CHAPTER 50
Chapter 50: She’s Gone
MIKO’S POV
ILANG beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya tatanggapin pa ulit sa buhay ko. Na hahayaan ko na lamang siyang umalis at mawala na nang tuluyan.
Nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan na lamang ako, wala na akong pakialam pa sa kanya ngunit sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak niya ay katumbas na iyon nang sakit sa dibdib ko. Ang makita ko ang mga luha niya ay parang sinasakal na ako sa leeg. Ngunit nangingibabaw pa rin ang galit ko sa dibdib ko. Isang bagay lang ang kailangan kong gawin upang mapatunayan ang lahat.
“Saan ka pupunta?” Kuya Markin asked me coldly when he saw me stood up from my seat.
Si Kuya Michael ay agad niya akong ibinalik sa upuan ko. I hissed and he glared at me.
“Uuwi na ako,” mariin na saad ko.
“Sino naman ang nagsabi sa ’yo na uuwi ka? Dito ka lang,” mas malamig pa sa yelong banta ni Kuya Markin. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko.
“Stay.”
“Fvck! Wala na akong gagawin sa babaeng iyon! Uuwi lang ako para makita ko ang mga anak ko!” iritadong sigaw ko.
Mas tumigas lang ang emosyon nilang dalawa. Nasa mansion kami ng parents namin at hindi nila ako hinayaan na makalapit sa babaeng iyon. Kanina pa nila ako ikinukulong dito. Maski si Mommy ay hindi rin makalapit.
“Galit sa ’yo si Grandma. Alam mo ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya ay nagkakatotoo. Binalaan ka na niya, Miko.”
“Fvck! Why can’t you see the situation, Kuya?! Ako ang biktima rito!”
“Pareho kayong biktima. Hintayin natin si Kuya Markus na makabalik saka ka aalis na tang-ina ka. Wala akong kapatid na kagaya mong makitid ang utak!” asik niya na kulang na lang ang sugurin ako at suntukin sa mukha. Sa pagkakaalala ko rin ay minsan nang tumama ang kamao niya sa panga ni Kuya Mergus.
“Just be obedient, Miko,” pagsingit naman ni Kuya Mergus.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napahilamos sa palad ko.
“Akala ko ba ay nasa side ko kayong lahat? Bakit niyo kinakampihan ang babae—”
“Ibang usapan na ang ginawa mo. Pinagbuhatan mo siya ng kamay. Hindi ka namin kukunsintihin sa ginawa mo. Alam mong wala sa pamilya natin ang nananakit sa isang babae, Miko. Ina pa siya ng mga anak mo.”
“She fvcking deserve it!” Nawala ang pisi ng pasensiya niya at tumayo na siya para lapitan ako. Hinablot niya ang kuwelyo ko at balak pa sanang lumapit ang ibang mga kapatid namin nang magsalita siya.
“Subukan niyong pigilan ako dahil makatitikim din kayo ng kamao ko,” walang emosyon na saad niya.
He’s our second brother, sunod kay Kuya Markus, kaya takot din kami sa kanya kapag naging seryoso na ito. Sa lahat kaming magkakapatid ay alam kong siya ang pinakamabait at nakatatakot kapag nagalit siya.
Umigkas nang malakas ang kamao niya sa panga ko. Hindi ako nagpatinag at nanatiling wala ring ekspresyon ang mukha ko. Kahit namanhid pa ang panga ko. Sinákal niya ako gamit ang kuwelyo ko. Galit na galit ang makikita sa mga mata niya. Sa higpit nito ay hindi na nga ako makahinga pa.
“Kuya Markin! You could fvcking kill him!”
“Stop it!” Hindi rin naman sila nakatiis at pinigilan na nila ito. Nang mabitawan ako ay napaubo ako at habol-habol ko ang hininga ko. “Just go, Miko! Umalis ka na rito!” sigaw naman ni Kuya Michael. Tumayo na rin ako at hindi ko na sila nilingon pa. Hindi kasi ako tinantanan nang masamang tingin ni Kuya Markin.
“Fvcking get off of me! Stay here, Miko! The fvck! Kapag naabutan kita ay ako mismo ang papatay sa ’yo, Miko! Bumalik ka rito, tang-ina!”
