CHAPTER 45

Chapter 45: Disappearance

“ARE you alright, Jean?” narinig kong tanong ni Ate Theza. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hindi man lang naglaho ang kaba sa aking dibdib. “Jean...” Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “These past few days ay napapansin ko na parang may problema ka. Tell me, Jean.”

She sat down beside me on the bed. Tipid akong ngumiti. Ayokong madamay siya dahil sariling problema ko ito. Dapat ako lang makakaalam nito. Baka pati siya ay madamay pa.

“Wala po, Ate Theza. Ayos lamang po ako,” sabi ko at pilit kong pinasigla ang boses ko. Pero kakaiba rin siya sa lahat ng mga babae. Isa siyang observant at kaya niyang basahin ang tumatakbo sa isip ng isang tao, titingnan niya lamang ito.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kung saan suot ko ang dalawang singsing ko. Pinisil niya ito.

“Jean, alam kong may problema ka. Hindi ko man ito makikita sa mga mata mo ay halata ito sa mga ikinikilos mo. Puwede mong ibahagi sa akin ang nagpapabigat sa dibdib mo. Kung hindi mo masabi kay Miko ay maaari mo namang sabihin sa akin. Parte ka na ng family ng Brilliantes kahit hindi ka pa kasal kay Miko. Panganay na apo ang asawa ko, ang Kuya Markus mo, kaya gusto kong ako naman ang tumingin-tingin sa mga babae ng Brilliantes clan. Ako ang magsisilbing ate ninyo,” mahabang saad niya.

“May takot at pangamba lang sa puso ko, Ate. Pero hindi pa ako handang magbahagi. Sana maintindihan mo po,” saad ko at naramdaman ko ang pagtango niya.

“I understand, Jean. Basta kung handa ka na ay puwede mo akong ipatawag sa bahay anytime,” aniya. Sa huli ay napangiti na lamang ako. Hindi rin naman siya namilit na magsalita ako.

Inaya na lamang niya ako na magtungo sa silid ng triplets. Nakakonekta ang kuwarto namin ni Miko sa silid ng mga anak namin at sa ngayon ay magsasama muna sila. Saka na sila maghihiwalay ng kuwarto kapag kaya na nilang matulog nang mag-isa.

SA SUNOD na mga araw ay kakaiba ngayon. Kasi halos hindi ko na bitawan ang mga anak ko. Ilang beses ko na silang pinaghahalikan sa mga pisngi, labi, tungki ng ilong at sa noo nila. Gising na gising din sila sa mga oras na iyon at ang naririnig ko lang ay ang baby sounds nila.

Nasa sahig kami na may banig naman at may kutson pa. Nakontento akong paglaruan ang mga daliri nila.

“Ang Shynara ko, ang panganay kong love-love ni Mommy. Ikaw ang mag-aalaga sa baby sisters mo,” nakangiting sambit ko. Hinalik-halikan ko ang matambok niyang pisngi at naramdaman ko na sinusundan niya iyon ng munting labi niya. Natawa ako kaya hindi ko tinanggal ang labi ko sa pisngi niya hanggang sa maramdaman ko ang pagsipsip nito. Umiyak siya nang wala man siyang makuhang gatas. Mahinang natawa ako. Ibinaba ko na siya at sunod kong kinuha si Shanara. “Ikaw, baby ko. Ang pinakamakulit at iyakin. Huwag mong pasakitin ang ulo ng daddy mo, anak ko.” Napangiti ako dahil sa narinig kong mahinang bungisngis. “Si Shanea ang pinakamabait kong baby. Siya ang magiging kakampi ng daddy niyo kapag bugnutin kayong dalawa, mga anak ko.”

Nasa ganoon kaming eksena nang pumasok si Grandma at narinig ko agad ang mahinang halakhak niya.

“Do you think ay kaya nilang pasakitin ang ulo ng daddy nila, apo?” malambing na tanong nito sa akin.

Naglahad agad ako ng kamay. “Halika ho rito, Grandma. Nakikipaglaro po ako sa mga apo niyo sa tuhod ni Grandpa,” nakangiting pag-aaya ko.

Sa paglapit niya ay hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ko siyang makaupo sa aking tabi. “Opo, sigurado po ako roon, Grandma,” pagsang-ayon ko. Nakisabay na rin siya sa pakikipaglaro sa mga apo niya sa tuhod.

