CHAPTER 52
Chapter 52: Pretending
"DONNA Jean! J-Jean... Ako ito... A-Ako ito si Miko... Jean... Umuwi na tayo..."
Sa pamilyar niyang presensya, sa paraan nang pagyakap niya sa akin. Ngayong narinig ko na ulit ang boses niya. Ang boses ng lalaking una kong minahal—ang lalaking una kong pinagkalooban at pansamantalang naging buhay ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit nasaktan ako nang sobra-sobra dati at kung bakit hindi na rin ako nawala sa kanila ng mga anak namin.
Ngunit ayoko siyang sisihin na kung bakit nalagay ako sa sitwasyon ko ngayon. Dahil naniniwala ako na kung ano man ang nangyari sa akin ay iyon ang nakatakdang mangyayari sa buhay ko. May kung dapat akong sisisihin ay isang tao lang dapat at iyon ang kinikilala kong asawa ko.
Nanginginig ang buong kalamnan ko at kung hindi ko alam kung paano itago ang emosyon ko ay baka bigla na lang akong mag-breakdown. I keep my facial expression hard bago ako lumingon sa direksyon niya, habang nakahiga sa malamig na sahig habang hinihigpitan ang mga braso ng mga bodyguard ko sa likod niya.
My heart is beating so fast and I can even feel pain too. But I also feel something that seems happy, I don't know why.
Siguro kasi, isa sa mga taong gusto kong makita years ago ay ngayon ko na ulit siya nakikita at nakikita ko na ang hitsura niya. Dahil may posibilidad na magkaroon din ako ng ideya kung ano ang hitsura nila. Mga anak ko.
Nag-init ang gilid ng aking mga mata at kitang-kita ko ang pagprotesta niya sa mga kamay ng aking bodyguard. Umiiyak siya at namumula ang mata niya.
"Let him go," I commanded them.
Agad naman silang sumunod sa akin at nahihirapan pang bumangon ang lalaki. Nag-angat ako nang tingin upang tinangalain siya.
Naalala ko kanina na hanggang dibdib lang ako, matangkad kasi siya pero ngayon feeling ko mas matangkad siya kaysa dati.
Handsome, this word isn't enough because of his face perfection. His cheeks are smooth and his skin is mestiza. His eyebrows are thick, his eyelashes I know women will envy him dahil ang ganda nga ng pilikmata niya. He has a nice and high nose, his jawline is also perfect and his lips are naturally red. His hair is a little messed up.
Kumuyom ang kamao ko at pinipigilan ko lang ang sarili ko na itapon ang sarili ko upang yakapin siya nang mahigpit at umiyak sa dibdib niya. Kung paano magwala ang puso ko ay baka ganoon ang gagawin ng aking katawan. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Siya na nga ba ito? Siya na nga ba si Miko? Ang ama ng aking mga anak? Siya na ba itong lalaking matagal kong hindi...nakasama at nakapiling sa nakalipas na apat na taon? Siya na ba ang lalaking nakaya ko ang lahat at nagtiis sa hirap, sakit at pangungulila? Siya na ba ito? Siya na ba ang lalaking hanggang ngayon ay nakikilala pa rin siya ng puso ko?
Isa lang ang masasabi ko sa kanya, napakaganda niyang lalaki.
Akala ko ay wala na siyang gagawin pa at ang titigan na lamang ako pero tinawid niya ang pagitan namin. Muli akong nakulong sa mainit na mga bisig niya. He buried his face between my shoulder and neck. He was crying like a baby. Ramdam na ramdam ko ang kaparehong emosyon namin.
"J-Jean... D-Donna J-Jean..." he uttered my name under his breath. Basag na basag na ang boses niya.
"Ma'am, do you know him?" tanong sa akin ng bodyguard ko. Sinenyasan ko siya at nakuha naman niya agad ang gusto kong iparating sa kanya.
Umalis silang dalawa sa corridor at kaming dalawa na lamang ni Miko ang naiwan. Ngumiwi pa ako nang hinigpitan niya ang yakap sa akin. Nagpakawala ako nang malalim na hininga saka ko siya tinulak sa dibdib.
"Let me go," may diin na utos ko.
"J-Jean..." nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan ko na dati kong gamit-gamit. Ngunit ngayon ay hindi na at ayoko nang marinig pa.
"Let me go," pag-uulit ko at nang hindi siya kumilos ay gumawa na ako nang paraan para pakawalan na niya ako. Hindi naman ako nabigo at nagawa ko siyang itulak. Dahil na rin siguro sa nanghihina siya.
