CHAPTER 5
Chapter 5: Meeting Don Brill
HINDI ko man gaano naintindihan. Pero kahit kaunti ay naliwanagan naman ako, kaya nagawa ko na ang ngumiti sa kaniya ng matamis.
“Salamat, Lucca. Makahulugan ang lahat nang iyong sinabi.”
“Mamaya kapag uuwi kayo, Ate. Kapag may humingi po nang tulong sa inyo ay huwag ka pong magdalawang isip na tumulong. Ang nangangailangan po ay binabasbasan ng langit at ganoon din po ang mga taong bukal sa loob nila ang tumulong sa kapwa.” May pahabol pa talaga siya na weird na kasabihan.
“Tatandaan ko iyan, Lucca,” pagsang-ayon ko na lang.
“Siya nga pala, Ate.”
“Ano iyon?”
“Traffic po mamaya sa dadaanan ninyo. Dahil may aksidente pong mangyayari. Kaya mag-shortcut po kayo.” Nagbalik ang kilabot sa aking katawan. Pero may pagdududa rin naman ako. Totoo kaya ang mga sinabi niya? Kasi paniniwalaan ko siya nang walang pag-aalinlangan sa puso ko kapag may napatunayan siya. “May pagdududa ka ba sa akin, Ate?” tanong niya na mabilis kong inilingan.
“Wala. Naniniwala ako sa ’yo kahit na naguguluhan pa rin ako.”
“Hindi ba’t, Ate ay marunong kang nagpatugtog ng plauta?”
“P-Paano mo nalaman?” gulat kong tanong. Wala ni isa ang nakaaalam iyon. Kundi ang kuya ko lang.
“Dala-dala mo iyan kahit saan ka magpunta, Ate Donna. Mamaya po ay may darating na isang mahalagang tao. Handugan mo siya ng isang awitin na magpapaalala sa kaniya sa pinakamamahal niya. Sige po. Magpapahinga na rin po ako,” paalam niya at hinalikan pa niya ako sa pisngi. Bumuntong-hininga ako.
Ilang minutong nakaupo lang ako sa puwesto ko at pilit ko namang inaalala ang mga sinabi niya kanina. Lahat iyon ay may kahulugan talaga. Pinagapang ko ang kamay ko sa bulsa ng suot kong pantalon.
Tama ang batang babaeng iyon. Dala-dala ko palagi ang plauta na nagmula pa ito sa mama namin ni Kuya Hart. Ibinigay niya ito sa akin, dahil sa kagustuhan ko rin na matutuhan ang tumugtog nito. Hindi naman ako nabigo. Kasi marunong na akong magpatugtog.
Pinagalaw ko ang daliri ko at hinahanap nito ang maliit na bituin na nakaukit dito. ’Sakto lang ang haba nito na kayang ibulsa lang.
Inaamin ko naman na minsan ay nawawalan din talaga ako nang pag-asang makakita ulit. Dahil kahit ginagawa na ni Kuya Hart ang lahat ay wala pa ring nangyayari. Hindi problema sa amin ang perang pagpapaopera. May namana kami na isang negosyo mula pa kina papa at mama.
Iyon nga lang ay eye-transplant. Iyon ang problema namin ni kuya. Marami nga ang nasa waiting list. Ayaw ko rin naman kung sa States kami pupunta. May maiiwan na negosyo si kuya. Mas gusto ko pa rin ang makakita at gagaling dito.
Dinala ko sa labi ko ang plauta. Humugot muna ako nang malalim na hininga saka ako nagsimulang nagpatugtog. Napangiti ako nang makaramdam ako nang kaginhawaan sa dibdib. Isa ito sa nagbibigay sa akin nang kapayapaan sa puso ko. Nagbibigay rin sa akin ng peace of mind.
Siguro naiisip ko lang ang mga bagay na iyon na tila wala na nga akong pag-asa pa. Dahil stress lang ako. Hindi naman natin maiwasan ang bagay na iyon.
Masyado akong nadadala sa musikang lumalabas mula sa ’king plauta na nagagawa kong ipikit ang mga mata ko at tila nakalimutan ko na rin ang realidad hanggang sa natapos ko ang pagpapatugtog ko. May ngiti pa sa labi ko, pero naglaho iyon nang makarinig ako nang palakpak.
Napatayo ako nang wala sa oras. Naramdaman ko kasing presensiya ng isang tao. Sobrang bigat nga, ngunit wala naman akong nararamdaman na kahit na ano. Na parang mabuting tao naman siya.
“Alam mong bihira lang ako makapanood ng isang babaeng marunong magpatugtog ng plauta,” sabi nito na base pa lang sa kaniyang boses ay may edad na. Pero malamig pa rin na tila may awtoridad ang paraan ng kanyang pagsasalita.
“Minsan ko lang po itong ginagamit—”
“Lalo na kung malalim ang iniisip mo? May problema ka ba na mahirap mong solusyunan?” tanong niya at wala sa sariling napatango ako. Bumalik ako sa pagkakaupo ko. “Bakit kaya palagi tayong nagkakaroon ng problema?”
“Isa rin po iyan sa mga katanungan ko, Sir. Bakit kaya palagi tayong nagkakaroon ng problema? Hindi pa nga tapos ang isa ay may susunod na naman.”
“Dahil ang problema ay parte na ng buhay natin. Kung walang problema ay hindi iyon masaya, ’di ba?” Nagsalubong ang kilay ko.
“Paano naman pong nangyari na kung walang problema ay hindi masaya? Stress lang po ang problema na iyon,” sabi ko at napanguso pa. Dahil parang ang saya nga ng life niya at wala siyang problema. “Masaya po ba ang problema?” naguguluhan kong tanong na ikinahalakhak niya.
“Kasi kung walang problema ay hindi tayo masaya.”
