CHAPTER 43
Chapter 43: Anklets
NASA balkonahe kami ng mansion namin ni Miko at kasama ko dalawang pamangkin niya na sina Markiana at Mayeese. Tinutulungan nila ako para ihiwalay ang mga letra na gusto kong gawin na baby anklet para sa triplets namin ng fiancé ko.
Tapos naman na at para sa kanila na lamang ang ginagawa namin. Anklet ang para kay Markiana, dahil may bracelet na rin siya na bigay sa kanya ng daddy niya. Ganoon din ang kay Yeye ay may anklet na siyang suot, ang daddy niya rin ang nagbigay nito sa kanya. So, bracelet naman ang para sa kanya. God knows na sobrang mahal ng presyo ng mga ito.
Para sa aking mga anak ay isang simpleng anklet muna ang maibibigay ko sa kanila. Dahil ang perang iniipon ko ay hindi na tinanggihan pa ng daddy nila.
“Aunt Donna, You’re so talented po,” komento ni Mayeese na tinawanan ko.
“Madali lamang ito, Yeye,” sabi ko at iyon ang kanyang palayaw. Ang cute lang.
“Tapos na,” nakangiting anunsyo ko at naglahad agad ako ng kamay kay Markiana.
“Yey, super pretty naman po nito, Aunt Donna!” masiglang sigaw niya. Hinaplos ko ang buhok niya.
“Of course, pretty rin ang may-ari, eh,” komento ko at sunod naman ay kay Mayeese.
Nasa ganoong eksena kami nang dumating si Tita Jina at nagdala siya ng meryenda para sa amin. Siyam na buwan na ang dinadala kong mga sanggol at ceasarean ang nai-suggest nina Grandma pero gusto ko iyong normal na delivery. Gusto kong maranasan iyon sa unang beses kahit na tatlong baby pa ang iluluwal ko.
Nakipagtalo pa sa akin si Miko dahil mas gusto niya ang hindi ako mahirapan nang husto. Pero hindi ako pumayag. Kakayanin ko naman siguro dahil malakas naman ang loob ko.
“Banana cake!”
“Chocolate cake is mine!” sigaw ni Mayeese.
“Kumain muna tayo ng meryenda, Jean hija.”
“Opo, Tita,” nakangiting sambit ko.
“Dapat masanay ka nang tawagin mo akong Mommy, Jean. Alam ko after kong manganak ay may plano na si Miko na pakasalan ka,” sabi niya para lang bumilis ang heartbeat ko.
“Wala pong problema sa akin, Mommy Jina. Pero marami pa hong problemang kinakaharap ngayon si Miko,” malungkot na saad ko.
Sa lahat ng magkakapatid ay higit na si Miko ang nahirapan sa trabaho niya. Naibalik man ang kompanya niya ay sunod-sunod pa rin ang pagsubok na dumating sa kanya. Minsan ay parang gusto na niyang sumuko bigla kasi nahihiya raw siya kay Grandpa.
Kilalang pinakamahusay na engineer ang Brilliantes clan at nasa dugo na talaga nila iyon pero siya lang daw ang bukod tanging naiiba at palpak palagi. Hindi naman ako napagod na intindihin siya at dinadamayan ko siya palagi kapag pakiramdam niya ay inutil na siya.
Walang katotohanan ang mga iyon at alam ko na darating ang panahon ay magiging matagumpay na engineer din siya at pupurihin pa siya ng kanyang lolo.
“Tama ka riyan, Jean. Pero malaking tulong na ang ibinibigay sa kanya ng mga kuya at pinsan niya. Panatag na ako sa ganoon, basta huwag siyang panghinaan ng loob.” Ikinatango ko ang sinabi ni Tita—Mommy Jina.
“Lola, I want milk too,” ani Markiana.
“Oh, may milk ka naman, my dear. Here, Markiana.”
“Thanks po, Lola.”
“Heto naman sa ’yo, Jean. Kumain ka na.” Nagbigay ng kutsara si Mommy Jina sa aking kamay at kinapa-kapa ng kaliwang kamay ko ang pinggan na pinaglalagyan ng meryenda namin. “Vanilla flavor ang para sa ’yo, hija. Tapos may gatas ka rin diyan.”
