CHAPTER 54
Chapter 54: Meeting her children
NILAKIHAN ko ang pagbubukas ng pintuan for him. Kahit ayoko siyang pumasok ay may good manners pa naman ako. Bad kasi iyon when he waits outside and besides we have something important to sign. Our contract. Bakit ba kasi kinalimutan iyon kanina ni Zavein na dalhin? Wala sana kami rito.
“Come in,” I invited him. Tiningnan pa niya ako bago siya pumasok. Humigpit pa ang paghawak ko sa doorknob dahil sa nalanghap ko ang familiar perfume niya. Hindi pa rin siya nagpapalit no’n.
“I thought I’d just wait outside,” he commented and place one hand in his pants pocket.
“It’s okay if you want too. I won’t force you,” supladang tugon ko naman.
“Sungit,” he said under his breath. I rolled my eyes at nakita niya mismo iyon. His lips rose up.
May dalawang couch sa hotel suite ko at doon ko siya pinaupo at kinuha ko ang folder na hinanda ng best friend ko. Bumalik din ako at inilapag ko iyon sa coffee table. Naglabas na rin ako ng sign pen para ready na talaga siya.
“Here, ikaw muna ang pipirma. Nandiyan din naman ang signature ng co-owner ko. Sa atin na lang ang wala,” ani ko at pinagdaop ko pa ang palad ko na nasa lap ko.
“Hindi mo ba ako aalukin man lang ng kape, Miss?” Nagsalubong ang manipis kong kilay. Bakit ko naman siya aalukin no’n? Before nga kami pumunta sa location ay kagagaling pa namin sa coffee shop.
“Aren’t you busy, Engineer Miko?” walang emosyon na tanong ko.
“Kung ikaw naman ang kasama ko ay okay lang sa ’kin na mas magtagal pa rito,” sagot niya.
“That makes no sense, Engineer. We already talked about the building we want to build and the only thing missing is we sign the contract. Just don’t waste any more time and sign it already,” saad ko. Kanina pa ako nauubusan nang pasensiya sa lalaking ito. Hindi naman kasi ako comfortable kapag nasa iisang room lang kami. Mas lalo lang akong kinakabahan at hindi mapakali.
“Why are you in a hurry? Are you worried that your so-called husband will catch up with me?” malamig na tanong niya. Isa pa iyon sa mga dahilan ko. Hindi magandang idea kapag nalaman ni Archimedes na pinapasok ko at kasama ko rito ang ex ko. Baka kung ano na naman ang sabihin no’n. Ayokong maghinala siya kahit hindi naman dapat.
“You don’t care anymore,” laban ko. Padabog niyang kinuha ang folder. Is he mad? Tsk.
“Apat ang contract, hindi mo na ba kailangan ng attorney?” I asked him. Hindi siya kumibo, kumunot lang ang noo niya at nang matapos na siya ay binitawan niya ang sign pen na may halong galit. Hindi na nga rin maipinta pa ang face niya.
Kinuha ko iyon at nagsimula na rin akong pumirma. Tinanggal ko ang tatlong piece ng contract at ibinigay ko sa kanya ang isa. Akala ko ay magdadabog na naman siya pero maingat na niyang hinawakan ang folder saka siya tumayo. So, I stood up from my seat too.
“I’ll go ahead,” paalam niya. Walang nababahiran na kahit na ano’ng emosyon ang mukha niya. Nagkibit-balikat ako at hinatid ko siya hanggang sa pintuan. To be sure na makalalabas na rin siya.
“Thank you, Engineer. Inaasahan ko ang mabilis na serbisyo niyo,” ani ko at nilingon pa niya ako. Saglit na pinasadahan niya nang tingin ang aking mukha. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay. He licked his lips and I averted my eyes. Dàmn it. Natural na mapula talaga ang lips niya.
“Nice to meet you,” he said at bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakalahad na ang palad niya.
Nang tanggapin ko ang kamay niya ay napasinghap ako nang hinila niya ako at mabilis na binitawan niya rin ito para hawakan ako sa batok. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa akin. Hindi katulad nang dati na mabilis lang pero ngayon ay nagawa niyang gumalaw kasabay nang pagkagat niya sa lower lip ko saka niya ako pinakawalan.