***

“Are you sure na kayo lang ang pupunta sa clinic ni Dra. Vladimir?” tanong ni Mommy Jina sa amin. Ngayong araw na kasi ito ay bibisita kami sa doctora para sa triplets namin.

“Opo, Mom. Mayroon naman po silang stroller. Gusto po naming magkapa-Daddy at Mommy ngayon,” sagot ni Miko na inilingan ko. Although hindi ko naman siya susuwayin sa gusto niya.

“Hala, kayo ang bahala,” sabi naman ni Grandma.

Nagpahatid naman kami sa clinic. Nasa bisig ko ang bunso namin at sa dalawang kamay naman ni Miko ang dalawa pa naming baby.

“Hala, hala ang ingay,” komento niya dahil sa baby sounds ng mga ito. Halata sa boses niya ang kasiyahan dahil sa triplets namin.

“Baby pa lang ay sa tingin ko sa ’yo na nagmana ang tatlong Mika natin,” ani ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko.

“Sa ganda ay sa Mommy naman nila nakuha,” pambobola niya na inilingan ko. Kasi wala na akong magagawa pa roon. Sinabi na niya na maganda ang mga baby namin at dahil mana raw sa akin.

“Ang hilig mong mambola, eh,” komento ko.

“I’m telling the truth, Jean. Gusto ko na may bangs din sila para araw-araw ay marami akong makikita na Jean ko,” dagdag pang saad niya.

“Hindi ka ba magsasawa sa mukha ko? Apat na Jean na ang makikita mo araw-araw sa bahay natin,” saad ko na sinabayan nang mahinang hagikhik.

“Hindi. Bakit ako magsasawa sa magandang mukha ng mag-iina ko?” seryosong tanong niya. Parang lahat ng dugo ko ay tumaas sa aking ulo dahilan na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko at may kung ano’ng malambot na bagay ang humahaplos sa dibdib ko. Mag-iina niya. Sounds very, very good. “Isa lang naman ang hiningi ko noon, may bonus pang dalawa,” aniya.

PAGDATING namin sa clinic ay isa-isa silang binuhat ng daddy nila. Hinawakan ko lamang ang baby stroller nila para hindi masyadong maggagalaw. Nang matapos ay pareho na naming tulak-tulak ito pero ang kaliwang braso niya ay nasa likod ko.

Kaya ko namang maglakad kahit hindi niya ako gabayan pa pero masyado rin siyang overprotective sa akin. Kailangan ay pati ako aalalayan pa niya.

“Good morning, Dra. Vladimir,” bati ni Miko nang makapasok na kami sa clinic nito. Ngayon naka-schedule ang monthly check-up ng aming mga anak pero dahil na rin kay Grandpa ay exclusive para sa amin ang araw na ito. Walang ibang pasyente na tinatanggap ang doctora.

Ibang klase nga talaga ang pamilya ng kasintahan ko. Parang everything is possible sa Brilliantes clan.

“Good morning, Engineer Miko and Mommy Jean. Also, sa mga bibong bata na ito. Aba nga naman, mukhang nadagdagan na naman ang mga timbang nila. Masubukan nga.” Pareho kaming natawa ni Miko sa sinabi ng doctora. “Confirmed, bumigat nga.”

“Doc, vaccine ulit?” he asked at sa boses pa lang niya ay kinakabahan na siya. Expected na nga ang vaccine ng tatlong bata.

“Yup. Para happy dapat healthy,” malambing na sabi pa nito at napapalatak agad ang katabi ko.

“Naku po, doc. May iiyak na naman po,” natatawang saad ko at naramdaman ko ang marahan na pagkurot niya sa hita ko. Collaret dress ang suot ko na kulay berde. Siya ang pumili nito kaya alam ko ang kulay.

Katulad nga ang nang inaasahan naming lahat ay umiyak ang apat, kasama na ang Daddy Miko nila. Halos isa’t kalahating oras ang itinagal namin sa clinic at kahit papaano ay hindi na namin naririnig ang mararahan na pag-iyak ng mga ito.

“Uuwi na tayo pagkatapos?” tanong ko.