“Po? Hindi ko naman po kayo maintindihan, e.”
“Because you won’t experience how to deal with your problem alone, that you can find a way to solve it yourself. That you will overcome and have an idea of the next problem you will solve,” he uttered and I nodded. He was true.
“Eh, masaya po ba iyon?”
“Masaya dahil nagawa mo pa rin iusad ang buhay mo sa kabila ng mga pinagdaanan mo,” mabilis na sagot niya at umawang ang labi ko sa gulat. Tama. Tama nga ang kaniyang sinabi.
Napangiti ako at napatango-tango. “Ngayon po ay na-gets ko na ang tinutukoy ninyong masaya kapag may problema—pero hindi literal na magkasabay ang magkaibang emosyon.”
“How did you learn to play the flute?”
“My mother, he knows how to play this and I even inherited it from her,” I answered. Napapa-English ako ng dahil sa kaniya. “Ano ho pala ang ginagawa ninyo rito?”
“Hmm, I’m one of the founder of this orphanage. I’m Don Brill, you can call me that but it’s okay kung Grandpa ang itatawag mo sa akin.” Grandpa? Ang sosyal naman—I mean hindi nga siya kung sino-sinong tao lang dahil halatang mayaman nga siya. Sa pamamaraan lang nang pagsasalita niya dahil punong-puno rin siya nang paggalang.
“Uhm, why po? Nakahihiya po ang tawagin ko kayong ganoon at saka po... Isa kayong founder but what are you doing here, Sir?”
“I’m with my assistant today to visit here, but I heard the sweet melody from here. It’s been years since I heard a soft music and I was so shock, na isa lang palang plauta. You’re so great,” namamanghang sabi niya.
“Thank you po,” nakangiting sambit ko.
“What’s your name, hija?” Nagtatanong na nga siya sa pangalan ko. Wala namang dahilan para hindi siya sagutin gayong nararamdaman kong mabuti naman siyang tao.
“I’m Donna Jean V. Lodivero po, Donna na lang po ang itawag ninyo sa akin, Lolo.”
“Lolo... Hindi na masama. Donna, I’m Don Brill. Mas kilala ako sa ganoong pangalan. Maaari ko bang malaman kung bakit ka narito sa bahay-ampunan? Hindi ka naman mukhang galing dito talaga,” aniya at ako naman ang tumango.
“Ang totoo po niyan ay sinadya ko po ang magpaiwan dito. May date po kasi ang kuya ko. Natotorpe po siya sa babaeng gusto niya at sa tingin ko ay ganoon din naman po ang isa. Kaya hinayaan ko ho muna silang mag-date,” tuwang-tuwang sabi ko. Ang galing ko lang talagang mang-uto, eh ’no?
Para din naman iyon sa kanilang dalawa kaya dapat lang talaga na sabihan ko sila na mag-date. May love naman na kasi ang magaganap, e. Baka meron na nga talaga, wala lang silang sinasabi.
“Hala, pareho pala tayo. Mahilig akong maglaro na parang isang kupido.” Malakas pa siyang natawa.
Siguro ang healthy pa niyang lolo, dahil iyong tawa niya ay parang strong na strong pa rin siya. Nakatutuwa, na tila wala nga rin siyang pinoproblema.
“Sino naman ho ang pinaglalapit ninyo?” interesadong tanong ko sa kan’ya. Ngayon lang naman ako naglaro nang ganoon, dahil mga taong malalapit sa ’kin. Pero ano naman kaya ang ginagawa ni Lolo para mapaglapit sa isa’t isa ang dalawang tao?
“Ang mga apo ko. Ako ang gumagawa nang paraan kung paano nila makikilala ang mga babaeng mapapangasawa nila.”
“Mahilig po kayo sa arranged marriage, Lolo?” Ganoon ang mga taong mayayaman, mahilig silang makipagsunduan ng kasal sa kasosyo nila o sa family friends nila mismo.
“Paano mo naman nalaman agad na sa ganoong paraan ang paglalaro ko na parang si kupido lang?”
“Alam ko ho na hindi kayo kung sino-sinong tao lang. Ngunit magandang idea po ba iyon? Para sa akin po kasi ay pressure lang iyon sa dalawang tao. Imagine lang po na hindi nila kilala ang isa’t isa. Hindi po sila magiging komportable—but on second thought, may ‘getting to know each other’ stage naman po,” pahayag ko.
Makikita kasi ang hirap sa arranged marriage, dahil what if hindi naman pala nag-work ang relationship nila? Na hindi nila magagampanan ang pagiging asawa nila? And the worts thing is may mga mahal na pala talaga silang iba? May mga na-f-fall din sa mga asawa nila pero iba naman ang mahal. Iyon ang mas nakaaawa talaga.
“Tama ka riyan. Ako lang ang magiging tulay nila upang makilala nila ang isa’t isa, pero nasa kanila na kung paano sila magkakasundo. Na kung may ma-d-develope bang feelings.”
“Eh, mayroon naman po ba kaya?”
“Yes, iyon nga lang ay ang may unang masasaktan and the rest ay ang mga apo ko na ang kikilos, kung paano nila mapasasaya ang mga babaeng mahal nila. Gusto mo bang ireto kita sa isa sa mga apo ko?” Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya pero tinawanan ko na lamang.
“Lolo, palabiro ka naman po, e,” seryosong saad ko.
“Seryoso ako, hija,” mariin na sambit niya at bigla ay nawalan ako nang isasagot.
Mabuti na lamang ay dumating ang mother superior at agad siyang kinausap. Akala ko ay hindi na niya ako babalikan pa o papansinin pero may pahabol pa pala siya.
“Miko, Miko ang pangalan ng apo ko na gusto kong makilala mo, hija.”
Miko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top