Habol-habol ko agad ang hininga ko at hindi makapaniwala na tiningnan siya. What the hèll was that?!
“Hindi ako nakikipagkilala sa isang magandang babae nang hindi ko siya hinahalikan. Pero ikaw lang ang kliyente ko na hinalikan ko nang gano’n. Because special ka,” nakangising sabi nito. Nagawa pa niyang haplusin ang gilid ng labi ko. Umamba ang palad ko para sana sampalin siya pero mabilis niyang nahuli ang pulso ko.
“You’re so bastos!” asik ko sa pagmumukha niya at pilit kong binabawi ang kamay ko na hawak niya nang sobrang higpit. Ngunit sa paraan na hindi ako nasasaktan.
“Save it, baby. Baka mahalikan pa kita ng torrid. Gusto mo ba ng torrid kiss?”
“Just get the fvcking out!” I screamed.
“May kalalagyan ’yang bunganga mo, Kallani Soleil,” may pagbabantang saad niya. As if matatakot ako sa kanya? Sino ba siya sa inaakala niya? But the hèck! Kinilabutan pa ako sa seryoso boses niya!
“Umalis ka na lang puwede ba?!” Halos ipagtulakan ko na rin siya.
“Hmm, ang tamis pala ng mga labi mo at sana matikman ko ulit iyan. Bye, Miss.”
“Dámn you, assholè! Pervert!”
“By the way, I like your perfume, baby.” Pabagsak kong isinara ang pintuan at mariin na napapikit. Halos iumpog ko na ang ulo ko sa nakasarang pinto para lamang iwaglit sa isipan ko ang paghalik niya.
Nangangatal ang kamay ko na hinawakan ko ang locket ko. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko na mahirap pakalmahin.
Walang pinagbago ang nararamdaman ko. Ganito pa rin siya. Ganito pa rin siya sa kabilis at kung paano ito magwala.
God, four years... Four years na iyon pero sariwa pa rin sa akin ang mga alaala niya. Ang puso ko ay sa kanya pa rin tumitibok. May nararamdaman pa ako na katiting na pagmamahal sa lalaking iyon.
Mas nagulo lang ang buong sistema ko lalo na may idea na ako sa hitsura niya. Kung gaano siya sa kaguwapo. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at bumuntong-hininga. Maski ang mga labi niya ay wala pa ring pinagbago. Malambot at matamis pa rin.
Napapitlag naman ako nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Humugot muna ako nang malalim na hininga saka ko tiningnan ang phone ko. Parang namutla pa ako nang makitang si Archimedes ang tumatawag.
Natatakot ako na baka nag-report ang mga bodyguards ko. Malalaman niya na pinapasok ko si Miko sa suite ko at malalaman din niya na ito ang kinuha ni Zavein na engineer para mamahala sa building na ipinatayo namin.
“Hello, hon?” sagot ko sa kabilang linya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang kinumusta niya lamang ako at sinabing medyo matatagalan pa raw siya roon sa Indonesia. Kasi may posibilidad daw na makapupunta siya sa Europe.
Bakit tila may mumunting kahilingan ako na sana ay mas magtagal pa siya roon?
***
“Ang pogi ni Engineer Miko, ’no Kalla?” kinikilig na tanong sa akin ni Zavein. Napahinto pa ako sa pagnguya ko ng strawberry cake. Nasa isang café kami na malapit lang din dito sa hotel. Dito namin napili na mag-breakfast.
“Ganoon ba ang mga tipo mong lalaki?” tanong ko naman at nakita ko pa ang pagpula ng pisngi niya. Kinikilig, eh?
“Yup, ang yummy ng engineer.” Nangunot ang noo ko. Yummy?
“Saan ang yummy roon? Guwapo lang naman siya,” balewalang saad ko.
“You know what, Kalla? Kung hindi mo lang hubby si Archimedes ay bagay sana kayo ni Engineer Miko—”
“Stop it, Zavein. Baka makarating ’yan kay Archimedes. Lagot ka roon at hindi kita kakampihan,” banta ko at umikot lang ang eyeballs niya.
“And besides, hindi na rin puwede. May triplets na siya and fiancé.” Napahawak ako sa dulo ng table sa sinabi niyang may fiancé na ito. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam iyon, ah.