“Nope, dadaan muna tayo sa studio ng isang kakilala ni Mommy. Magpapakuha tayo ng litrato, lima tayo tapos ipa-frame natin ng malaki.”

“As a family,” dugtong ko.

“Yeah, as a family at kayo ang pamilya ko,” sambit niya na ikinangiti ko nang malapad. Gustong-gusto ko ang idea na iisang pamilya na kami ni Miko. Gustong-gusto ko iyong palagi niyang sinasabi na kami nina Shanea, Shynara at Shahara ay mag-iina niya, pamilya niya na mamahalin niya raw habang-buhay.

Nagpakuha nga kami ng litrato at kalahating oras na naman ang itinagal namin. Nang araw na iyon ay wala kaming ginawa kundi ang mamasyal at wala nang paglalagyan ang kaligayahan ko. Gusto ko na araw-araw kaming ganito, iyong walang problema ang darating sa buhay namin. Na puro masasayang mga araw ang sasalubong sa amin.

Ngunit alam ko, sa kabila nang matamis na buhay ay nahahaluan pa rin ito nang pait.

Iniwan kami ni Miko sa may bench para hintayin siya. Nagbabayad siya ng bills namin. Mahigpit ang hawak ko sa stroller ng mga anak ko at ayoko sanang iwan niya kami rito pero mapilit siya.

Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin at nakararamdam ako nang kakaibang kaba at takot sa dibdib. Wala naman akong magagawa pa kundi ang maghintay sa kanya rito.

Kapag may panganib ay mabilis kong nararamdaman iyon. Iyong tipong hindi na ako mapakali at kahit wala akong anxiety ay iyon ang nangyayari sa akin. Pinagpawisan na ako nang malamig at ilang beses na rin akong nanalangin na sana magiging maayos ang lahat. Na sana bilisan ni Miko at nang makabalik na siya sa amin.

Tulog ang tatlong Mika ko dahil hindi ko naririnig ang mga boses nila. Kung saan-saan na rin palinga-linga ang ulo ko na tila hinahanap ko ang dalawang pares ng mga mata na kanina pang nakatitig sa akin. Kahit na hindi ko naman siya makikita pa. Gusto kong umalis. Gusto kong umalis mula sa kinaroroonan namin ngayon.

Kung kaya ko lang sana buhatin at yakapin nang sabay ang mga baby ko ay eh, ’di sana hindi ako lalong kakabahan. Isa lang ang ideyang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at sinimulan kong itulak ang stroller pero dahil bulag ako ay nababangga pa ito.

“Hoy, Miss! Bulag ka ba?!”

“Tumingin ka naman po sa dinaraanan mo! Kawawa ang mga anak mo kung saan-saan mo na sila nababangga!”

Doon na ako tumigil at dumoble lang ang kabang nararamdaman ko. Nagising sila at nagsimula na silang umiyak. Baka nasaktan sila. Mabigat pa ang mga paa ko nang humakbang ako at kinakapa-kapa ko ang handle nito.

“O-Okay lang ba ang mga baby ko?” tanong ko at sinusubukan kong ibaling ang atensyon sa kanila.

Nahawakan ko ang isa sa mga kamay nila at bago ko pa lamang silang makuha nang may yumakap sa akin mula sa likuran. Nanginig agad ang katawan ko dahil hindi siya si Miko.

Ang presensiya niya ay hindi rin ako pamilyar pero alam ko. Alam ko na siya ang taong kanina pang nagmamasid sa akin mula sa malayo.

Nagpumiglas ako nang hilahin niya ako palayo at sinubukan ko ulit hawakan ang stroller pero hindi ko na nagawa pa. Hindi ko na kayang abutin pa.

“B-Bitawan mo ako!” Dahil sa sigaw ko ay tinakpan niya ang bibig ko gamit ang malaking palad niya. Saan kami napunta? Saan kami huminto at bakit wala man lang nakakita sa amin?

“Jean! Jean!” Tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Miko. Hindi ako makaalis at hindi ako makawala mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa akin. Sobrang lakas niya at parang ang hinang-hina ko sa mga oras na iyon. “Tang-ina, Jean! Nasaan ka?!”