Ilang beses na umalog ang balikat niya at walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na abutin ang mukha niya upang punasan ang mga luha niya. Dahil hindi naman iyon puwede, hindi na dapat.
"Jean... U-Umuwi na tayo... U-Umuwi n-na tayo, please... N-Naghihintay na sa 'yo ang mga anak natin..." Halos bumaon ang daliri ko sa palad ko dahil sa sinabi niya.
Gusto ko. Gusto ko rin, Miko... Gusto ko ring umuwi at nang makita na sila dahil magaling na ako. Pero hindi puwede... Ang komplikado na ng sitwasyon natin.
"I'm sorry, Mister. But it looks like you mistaken me for someone you know. I'm not that girl-Donna Jean," umiiling na sabi ko. Nagawa kong magkunwari dahil siguro sa mga project ko noon na mag-voice over sa mga drama na ginagawa namin. Kaya kayang-kaya kong umarte ngayon.
"Jean, don't be like this, please... A-Alam kong kilala mo ako... I-I can feel it, J-Jean... I c-can feel you, b-baby. L-Let's just go home, please?" pagmamakaawa niya. When he tried to hold me I dodged and distanced myself. I could clearly see the pain and sadness on his face when I made that avoidance.
"I don't know you and I'm sure ngayon din kita nakita," sabi ko na may katotohanan din iyon. Ngayon ko lang nasilayan ang physical appearance niya.
"Jean, this is me, Miko... K-Kilala mo ako, Miss... Kilala mo ako, alam ko... D-Don't be like this, please baby... Let's go home, Jean..."
"No, I'm sorry. I'm not the woman you're looking for. I'm Kallani Soleil Carvento-Valderama, I'm married and please don't approach me," I warned him at nakita ko ang gulat na ekspresyon niya lalo na nang makita niya ang suot kong singsing.
"Hindi 'yan totoo! Nagsisinungaling ka lang! Nagsisinungaling ka lang sa akin dahil galit ka! Wala ka pang asawa at mas lalong hindi ka ibang tao! Ikaw si Donna Jean V. Lodivero na minahal ko sa loob ng walong taon! S-Sigurado akong ikaw 'yan, Jean!"
"Shut up! I told you hindi ako ang babaeng hinahanap mo! Gusto mong makita ang ID ko?" nanghahamon na tanong ko at humakbang na naman siya. Hinawakan niya ang pulso ko at nagprotesta ako. "Let me fvcking go, assholè!"
"Kung hindi mo ako kilala ay bakit pinaalis mo ang mga bodyguard mo? Bakit mo sila hinayaan na umalis at pinakawalan ako?!" asik niya pero may kung ano pa rin sa boses niya.
"That's because of my husband! Kung ano ang mga nakikita nila ay ni-r-report nila sa boss nila! Kapag nalaman niya ang ginawa ko ay magagalit iyon sa atin! Iisipin niya na may lalaki ako at utang na loob! Huwag mong sirain ang relasyon ko sa asawa ko dahil sa pamimilit mong ako ang babaeng iyon!"
"J-Jean..."
"Kallani Soleil," I corrected him and shook my head. "Kallani Soleil ang panga ko. Hindi ko kilala ang taong tinutukoy mo at mas lalong hindi ako iyon. I came from Indonesia at ngayon lang ako nakarating sa bansang ito," malamig na sabi ko. Napatakip siya sa bibig niya at pinipigilan ang humagulgol. Ngunit lumalabas din ang mga hikbi niya.
Awang-awa ako sa lagay niya ngayon. Makikita ang labis siyang nasaktan dahil iginigiit ko rin na hindi ako ang taong hinahanap niya. Masakit ang mag-deny na hindi ako si Donna Jean. Pero mas mabuti pa ang ganito. Ang magpanggap na hindi ko siya kilala. Kasi alam ko ang magiging consequence ng lahat kapag pinilit pa niya ako.
Malalaman ito ni Archimedes, malalaman niya na muli kaming nagkita ni Miko. Alam ng isang iyon na hindi ako magdadalawang isip na umuwi at sumama sa lalaking nasa harapan ko sa mga oras na ito.
Kaya sa loob ng tatlong taon ay pinaniwala ko siya na mahal ko siya, dahil asawa ko siya at siya na ang buhay ko. Para hindi niya ako paghinalaan at makumbinsi siya na bumalik kami sa bansang ito.