“R-Really? May fiancé na siya?” I cleared out my throat. Iyon ang hindi ko pinaghandaan kahit expected naman na.
“Nasa status niya ang engaged to be married, Kalla.”
“Hindi siya single father?” tanong ko.
“I’m a busy person, Miss. Just so you know, I’m a single father. May mga anak akong naghihintay sa bahay namin. Hindi ako puwedeng ma-late.” Naalala ko ang sinabi niya kahapon. Ano ang ibig niyang sabihin sa single father? Well, come to think of it. Dahil iyon sa ’kin na bigla na lang nawala kaya matatawag siyang single father pero may fiancé na nga siya.
Engaged to be married pa.
“Nope, I told you. May fiancé na siya.”
“Sino?”
“Hey, it seems interested ka na, my dear! Ano’ng ibig sabihin niyan?” natatawang tanong niya at sumimangot ako. “If curious ka ay research mo siya sa website para malaman mo ang full details niya.” Ayoko. Baka mag-react pa at may masabi akong masama.
“Nakita mo na ba ang mga anak niya kung ganoon?” back up na tanong ko.
“Yup! Pero sa malayo lang naman. Paano kasi ang susungit ng mga iyon sa personal!” By that ay parang nabuhayan na naman ako nang loob. Gusto kong malaman ang mga katangian nilang tatlo. Gusto kong ikuwento pa niya ang mga nalalaman niya.
“And?”
“At parang...” Saglit naman akong tinitigan ng best friend ko na tila may hinahanap siya sa mukha ko.
“Parang?” Bakit ayaw pa niyang sabihin?
“I don’t know if ako lang ba or what? Kaya naman pala pamilyar ang pretty faces ng triplets na iyon. Now I know.” Nangalumbaba pa siya at naninimbang na tiningnan niya ako.
“What do you mean by that, Zavein?” nagtatakang tanong ko.
“Alam mo, Kalla. Ang mga ngiti nila ay kapareho ng sa ’yo.” My heart skip a beat. Really?
“W-What?”
“Ang inosente nilang tingnan, mahinhin pero masungit talaga. Malaki ang similarity nila sa daddy nilang engineer pero...ngayon, habang pinagmamasdan kita ay parang nakikita ko sa ’yo ang mukha ng tatlong batang iyon.”
“I-Imposible naman ’yan!” kinakabahan na sigaw ko. Napansin pa niya iyon!
Mapagkakatiwalaan naman si Zavein pero natatakot ako na baka pati siya ay mapahamak. Ayokong mangyari iyon. Sa akin na lamang ang problema ko and besides, nakaraan na iyon.
Nakaraan na kahit na may karapatan ako sa mga batang pinag-uusapan namin ngayon. May iniingatan lang naman ako at pinoprotektahan. I sighed.
“Yeah, that’s impossible. May asawa ka na at si Archimedes iyon, ang pinsan ko.” Tama, hindi ko lang siya matalik na kaibigan. Pinsan din siya ni Archimedes. Sumimsim na lamang ako ng milk tea at natulala sa mga sinabi niya na may similarity ako sa triplets.
In the next day ay nagsimula na rin sila sa site at hindi ako sumama kay Zavein. I chose to stay at the hotel at gumuhit na lamang pero nang makita ko kung sino ang subject ko ay mabilis ko itong nilukumos.
Mahinang sinampal-sampal ko ang pisngi ko. Bakit ba nasa isip ko na naman siya? Kailan ba ako tatantanan ng imahe niya?
In the end ay binuklat ko pa rin ang papel at tinitigan ang guwapong mukha niya.
“Miko, gusto kong makita ang mga anak ko...” Nangilid na agad ang mga luha ko at kung hindi ko pipigilan ay baka tuluyan na naman akong mapaiyak.
Sa paghawak ko sa necklace ko ay bumaba ang tingin ko sa suot kong bangle. Hinaplos ko ito at bago ko pa man makita ang isang bagay—ebedensiya na minsan kong naisip na wakasan ang paghihirap ko. Ngunit sa kabila no’n ay naalala ko pa rin ang mga munting anghel ko. Napangiti ako.
Sa five days na lumipas ay hindi na ako hinayaan pa ni Zavein na mag-stay pa sa hotel. Sumama na rin ako para makita na kung may pagbabago na ba ang site.
