CHAPTER 55

Chapter 55: A bond with her triplets

“HI, little princesses. I am Zavein Valderama. You can call me—just Zavein,” pakilala naman ng best friend ko sa aking mga anak.

Nakaupo na silang tatlo sa plastic chair na nasa harapan namin and to be honest ay kanina pa nila ako pinagmamasdan. Kung hindi lang nagsalita si Zavein ay hindi nila ililipat ang attention nila rito.

“Just Zavein? We call you just Zavein?” inosenteng tanong ni Shahara. Para hindi ako malito sa kanilang tatlo kasi ngayon ko nga lang sila nakita. Nasa gitna siya ng ate at bunso namin.

Kanina ko pa nga gustong umiyak at yakapin sila nang mahigpit. Na parang ayaw ko na rin silang pakawalan pa. Pero pinipigilan ko na lamang ang sarili ko. Importante sa akin ngayon ay ang makita at nakasama ko na sila.

“Uhm... Hindi iyon ganoon.” Ewan ko kay Zavein, kung bakit kinakabahan siya na kausapin ang tatlong baby na ito. Wala namang ginagawa, ni hindi rin naman siya sinusungitan.

“Call him Uncle Z,” sabi ko at napapalakpak ang bunso.

“Okay po! Uncle Z will do!” masayang bulalas ni Shanea.

“Uhm, okay,” pagsang-ayon naman ni Shynara na kanina pa rin nananahimik.

“Ikaw po? Ano ang itatawag namin sa ’yo?” Shahara asked me. Gusto ko nga na ‘mommy’ since ako naman ang biological mother nila pero hindi puwede. Kahit gusto ko na ganoon ang itatawag nila sa akin ay hindi pa rin talaga puwede.

“Aunt Kalla,” sambit ko.

“Okay po, pretty. Aunt Kalla, can you read my favorite book?” munting request nito at ibinigay ang tinutukoy niyang favorite book niya. Inabot ko naman ito at tiningnan ko ang titulo ng libro na naging paborito niya.

“The Demon Princess and the Archangel?” I read the title of children’s book. Parang kakaiba naman ito, isang demonyong prinsesa at isang anghel?

“It’s about the forbidden love story, pretty,” she said.

“Love story?” tanong ko at napatango pa siya.

“I love their love story. Everyone hates the demon princess because sabi nila she’s one of the villainess sa kingdom ng mga angels,” paliwanag niya. Napatango-tango ako.

“Mas gusto mo ’yong mga villains characters?” I asked her once again.

“Kasi po hindi lahat ng mga kontrabida ay kontrabida. Karamihan po sa kanila ay biktima rin naman. Hindi lang po natin alam ang totoong kuwento pero tayo pong mga tao ay mahilig sa judgement,” seryosong saad niya at muntik pang mawalan nang balanse si Zavein mula sa kinauupuan niya.

“Uhm...” Speechless naman ako nito. Masyado siyang matalino para maintindihan ang mga bagay na iyon.

Ginawaran ko siya nang matamis na ngiti na wala pang dalawang segundo ay tumugon siya. Sa sobrang tuwa ko dahil lumaki siya na may pag-iisip at matalino ay hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at hinaplos ang matambok niyang pisngi.

Ang panganay ko na unti-unti kong nakikilala at nalaman ang katangian niya sa ilang minuto kong pag-o-oberba sa kanya. Sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya.

Spoiled brat, malambing siya, mahiyain pero mabait naman. Favorite book niya ay ang may character na isang kontrabida kasi alam niya na may kanya-kanyang kuwento sa likod ng mga ito.

“You are so sweet and smart,” papuri ko na mas namula ang cheeks niya. Bumalik ako sa seat ko at sunod kong tiningnan si Shahara na may hawak na rin siyang libro.

“Me naman po, Aunt Kalla! This is my favorite children’s book!” Kinuha ko naman ang libro niya at binasa ko ang title nito.

Umawang ang mga labi ko sa gulat nang mabasa ko ang titulo ng libro niya. “This is about, disability of each person that everyone had?” hindi makapaniwalang sambit ko at napatango-tango siya na may ngiti pa sa mga labi niya.

“Pretty, nanininiwala po ba kayo na lahat tayo ay may disability?”

“Ha?” gulat kong sambit.

“What do you mean about that, kid?” curious na tanong ni Zavein at maingat niyang kinuha sa akin ang libro saka niya binasa ang unang pahina nito. “Princess, ang mga special childs lang ang mayroon na disability. Hindi tayo—”

“Because we’re complete? I mean, there is no something with us? Like hindi po tayo bulag, hindi po tayo bingi, hindi po tayo pilay and etcetera. Do you think po ikaw ay wala ring disability?” tila nanghahamon na tanong nito. Napasapo siya sa noo niya at tiningnan ako na nanghihingi ng tulong. Kasi naman ay wala na siyang maisasagot pa rito. Na parang ang tali-talino nito at nahihirapan na siyang magsalita.