Yes, idea ko talaga ang bumalik kami rito. Hindi dahil...umaasa pa ako o ano pa man. Ngunit siguro tadhana rin ang magtagpo ulit ang mga landas namin ni Miko at sapat na sa akin ang makita ko siya-sila na nasa maayos na kalagayan. Hindi na bale kung may asawa na rin si Miko o kung may ibang ina na ring kinikilala ang mga anak namin. Basta maganda ang buhay nila.
Panganib lang ang dala ko sa kanila at ayokong mangyari pa iyon. Mas mabuting... hindi na nila ako makikilala pa bilang Donna Jean.
"Jean!"
I did everything I can, ang makalayo sa kanya at agad kong hinila si Zavein. I told him na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na rin siya nagtanong pa.
When we got back to the hotel we're staying, I immediately spoke to my bodyguards.
"Ang nangyari kanina. Magpanggap kayo na wala kayong nakita at wala kayong narinig," mariin at seryosong saad ko. Natigilan silang dalawa at halatang hindi sang-ayon sa suggestion ko na magpanggap sila na wala silang nakitang may lalaking yumakap sa akin sa mall.
"But, Ma'am Soleil. You were harassed by that man and our job is to protect you. Hindi po namin ito mapapalampas," one of my bodyguards said.
“'Yan lang ang trabaho niyo para protektahan ako, at wala kayong isusumbong sa asawa ko. Dahil alam mo kapag nalaman niyang may nakalapit na magtatangkang lumapit sa akin, kayo ang mawawalan ng trabaho. Magagalit siya sa inyo I know that guy at kliyente niya lang ako. Kaya manahimik na lamang kayo.”
"Masusunod po, Ma'am Soleil," pagsang-ayon nila at yumuko pa. Kilala nila si Archimedes, kakaiba ang lalaking iyon kung magalit at alam nila na hindi lang hanggang sa pagtanggal sa kanila ng trabaho ang gagawing nito. The worst is, mahihirapan na silang maghanap ng ibang trabaho dahil bibigyan na sila nito ng bad record and reputation.
Yeah, ganoon kademonyo si Archimedes.
***
"Kalla, kanina ka pa tahimik. May bumagabag ba sa 'yo, my dear best friend?" tanong ni Zavein nang mapansin niya ang pananahimik ko. Napapitlag pa ako sa gulat.
Kaninang umaga ay kinatok niya ako para lang sabay na kaming mag-breakfast at nasabi na rin niya na ngayon namin imi-meet ang engineer na hahawak sa building namin na ipatatayo. Tanging pagtango lang kasi ang sagot ko.
"Nothing. Kulang lang yata ako sa tulog," I reasoned out. Pinanliitan pa niya ako ng mga mata.
"I see. May eyebags ka rin," he said and I nodded. I sighed. Dahil iyon sa kaiisip ko kay Miko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganoon pa rin ang reaksyon ng katawan ko, especially my heart when I saw him.
Hanggang sa panaginip nga ay kasama ko rin siya at tumatagal ang mga mata ko sa mukha niya.
"Lagyan mo na lang ng concealer para hindi mahalata iyan." Pagtango ulit ang naisagot ko at bumuntong-hininga siya.
Sa isang restaurant na malapit lang sa hotel na tinutuluyan namin ang lugar na magkikita kami ng engineer na nakuha ni Zavein. Naghanda ako kahit parang wala sa sarili. Paano naman kasi, nasa lalaking iyon ang isip ko at hindi man lang naglaho sa mukha ko ang imahe niya. I sighed again.
Nauna kaming nakarating ni Zavein at um-order agad siya ng iced tea para sa amin. Isang slice rin ng banana cake. Magkatabi kaming nakaupo at abala siya sa hawak niyang cellphone.
Iginala ko ang tingin ko sa coffee shop na mangilan-ngilan lang ang mga customer at ang iba ay estudyante pa.
Sumimsim ako ng iced tea at hinayaan ko lang na magsawa ang mata ko sa mga taong nakikita kong nagkukuwentuhan. Five minutes siguro ang nakalipas nang may lumapit sa table namin at nagsalita.
"Good morning. Am I late?" Napaayos ako nang upo nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses. Ngunit bago pa magtagpo ang paningin namin ay itinago ko na naman ang emosyon ko.
There is no facial expression on his face too, kahit ako ay ganoon din. Or maybe, napaniwala ko na siya. Na hindi ako si Donna Jean, na kanyang hinahanap.