“Mom, please get down!”
“Markin, that’s enough!” Ang boses ni Mommy ang huli kong narinig.
Pagdating ko sa mansion namin ay inutusan ko agad ang babysitter na kunin ang mga anak ko. Nasa master’s bedroom kasi sila at nagtataka pa siya nang hilahin ko siya.
“Saan tayo pupunta, Miko?” she asked but I didn’t answer her question. “Miko.”
“Ang sabi nila, kung gusto mong patunayan na totoo ang nangyari ay kailangan may makita akong ebedensiya,” matigas ang boses na saad ko.
“Miko, saan mo ako dadalhin?” Kapag nakita kami ng mga kuya ko ay alam kong pipigilan nila ako. Kumilos ako nang mas mabilis na halos kaladkarin ko na rin si Jean.
“Dámn it,” I muttered a curse.
“Miko, g-gabi na... Saan pa ba tayo pupunta?” Mas nataranta siya nang makarinig ng mga sasakyan. Siguro isang masamang espiritu ang sumapi sa katawan ko at nawala na nga ako sa sarili ko. “M-Miko... N-Nasaan ba tayo? Miko...” Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay ko iyon sa kanya.
“Tawagan mo ang lalaki mo. Nakuha ko ang number niya kay Zedian. Kapag pinuntahan ka niya ay totoong sumama ka nga sa lalaking iyon. Makikita ko mismo ang kataksilan na gagawin mo, Jean,” usal ko.
“Ano ba ang pinagsasabi mo?! Hindi ako sumama kay Dr. Randell! Miko, b-bumalik na lamang tayo, p-pakiusap...” Ilang beses na niya itong itinanggi pero hindi ko siya pinakinggan.
“Nasa highway tayo, nasa harapan mo ay ang pedestrian lane. I will stay across the street and watch you from a far. Sa speed dial ng cellphone mo ay ang number ko. Tandaan mo, Jean. Hanggang dito ka na lamang at hindi ako maaawa sa ’yo na ibalik ka sa bahay. Gusto kong panindigan mo ang pag-alis mo at burahin mo na lamang kami sa puso’t isip mo. You can do that.” I’m still fvcking mad at her.
“Miko... A-Alam mo ba na ikaw ang siyang huling tao ang naisip kong makagagawa nito? A-Ang saktan ako...” Again, she was crying. Ngunit hindi na ako magpapadala pa sa drama niya. Gusto ko lang ng isang patunay.
“I don’t have regrets, Jean. Dahil sa mga anak ko, alang-alang sa kanila ay ayokong pagsisihan ang makilala ka.” Iniiwasan ko lang ang mapatingin sa mukha niya kasi alam ko na magbabago ang isip ko.
“M-Miko... Bakit... B-Bakit hindi mo man lang ako mabigyan nang sapat na oras upang magpaliwanag? Bakit palagi ka na lang pinapangunahan nang galit at poot sa iyong dibdib? Kung sumama nga ako sa ibang lalaki ay sa tingin mo ba babalik pa ako sa iyo?! Kapag totoo ang mga paratang mo ay hindi na ako magpapakita pa sa inyo!”
“That’s because gusto mong makuha ang mga anak ko!”
“Miko... Mahal kita... Alam mo iyan...”
“Hindi na kita mahal, Jean...”
“Hindi! Mahal mo pa ako!”
“Wala na. Galit na lamang ang nararamdaman ko at hangga’t kaya ko pa... Kaya ko pang pakawalan ay pakiusap... Umalis ka na lamang,” I said coldly. I also want to stand for what I said that I can live without her. That I can let her go even deep inside I’m hurting but I’ll feel even more if I don’t let her go. I can only remember the betrayal she did to me. It’s better we just split up.
I left her there on the bench and she was even more panicked knowing I was leaving her. I don’t step on the pedestrian lane. I approached my car instead. I just watched her there not knowing what to do anymore. She’s so scared and calling my name.
Pinipigilan ko ang sarili ko na muli siyang lapitan dahil sa kagustuhan kong makita ang paghihirap niya, ngunit kirot lang sa dibdib ko ang nararamdaman ko.
