CHAPTER 30
Chapter 30: Ophthalmologist doctor
MAHIRAP man ang adjustment na gagawin ko dahil kailangan maging pamilyar ako sa paligid at kabuuan ng mansion namin ng boyfriend ko ay kinaya ko pa rin naman. Since na ganito nga ako at may kapansanan pa ay nag-hire pa siya ng kasambahay para may kasama raw ako. Pero pumupunta pa rin naman ako sa flowershop kasi nga kailangan. Hinahatid niya ako bago siya umaalis sa trabaho niya.
“Sigurado ka na wala ng masakit sa ’yo, Miss?” he asked me in a sweet voice.
“I’m okay na,” I replied and smiled at him. He caressed my cheeks and kissed me on my temple.
“May gusto ka bang kainin mamaya? O-Order ako ng lunch ninyo ni Zedian,” sabi niya.
“Hindi na kailangan, Miko. Kami na lang ang bahala ni Ate Zed mag-isip ng kakainin namin mamaya. Huwag ka ng mag-abala pa. Magiging busy ka niyan. Ikaw ang huwag magpapalipas ng gutom,” ani ko. He pulled my arms and hug me tightly.
Napapangiti ako sa tuwing naririnig ko ang tibok ng puso niya. Sobrang bilis nito at na sumasabay rin iyong akin. Totoong mahal nga namin ang isa’t isa.
“Noted, Miss. May bago na akong project ngayon at ibinigay na sa akin ni Kuya Markus ang isang branch ng kompanya namin. Doble kayod ang gagawin ng boyfriend mo, Miss. Dahil ngayon ay sa akin na dadaan ang lahat ng trabaho ng mga empleyado namin.”
“Bigyan na lang kita ng goodluck kiss,” ani ko at nag-tiptoe pa ako para maabot ko ang mukha niya. Sa pisngi ko sana siya hahalikan pero humarap naman siya sa akin kaya labi na niya ang nahalikan ko. Sinapo niya ulit ang pisngi ko at saka bumaba ang mukha niya para siilin ako ng halik sa mga labi ko.
Nasa labas pa kami ng flowershop at naririnig pa rin namin ang pagbusina ng mga sasakyan. Ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aming katawan pero hindi na alintana pa iyon. Tinugon ko ang mga halik niya kahit nasa public place pa kami. Nakadadala iyong nararamdaman namin, eh.
“Get a room, love bird!” Boses iyon ni Kuya Hart. Kahit nandiyan na ang nakatatanda kong kapatid ay hindi kami huminto hangga’t hindi kami kakapusan nang hininga.
Natawa pa siya dahil noong humiwalay na siya ay dumaing ako. Kasi gusto ko pa siyang halikan ng mas matagal, nang mariin at malalim.
“Nandiyan na ang kuya mo, baby. Batiin natin siya.” Tumango-tango ako. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko kasi nararamdaman ko na sa tabi ko ang presensiya ng kuya ko.
“Magandang umaga po, Kuya.” Itinaas ko agad ang palad ko para sana hawakan ang pisngi niya. Lumapad ang ngiti ko dahil eksakto kong nahawakan iyon. Hindi ko na kailangan pang tumingkad upang halikan siya sa pisngi dahil dumampi na ang labi niya sa noo ko.
“Hindi ka naman siguro ginawang yaya nitong engineer, Jean?” I shook my head.
“Hindi po, Kuya. Kumuha po kaya siya ng kasambahay para may kasama ako. Dalawa po sila,” ani ko. Parang bata na ipinakita ko pa ang mga daliri ko.
“Hindi ka naman siguro binabahay—I mean iyong komportable ka naman siguro?” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Hindi ko mararamdaman iyon dahil gumawa kami ni Miko ng baby namin. Ewan ko lang kung may mabubuo kami agad ng isang gabi lang.
“Ask my boyfriend po,” ani ko at itinuro ko pa si Miko.
“Nakipaglaro ako sa kapatid mo, Daizo. Napagod siya sa laro namin kaya tulog agad siya.” Humaba ang nguso ko. Ano’ng laro naman kaya ang tinutukoy niya?
“Talaga? Tsk. Mukhang okay naman ang kapatid ko,” ani kuya at mabilis niya akong niyakap. “Sige na, pasok na. Nandoon na ang ate mo, baby girl.”
“Okay po. Sige na, umalis ka na rin, baby.”