“Salamat po,” sambit ko na may ngiti sa labi.
Natapos ang meryenda namin na puro tawanan at kuwentuhan kasama ang dalawang bata. Nakatutuwang makasama talaga ang munting Brilliantes.
***
Madalas na rin ginagabi nang uwi si Miko. Si Grandma naman ang nakasasama ko at kinukuwentuhan niya ako tungkol sa masasayang alaala kasama ang mga anak at apo niya, siyempre kasama na rin ang pinakamamahal niyang asawa na si Grandpa Don Brill.
Habang nagkukuwento nga siya ay hinahaplos niya ang malaking umbok kong tiyan. Mas malaki ito sa kaysa sa normal na laki ng ibang babaeng nagdadalang tao. Marahil ay tatlo nga ang sanggol na dala-dala ko ngayon.
“Ayaw mo ba talaga sa ceasarean, apo?” Umiling ako.
“Gusto ko pong maranasan ang manganak na walang operasyon, Grandma,” pagdadahilan ko. Sinapo niya rin ang pisngi ko.
“Alam ko naman ang magiging kasagutan mo, ngunit gusto ko lang baguhin ang desisyon mo. Matapang ka at positibo, Jean. Makakaya mo naman pero sadyang nag-aalala lamang ako sa ’yo. Pero dahil malakas naman ang iyong kalooban ay siya lang. Kung ako ang gusto mo ay piliin natin iyon,” malambing na sambit niya.
Nahinto ang aming pag-uusap nang may marahan na katok ang narinig namin sa pintuan.
“Magandang gabi sa pinakamaganda ring dalawang babae sa buhay ko!” Napangiti ako sa sinabi ni Miko. Samantala, mahinang natawa naman ang kanyang lola.
“May pinagmanahan ka sa pagiging mahusay mong pambobola, apo,” sabi sa kanya ni Grandma.
“I’m telling the truth here, Grandma.” I know hindi lang si Miko ang nasa pintuan. Nararamdaman ko ang pamilyar na presensiya ni Grandpa.
“Oh, siya. Kami’y uuwi na rin ang inyong Grandpa.”
“Kumusta, Jean? Hindi ka naman siguro pinapahirapan ng mga apo ko sa tuhod, ano?” I smiled again.
“Hindi naman po masyado, Grandpa,” sagot ko.
Pagkatapos no’n ay nagpaalam na rin silang mag-asawa. Bago lumapit si Miko ay naligo muna siya at saka niya ako tinabihan sa aming kama. Masuyong humalik siya sa pisngi ko.
“Kumusta ang araw mo, Miko?” tanong ko nang ginawa niyang unan ko ang kanyang kaliwang braso at marahan na dumapo ang palad niya sa tiyan ko.
“As usual, Miss. Hindi pa rin maganda,” sagot niya na may kasama pang pagbuntong-hininga. Inabot ko ang makinis niyang pisngi saka ko hinaplos ito. Hinawakan niya ito at pinatakan ng halik.
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang inakusahan niya ako sa isang bagay na napaka-imposibleng mangyari pero dahil gusto niya ring bumawi sa mga kasalanan niyang nagawa ay nagpasya akong kalimutan na lamang iyon.
Gusto kong pagtuunan na lamang nang pansin ang kasalukuyan dahil sa tuwing naaalala ko iyon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko lang nasabi sa kanya kasi baka iiyakan na naman siya. Ma-g-guilty. Kung kaya’t bumalik na rin sa dati ang aming relasyon. Sana nga lang ay wala nang mangyayari pang masama. Sana lang ay ganito na lamang kami na puro saya na lamang ang nasa dibdib namin.
“Kayang-kaya mo ’yan, Miko. Nandito lamang ako palagi sa tabi mo,” ani ko na hinugot ko pa mula sa aking puso. “Oo nga pala, baby. May ginawa akong anklet para sa triplets natin.” Kinuha ko sa ulunan ko ang ginawa kong anklet.