“Miko! M-Miko, h-huwag mo naman akong...iwan dito... Miko, bumalik ka!”
I barely blink and look straight until she crosses the other street. I can see how she hit the floor and still cried.
Call him now... Just give him a call...
Kahit marami mang mga tao ang dumadaan sa paligid niya ay hindi pa rin siya nawala sa paningin ko at mayamaya lang ay narinig ko na ang pamilyar na ringtone ng cellphone ko. Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko nang hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya. Nang saglit kong binasa ang caller ay hindi ko napigilan ang emosyon ko.
Sinagot ko ito at malinaw ko nang naririnig ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya.
“M-Miko...” she uttered my name.
I feel the pain and sadness in her voice. My emotions are all mixed up and I don’t know what else to do right.
When she called me it gave me a little hope. That maybe, I can still do it... That I can still forgive and give her time to explain her side. But it’s difficult... That’s hard to give her that. If she’s not going out with another man, bakit umabot ito nang tatlong buwan? Why did it take so long? Where is she? Where was she at that time?
“H-Hindi ba sabi ko sa ’yo? Sa kanya ka tumawag?” naiinis kong tanong.
“B-Bakit ang dali lang sa iyo na ipamigay ako sa iba, Miko? H-Hindi ko g-gusto si Dr. Randell... Ayoko sa kanya... D-Dahil kaibigan lang ang t-turing ko sa k-kanya... Miko... M-Mahal kita... Sa tingin mo ba ay k-kaya kong... K-kaya k-kitang iwan at s-saktan na lamang nang ganoon kadali? Kung hindi ako seryoso sa ’yo... Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa iyo, Miko... H-Hindi ako kusang maninirahan na kasama ka... Hindi na ikaw ang Miko na kilala ko, ang nobyo ko na nangakong hindi ako sasaktan... Ngunit ibang Miko ka na ngayon at hindi na kita...kilala pa... Hindi ikaw ang lalaking minahal ko sa loob nang mahigit na tatlong taon, Miko.”
“Gusto kong huwag maniwala sa mga sinasabi nila! Pero wala! May mga ebedensiya ang nagsasabi ng katotohanan! Mahal kita, Jean! Mahal kita kaya madali sa akin ang masaktan dahil sa mga ginawa mo!” Malakas na hinampas ko ang hood ng kotse ko at nagtungo ako sa tapat ng pedestrian lane. Nagawa niya ring tumayo at pilit niya akong tinitingnan.
“N-Nandiyan ka ba, Miko?” mahinang tanong niya.
“Bakit nagpapakatanga ka pa rin sa akin, Jean? Bakit hindi mo na lang siya tawagan para ilayo ka na mula riyan sa kinakatayuan mo?”
“Kaya mo bang m-mawala ako, Miko? Ako kasi ay hindi.... Miko... Ang sakit mong mahalin... Pero... pipiliin ko pa rin ang mahalin ka kahit masakit dahil ikaw na ang buhay ko...” Doon, may pagdududa sa puso ko. Kaya ko nga ba siyang mawala sa akin? Kaya ko ba talaga?
“I love you... Fvck, I’m still in love with you! But... But I can’t hold you right now... N-Nasasaktan ako... Nasasaktan!” My lips parted. I can’t... Fvck, I can’t... Noong nawala siya ay halos mamatay ako sa sobrang pag-aalala at paulit-ulit akong nasasaktan.
“Miko...”
“H-Hindi ko kaya, Jean... H-Hindi ko kayang mawala ka... M-Mahal na mahal kita... Mahal kita...” I uttered. “Stay there... K-Kukunin kita... Wala na akong pakialam sa mga kasalanan mo... Handa akong magbingi-bingihan para sa ’yo, Miss...” Nagsimula akong humakbang ngunit nagsimula nang umandar ang mga sasakyan. Fvck... Make it faster!
My eyebrow crossed nang makita kong pumuwesto ang mga tao sa harapan kaya hindi ko na siya makita pa.
“M-Miko...” nahihirapan na bigkas niya sa pangalan ko.
“Jean... Sabi ko na huwag kang umalis mula sa kinakatayuan mo!” sigaw ko at sinusubukan ko pa rin ng mga mata ko na hanapin siya sa kinakatayuan niya kanina. Ngunit wala na siya roon.