“You heard that, Daizo?” pang-aasar na naman niya.
“Ang tanda-tanda mo na para tawagin ka pang—grabe.”
“Bye, Jean.”
“Ingat,” wika ko pero hinatid pa nila ako sa loob bago sila umalis nang sabay. Naririnig ko na naman ang bangayan nilang dalawa.
“Jean.”
“Bakit po, Ate?” tanong ko nang tawagin na ako ng sister-in-law ko.
“Parang may nagbago sa mukha mo,” sabi niya at naglakad siya palapit sa akin para lang hawakan ang mukha ko.
“Alin naman po, Ate?” Curious ako kung ano ang nakikita niyang pagbabago sa face ko.
“Parang... Ang blooming mo.”
“Hindi naman po ako bulaklak,” ani ko. Iyon ang mga katagang lumabas talaga sa bibig ko.
“True. Ang ganda mo ngayon. Alam kong matagal ka ng maganda pero mas gumanda ka na nga lalo. Hindi ka mahilig maglagay ng mga make-up pero namumula ang cheeks mo. Hmm, let me guess...” Sinindot niya ang tagiliran ko at mahinang natawa ako. Akala niya siguro ay hindi ako mag-r-react.
“Eh, Ate?”
“Baby girl— Mali, hindi ka na dapat tawagin na ganoon. Kasi... mukhang handa na rin kayo ni Miko na magkaroon ng baby. Tell me, Jean... Nag-ano na kayo, ’no?” tanong niya at nanlaki ang mga mata ko. Halata ba iyon?
“Bakit po, Ate? Halata po ba iyon?” nagtatakang tanong ko at napasinghap naman siya. Mariin niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Ate Zed naman,” mahinang saad ko.
“Halata iyon kapag ako mismo ang titingin sa ’yo. Kilalang-kilala na kita. Kaya naman pala sobrang ganda mo ngayon, ha. Masarap ba, Jean?” nang-aasar na tanong na naman niya at sinundot ang tagiliran ko.
“Masakit po sa una,” sabi ko at natawa siya nang malakas.
“Talagang hindi nag-deny, ha. Masyado kang transparent. No wonder na nahulog ang isang engineer sa katulad mo, Jean,” aniya.
“Ikaw po ba, Ate? Hindi ka ba pinapahirapan ng second baby ninyo ni, Kuya Hart?” tanong ko at hinaplos ko ang impis niyang tiyan. Hinawakan niya rin ang aking kamay.
“Hindi naman. Good girl ito, eh.”
“Girl? Alam ninyo na po agad ang gender niya?” gulat na sambit ko.
“Siyempre hindi pa. Malakas lang ang kutob ko na babae ang pangalawang pamangkin mo, Jean,” aniya na ikinatango ko. “Humabol kayo ni Miko.”
“Gusto niya rin po na babae, eh.”
“Talaga naman.” Napahinto kami sa usapan namin ni Ate Zedian nang may nagsalita. Narinig ko ang baritonong boses nito. Malamig at malalim ang boses niya.
“Tulips? How much?” malamig na tanong nito. Since ako ang nasa counter ay ako ang nag-entertain sa customer namin.
“Depende po sa bibilhin ninyo. Bouquet po ba?” magalang kong tanong.
“What’s your name?” tanong nito bigla sa akin. Ang seryoso ng boses niya. Eh, bakit naman kaya tatanungin niya ang pangalan ko? Ano ang connect doon sa pagbili niya at sa pangalan ko?
“Bakit—”
“Doon ka na, Jean. Ako na lang dito—”
“So, your name is Jean?” the man asked. Pilit kong pinakiramdaman ang presensiya ng lalaki pero wala naman akong na-feel na isa siyang masamang tao. Napakagaan nito pero nandoon ang kaseryosohan niya base pa lang sa pamamaraan ng kanyang pananalita.
“Are you going to buy, Sir or not?” Ate Zedian asked him. Pinipilit na niya ang maging mabait dito. Kasi naman pinutol pa nito ang sasabihin niya sana.
“How much, again?” Sinagot naman ni Ate Zedian ang tanong nito kung magkano ang bulaklak. Inisa-isa niya ang presyo dahil wala naman itong sinasabi na kung ilan ba talaga ang bibilhin niya. Isang tangkay ba ng tulips, tatlo or bouquet at ang panghuli ang pinili niya.
Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nito sa akin at nailang naman ako bigla.
“Wait a minute, Sir. Kukuha lang ako ng cards,” paalam ni Ate Zed. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi naman puwede.
“I’m Randell Alex Sevilla, can I have your full name?” Here you are again, dude.
“Why?”
“What why?”
“Bakit ka nagpapakilala sa akin?” diretsong tanong ko.
“I just want, and maybe... Puwede tayong maging business partner. I have a company na kailangan ang bulaklak, almost every week. Bago lang ang shop ninyo pero may nag-recommend sa akin na fresh ang mga bulaklak na binibili ninyo at magaling pa kayong mag-organize,” his explanation. Nakuha ko ang point niya pero hindi ako ang dapat niyang kausapin.
“Thank you, pero hindi rin ako ang owner nito. It’s my sister-in-law. You can talk to her,” I told him.
“Okay. I’m Randell Alex Sevilla, 29 years old.”
“Uhm...” Kung hindi lang siya customer namin ay hindi ko siya magagawang kausapin.
“Donna Jean Lodivero, 27 years old, Sir,” I uttered my name.
“Nice meeting you, Donna.” Marahan ang boses niya kahit kasing lamig pa ng yelo.
“Uhm, same...” May pag-aalinlangan talaga ako na kausapin siya. Bakit kaya ang tagal ni Ate Zed na bumalik dito?
“I’m Ophthalmologist doctor and I can see it to your eyes... There is something wrong...” Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya. “You know what—”
“Mind your own business,” malamig na sabi ko. Mahinang natawa siya.
“Here it is, Sir—uhm, ayos ka lang ba, Jean?” Tinanguan ko lang ang ate ko.
“I’m Randell Alex Sevilla, Ophthalmologist doctor. Puwede ninyong bisitahin ang clinic ko.”
“Ayoko sanang maging rude sa ’yo, Sir. Dahil customer kita. Pero... masyado ka na pong pakialamero. Hindi namin kailangan ang doctor,” sabi ni Ate Zed sa kanya.
“I am not. Doctor ako at alam ko kung may mali sa mga mata ng isang tao. As a doctor, interesado ako sa mga ganitong cases. Marami akong connection when it comes sa eye-transplant when you need it as soon as possible. So, here’s my calling card. Just call me,” sabi nito.
Natulala na lamang ako nang umalis ang lalaki. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at bigla ko na lamang naramdaman iyon. Napatutop pa ako sa aking dibdib.
“Jean?”
“Ate... A-Ang bilis ng heartbeat ko,” nauutal na wika ko.
“Ano? A-Ano naman ang ibig mong sabihin, Jean?” nalilito niyang tanong.
“Ate, ayokong... magkatotoo ang sinabi ni Lucca sa akin three years ago...” kinakabahan na sambit ko.
“Jean, matagal na iyon. Dapat kinalimutan mo na at ano naman ang connect doon sa heartbeat mo?”
“Ate Zed... N-Nagsisimula pa lamang kaming bumuo ng pamilya ng boyfriend ko.”
“Hay naku, baby girl. Halika nga, magtitimpla ako ng gatas para sa ating dalawa. Masyado kang negative.” Inangkla niya ang kamay niya sa braso ko saka niya ako hinila.
Kahit matagal na iyon ay tandang-tanda ko pa rin ang mga kayang sinabi sa akin ng batang babae.
“Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan.” Si Miko, ang boyfriend ko ang pangalawang lalaki na itinuturo ni Lucca. Dahil halata naman iyon. Si Miko ang unang lalaki na minahal ko at ganoon din siya, maliban nga lang sa pagmamahal ko kay Kuya Hart bilang kapatid ko.
Kasi siya nga ang pangalawang lalaki na iniligtas namin sa madilim na lugar na iyon. Katulad pa rin ng mundong ginagalawan ko ngayon. Madilim pa rin.
“Ang pangatlo naman po ang siyang magbibigay sa ’yo ng liwanag ngunit mali ang kanyang piniling pag-ibig.”
“I’m Randell Alex Sevilla, Ophthalmologist doctor. Puwede ninyong bisitahin ang clinic ko.”
Grabe, halatang siya na nga rin ang tinutukoy sa pangatlong lalaki. Isa siyang doctor pero hindi ko kayang... Hindi ko kayang tanggapin na ibang lalaki ang gagawa no’n para sa akin. Nangako rin sa akin si Miko na gagawin niya ang lahat at gumaling lang ako.