I wore my baby blue off-shoulder dress and a pair of white sneakers. Ang maikli kong buhok ko ay hinayaan ko na lang itong nakalugay sa balikat ko. Light make-up ang in-apply ko sa mukha ko. Hinanda ko na ang handbag ko at sinuri ko pa kung nailagay ko na rin ang phone ko.
’Sakto namang pagbukas ko ng pintuan ay parang kakatok pa lamang si Zavein.
“Ready ka na?” I nodded. Naglahad na siya ng braso niya at nakangiting hinawakan ko iyon.
****
Sa loob lang nang limang araw ay malaki na nga agad ang pinagbago ng gusali dahil nagsisimula na sila. Abala na ang mga construction workers pero hindi pa raw dumarating ang engineer. Dalawa silang engineer at isang architect.
Nasa kaliwang bahagi naman ang mga materials na gamit nila at may sarili ring temporary office ang mga engineer. Mainit dito at inanyayahan pa ako ni Zavein na pumunta roon kung gusto kong magpalamig. May aircon kasi roon. May isa ring malaking tent ang naka-set up para makapagpahinga ang mga nagtatrabaho.
Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko at kumuha ng mineral water para uminom nito. Pinili namin na mag-stay sa tent.
“Doon ka na lang sa opisina, Kalla,” untag na saad niya. Busy siya sa tab niya, may inaasikaso lamang siya.
“Ayaw ko,” tanggi ko. “Wala pa nga roon ang owner ng temporary office nila,” I added. Magsasalita pa sana siya nang mahagip ng mga mata ko ang matangkad na lalaking naglalakad na. Parating na siya pero mula sa kanyang likuran...
Napatayo ako nang makita ko ang sunod-sunod na tatlong batang babaeng naglalakad sa likuran niya. Mabagal nga ang paglalakad nila. Hawak ng isa ang dulo ng coat niya at magkahawak kamay na ang tatlo.
Nanginig ang mga kamay ko at nang mapatingin sa amin si Miko ay lumapad ang ngiti nito saka sila lumapit. Ang bilis nang tibok ng puso ko.
“Hi, good morning,” he greeted us. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Zavein sa braso ko. Ramdam ko ang panginginig din nito.
Sa halip na batiin ko rin siya pabalik ay napako ang tingin ko sa kasama niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Napakaamo ng mukha nila, mapungay ang mga mata. Matangos ang ilong at mapupulang mga labi.
Baby blue off-shoulder blouse rin ang suot nila and white shorts, blue ankle boots and may kanya-kanya silang sukbit na shoulder bag. Ewan ko ba kung nagkataon lang talaga na ganito ang mga suot namin. Ang mas nakaagaw sa ’kin nang pansin ay ang bangs nila. Naalala ko ang sarili ko noon.
“W-Who are they?” I asked him. Hindi ko gustong i-deny sila as my daughters but I need to do this para hindi siya maghinala.
“My kids, ang tatlong Mika ko.” Bumaba ulit ang tingin ko sa kanila at isa lang ang tinitigan ako nang matiim.
Nanlaki ang mga mata nila pero mariin din nakatikom ang mga munting labi nila. Pinipigilan ko na ang sarili ko na dambahin sila para yakapin nang mahigpit. Hindi ko inaasahan na makikita ko sila ngayon.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Sobra-sobra na ito.
“You guys are so pretty,” I commented. Napaawang ang labi ng isa, iyong nasa gitna naman ay mapupungay ang mga mata niya, na parang inaantok na siya. Tapos ang nasa likod na nasa huli ay may munting ngiti sa mga labi niya.
“Thank you po. You too! More prettier! I’m Mika Shanea, the youngest,” pakilala ng bunso.
“Look po, Daddy. We’re color blind and same off-shoulder type. Nice outfit, beautiful.” Halos mapasinghap ako sa sinabi nang nasa gitna.
“Daddy, why does she look like my Mommy?” naaaliw na tanong ng isang nakahawak sa dulo ng damit ng kanyang ama.
“Our Mommy you mean, sis!”
“Daddy, yup! She just doesn’t have bangs! But she looks exactly like Mommy!”
“OMG! Sa true lang!”
Nilingon ko si Zavein na ngayon ay nakatulala na. Palipat-lipat na ang tingin niya sa amin.