Mahinang natawa ako sa kanyang reaksyon. Bata lang ito pero parang natalo na rin siya.

“Enlighten me, my angel. What do you mean about that?” I asked her.

“Ikaw po sa tingin mo ay mayroon ka ring kulang or something disability? Oh, to be clear. Ang gusto ko pong ipaliwanag ay lahat tayo may kanya-kanyang diperensya.” Ako naman ang napakamot sa kilay ko.

“Difference ba iyon, Kalla? Naniniwala ako na marami tayong pagkakaiba sa mga special childs na tinutukoy mo, princess.”

“Na tinawag mong may kanya-kanya tayong disability. Well, it’s true na may diperensya tayo,” pagsang-ayon ko.

“Kung ipagtatabi po kami ng isang batang may diperensya ay sa kanya po makikita niyo agad. Sa akin ay hinding-hindi niyo makikita kung saan ang diperensya ko.”

“Something like na may kulang sa ’yo?” tanong ko na tinanguan niya.

Si Zavein ay hindi agad nakuha ang tinutukoy nito pero sa isip ko ay mukhang alam ko na ang ibig sabihin.

Kung sa isang taong may diperensya ay makikita mo na nga kung ano o saan na may kaibahan kayo. Kapag siya ay pilay at ikaw ay hindi— oh, kung ikokompara ako sa dati na isang bulag at siguro makikita mo iyon sa pagkatao niya.

“Ano na po?” Nag-thumps up ako sa kanya at lumubo ang pisngi niya saka niya itinuro-turo ang kanyang pisngi gamit ang daliri niya. I chuckled softly. Tumayo ako at nilapitan siya para halikan sa pisngi. Lumapad lalo ang ngiti niya. “Gusto ko pong malaman kung ano ang pinagkaibahan natin, pretty. Like ako, walang Mommy. Ikaw po?”

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang sabihin niyang wala siyang ina. Sa harapan ko pa mismo sinabi ang mga katagang ito. Wala namang katotohanan. May Mommy siya, hindi niya lang alam kung sino.

I cupped her little face. “Baby, that’s not true. May mommy ka. Wala namang mga bata na walang ganoon, right?”

“But I want her to stay with us po sa mansion namin,” malungkot na sabi ko at nagsimula nang namula ang mga mata niya. Senyales na iiyak na siya. Bago pa mangyari iyon ay binuhat ko na siya. Muli akong umupo and I let her to seat on my lap. I kissed the top of her heard.

“Sigurado ako na love na love ka ng Mommy niyo kung nasaan man siya ngayon. Walang oras na lumilipas na hindi kayo naisip ng inyong ina,” pampalubag-loob ko sa kanya. That’s true, palagi ko pa rin naman silang iniisip at na-m-miss ng sobra-sobra.

She rested her head against my chest. Tiningnan ko naman ang dalawa ko pang Mika. Humihikab na ang panganay ko at ang aking bunso naman ang pinagtunan ko nang pansin. “How about you, Shanea? Wala ka bang gustong ipabasa sa akin na favorite book mo?” malambing na tanong ko.

“There is one po,” she said.

“What is it?”

“A love story of my parents, Mommy Jean and Daddy Miko. But si Daddy ko lang po ang puwedeng magkuwento no’n for me,” paliwanag niya. “But can you please tell me about your story? Uhm, ang kuwento po niyo ang gusto kong marinig. About you and your husband,” seryosong saad niya. Bigla siyang na-curious tungkol sa akin?

“Okay,” sambit ko.

Una kong binasa ang libro ni Shynara. Umupo na ako sa dating puwesto ni Shahara kasi ilang beses siyang humikab, na halatang inaantok na siya. Nakahilig na rin siya at nakaalalay naman ang kanang braso ko para hindi siya matumba nang tuluyan.

Kasunod ang libro ng batang nasa kandungan ko na nakatulog na rin. Si Shanea ay nakaupo sa tapat ko at matiim akong pinapakinggan at pinapanood. Dahil abalang-abala ako sa kanila ay hindi ko na nga rin namalayan na wala na pala rito si Zavein and I don’t know kung nasaan na siya nagpunta.

“Iniwan po ba ng prinsesa ang dati niyang nobyo kasi dinukot siya ng pangalawa pang prinsipe?” curious na tanong ni Shanea. Nakadaop ang mga kamay niya. Naka-Indian seat din siya.

“Yes,” sagot ko na sinabayan pa nang pagtango.

“Ano po ang ginawa ng first prince? He save his princess and fight against the second prince who abducted his believe?” Umiling ako. Walang nangyaring ganoon kasi hindi naman alam ng first prince na dinukot ang mahal niyang prinsesa.

“Dinala ng pangalawang prinsipe ang prinsesa sa malayong-malayo na bundok para hindi na sila mahanap at matunton pa ng unang prinsipe,” pagkuwento ko pa.