"Good morning too, Engineer Miko! No, dumating ka naman on time!" magiliw na pakikitungo ng best friend ko sa engineer at bahagya pang kumunot ang noo ko.
Magkakilala ba sila? Kaya rin kinuha ni Zavein ang serbisyo ni Miko?
"I thought, I am late."
"Have a seat, Engineer Miko," pag-aaya pa ng kasama ko.
"Thanks," Miko uttered at muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Halos hindi siya kumurap at kung hindi ako ang mauunang mag-iwas nang tingin ay hindi napuputol ang eye to eye contact namin. Masama ito.
"This is Kallani Soleil Carvento-Valderama, anyway. She's my co-owner sa ipatatayo naming business, and Kalla, this is Engineer Miko S. Brilliantes. Alam kong hindi mo siya kilala. Meet him."
Tumayo ako at naglahad ng kamay kay Miko. Tinitigan niya ang mukha ko bago ang palad kong nakalahad.
"I am Kallani Soleil Carvento-Valderama, you can call me Kalla or Soleil. Anything you are comfortable," I said casually and he stood up from his seat too. He accepted my hand at akala ko ay shake-hand lang ang gagawin niya but I was wrong.
"Engineer Miko S. Brilliantes, it's my pleasure to meet you, Kallani Soleil," he said at marahan na dumampi ang malambot niyang labi sa likod ng palad ko.
Parang lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa ulo ko dahil sa sobrang pag-init ng pisngi ko. Hindi niya pinutol ang maitim na titig sa akin kahit hinalikan niya ang kamay ko. May kislap sa maganda at malalalim niyang mata. Gusto kong bawiin ang kamay ko dahil baka mapansin ni Zavein na bigla akong kinabahan at hindi mapalagay sa presensya nitong engineer. Pati ang mga binti ko ay nanginginig at ang pintig ng puso ko ay hindi na rin normal.
I felt relief nang pakawalan na rin niya finally ang kamay ko at muli akong umupo. Tumikhim pa ako upang pakalmahin ang tibok ng puso ko.
"So, there you go, Engineer Miko. We now have land for our building to spit on. This location is not far from your company. That's why I really choose you. Thank you for not rejecting us, even though you have many engineers who can build our building," pagsisimula ni Zavein.
"That's just nothing. So, all I have to do is see the location and get the full details of your building. So we can start tomorrow and bring our construction workers," pormal na sabi ni Miko. Ngayon ko lang nasaksihan ang pakikipag-usap niya sa mga kliyente niya.
Hindi ko akalain na ang isang jolly, joker and happy-go-lucky na Miko ay magagawa rin naman pala niyang magseryoso at nakita ko na rin ang ibang side niya. Ang beast mode niyang nakatatakot.
"Oh, my! Kalla, I forgot I had to do something today! You already know from our papers in Indonesia. I need to take care of that so you go with Engineer Miko instead," he said at ayokong mangyari iyon! Hindi puwedeng magkasama kami ni Miko!
"But, Zavein. I don't know the location yet and can I be the only one to handle the papers you refer to?" I volunteered at nahagip pa ng mga mata ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Miko. God, ano ba itong iniisip niya?
"No, you're not familiar with this place, Kalla. Remember, babe? You might still get lost. Patay ako kay Archimedes. Just go with Engineer Miko and I know he knows the location when I point. You will also talk about the style of our building," giit niya pero ayoko talagang sumama.
"But Zavein-"
"Just do it, Kalla. The engineer is kind and none of their family hurts people, especially women. I know the family they came from," he said at nang tumingin ako sa engineer naming kasama ay agad siyang nag-iwas nang tingin. Ilang beses na umalon ang adams apple niya.
"Really?" nakataas ang kilay na tanong ko kaya binalingan niya ako. "Wala ni isa sa family niyo ang nananakit ng tao, especially a girl?" I asked him. Napakamot siya sa kilay niya at kumibot-kibot ang labi niya. Bumuka iyon pero walang salitang lumabas mula sa bibig niya. "I doubt that," malamig na saad ko at bayolenteng napalunok siya.
"Kalla, masyado ka namang hot. Sige na, ikaw na ang bahala, okay?" Humalik siya sa pisngi ko nang mabilis at basta na lamang niya akong iniwan kasama ang lalaking ito.
"Z-Zavein!" Tatayo na sana ako nang magsalita si Miko.
