CHAPTER 53
Chapter 53: His clients
“MAS binibigyan mo lang ako ng hint, Miss.” Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko ay magagalit na naman siya dahil na rin sa mga katagang binitawan ko ngunit hindi. Nagkakaroon lang daw siya ng hint na baka ako na nga si Donna Jean.
Nakaiinis sa totoo lang. Dahil kahit kung ano na ang sasabihin ko ay hinding-hindi ako mananalo sa kanya. Iginigiit pa rin niya ang gusto niya at kapag pinapatulan ko siya. Isa lang ang sigurado ako. Pilit niya rin akong hinuhulog sa kanyang patibong. Gusto niyang kagatin ko ang mga pain niya. The more na may sinasabi ako about me from the past ay kung ano-ano rin ang ibinabato niya sa akin.
Well, I forgot that he’s a Brilliantes. Matalinong tao sila pero ang isang ito. Bobó sa katotohanan, kaya nga umabot kami sa ganito. Poor him.
Sa frustration na nararamdaman ko ay hinagod ng mga daliri ko ang maikli kong buhok at bumuntong-hininga. Napapisil pa ako sa tungki ng ilong ko.
“Alam mo. Mabuti pang simulan na lamang natin ito para maaga nating matapos,” kaswal na sabi ko at inabot ko ang dala kong tab. Hinanap ko ang iilan na nasusulat ni Zavein about our building style. Ipinakita ko sa kanya ang location. “Zavein is right, hindi ako pamilyar sa place niyo. So, lead the way.”
May tiningnan naman siya kung saan at humugot nang malalim na hininga. “With your bodyguards? Seriously?” nakataas ang kilay na usal niya.
“You are stranger, and their work is to protect me,” I said.
“Kilala mo na ako,” laban niya at umikot lang ang eyeballs ko.
“Come on, let’s go,” pag-aaya ko sa kanya at tatayo pa sana ako nang ikumpas niya ang isa niyang kamay. Tinawag niya ang waiter at umupo lang ulit ako. “What are you doing?” naiiritang tanong ko. Ano pa ba ang kailangan niya rito?
“Kadarating ko lang. Tubig lang ang ininom ko, Miss. Alam mo ba na tatlong bata pa ang inasikaso ko kanina bago ako umalis ng bahay namin? Hindi ako nakapag-breakfast dahil sa pangalawa kong Mika na maarte at kailangan ko siyang subuan.” Naitago ko ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa dahil sa narinig kong sinabi niya. Nanginginig ito. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga katagang iyon. Sa pangalan pa lang na binanggit niya at tila sasabog na ang dibdib ko sa lakas nang tambol nito.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bakit kailangan pa niyang sabihin ito sa akin? Dahil para sumuko na ako at sasabihin ko na sa kanya na ako ito? Na ako si Donna Jean at ang babaeng matagal na niyang hinahanap? I took a deep breath. Pinapahirapan niya lamang ang kalooban ko.
“Just order your drinks. Excuse ms, pupunta lang ako sa powder room,” paalam ko sa mahinang boses. Wala na akong pakialam pa kung maririnig pa ba niya ako o hindi. Kailangan ko lang pumunta sa isang lugar na malayo mula sa kanya para lang ibalik ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag. I need to be compose and collect myself together.
“Miss?” Bago pa ako makaalis ay nagsalita pa siya.
“What?” supladang tugon ko.
“Gusto mo bang makita ang mga anak natin?” Nalukot ang tungki ng ilong ko.
“May anak ba tayo? Excuse me.” Inirapan ko pa siya at malalaki ang bawat hakbang na umalis doon.
Pagpasok ko sa comfort room ay nagtungo ako sa cubicle at sumandal sa nakasarang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Kadarating ko lang. Tubig lang ang ininom ko, Miss. Alam mo ba na tatlong bata pa ang inasikaso ko kanina bago ako umalis ng bahay namin? Hindi ako nakapag-breakfast dahil sa pangalawa kong Mika na maarte at kailangan ko siyang subuan.”
Kung ganoon ay mag-isa niya lang inaalagaan ang triplets sa loob ng apat na taon na iyon? Ang pangalawa niyang Mika...