“Ang sabi mo ay masusungit sila?” gulat na saad ko at dahan-dahan siyang napatango.
“True.”
“Pero approachable naman sila,” ani ko at si Miko naman ang tinitigan ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay kasi may multong ngiti sa labi niya.
“Ang gaganda ng mga anak ko, ’no Miss? Si Mika Shynara pala, ang panganay natin. Si Mika Shahara, ang pangalawa at ang bunso ay si Mika Shanea.”
“Excuse me? Natin?” Zavein chuckled sa reklamo ko. Bakit naman ganoon ang sinabi niya?
“Ang pretty nga nila. Bakit kasama mo sila, Engineer?” curious na tanong ni Zavein.
“Makulit, lalo na ’to.” Tukoy niya kay Shynara na ikinanguso nito.
“Daddy, you’re so mean po. That’s supposed to be a secret,” nagtatampong sabi nito.
“I am not, my angel. I’m just stating the fact.”
“Hmp!” Nagtago sa likod ng binti niya si Shynara, na hindi nakatakas sa mga mata ko ang pamumula ng cheeks niya. She seems shy. Pigil na pigil ko ang sarili ko na hawakan siya at yakapin, kasi ang cute niya.
To be honest ay mahirap na silang kilalanin kasi kamukhang-kamukha na nila ang isa’t isa.
“Engineer Miko, site ito at hindi mo sila puwedeng dalhin dito. It’s dangerous,” seryosong sabi ko kay Miko. Napahawak siya sa batok niya.
Masaya naman ako na makita ang triplets. Ang ikinabahala ko lang ay bakit niya dinala rito gayong delikado nga ang place na ito?
“Sorry, iiyak kasi sila kapag hindi ko isinama. Favor naman, Miss. Puwede bang dito muna sila sa inyo? Don’t worry, hindi naman sila malikot.” I looked at them too na unti-unti nang lumalabas mula sa binti niya si Shahara.
“Yes po, we’re not malikot!”
“You can read our favorite Fantasy book po!”
Humikab naman ang nasa gitna. “Y-Yeah,” tumatangong saad niya.
“How cute. Okay lang naman, Engineer. Marunong itong mag-alaga si Kalla.”
“Zavein.” Of course, hindi naman ako tatanggi. Hiniling ko na makita ko sila at ngayon ay natupad naman na.
Bahagya akong yumuko para makita ko ang hitsura nila. Just for me, malaki ang pagkakahawig nila sa daddy nila. Kuhang-kuha ng mga ito ang features niya. Parang gusto kong magtampo.
“Hello, my angels. I am Kallani Soleil you can call me—”
“Aunt?”
“Ate?”
“Mama or Mommy?” suggestion nila lahat na ikinatawa ng katabi ko.
“May hubby na siya, eh.”
“May baby ka na rin?” tanong nito at naramdaman ko ang pagtitig ni Miko sa akin.
“May anak ka, Miss?” walang emosyon na tanong niya.
“Wala,” sagot ni Zavein. “Nagkaproblema kasi siya at nahihirapan na siyang mag—”
“Zavein.” Pinigilan ko na siya kasi ayokong magkuwento siya tungkol sa bagay na iyon.
“I see.” This time ay matapang ko na siyang tiningnan.
“Uhm, ako na ang bahala sa mga anak mo.” Mabilis na nagbago ang mood niya. Binuhat niya ang panganay niya at nabigla ako nang ibigay niya ito sa akin.
“Take care of them, Miss. Sila ang kayamanan ko,” sabi niya.
“Eh, Daddy!” Gumalaw ito at gustong bumalik sa daddy niya pero hinawakan ko ang maliit niyang kamay. She stared at me. Namula pa siya. Nahihiya nga siya sa akin.
“It’s okay,” ani ko at ngumiti. “Hindi ako...bad,” I told her. Naramdaman ko naman ang paghila sa dress ko and I saw my other Mika.
“I am Mika Shahara, the second. I’m the one you should carry, pretty. Just like Daddy used to do,” she said. Lumipat sa bunso ang aking tingin. Matamis niya akong nginitian.
“Spoiled,” she mouthed and my eyes widened.
“I saw that, sis!” Bumungisngis lang sila at doon na nagpasyang umalis si Miko na may ngiti sa mga labi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top