"Let's talk about that matters, Miss," seryosong sabi niya. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko at ipinakita ko sa kanya ang daliri ko.
"FYI, hindi na ako isang Miss ngayon, because I'm already married. Isn't this obvious yet?" I asked him a grumpy question. He just smiled at me.
"It's just a ring. I can take it off anytime I want." My fist shrugged at what he said. I just remembered what he did to me four years ago. He forced me to remove the two rings from my finger and threw away the most precious thing he gave me. What he did worse was he broke the ring.
"Really? I guess you're used to breaking rings, huh?" I mocked him and he grinned at me. Ngayon ako mas nainis sa ugali niya.
"Miss, I just said I could take off the ring on your finger but I didn't say I would break it," nakangiting saad pa niya.
"I told you, I'm already married! Don't call me miss anymore! Mrs. Valderama is just what you call me," muling pagtatama ko sa kanya.
"No, mas bagay kang maging isang Brilliantes. Mrs. Brilliantes," sabi niya para lang mas lalong magwala ang puso ko sa ribcage ko.
Hinampas ko ang table dahilan na napatingin sa amin ang ibang customer at bago pa nakalapit sa side namin ang bodyguards ko ay nagtaas na ako ng kamay to stop them to approach.
Hindi ko inaasahan na sa dami-rami pa ng engineer na makukuha ni Zavein ay bakit siya pa? Bakit ang lalaking ito pa na iniwasan ko na nga kahapon?
O sadyang mapaglaro rin naman ang tadhana at kailangang magtagpo ulit kami sa pangalawang pagkakataon? God... Kinakabahan ako sa magiging consequence nang pagkikita namin. Natatakot akong malaman ito ni Archimedes.
"Calm down, I'm just kidding. Kallani. Your co-owner is right. Masyado kang hot," sabi niya at tinitigan pa ang mukha ko. I rolled my eyes. "I will just call you baby instead of Miss and I don't like Mrs. Valderama. Unless gusto mong tawagin kitang Mrs. Brilliantes?"
"You!" Dinuro ko siya.
"Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na tatawagin kita kung saan man ako komportable. Ngayon ay binabawi mo na agad?" Hinawakan ko ang basong tubig para sana ibuhos iyon sa kanya pero mabilis niyang inagaw iyon. Agad niya itong inubos ang laman. I gritted my teeth. "Can we start purposeing why we are here? Unless you wanna talk about our lives and I consider it a date?"
"Tigilan mo ako, Engineer Miko. Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Isa akong kliyente at binabayaran namin ang serbisyo mo," malamig at mariin na saad ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri niya, nakapatong ang dalawang kamay niya sa table at naaaliw na pinagmamasdan na naman niya ako.
"Kahit maraming nagbago, nawala man ang bangs mo ay alam kong ikaw si Donna Jean. Kahit ngayon ay magagawa na nating titigan ang mata ng isa't isa ay malakas pa rin ang kutob ko. Na ikaw...ikaw pa rin si Jean. Nakikilala ka pa rin ng puso ko at alam kong maging ikaw ay ganoon din, 'di ba tama ako?" It's my turn to grinned.
"Magkamukha nga ba kami ng babaeng hinahanap mo? Siguro patay na ang Donna Jean mo at sa akin mo siya nakikita. How pathetic," may panunuyang saad ko. Siya naman ang napahampas sa mesa pero hindi ako nagbigay ng kahit na ano'ng reaction.
"Hindi pa siya patay. Buhay na buhay siya at naninindigan na ibang tao siya, na hindi siya si Donna Jean. Kahit ano pa ang sasabihin niya ay alam kong ginawa niya lang iyon dahil galit siya sa akin. Galit siya sa ginawa ko four years ago. Pero alam ng puso ko na siya ang nasa harapan ko ngayon." Napangisi ulit ako.
"Okay, I'll believe you now. Let's say she's still alive but she's hiding from you. What you said sound like you did something to that girl. Did you know, Engineer? When you love someone you can't do something to hurt their feelings. If you love her you will just love her back. But in your case it looks like you hurt her too much. So don't waste any more time. Just forget about that girl because you'll never see her again. I guess she's happy with her life now without you," mahabang sabi ko at tumigas lang din ang ekspresyon ng mukha niya. Muli siyang napainom ng tubig at hindi na nawala ang ngisi sa mga labi ko. Hindi niya rin pinutol ang titig sa akin.
"Mas binibigyan mo lang ako ng hint, Miss." I stilled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top