawa pa ang mga bagay na ikasasaya mo. Hindi ko na makikita ang matamis na mga ngiti mo. Kapag kasama mo kasi ang pinsan ko ay parang napipilitan ka na lamang na pakisamahan siya. Chance mo rin ito na hindi ka dinidiktahan ni Archimedes,” mahabang sambit niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.
Napakasuwerte ko naman dahil may matalik akong kaibigan na naiintindihan ang sitwasyon ko. Na kaya niya akong suportahan at hinahayaan ang mga bagay na gusto ko.
“Tama ka, Zavein. Masaya nga talaga ako. Masaya ako sa mga ginagawa ko ngayon. Thank you, dahil palagi kang nandiyan para suportahan ako.” Tumayo ako para mayakap ko siya. Mahigit naman niya akong niyakap pabalik.
“Basta palagi akong game sa mga gusto mo, Kalla. Love-love kita, eh.”
“I love you too, best friend!” nakangiting sambit ko. I’ll join him to watch the movie. Comedy naman pala ang pinapanood niya pero hindi ko man lang siya narinig kanina na tumatawa kahit may nakatatawa naman na eksena. Maliban na lang talaga sa horror ay umiiyak siya sa takot.
ONE morning ay handang-handa na ako para sa pagpunta namin sa site ng kaibigan ko. Dating gawi, nagluluto ako ng mga baon namin pero tumawag naman si Archimedes.
Kung dati kapag tumatawag siya ay wala lang para sa akin. Mabilis kong sinasagot ang tawag niya at iparirinig ko ang masayang tinig ko kasi nga tumawag siya. Pero simula nang makita ko na ang mga anak ko ay may kaba na akong nararamdaman sa aking dibdib.
Masyado akong negative kung mag-isip, kasi kung nag-r-ring na ang phone ko at pangalan niya agad ang mababasa ko sa Caller ID ay isa lang ang naiisip ko. Na baka may alam na si Archimedes sa mga ginagawa ko rito sa Pilipinas. Na nalaman na niya ang pakikipaglapit ko sa ex ko—eh, si Miko lang naman ang gumagawa no’n. Nag-iingat talaga ako kasi baka malaman niya at mahuli pa ako.
“Hello, hon!” agad na bati ko at umarte pa ako na masayang-masaya ako dahil kausap ko na siya ngayon.
“Kallani,” he uttered my name.
“Na-miss kita, honey!” sambit ko pa.
“Where are you going, Kallani?” mahinahon na tanong niya pero ramdam ko ang lamig nito.
“Sa site—”
“Kallani, alam ko naman na pumupunta ka roon sa site. Dahil kay Engineer Miko, right? Zavein hired him to build your building at alam mo ba kung ano pa ang mga nalaman ko? Isinasama ng lalaking iyon ang mga anak niya para suyuin ka, ’di ba? Sabihin mo nga sa akin, Kallani. Sinabi mo na ba sa kanya kung sino ka ba talaga? O hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin siya?” pagalit na tanong niya at nanginig ang katawan ko. Binalot na ako ng takot sa dibdib ko. Ano na ang gagawin ko?
Nalaman na niya. Nalaman na niya ang tungkol doon. Pinilit ko na lamang ang sarili ko na maging matatag at hindi magpapaapekto sa mga sinasabi ni Archimedes.
“Hindi ko na siya mahal, Archimedes. Ikaw na ang mahal ko at alam mo iyon,” sabi ko.
“Kung mahal mo ako ay iwasan mo na sila, Kallani. Tandaan mo na ikaw na si Kallani Soleil Carvento-Valderama. Asawa na kita at hindi mo na sila pamilya. Nakalimutan mo na yata kung ano ang ginawa sa ’yo ng taong iyon?”
“Hon... G-Gusto ko lang talaga makilala ang mga anak—”
“Hindi mo sila kailangan, Kallani. Pag-aari na kita at wala ka ng ibang pamilya kundi ako lang. Ang mga batang iyon ay hindi mo na sila kaano-ano pa,” matigas na saad niya. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko.