“Ano na po ang ginawa ng prinsesa kung ganoon? Minsan po ba ay sinubukan niyang tumakas? Kasi nagmamahalan po sila ng unang prinsipe.” Kunot na kunot na ang kanyang noo. Mababasa sa mga mata niya ang interes na malaman ang buong kuwento ng isang prinsesa na pinag-aagawan ng dalawang prinsipe.

“She did but just once,” I answered.

“But why? Why minsan lang na naisip niyang tumakas?” tanong niya na may bahid na iritasyon sa kanyang tinig. Mahinang humalakhak ako at hindi nawala ang pagkasasalubong ng mga kilay niya.

“Because she chose to stay with the second prince just to protect her beloved, her family. Kung gagawa siya ng masama against the second prince. There’s is the possibility na masasaktan ang mga mahal niya sa buhay,” sagot ko.

“Oh, I hate sacrifices!” sigaw niya at ang maliit niyang kamao ay sinuntok ang palad niya.

“Sa ganoong paraan niya lang mapoprotektahan ang mga mahal niya. We can’t blame her sacrifices, honey.” Sa sinabi ko ay napahikbi siya. Ang bilis naman tumulo ang mga luha niya. “Shanea, why are you crying?”

“Where is the first prince?! Please, protect his princess from the second prince!” sigaw niya dahilan na nagising ang dalawa niyang kapatid. Gulong-gulo ang mga ito kung bakit sumisigaw at umiiyak na si Shanea.

“Hala naman. Bakit umiiyak ang prinsesa ko?” Sumulpot naman si Miko at agad niyang dinaluhan ang anak niya na humahagulgol na. Parang nagsisisi ako na magkuwento pa sa kanya tungkol doon.

“Daddy! I hate the second prince already! I hate him, so much!” sumbong niya sa daddy niya. Pinunasan na nito ang mga luha niya. God, sumisikip ang dibdib ko na marinig ang paghikbi niya. Hala, iyakin pala ang bunso. Na-touch yata siya sa kaganapan ng isang prinsesa.

“Who’s the second prince are you talking about, ’nak?” clueless na tanong naman ni Miko.

“The bad second prince who kidnap the princess! Dad! Be a first prince and save the princess!” Hinawakan pa niya ang mukha ng kanyang ama para lang sabihin ang mga katagang iyon.

“Yes, yes. I will, baby. Sino ang prinsesa na tinutuluyan mo?”

“It’s Aunt Kalla, save her from her husband! She was abducted four years ago, Daddy!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at itinuro pa niya ako.

Dahan-dahan tuloy tumingin sa ’kin si Miko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya at bumilis ang tibok ng puso ko. Paano naman nasabi ni Shanea na ako nga ang tinutukoy kong prinsesa na dinukot ng pangalawang prinsipe?

“Uhm, i-isang kuwentong pambata lang naman iyon, Shanea...” pagtatama ko para hindi mag-isip ng kung ano ang kanyang ama.

“I’m asking you po na magkuwento ka about your life—your story and I consider na kuwento niyo po iyon... Daddy, kawawa naman po ang prinsesa...”

“Four years ago?” tanong ni Miko na nahuhulog na yata sa malalim na pag-iisip.

“Aunt Kalla told me, the story was four years ago.” Paanong napagtagpi-tagpi nito ang mga kuwento? Oh, my God. Sarili ko lang pala ang magpapahamak sa akin. Hindi ko nga puwedeng ikuwento ang tungkol sa buhay ko kasi kayang-kayang intindihin iyon ni Shanea.

Wala rin naman akong sinabi na ako ang nagmamay-ari ng story na iyon pero...

“Oh, really? Don’t worry, daddy will be the first prince and he’s going to save his princess.” Bayolenteng napalunok pa ako nang diretso niyang tinitigan ang mga mata ko when he said those words. Ano naman kaya ang iniisip ng engineer na ito?

“Huwag mong seryosohin ang kuwentong kathang-isip lamang, Engineer. There is no big deal,” walang emosyon na sabi ko.

“Miss, hindi mo mabibilog ang utak nito,” sambit niya at marahan na idinikit ang hintuturong daliri niya sa sentido ni Shanea. “Kakaiba ito sa lahat ng mga bata. Puwede mong bolahin ang dalawa,” aniya at ang sunod niyang itinuro ay nasa tabi ko.

I made a facepalm. “Ewan ko sa ’yo. Wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo. Nagkukuwento lang kami tungkol sa favorite books nila,” giit ko pa at nagkibit-balikat siya.

“May anak ba ang prinsesa, Shanea?” Talaga naman...

“Eh, wala po...” umiiling na sagot ng kanyang anak.

“Aw, that’s bad. How about the second prince? May anak ba sila ng prinsesa?”

“Wala rin po,” muling sagot nito na may kasama pang pag-iling.

“That’s good,” he uttered.

“Eh, Daddy?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top