“Natatakot ako para sa kinabukasan ninyo ng apo kong si Miko... Dahil...” Umalingawngaw na naman ang boses ni Grandma Lorainne.
“Dahil po?”
“Dahil may isang lalaki pa ang darating sa buhay mo at magmamahal din sa ’yo na mapipilitan kang...bitawan ang apo ko, hija.”
“Grandma, mahal ko po ang apo ninyo at hindi ko po magagawa iyon sa kanya. Si Miko po—”
“Gagawin mo ’yon alang-alang sa kaligtasan ng apo ko.”
“Pipilitin ko po na hindi iyan mangyayari.”
“Maging matatag ka sana, Jean... Huwag kang sumuko at palagi mong tandaan na nandito lamang kami. Maasahan ninyo ang pamilya namin.”
Ako ang tipo ng babae na punong-puno ng positibo sa buhay. Sa kabila na rin ng pagsubok na dumating sa buhay ko at sa kapalaran ko na nabulag ako ng hindi ko ginusto. Pero tinanggap ko pa rin naman ang naging kapalaran ko.
Nang sumimsim na ako ng gatas na gawa ni Ate Zedian ay kahit papaano ay kumalma ang sistema ko. Pilit ko na lamang sinasabi sa sarili ko na nagkataon lang naman ang lahat.
Na nagkataon lang na siya ang tumugma sa pangatlong lalaki na nakita ni Lucca sa mga palad ko. Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko makakayang iwanan si Miko. Kahit na ano’ng mangyayari ay mananatili pa rin ako sa tabi niya.
Iniisip ko na baka iyon na ang una’t huling araw na pupunta siya pero noong sumapit ang hapon ay dumating siya.
“Required bang bumili ka ng bulaklak ng dalawang beses sa loob lang ng isang araw?” masungit na tanong ko.
“I’m with my sister. Gusto niyang makausap ang owner ng flowershop niya,” he answered.
“Para saan naman? Baka...napilitan lang ang kapatid mo,” ani Ate Zed.
“No, I insist. Magaganda at fresh ang mga bulaklak ninyo,” pagsingit ng isang babae. “We can discuss this matter, Miss,” dagdag pang saad nito at ako pa ang pumilit para kausapin na niya ang babae. Kaya naiwan sa counter ang doctor.
“Bakit nandito ka pa?” tanong ko rito.
“I just want to be friends with you.”
“Bakit?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
“Nothing, I just want. Mukhang masaya kang kausap, eh,” sabi niya.
“Pero hindi ako nakikipagkilala sa estranghero,” ani ko.
“Kaya nga nagpapakilala na ako sa ’yo. Doon naman nagsisimula ang pagiging kaibigan, ’di ba? Come on, accept my friendship.” Mabilis kong binawi ang kamay ko nang hawakan niya ito bigla.
“May boyfriend na ako.” Humagalpak siya nang tawa sa sinabi ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Pinagtatawanan ba niya ako dahil lang sa may boyfriend na ako?
“Miss, hindi ko naman guguluhin ang relasyon ninyo ng boyfriend mo. Gusto ko lang na maging kaibigan mo at wala akong balak na agawin ka mula sa boyfriend mo. I’m a doctor at mabuting tao ako.” I can feel it na mabuting tao nga siya pero ayokong makipagkaibigan sa mga lalaki.
“Ayoko pa rin. Ayokong makipagkaibigan sa mga lalaki at wala namang dahilan para makipagkaibigan ako sa iyo. Please, umalis ka na lang.”
“No.”
“Baka naaawa ka lang sa akin. Dahil bulag ako,” mariin na sabi ko.
“I am not. Hindi ako naaawa sa kalagayan mo. Gusto lang din kita na matulungan, eh. Kung gusto mo ay isama mo ang boyfriend mo sa clinic ko. I can help you with that. Interesado rin kasi ako na malaman kung ano ang case ng pagkabulag mo.”
“Car accident at ilang beses na akong naoperahan. May limitasyon na rin ang eye-transplant ko. Masaya ka na?” sarkastikong tanong ko sa kanya.
“Well, hindi pa. Unless hindi ko nasusuri ang mga mata mo.”
“Wala ka ng pakialam pa roon,” naiinis na sabi ko sa kanya. “At hindi ako interesado na magpa-check up sa ’yo,” I added.