“A-Alam ko naman iyon, hon. Wala namang kahulugan ang pakikipaglapit ko sa mga bata,” pagdadahilan ko pa. Kahit na gustong-gusto ko pa silang makasama. Iyong wala ng magiging hadlang pa. Na ano mang oras ay palagi ko silang makikita.
“Pag-uwi ko ay magpapagamot ka ulit, Kallani. After your therapy, magbabakasyon tayo sa isang isla ko para makabuo na rin tayo ng anak. Kung gusto mong mag-alaga ng bata ay bigyan mo ako ng anak. Isang anak lang, Kallani. Para makalimutan mo na rin ang mga anak ng engineer na iyon. Tandaan mo na matagal ng patay si Donna Jean V. Lodivero.”
“Archimedes, a-alam mong wala na akong chance pa para magbuntis, right? Kahit...sinubukan na natin ay wala pa rin. Hindi pa rin tayo nakabuo ng magiging anak natin.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Sinabi na rin kasi ito ng OB-Gyne ko na wala na akong chance pa para magbuntis ulit. Dahil iyon sa sàksak ko four years ago.
“At nawalan ka na agad ng pag-asa, ganoon? Maraming nagagawa ang pera, Kallani. Puwede tayong kumuha ng surrogate mother at siya mismo ang magbuntis ng anak natin. Ang kailangan mo lang ay ihanda ang sarili mo dahil isang buwan tayo mananatili sa isla kasama ang babaeng magdadala ng magiging anak natin.”
“Sige. Kung ’yan ang gusto mo ay hindi kita pipigilan, hon,” sambit ko.
“Huwag ka na ring pumunta pa roon. Hayaan mo na si Zavein kung ayaw mong ibalik ko siya sa Indonesia. Hindi ka na rin babantayan pa ng mga bodyguards mo. Magtitiwala ako sa ’yo na hindi mo na susuwayin pa ang mga sinabi ko. Makikita mo kung paano ako magalit, Kallani.”
“Don’t worry, susundin ko ang mga payo mo, Archimedes,” kalmadong sambit ko. Ayokong magalit pa siya lalo kapag hindi ko siya susundin. Siguro ay may nagbabantay rin sa akin ng palihim. Imposible naman kung ang mga bodyguard ko ang nag-report tungkol doon.
“Good. I’ll hang up the phone. I can’t wait to make love with you, again. I miss the way you moan my name, sweetheart. I miss your smells and sweats all over my body. I love you.”
“I love you, too hon,” labas sa ilong na sabi ko at nang naputol na rin ang linya ay humugot ako nang malalim na hininga. Sanay na ako sa mga katagang lumalabas mula sa bibig niya.
Pinipilit pa rin niya ang bagay na iyon. Na makabubuo pa kami ng bata kahit imposible na.
Hinanap ko sa phonebook ang pangalan ng taong tumutulong pa rin sa akin sa loob ng apat na taon. Hindi man niya ako magawang itakas sa mundong hindi ko pinili ay gumagawa pa rin siya ng paraan para hindi ako makuha nang tuluyan ni Archimedes.
One call away lang siya kaya noong pinindot ko ang call ay dalawang beses lang nag-ring ay agad na niya itong sinagot.
“Hello, Kalla. How are you?” Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya.
“Randell.”
“Hi, what can I do for you, Kalla?” he asked. Natuwa rin pala siya nang marinig ang tinig ko. Halata kasi iyon, eh.
“Kailan ka babalik dito sa Philippines?” sa halip ay tanong ko rin.
“Hmm, let me guess. Na-miss mo ako, ’no?” pabirong tanong niya. Hindi ko naman i-d-deny ang bagay na iyon. Isang taon na kaming hindi nagkikita.
“Of course, na-miss kita. So, kailan ka uuwi rito?”
“Soon, Kalla. Pero mukhang excited ka na muli akong makita, ha?” Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.