“Miko...”
“Hindi kita makita...” Ginulo ko ang buhok ko at inis na inis na talaga ako. Nasaan na ba siya?! Bakit hindi ko siya makita?! Kung puwede lang tumawid na lamang dito!
“M-Miko...” Natigilan ako dahil parang nahihirapan siyang huminga. “D-Dinukot n-nila ako, Miko...” The next word she uttered left me speechless. What is she talking about? D-Dinukot siya? Sino naman ang gagawa no’n?!
“W-What?” nauutal na tanong ko.
“D-Dinukot...a-ako ng taong...iyon... Tatlong buwan...w-wala akong malay... Dahil...”
“What are you talking about, Jean?!” I screamed. Gusto kong makalapit sa kanya. Tang-ina naman ang mga kotse na ito!
“Si Randell...at Archi...Medes...” Halos hindi ko maintidihan ang binigkas niya. Nang mag-green na ulit ang light ay patakbong tumawid ako sa kabilang kalsada.
I was hoping she was still there but all the people had already walked to cross the other street. Nervousness and fear wrapped around my chest. No Jean I see just standing here and even if I stopped at her spot earlier, she was gone. There’s no trace of her.
“Jean!” I called her name from the top of my lungs. “Donna Jean!”
Where the hèll is she?!
Ilang beses kong sinabunutan ang buhok ko kaya mas lalong gumulo ito. She can’t be out of here, because she’s been standing here for a while!
She can’t get out of here quick enough and if she tries to leave she walks too slow. Because she’s afraid of many people, because she might be lost but now. I can’t find her. I remember what she told me earlier over the phone.
“D-Dinukot n-nila ako, Miko...”
“D-Dinukot...a-ako ng taong...iyon... Tatlong buwan...w-wala akong malay... Dahil...”
Parang nabuhusan lang ako ng malamig na tubig. May posibilidad ba na iyon ang nangyari sa kanya? Pero sino? Sino ang mga taong dumukot sa kanya?
“Si Randell...at Archi...Medes...” Muli ay narinig ko ang boses ni Jean. Base sa boses niya ay parang nahihirapan talaga siya. Fvck... May nangyari ba sa kanya na hindi maganda?
“Donna Jean! Where the hèll are you?! Jean! J-Jean, magpakita ka naman, oh! Ayoko nang ganito, Jean! Ayokong makipagtaguan sa ’yo! Donna! Lumabas ka na, please! U-Umuwi na tayo! Umuwi na tayo, baby! Jean! Jean!”
Sa pabalik-balik kong paglalakad ay may bagay akong naapakan at halos wala na nga akong makita pa dahil sa mga luha kong bumuhos na sa takot nang hindi ko na siya makita pa.
Iniluhod ko ang isang binti ko at nangangatal ang kamay na kinuha ko ang bagay na iyon.
My chest tightened. A sharp depth seemed to pierce my heart with what I saw in my palm. These are the anklets I took off of my kids that I barely could take off their feet because they were crying. It’s like they know it’s from their Mom at ayaw nilang hubarin ito. Kalahating oras ang itinagal nila sa pag-iyak hanggang sa huminto sila.
But here now, Jean was just holding it down earlier. I broke her ring with it but now... Its on the road and what scares me more is seeing blood... Fvck with blood...
“Jean!”
Sometimes in our lives, we can’t avoid to make mistakes and make a decision that you haven’t fully thought about whether you’re going to do the right thing, or whether the decision you’ve made is the right thing.
I also believe that making mistakes is part of our lives but I have made too much mistakes and that is unforgivable.
If it was then, I could have lost Jean in my life. Knowing that she has another man. But when she came back and I just let myself hurt her again and again.
I once told myself I don’t look like my older brothers. That I will never be like them who hurt the woman they love so much.
But among us, with my siblings I am the most cruel and heartless. I was able to hurt the woman I love—the mother of my children, believing she can trade me for another man.
Do I deserve her? Sa dami ng kasalanan na ginawa ko sa kanya?