Miko, nandito ako! Nandito ako! Tulungan mo ako! T-Tulungan mo ako, please! Iyon sana ang mga katagang isisigaw ko pero wala akong tinig dahil sa kamay nitong nasa bibig ko pa.

“Ssh... Behave, sweetheart...” Hindi ko narinig sa personal ang boses niya, pero sigurado ako na siya ang nagmamay-ari ng boses ng taong palaging nagbabanta sa buhay ng kasintahan ko.

Siya ang taong nasa likod ng caller ko. Malakas ang kutob ko na siya ito. Just his voice, kinikilabutan ako dahil panganib, panganib ang nararamdaman ko sa presensiya niya.

Kahit wala akong kalaban-laban ay pinipilit ko pa rin ang makawala mula sa kanya. Pero dumausdos lamang ako pababa sa sahig at nakayakap pa rin siya. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko kasi may pakiramdam ako na hindi na ako makababalik pa sa amin. Hindi na ako makababalik pa kay Miko, sa mga anak namin.

Nahinto lang ako sa pagpupumiglas ko nang maramdaman ko na may tumusok sa pagitan ng balikat at leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang kirot nito at ang pagbigat sa parteng iyon.

Hindi na ako nakagalaw pa dahil tila naparalisado ako dahil lang sa pagturok sa akin ng kung ano mang bagay na iyon. Bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Gusto kong gising pa rin ang diwa ko ngunit parang may humihila sa aking kaluluwa. Bumagal na rin ang paghinga ko. Ang boses ni Miko na tinatawag ang pangalan ko ang huli kong narinig.

NAGISING ako sa hindi pamilyar na presensiya ng kuwarto. Kakaiba ang amoy nito at alam ko rin na lalaki, lalaki ang nagmamay-ari nito.

Napabalikwas ako nang bangon at agad kong pinakiramdaman ang katawan ko. May suot ako pero iba, hindi na iyong dress—

Nataranta ako nang maalala ko ang huling nangyari sa akin. Nasa mall kami noon ng mag-aama ko. Sa takot at kaba sa dibdib ko ay hindi ko na alintana pa ang ilang beses kong pagbagsak sa sahig nang bumaba ako mula sa kama.

“M-Miko... Miko, nasaan ka?!” sigaw ko at nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. “Miko! B-Baby...”

Ngayon ko mas naramdaman ang pagiging walang silbi ko. Hinahanap ko ang pintuan at may mga bagay na akong natatabig, nababangga kaya nagkalat ang mga iyon sa sahig na naaapakan ko. Umabot ako sa malamig na pader at nang maramdaman ng aking mga kamay ang doorknob ay pinihit ko ito.

Nabuksan naman siya kaya dahan-dahan akong lumabas na may mga luha na sa magkabilang pisngi ko.

“Miko! Nandiyan ka ba?! Miko! Miko, nasaan ka?!”

“Sweetheart...” I stilled when I head his voice. I shook my head.

“S-Sino ka? A-Ano’ng ginawa mo sa akin? Nasaan si Miko? Nasaan ang mga mag-aama ko?! Ano’ng ginagawa ko sa bahay na ito?!” Umatras ako nang maramdaman ko ang yabag ng sapatos niyang palapit sa kinaroroonan ko. “Huwag kang lumapit! Diyan ka lang! D-Diyan ka lang!” Hindi niya ako pinakinggan at kahit gusto kong makalayo ay wala na naman akong nagawa. Bakit ba ang hinang-hina ko? Bakit wala akong kalaban-laban sa taong ito?! “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Sino ka ba?!” umiiyak kong tanong at nang ikulong niya ako sa mga bisig niya ay mas nagwala ako.

“You are mine now, Donna Jean... You’re mine, alone...” Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya at sa nararamdaman kong mainit na hiningang tumatama sa leeg ko.

“Hindi kita kilala! Sino ka?! P-Pakawalan mo ako, pakiusap... Ibalik mo ako sa pamilya ko! N-Nagmamakaawa ako! Ibalik mo ako sa pamilya ko!” Binayo ko ang matigas niyang likuran pero hinawakan niya ang dalawang pulso ko at ipinuwesto iyon sa likod ko.

“No... You will stay here forever, with me...”

“S-Sino k-ka?” nangangatal ang boses na tanong ko.

“Archimedes B. Valderama is the name, sweetheart...”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top