CHAPTER 47

Chapter 47: Nightmare

“MOMMY...”

“Ha?” Gulat kong tugon nang may batang babae ang nagsalita at paglingon ko ay puro dilim lang naman ang nakikita ko.

Napangiti ako nang mapait. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang sa malamang ay wala akong makikita dahil bulag ako. Ang dilim na ito ay ang mundo ko.

“Mommy!” Napaigtad ako sa gulat nang may sumigaw na naman.

Hindi naman ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niyang Mommy, kasi buwan pa lamang ang edad ng mga anak ko at hindi pa nila magagawang magsalita.

“S-Sino ka? Hinahanap mo ba ang Mommy mo?” tanong ko sa bata at pilit kong inaanigan ang dilim.

“I hate you, Mommy! You left us! Then you forgot about us!” Mabilis naman akong napatingin sa kanang gawi ko dahil doon nagmumula ang maliit niyang tinig na sinasabayan pa niya nang pag-iyak.

“You made our father’s cried, Mommy!” Nasa likuran ko naman nagmumula ang tinig na iyon. M-Marami ba sila?

“You hurt him and us! You don’t love us, Mommy! You left! You left!” Sumikip ang dibdib ko, pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa ribcage ko. Sobrang sakit at nahihirapan akong huminga.

“T-That wasn’t true!” umiiyak na sigaw ko at sinusubukan ko silang tingnan. Alam kong hindi lang nag-iisa ang bata, tatlo sila na parehong sumisigaw sa kabilang direksiyon.

“You left us, Mommy!”

“You don’t love our father and us!”

“You forgot about us! You are so heartless, Mommy!”

Napaluhod ako at tila nabibingi ako sa malakas na sigawan at pag-iyak nila. Ang mga salitang lumalabas mula sa bibig nila ay diretsong tumatama iyon sa aking dibdib. Ngunit nasasaktan din ako sa patuloy nilang paghagulgol na parang nasaktan ko nga sila. Mahal ko si Miko, hindi ko siya magagawang saktan at mas lalong hindi ko makalilimutan ang tatlong sanggol na ako mismo ang nagdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan.

“No! Mahal ko kayo! Mahal na mahal ko ang daddy niyo at hindi ko kayo iniwan! Nasaan kayo? N-Nasaan kayo?!” Nakita ko na lamang ang sarili ko na may hawak na stroller at naririnig ko ang boses ng triplets kong umiiyak. Pero bigla na lamang may humihila nito at pilit na inilalayo mula sa akin. “Hindi! Hindi! H-Huwag niyong kukunin ang mga anak ko! Hindi! A-Ayoko! H-Huwag niyo silang ilayo sa akin! Nakikiusap ako!” Tuluyan kong nabitawan ang stroller at hindi ko na maipaliwanag pa sakit nang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Napabalikwas ako nang bangon at habol-habol ko ang paghinga ko. Napahawak agad ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkirot nito. Umaagos ang mga luha ko mula sa mga mata ko at nababasa nito ang pisngi.

Doon ko lang napagtanto na isang bangungot lang pala iyon. Isang masamang panaginip.

Bumaba na ako mula sa kama at kasabay no’n ang pagbukas ng pintuan. Alam ko kung sino ang pumasok sa silid na ito. Sa mga yabag pa niya na mula sa malayo at sa kanyang presensiya.

“P-Please... Ibalik mo na lamang ako sa pamilya ko... N-Nagmamakaawa ako sa ’yo... I-Ibalik mo na lamang ako...” humihikbing sambit ko at nagawa ko nang lumuhod sa harapan niya. Ginawa ko ang lahat nang pagmamakaawa para lamang palayain niya ako at ibalik sa mag-aama ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Marahas niya akong itinayo at mariin na hinawakan ang mukha ko. Wala akong pakialam kung sasaktan niya ako ngayon, basta palayain niya ako! Paalisin na niya ako sa lugar na ito! Gustong-gusto ko nang makasama ang mga anak ko at si Miko...

“Donna Jean, I told you that you can’t escape from me... You are belong to me, and you are mine...” Nang siniil niya ako nang malalim na halik ay pinagbabayo ko ang dibdib niya upang makawala ako. He tried to open my mouth upon bitting my lower lip.

Hinayaan ko siya ngunit mariin kong kinagat ang labi niya hanggang sa nalasahan ko ang lasa ng metal, na dugo niya. Malutong na napamura siya at pinakawalan na niya ako.

“Hayaan mo na akong...makaalis, pakiusap... G-Gagawin ko ang lahat... Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta ibalik mo na ako sa kanila! A-Ayoko na rito!”

“No,” pagtanggi niya na mas ikinaiyak ko nang malakas. Napasalampak ako sa sahig at sapo-sapo ko na agad ang mukha ko.