Naalala ko si Archimedes at ilang beses kong pinilig ang ulo ko. Nagawa kong sampalin nang mahina ang pisngi ko at humugot nang malalim na hininga.
Wala lang iyon, Kalla. Wala lang iyon. Please, bumalik ka sa pagiging Kalla mo... Just, please... Forget about them. But I can’t. Naiiyak lamang ako at mas lumalakas ang urge ko na muli ko silang makita...
My three Mika... Kumusta na kaya sila? Gaano na sila kalaki? Nakakapagsalita na ba silang tatlo? Kilala ba nila ako bilang Mommy nila? Ang daming mga tanong ang nabuo sa isip ko at hindi ko alam kung paano ko iyon masasagot. Oh, my God... I want to see them, badly... Help me, my Lord...
Tandaan mo, Kalla. Pamilya ni Jean... Pamilya ni Donna Jean ang iniingatan mo ngayon at kailangang manatili kang si Kallani Soleil. Huwag mong kalilimutan ang bagay na iyon.
Bumalik din ako after that at nasa akin na naman nakatitig ang lalaking ito. Halos ikutan ko na naman siya ng mga mata. Um-order siya ng black forest cake and nestie juice. Inilapit niya sa akin iyon.
“Do you want to taste it?” he asked. I shook my head.
“I’m fine with my order,” I said and he nodded. I chose to ignore his presence but hindi na ako natutuwa pa sa ginagawa niya. While eating his cake nasa akin ang tingin niya. “Can you quit with your stare, Engineer?”
“I wonder what your life has been like in the last four years,” he said suddenly.
“Excuse me? I’m just your client and you don’t care how my life has been for the past four years. Personal matters iyon,” masungit na sabi ko and he shrugged.
“There are a lot of question marks in my brain but now. I want to slow everything down,” he said and stared at my face. Kakaibang impact ang ibinibigay niya and hindi siya aware roon.
“Hurry up at nang makaalis na tayo rito. I don’t have time to talk with you. Marami pa akong dapat na gawin,” usal ko. Kahit wala naman akong ibang ginagawa.
“But you haven’t answer my question earlier.” Nagsalubong naman ang kilay ko. May tanong na siya kanina para hindi siya mapakali from his seat?
“What is your question and you seem restless if I don’t answer it?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Would you like to meet—”
“Nope. I’m not interested,” putol ko sa sasabihin niya sana at kinuha ko na ang handbag ko saka ako tumayo. Kung puwede lang ay huwag niya munang ipaalala iyon sa akin.
“Miss...”
“Just let’s go,” mariin na saad ko. Nauna na akong lumabas sa coffee shop at agad nila akong pinagbuksan ng pintuan.
Hinintay lang namin si Miko na makalabas at ibinaba ko lang ang bintana para makita niya ako. Isinuot ko ang shades ko, pinalitan ko iyon mula sa eyeglasses ko.
Nakita ko ang pagnguso nito saka siya dahan-dahan na lumapit sa kinaroroonan ko.
“Can I ride in your car, Miss? Hindi ko dala ang kotse ko.” Imposible. Kilala ko siya. Kailanman ay hindi siya umaalis nang hindi niya dala ang kotse niya.
“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko. Nagkibit-balikat siya at bago ko pa man siya suwayin nang mabilis na siyang nakasakay sa backseat—sa tabi ko pa mismo.
Naghihintay na rin sa akin ang bodyguards ko kung ano na ang gagawin ko ngayon.
“Mas mabuting nasa iisang kotse tayo para mabilis lang din tayo makapupunta roon, right? Alam ko ang location,” he reasoned out. I sighed. Ang kulit pala talaga niya.
“Let’s go,” I told them. Umusog ako sa kabila dahil lumalapit sa tabi ko ang engineer na ito. Ayokong magdikit ang balat namin. Tumingin na lamang ako sa labas at naramdaman ko na naman ang titig niya. Napahilot ako sa sentido ko. Wala pa rin siyang pinagbago. Maloko at palabiro talaga kahit na kailan.
Mahigit 15 minutes lang yata ay nakarating na kami sa destination namin. May nakita ako na malaking space sa pagitan din ng naglalakihan na mga building sa magkabila nito. Pagbukas ng pinto ay bumaba na ako at ganoon din si Miko.