“Iyan lang muna ang kaya kong ibigay sa kanila. Pagkapanganak ko ay ipasuot mo iyan sa kanila, Miko. Para na rin sa palatandaan ng kanilang mga pangalan.”
“Ang ganda naman nito, baby. Nandito ang second name nila. Aba, gusto ko ang nakalagay after their name. B, means Brilliantes?” namamanghang tanong niya.
“Bakit gusto mo ba na gawin ko na lang surname namin ni Kuya Hart?” nakataas ang kilay na tanong niya na ikinatawa niya.
“Grabe, parang nagkomento lang naman. Of course, gusto ko na pangalan pa rin ng clan namin at darating ang araw ay babaguhin ko naman ang pangalan ng Mommy nilang maganda.”
“Salamat, Miko.”
“Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin, Miss?”
“Dahil muli mo akong pinagkatiwalaan,” mabilis na sagot ko.
“Importante ka sa akin, Jean. Mahal kita at dapat lang na intindihin kita,” aniya at napapikit ako sa paghalik niya sa pisngi ko.
“Natatakot lang ako na baka bumalik ka sa dati. Magagalit dahil mawawala na naman ang tiwala mo. Iyon na ang hindi ko makakaya, Miko,” huling katagang saad ko dahil hindi na siya nagsalita pa. Hinalikan na lamang niya ako sa mga labi ko at pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.
DUMATING ang takdang panahon, ang araw na makikita at makakapiling na namin ang mga anak namin ni Miko. Kahit hindi ko sila makikita ay sapat na para sa akin ang mahagkan at mayakap sila.
“Ready ka na ba, Mommy?” tanong sa akin ng doctor ko. Binigyan pa niya kami nang sapat na oras upang makausap ko ang pamilya ko.
Kabado si Miko kahit wala namang mangyayaring masama sa amin. Pagkatapos nito ay makikita na rin niya ang pinakahihintay niya.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at ilang beses na niya akong pinaulanan nang halik sa mga labi, tungki ng ilong at sa buong mukha ko.
“Opo, doc,” nakangiting saad ko. Pinisil ko ang kamay ng kasintahan ko para iparamdam sa kanya na magiging maayos ang lahat.
“Let her go, Miko. Ayaw mo yata makita ang mga anak mo,” sabi sa kanya ni Kuya Markus na ikinatawa ng iba. Nandito ang mga magulang na, ang grandparents nila, mga kapatid at siyempre ang kuya ko na kasama ang mag-iina niya. Alam kong lahat sila ay excited. Ganoon din naman ako.
“Miko, ano ka ba?” Pati si Kuya Markin ay nagsalita na rin. Pamilyar na ako sa boses nila.
“Oo na! Kinakabahan lamang ako,” sambit niya at napabuntong-hininga.
“Baby, magiging okay naman kami,” sabi ko. Hinalikan pa niya ang noo ko at hinaplos ang tiyan ko.
“God, Miko. Hindi naman eere si Jean!” Si Kuya Mergus na mukhang stress na agad. Sa huli ay pinakawalan niya rin ako.
Nakahiga na ako sa hospital bed at pinaghahanda na rin ako ng mga doctor. Hindi basta-basta ang operasyon, dahil tatlong baby ang ilalabas nila sa aking tiyan. Kaya alam kong matatagalan kami rito pero worth it naman.
Oo, pinili ko na ang ceasarean. Para panatag na silang lahat. Natatakot kasi sila sa kalagayan ko kasi nga tatlo, tatlo na munting Brilliantes ang dala-dala ko at saka sinabi na rin ng OB-Gyne ko na mas mabuti ang ceasarean na lamang daw.
“After this, you can hug and kiss your children, Mommy Jean.” Napangiti ako at kasabay nang pagsara ng talukap ng mga mata ko dahil sa injection na itinurok nila sa akin.
Sa paggising ko—wala man akong nakikita ay ingay ng mga anak ko ang siyang una kong narinig na ikinabilis nang tibok ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top