CHAPTER 44
Chapter 44: Newborn babies
DAHIL sa kalagayan ko ay ni minsan hindi na sumagi sa isipan ko ang magkakaroon ng isang pamilya, na matatawag kong akin. Kasi para sa akin ay sapat na si Kuya Hart at nandiyan din si Ate Zedian, na ngayon ay masaya na rin silang bumubuo ng pamilya at dalawa na rin ang mga pamangkin ko.
Hindi ko rin nakita ang sarili ko na maging isang ina, dahil naisip ko na baka walang tatanggap sa katulad ko na isa lamang bulag at pabigat masyado sa mga taong minamahal ko.
Pero dahil nga rin kay Miko, sa pagdating niya sa buhay ko. Ang imposible ay naging posible.
Tatlong bata agad ang tatawag sa akin na ‘Mommy’. Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon at labis-labis akong nagpapasalamat.
“Ang arte mo naman, Miko! Tingnan mo ang mga anak mo, umiiyak na!” sigaw ni Kuya Markin.
“What’s wrong with our milk, Miko?” mahinahon na tanong ni Ate May Ann.
“Ang arte-arte pala ni Miko, oh.” Boses naman iyon ni Rea.
“Gusto ko kasing si Jean muna ang mag-b-breastfeed sa kanila. Sa Mommy muna nila!” sigaw ni Miko kaya mas narinig ko ang maliliit at matinis na iyak ng baby.
“Hay naku!”
“Mom, baka mapaano na ang mga apo niyo.” Kanya-kanya silang hinaing tungkol sa aking mga anak. Halatang gustong-gusto nila talaga ang bagong miyembro ng pamilya nila.
“Miko...” tawag ko sa kanya. Wala naman akong ibang nararamdaman, maliban sa parang nanghihina pa ang katawan ko. Naninibago ako sa aking tiyan na maliit na ulit.
“Gising na si Jean, Miko.”
Mabilis kong naramdaman ang presensiya niya sa tabi ko kasabay na hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako sa paghalik niya sa aking pisngi.
“You okay now, baby? Wala ka bang nararamdaman na kahit na ano’ng sakit?” tanong niya na may bahid na pag-aalala.
“Maayos naman na ako. Ano ba ang nangyayari at bakit kayo nagkakagulo? At ang mga anak na ba natin ang umiiyak ngayon, Miko?” tanong ko at nasasabik na rin akong mahawakan sila.
“Ang arte-arte nitong apo ko, Jean. Ayaw niyang ipa-breastfeed sa mga tita ng triplets, gusto niya ay ikaw muna raw ang magbibigay ng gatas sa inyong mga anak.” Si Grandma na nararamdaman kong malapit din sa gawi ko.
“Pero hindi pa rin talaga puwedeng magtagal sa breastfeeding si Jean, Miko,” ani Ate Theza.
“Ayos lang. Kahit ilang butil lang ng gatas ni Jean, basta sa kanya muna magmumula,” sabi pa niya na ikinailing ko. Naiintindihan ko naman siya.
“Oh, siya. Tapos hayaan mo na rin sila na bigyan ng gatas ang mga anak niyo. Kakaiba ka talaga sa lahat ng Brilliantes,” sabi ng Mommy niya.
“Nasa akin ang panganay niyo, Jean,” sabi ni Ate Theza. Bigla akong naramdaman ng excitement. “Mika Shynara, ang panganay niyong baby. If you are asking me kung sino ang kamukha nito ay sa daddy niya, Jean. But they have your heart shape face and lips. The rest ay nakuha na nila ang katangian nila kay Miko.” Galak at kasiyahan lang ang namumuo sa aking dibdib. Marami na akong makikita na kamukha ni Miko kapag gagaling na rin ako.
“Nakakatwa naman po iyan,” saad ko.
“Here it is, Jean. Nandito na ang isa sa mga triplets mo na nagpahirap sa ’yo sa loob ng nine months,” sabi ni Grandma.
“Sa labas na lamang kaming maghihintay,” narinig kong paalam ni Grandpa, “At apo...”
“Bakit po, Grandpa?” tugon ni Miko.
“Hindi ikaw ang tinatawag ko.”
“Hala, si Grandpa. May favoritism na. Ako pa rin ho ang apo niyo.”
“Tumahimik ka at hindi ikaw ang kinakausap ko. Anyway, Jean hija. Congratulations, and thank you for adding my great grandchildren.”
“Grabe, adding talaga, Grandpa?” Hayan na naman si Miko mahilig sumabat.
“Jean, nasa akin naman ang second daughter niyo. Si Mika Shahara,” ani naman ni Ate May Ann.
“Nasa akin naman ang bunso niyo, Jean. Si Mika Shanea.” Nakatutuwa na sina Ate Theza, Ate May Ann at Rea ang may buhat-buhat sa mga baby namin ni Miko. “Insecure si Sis Novy, dahil hindi siya kasali rito,” dagdag pang saad niya.
“May baby rin naman siya,” si Ate Jina naman ang nagsalita.
“Maaari ko na po ba silang mahawakan?” tanong ko at inilahad ko agad ang magkabilang braso ko.
Nasa tabi ko nang nakaupo ang kasintahan ko at nararamdaman ko pa ang paghaplos niya sa baywang ko.
Inalalayan niya ako na mahawakan ko ang panganay namin at nang sandaling nasa bisig ko na siya ay nag-init ang sulok ng mga mata ko. May pag-iingat ko siyang kinarga. Maliit lang yata siya dahil ang gaan-gaan niya rin.
Ibinaba ko ang mukha ko at nang mahagkan ko ang noo niya ay tumulo na rin ang mga luha ko. Amoy baby siya. Umiiyak siya noong una at masarap sa aking pandinig ang mumunting paghikbi niya.