Bago pa nga niya tingnan ang lupang nabili namin ni Zavein ay ako pa ang una nitong tiningnan.
“Come on,” anas niya.
“Stay here,” sabi ko naman sa dalawang kasama namin. Naglahad siya ng kamay nang makalapit ako. I frowned. “What was that for?” I asked him.
“Kung ayaw mong madapa.” I looked at the ground. Dati itong shop kaya mapapansin pa rin ang paggiba ng gusali at nagkalat ang mga kapiraso nitong semento pero hindi ko kailangan ng kanyang suporta.
“I can walk on my own, Engineer. I am not clumsy,” supladang wika ko at nang maglakad ako ay may kung ano akong naapakan. I want to curse myself! Pabida-bida ako kaya muntik na rin akong mapahamak!
“I told you. Tsk.” Sa siko niya lang akong hinawakan upang hindi ako tuluyang bumagsak. Bumaba iyon hanggang sa kamay ko at doon na nga ako kumuha nang suporta.
Ramdam ko ang boltahe ng kuryente na nakadikit sa aking palad. That’s want we called sparks. Yes, may nararamdaman pa akong ganoon.
Kung bakit ba kasi naka-heels ako? Sana pala ang sneakers na lang ang pinili ko. Mabuti na lamang ay corporate attire ang suot ko at hindi ako nag-mini skirt or dress.
“Hey, slow down!” asik ko dahil sa bilis niyang paglalakad. Nananadya ba siya?!
“Puwede kong bagalan ang paglalakad ko para makasabay ka unless...” Tumaas ang balahibo ko sa katawan nang dumausdos sa baywang ko ang matipuno niyang braso. Napasinghap pa ako at napanganga ako sa mabilis niyang pagkilos.
“Don’t touch me!” Tinanggal ko ang braso niya pero hinigpitan niya iyon kaya napasandal na ako sa dibdib niya. Mariin akong napapikit. Nai-stress ako sa kanya. “Engineer Miko!” I screamed his name.
“Wala naman dito ang pinagmamalaki mong asawa mo! Just me! The only engineer!” sigaw niya nang mag-init na rin ang ulo niya. Napatili ako nang bigla na lamang niya akong pinangko.
“What the hèll?!” I shouted hysterically.
“Sino ba ang nagturo sa ’yo na magmura, ha?” kunot-noong tanong niya at nasa boses niya ang iritasyon.
“Put me down!” Nang inayos niya ang pagbuhat sa akin ay ikinawit ko na ang isang braso ko sa leeg niya. Ayokong mahulog, for God’s sake!
“Tsk.” Naibaling ko tuloy ang paningin ko sa mukha niya malapit lang din sa face ko.
Our lips are just a few shallows apart and our noses are almost touching. I can almost smell the mint and his warm breath hitting my face.
He still smells the same, his favorite perfume and even his body wash and shampoo. What made me more impact was his natural scent. That was one of the ones I missed. Even though I get shy when he stares at me. I feel more his eyes traveling through my entire looks. I looked away.
Ibinaba niya lamang ako nang maayos na ang aapakan ko. Hiningal pa ako sa lakas nang kabog sa aking dibdib. Ngumiti siya na parang close na agad kami.
“Ano’ng klaseng ngiti naman ’yan?” I asked him in confused.
“I miss you, Miss... I miss you, so much...”
“Excuse me? Please, be professional. Nandito tayo for our building and I am your client. Just do your job and stop flirting with me. Ganito ka ba madalas sa kliyente mo? Hindi man lang nagseseryoso?” walang emosyon na tanong ko. He clinched his jaw and finally nanahimik na rin siya.
Habang binibigyan ko siya ng description about sa building namin ni Zavein ay seryoso naman siyang nakikinig at hindi ko na nga rin namalayan na nasa tabi ko na siya. Pinagmamasdan na rin niya ang tab ko kasi nagpapaliwanag nga ako para mas clear sa kanya.
Masyado akong focus sa explanation ko and I can even feel his eyes na alam kong kanina pa siya nakatitig. Ayaw niya akong tantanan.