Hindi ko na matandaan pa kung paano ako nakaalis sa lugar na iyon. Basta sa nakita kong dugo ay sumugod ako sa malapit na hospital at hinanap siya.
Umaasa ako na makikita ko siya roon na baka naaksidente siya at may nagdala sa kanya sa hospital. Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Walang aksidente ang nangyari sa mga oras na iyon. Sinubukan ko pa rin kahit walang kasiguraduhan na mahanap ko siya.
Hanggang sa ang mga binti ko na mismo ang sumuko at hinayaan ko ang sarili kong sumalampak sa malamig na sahig. Sumandal ako sa hood ng kotse ko.
Nanginginig ang mga kamay ko at nasa palad ko pa rin ang ginawa niyang anklets para sa mga anak namin. Ang singsing niya lang ang wala.
“Jean... Jean... Jean, nasaan ka?” mahinang tanong ko sa kawalan. Malalim na ang gabi kaya wala na akong nakikita pa na mga tao sa labas. “Jean... J-Jean... Jean, nasaan ka?! Jean! Jean!” I rested my head against my knee and I remember my phone. Mabilis kong tiningnan ang GPS namin pero naka-off na ang cellphone.
Mas lalo lang ako nawalan nang pag-asa. Umiyak ako na parang nababaliw na hanggang sa may humila sa collar ng damit ko.
“Where did you take Jean, Miko?!” the man asked me, with his angry tone and when I looked at him I saw it was just Kuya Markus.
“K-Kuya...”
“Where is Jean?!” Humigpit ang hawak niya sa collar ko.
“Kuya... Si J-Jean... Si Jean, K-Kuya... Si Jean, Kuya...” Walang salitang lumalabas mula sa bibig kundi ang pangalan lang ng babaeng mahal ko. Nablangko ang utak ko and I can’t think straight.
“Where is Jean, Miko? And what are you doing here in the hospital?” Boses iyon ni Kuya Markin. Mas kalmado na siya ngayon.
“Can you calm down, Kuya? Miko is not stable.”
“Shut up, Mergus! If y’all hadn’t gotten him gone earlier he wouldn’t be here!”
“Sumagot ka, Miko!”
Tanging pag-iling lamang ang ginawa ko dahil maski ako ay walang alam. Wala na akong alam kung nasaan na si Jean... Bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko kanina.
“Miko... Si Jean, nasaan?”
“H-Hindi ko a-alam, K-Kuya! Hindi ko alam! Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko kanina! Kuya... H-Hanapin mo si Jean... Hanapin mo siya, Kuya... N-Nanganganib siya... Nanga—” Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito at ang hirap huminga.
“Miko... Miko, calm down...” Ilang beses nilang tinapik ang pisngi ko para ibalik ako sa sarili ko. Hanggang sa ipakita ko sa kanila ang hawak ko na punong-puno ng dugo.
Parang nakakita lamang sila ng multo at si Kuya Markin ang kumuha nito. “K-Kaninong dugo ito, Miko?” kinakabahan na tanong niya.
“K-Kay J-Jean... H-Hawak niya...kanina...” Kinabig ni Kuya Markus ang ulo ko at sumubsob ako sa leeg niya. “K-Kuya... Si Jean... H-Hanapin niyo po siya...”
“Ito na nga ba ang sinasabi ni Grandma, eh.” Hinagod ng kuya ko ang likuran ko para lang pakalmahin ako pero paulit-ulit kong nakita ang imahe ni Jean.
Mahigpit na kumuyom ang magkabilang kamao ko sa likod niya at umiyak nang umiyak. Parang pinapatay ako sa sakit at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.
My brothers did everything, finding Jean in different hospitals. They also had CCTV checked at the place and they saw what I did first I know they got mad but they just didn’t say anything. Pinili nila ang manahimik.
I waited for three months, just like the time I lost her. But only in Theza’s words. I feel like I just wanna die.
“Jean told me she was a kidnapped victim. I can feel her sincerity, she’s telling me the truth, Miko...”
Since that night we haven’t seen her and years have passed. Only my children give me the courage to move on in life. But, I never stopped looking for her.
Nangako ako sa triplets ko na ibabalik ko sa kanila ang Mommy nila at iuuwi ko sa bahay namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top