Kung dati ay nararamdaman ko lamang sila na sumisipa sa loob ng tiyan ko pero ngayon ay nahahawakan at nahahalikan ko na sila. Naririnig ko na rin ang munting boses nila.
“One minute lang, Jean,” paalala ni Mommy Jina. Napatango ako at tinulungan ako ni Miko na ibaba ang isang sleeve ng hospital gown ko.
Sinasabayan nang pagluha ko ang aking tawa dahil sa mararahan niyang kilos.
“Paano...” Napanguso ako dahil wala akong alam kung paano ko padedehin ang anak ko.
“Paano ba dumedede si Miko, Jean?” Nag-init ang mukha ko sa pilyong tanong ni Rea.
“Basic,” sagot ni Miko.
“Ipitin mo ng dalawang daliri ang nipple mo, Jean. Kailangan ay dahan-dahan muna, kasi baka nabigla siya kapag malakas ang paglabas ng milk mo,” paliwanag ni Ate May Ann.
“But before that, try mo munang maglabas ng gatas,” suhestiyon naman ni Ate Theza. Ginawa ko naman iyon at sinunod. Naramdaman kong may lumabas naman at naninibago ako.
Naramdaman ko na ang mainit at maliit na labi ng anak ko sa dulo ng dibdib ko. Parang alam na rin niya ang gagawin niya kasi nang sakop na niya ito ay mabilis siyang napasipsip. Mariin akong napapikit dahil masakit pala.
“Ganyan talaga sa una, hija. Pero paunti-unti ay masasanay ka naman,” ani Grandma.
Hindi naman na umiyak si Mika Shynara, kasi nakadede na siya sa Mommy niya. Ilang beses kong hinalikan ang pisngi at noo niya hanggang sa ilipat namin siya kay Ate Theza.
Hindi pa siya busog kaya umiyak ulit siya. Si Mika Shahara naman ang sunod kong pinadede, naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Paulit-ulit nga nagpunas ng mga luha ko ang kanilang daddy.
“N-Nadagdagan na ang mga listahan ko, Miko...” sambit ko na pinipigilan ko ang mapaluha.
“Listahan?” naguguluhan na tanong naman ang iba.
“Listahan ng mga taong gusto kong makita,” sambit ko na kahit may umagos na luha ay may ngiti pa rin sa mga labi ko.
“Gagaling ka rin, baby... I promise you that. Gagawa kami ni Daiz nang paraan para makahanap ulit ng donor mo.” Tumango ako.
“H-Hindi na ako makapaghintay, Miko.” Humalik siya sa noo ko at magaan na niyakap.
***
Noong one month old na ang mga baby namin ay nagpahanda ang great grandparents nila para sa kanila. Two weeks din nag-breastfeed ang triplets sa mga tita nila at ngayon ay gatas ko na lamang ang natitikman nila.
May baby bottles naman sila at hindi mahirap ang mag-pumping ng gatas kasi may gamit ka na electric pumping para mas madali lang.
Si Miko lang ang nagpupuyat tuwing nagigising sila sa madaling araw. Isang bagay naman ang natuklasan namin sa kanila.
Si Mika Shynara na panganay namin kapag nagutom siya ay saglit lamang siyang iiyak pero hindi siya titigil sa mararahas niyang paggalaw at tila nagpapadyak pa.
Si Mika Shahara naman ay siya ang mas iyakin, kapag umiiyak siya at hindi namin agad nabubuhat ay parang tinatapon niya lang ang boses niya at noong una ay natakot kami sa kanya. Kasi walang tigil ang pag-iyak niya. Na kahit pinapadede na siya ay ayaw niyang tumahan, unless kung nasa bisig na namin siya.
Kabaliktaran naman ang bunso naming si Mika Shanea. Siya yata ang mabait na baby at madaling patulugin. Pagkatapos niyang mag-milk ay ibababa lang siya ng daddy niya sa kuna niya at hindi na siya iiyak pa. Diretso na ang tulog niya.
Umabot pa sila nang three months old at lumalaki na sila pero hindi pa rin kami nakahanap ng bagong donor namin. Pero ewan ko ba kung bakit nakokontento na ako sa ganito. May bumubulong pa rin naman sa akin na gusto kong gumaling para makita ko na ang mga anak ko.
Karga-karga ko ang pangalawa baby namin na lalaki yata na spoiled brat at masungit. Maarte siya, hindi siya agad matutulog kapag hindi namin siya sinasayawan. Si Shynara ay kailangan mo pa siyang tapikin sa hita niya.
Sa umaga hanggang hapon ay kasama ko sina Mommy Jina at Grandma. May kinuha rin naman sila na Babysitter ng tatlong bata at sa loob ng mga buwan na iyon ay patuloy pa rin si Miko sa pagsisikap niyang magtagumpay sa trabaho niya.
Ngunit nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon. Ang caller ko ay noong nakaraang buwan ay wala na siyang paramdam. Noong akala ko ay tuluyan na niya akong tinantanan at hindi na siya uulit pa. Pero mas lumalala lang ang pagbabanta niya.
“Sabihin mo na lang sa akin ang totoo kung ano ba ang kailangan mo?! Pera? Pera ba ang kailangan mo?!” pabulong na sigaw ko at nanginginig na ako sa takot.
Ilang beses na akong nagpalit ng numero ko pero nakukuha pa rin niya at kung una ay gusto kong sabihin ito kay Miko ay siya namang inililihis ang topic na iyon.
“Just you, sweetheart.” Iyon lang ang sagot niya saka niya ibinaba ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top