“Kasi, Randell. Pagbalik dito ni Archimedes sa bansa ay gusto niyang magpagamot ulit ako. Dadalhin niya ako sa isla niya at isang buwan kami roon. May plano siyang...bumuo kami ng magiging anak namin,” paliwanag ko. Kasi siya lang din ang may kakayahan na tulungan ako sa ganitong sitwasyon.
Siya rin mismo ang nag-offer nito. Na tutulong siya sa abot ng makakaya niya. Kahit nagalit ako noon sa kanya ay nag-effort naman siya na makuha ulit ang loob ko. Hindi naman niya ako binigo kasi sincere ang paghingi niya ng kapatawaran.
“Alam naman niya na hindi na puwede. Bakit pinipilit pa rin niya?” Si Randell din naman ang naging doctor ko noong nagkaroon na ako ng eye-transplant.
“Handa siyang kumuha ng surrogate mother, Randell. Basta mula rin sa amin ang bata,” sabi ko.
“Isang buwang honeymoon? Talaga naman na gusto niyang makasigurado na may mabubuo nga kayong dalawa. Nahihibang na siya. Don’t worry, magpapa-book ako ng flight namin ni Dalia para makauwi na rin kami sa bansa. Ihahanda ko na rin ang mga gamot na kailangan natin,” aniya. Malaking tulong nga talaga siya.
“Thank you, Randell.”
“No worries, Kalla. Gusto ko lang makabawi sa ’yo kasi alam mo na isa ako sa mga taong may atraso sa ’yo,” malungkot na sabi niya at may guilt pa rin siya sa puso niya.
“Matagal na kitang pinatawad, Randell. Kaya patawarin mo na rin ang sarili mo. Matalik na kaibigan na rin naman kita, ’no. Second lang si Zavein,” ani ko at narinig ko ang malakas na halakhak niya mula sa kabilang linya.
“Naku, Kalla. Sabihin mo ’yan kay Zavein. Magtatampo na iyon sa ’yo,” wika pa niya. One hundred percent na magtatampo nga iyon sa akin.
“Salamat talaga, Randell. Kung wala kayo sa tabi ko ay ewan ko na lang kung ano pa ang mangyayari sa akin o baka hindi ko na kayanin.”
“Hay naku, Kalla. Malakas ka at ikaw ang babaeng kilala ko na hindi alam ang salitang pagsuko. Kakayanin mo, okay?”
“Pero hanggang kailan nga ba ako makakawala sa tila pagkakagapos sa akin ni Archimedes, Randell?”
“Sumusuko ka na ba agad, Kalla?”
“H-Hindi pa... Hindi pa, Randell,” sagot ko naman.
“Kung ganoon kayanin mo. Tiisin mo muna ang mga paghihirap mo. Ginagawa natin ito para sa mga taong iniingatan at pinoprotektahan mo, Kalla.” I nod my head.
“Randell, nakita na ako ni Miko pero nagpanggap ako na hindi ko siya kilala.”
“That’s good. Hindi natin alam kung ano ang gagawin ni Archimedes,” sabi pa niya.
“Nalaman na niya, Randell. Sa loob ng isang linggo ay alam na rin niya na pumupunta ako sa site at nandoon ang mga...anak ko... N-Nakita ko na rin sila sa wakas... Pero nahuli ako... Nahuli pa rin ako ni Archimedes at kailangan ko na ulit silang iwasan. Na hindi na ulit ako magpapakita pa sa kanila...” May tumulong luha sa pisngi ko. Ang sakit lang isipin na hindi ko na sila makikita ulit pero kailangan. Kailangan kong gawin iyon. Alang-alang sa kaligtasan nila.
“Kalla...”
“Ang sabi ng bunso ko, Randell. She hates sacrifices. Pero iyon naman ang ginagawa ng mommy nila. Ang magsakripisyo para lamang sa kaligtasan nila,” mahinang saad ko at muli akong bumuntong-hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top