“Bakit ako pa?! Bakit ako pa ang pinili mong dukutin?! Alam mong may pamilya na ako! Alam mong may mga anak na ako! Engaged na ako sa lalaking mahal ko!” sigaw ko sa kanya at naramdaman ko ang pagluhod niya sa tapat ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at iyak nang iyak na lamang ako.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang ganitong sitwasyon. Ang bigla na lamang akong dudukutin sa kadahilanan na mahal lang ako ng isang lalaki at obsessed ito sa akin kahit pamilyadong tao na ako ay nagawa pa ako nitong angkinin kahit hindi na niya ako pagmamay-ari pa.

Bakit umabot ako sa sitwasyon na ito. Ano’ng nangyari?

“Kahit ibabalik kita sa poder niya. Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka pa niya? You were gone without any traces, Donna Jean. Aside from sumama ka sa inakala mong kaibigan at nakipagtanan sa ibang lalaki. You forgot na minsan na siyang nagalit sa ginawa mo? He’s weak and vulnerable, hindi ka niya tatanggapin at pagtatabuyan ka lamang niya. Believe me, mas masasaktan ka lang kapag pinili mo ang balikan siya...”

“Mahal niya ako! Mahal ako ni Miko at hindi niya ako pagtatabuyan! Ako pa rin ang ina ng mga anak niya! Wala kang karapatan na kuwestiyunin ang pagmamahal sa akin ng nobyo ko!” asik ko at nang hawakan niya ako sa binti ay pinagpapalo ko na siya. “Huwag mo akong hawakan!”

“Okay, then. I will free you... Do what you want. Let’s see kung matatanggap ka pa ba niya sa tagal mong nawala.” Nabuhayan ako nang loob sa sinabi niya. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi.

“P-Pakakawalan mo na ba ako?” tanong ko sa marahan na boses. Hinaplos niya ang pisngi ko at hindi ako nagpumiglas.

“Kapag nakita kitang pinaiyak niya. Babalik at babalik ka sa akin, Donna Jean...”

***

Siya mismo ang naghatid sa akin pabalik. Nararamdaman ko na ang kaba sa dibdib ko pero nangingibabaw ang sabik dahil makakauwi na ako. Makakasama at makakapiling ko na rin ang mag-aama ko.

“Hanggang dito na lamang kita ihahatid.” Agad kong kinalas ang seatbelt ko at hinanap ang handle ng pintuan.

“S-Sana noon mo pa ito ginawa... Hindi mo na sana ako ikinulong pa nang mas matagal sa lugar na iyon,” malamig na sabi ko.

“Sa akin ka pa rin babalik, Jean. Sa ngayon ay hahayaan kitang masaktan sa piling ng lalaking mahal mo. Kapag nagawa niyang pagtabuyan ka ay huwag kang mag-aalala. Sasaluhin kita at ilalayo na sa lugar na ito.”

“You’re crazy.” Malakas na humalakhak lamang siya. Bumaba na ako mula sa sasakyan and just like that. Madali niya akong pinakawalan. Kaya totoo talagang nababaliw na siya. Mabilis magbago ang isip niya.

“See you around, sweetheart.” Pinaharurot niya rin ang sasakyan niya at naiwan ako sa lugar na hindi ko na rin alam pa ang gagawin ko.

Pero may nararamdaman ako na sunod-sunod na yabag ng mga sapatos. Napaatras ako at binalot ako nang takot sa puso ko.

“It’s confirmed, the lost fiancé of Engineer Miko.”

“Ma’am, don’t afraid of us. We’re take you home.” May umalalay sa akin at narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pinasakay nila ako at nakahinga ako nang maluwag.

Pamilyar ang presensiya ng lugar, nasa guard house ako, sa gate ng subdivision ng Brilliantes family. Nanlalamig pa rin ang magkabilang palad ko at hanggang sa maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan.

Bumukas ulit ang pinto at mabilis nila akong inalalayan. Halos maiyak ako dahil nasa mansion na ako. Ang bahay na tinutuluyan namin ni Miko at ng aming mga anak.

Sa paghakbang ko sa pamilyar na daan ay natagpuan ko ang sarili ko malapit sa main door. Bumukas iyon nang may pagkalakas-lakas. His familiar presence... Nanubig ang sulok ng aking mata.

“M-Miko...”

“Bakit bumalik ka pa?!” Napaatras ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nanikip agad ang dibdib ko. Ito na nga, ito na nga ang hindi ko inaasahan na gagawin ni Miko.

“Miko...”

“Tang-ina, Jean! Pagkatapos mong mawala ay babalik ka na lamang ulit dito?! Bakit? Nasaan na ang lalaki mo? Nasaan na siya at nagawa mong bumalik sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka, Jean?! Tang-ina mo! Tang-ina mo, pagkatapos mong iwan kami ng mga anak mo ay babalik ka pa!”

“Miko, listen to me, please—” Parang nabingi ako sa malakas na sampal ni Miko at dahil nanghihina ang mga tuhod ko ay basta na lamang akong bumagsak sa bermuda grass. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala na nagawa niya akong pagbuhatan ng kamay.