“Finish. Did you get all of that?” nakataas ang kilay na tanong ko. Gusto ko lang malaman kung nakikinig na siya sa akin or baka hindi.
“Yes, 10th floor together with the rooftop. The 9th floor studio type room na puwedeng magpahinga ang mga artist and model niyo. 8th floor is a dressing room at kasama na ang personal office ng dress designer niyo. 7th floor and 6th floor is a studio or photography room. 5th floor is an entertainment room, 4th and 3rd floor, the shooting room and etcetera. 2nd is exclusive room of the owners and lastly the entrance na may lobby. It connects to the basement, parking lot. Lahat ng iyon ay may comfort room. Is that all, Miss?” nakataas din ang kilay na tanong niya. Napapitik ako sa hair ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Oo na, siya na ang matalino. “Even though I am attracted to your beautiful face, I need to focus on my work with your explanation.”
“What the hèll ever,” I said and rolled my eyes.
“So?” Isinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng pants niya at matiim na naman niya akong tinitigan.
“So?” I fired back.
“Where is the contract?” he asked.
“Contract?” Nagsalubong ang manipis kong kilay. Yeah! Kailangan nga namin ang contract. “Wait for my co-owner. Siya ang magbibigay sa ’yo ng contract.”
“I need it now, Miss.”
“No, just wait—”
“Magiging busy ako bukas dahil kasama ko nang pupunta rito ang mga construction workers and besides, aasikasuhin ko pa ang mga materials na kakailanganin namin.” Nawalan ako nang sasabihin dahil tama siya. Kapag nagsimula na ang construction ay magiging busy na siya.
“Fine. Magkita na lang tayo sa coffee shop, sa pinuntahan mo kanina. Kukunin ko ang contract sa hotel na tinutuluyan namin ni Zavein,” ani ko at tumalikod na ako para magsimula nang maglakad.
“I’m a busy person, Miss. Just so you know, I’m a single father. May mga anak akong naghihintay sa bahay namin. Hindi ako puwedeng ma-late.” Heto na naman siya. Kailangan pa ba talagang sabihin iyon?
“Don’t worry, hindi ka naman gagabihin. Sandali lamang ito at saka maaga pa,” wika ko.
“No. After this ay may major meeting kami sa main company namin. I don’t waste my time for nothing. Ang bunso ko ay daig pa iyon ang Mommy ko. Kapag hindi ako umuwi sa curfew na ginawa niya ay hindi ako makapapasok sa bahay namin. That’s my punishment.” Pumihit ako sa side niya para lang tingnang if nagbibiro lang ba siya.
Tama ba namang sabihin na nagbigay ng curfew ang anak niya? At kapag na-late raw siya ay hindi siya makapapasok sa bahay nila? Dahil punishment na niya iyon?
“Bakit ilang taon na ba ang anak mo?” tanong ko.
“Three and six months old,” he answered.
“Fine, sumama ka na lang sa hotel at pag-uusapan natin ulit ang contract para mapirmahan na natin. As far as I remember din ay may signature na roon ang co-owner ko,” ani ko at muli akong tumalikod.
Sure ba siya na ang bunso naming anak ang nagbibigay sa kanya ng punishment? Ang bata-bata pa niya para higpitan nang ganoon ang daddy niya.
Sumakay ulit siya sa kotse namin at sa pagdating namin sa hotel ay nakita ko ang pagkagulat na gumuhit sa guwapo niyang mukha.
“What? Bakit ganyan ang reaksyon mo?” tanong ko.
“Dito kayo naka-check-in?” he asked me back.
“Why? Mahalaga pa ba iyon sa ’yo?”
“Nothing. Nagtatanong lang naman ako. Kilala ko kasi ang owner nito. Tita ng sister-in-law ko.”
“Sister-in-law?” kunot-noong tanong ko. Bakit ba ako nagkakaroon palagi ng interes kapag may sinasabi siya, especially about his family?
“It’s Novy Marie Brilliantes. Kuya Michael’s wife.” Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko.
Nagkatuluyan pala sila ni Kuya Michael. Well, they deserve to be happy and besides, mahal naman nila ang isa’t isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top