Nangangatal ang kamay ko na hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko. Ramdam ko ang pamamanhid nito at sobrang sakit. Sinubukan kong bumangon.

“You’re not welcome here, Jean! Umalis ka na lang... Umalis ka na lang at bumalik ka na sa lalaki mo! Hindi ka namin kailangan pa!” Galit at poot, ito ang emosyon na nararamdaman ko kay Miko. Sa boses pa lamang niya ay mahahalata ko na. Naririnig ko ang bayolenteng paghinga niya.

Masakit ang sampal niya at hindi pa nagproseso sa utak ko. Kasi ni minsan ay hindi ko naisipan na puwede niya akong pagbuhatan ng kamay. Na magagawa na niya akong saktan nang pisikal. Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari. Nalasahan ko rin ang dugo at pumutok nga ang labi ko sa malakas na pagsampal niya.

Halos hindi ko kayang igalaw ang panga ko at nahihirapan akong magsalita.

“M-Miko... H-Hayaan mo naman akong—”

“Hindi. Hindi na, Jean. Nagawa mong iwan ang mga anak natin sa lugar na iyon... Iniwan mo sila roon at hindi mo ako hinintay bago ka sumama sa lalaking iyon... Kung hinintay mo lang ako ay baka kaya ko pang tanggapin na sumama ka sa iba pero muntik mo nang ipahamak ang mga bata!” Mabilis niya akong nilapitan at inalog niya ang balikat ko.

“M-Miko...”

“Malaya ka na! Malaya ka nang gawin ang lahat! Umalis ka na lang... Hindi ka namin kailangan pa...”

“G-Gusto kong makita ang mga anak natin, Miko!” sigaw ko na may kasama pang paghagulgol at bigla na lamang siyang natawa. Natawa nang malakas ngunit wala namang buhay.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Jean? Gusto mong makita ang mga anak mo? Nagpapatawa ka ba? Paano mo sila makikita kung bulag ka naman! Bulag ka at mas lalo mo lang ipapahamak ang triplets! Hindi na ako magpapaloko pa sa ’yo at huwag mo nang dagdagan pa ang sarili mo sa problema ko! Malaking pabigat ka lamang sa akin, Donna Jean!”

Sunod-sunod ang paghinga ko dahil tila may bumabara sa lalamunan ko. Sapo-sapo ko na ang dibdib ko. Ang hirap huminga... Ang hirap-hirap at nasasakal ako... N-Nasasakal ako...

Ganoon na ba ako katagal nawala at malaki na ang galit na nakatanim sa puso ng lalaking mahal ko? Na nagagawa na niya akong saktan nang ganito gamit ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya?

Kailan pa... Kailan pa niya nasabi na isa lamang akong pabigat? At ngayon mas pinaramdam niya sa akin na bulag nga ako...

“M-Mahal k-ko s-sila... H-Hindi ko sila ipapahamak, M-Miko... Mahal— A-Ano’ng ginagawa mo, Miko?” natatarantang tanong ko nang hawakan niya ang kamay ko at nang maramdaman ko na huhubarin niya mula sa daliri ko ang dalawang singsing ay binawi ko ang kamay ko at itinago ko ito sa mula sa likuran ko.

“Dapat matagal mo na itong hinubad! Wala namang kuwenta ito sa ’yo, ’di ba?!”

“Ayaw ko, Miko! H-Huwag mo namang hubarin! Miko, huwag!” Malakas si Miko kompara sa akin at wala man lang akong kalaban-laban para pigilan siya. Nagawa niyang hubarin ang engagement ring namin. “Please! H-Huwag ang singsing na bigay mo sa akin sa Pangasinan, Miko! Sa akin na ito!”

Sa pamimilit niyang ihubad iyon sa akin ay nanakit ang daliri ko at pakiramdam ko ay mapuputol ito. Isama mo pa ang mariin niyang paghawak sa pulso ko para lamang hindi ako gumalaw.

“Why are you keeping this fvcking ring?! Wala namang halaga pa ito sa ’yo!”

“H-Huwag! Huwag mo namang hubarin sa akin, Miko! S-Sa akin naman ito! B-Bigay mo naman ito!” Parang puso ko lang nang magawa niyang tanggalin ang singsing na may pangako na siya, parang puso ko lang na basta na lamang niyang hinagis sa kung saan.

Umaalog ang balikat ko sa lakas nang hagulgol ko at kahit hindi ko makita kung saan niya ito tinapon ay gumapang ako sa damuhan. Hinanap ko ito at kahit nagmumukha na akong kaawa-awa.

Mahalaga para sa akin ang singsing na iyon, ang unang regalo niya na ibinigay at pinaghirapan pa niya iyon. Punong-puno ng pangako niya at ayokong bigla na lamang itong mawawala. Walang pag-iingat niya akong hinila sa siko ko at pinagtulakan niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top