“Jean? Sino ang kausap mo?” Parangal nabunutan ako ng tinik dahil narinig ko ang boses ng kaibigan ng nobyo ko. Si Hermes.
“Isang customer lang,” sagot ko. “Bakit ka nandito, Hermes?” Ibinaling ko na lang sa kanya ang atensyon ko kaysa naman ang makipagsagutan ako sa doctor.
“Okay, I’ll go ahead. Baka magbago pa ang isip mo, Miss.” Nakuha pa talaga niya ang magpaalam.
“Sino ba iyon, Jean? At ano ang pag-iisipan mo? Magbabago?”
“Isa kasi siyang Ophthalmologist doctor. Ni-refer niya ang sarili niya at gusto niyang pumunta kami sa clinic niya,” sagot ko.
“Mukhang matino naman siyang tao at halatang doctor. Naka-eyeglasses siya. Pero sabihin mo pa rin ’yan kay Miko. Baka iba ang isipin ng isang iyon. Alam mo naman na seloso siya, Jean.” Tumango ako na sinamahan ko pa nang pagtango.
“Alam ko. Kahit nga ikaw na matalik niyang kaibigan ay pinagseselosan niya,” naiiling na sabi ko. “Bumili ka na ng bulaklak, Hermes. Ibigay mo sa kapatid mo. Kumusta na pala siya?”
“Hayon. Okay naman na siya. Kahit papaano ay nakalimutan na rin niya si Miko. Abala na siya sa boutique niya.”
“Tama ’yan,” ani ko. Iba ang profession ni Hermes. Though may connect din sa work ng kapatid niya. Nagmamay-ari siya ng clothing line. I wonder nga na kung paano sila naging kaibigan kasi magkaiba ang trabaho nila.
“Sige na nga. Bibili na ako bago pa man malaman ni Miko na nandito na naman ako,” aniya at lumapad ang ngiti ko sa labi. Bumili siya ng dalawang bouquet. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya kung para saan naman ang isa.
“Thank you, come again, Sir!” nakangiting sabi ko para lang matawa siya.
“Ang galing mamilit, ah.”
“Eh, pumunta ka kasi sa flowershop,” pagdadahilan ko.
“Sige na. Mauna na ako.”
“Ingat ka.”
“Jean, magiging supplier na tayo ni Ms. Sevilla. Magpapadala rin sila ng mga tauhan para magbuhat ng mga bulaklak natin. Bukas sa restaurant niya ay pupunta tayo. May client siya at para sa marriage proposal iyon.”
“May kontrata na rin po kayo, Ate?”
“Oo.”
“Hala. Hindi na nga po masama na tanggapin ang offer niya, Ate Zedian. Imagine bago lang po tayo nagbukas,” nakangiting sabi ko.
“Oo nga. Ang suwerte natin ngayon, ha. Ang kontrata pala ay isang taon lang pero puwede naman daw tayong mag-renew at ang mas nakatutuwa pa ay maaari rin tayong tumanggap ng ibang client maliban sa kanila,” pahayag pa niya.
“Nakatutuwa naman po, Ate,” ani ko.
“Kukuha na rin tayo ng bagong tauhan, Jean.”
“Kailangan din po iyan, Ate. Bawal ka pong ma-stress. Buntis ka. Kung hindi lang po ako bulag ay hindi na sana kailangan pa.”
“Huwag mong sabihin iyan, Jean. Malaki rin kaya ang naitulog mo sa flowershop natin,” wika niya at hinaplos pa niya ang buhok ko.
“Maraming salamat po, Ate. Kahit minsan naman po ay nasa studio ako.”
“Okay lang iyan. Pinapasaya mo ang listener mo, eh.”
Hanggang 6PM lang ang flowershop namin at nauna akong sinundo ni Miko. Hinintay pa namin si Kuya Hart para may kasama naman si Ate Zed. Tumulong pa si Miko sa pagsara ng shop saka kami umuwi.
“How’s your day, baby?” my boyfriend asked me.
“Hmm, masaya naman. May client na kami na siguradong mauubos agad ang bulaklak namin sa flowershop. May kontrata na si Ate Zedian,” masayang pagkukuwento ko sa kanya.
“That’s good to hear that, baby.”
“Ikaw? Kumusta naman ang araw mo?” I asked him.
“Ayos naman. May inspirasyon na ako, eh,” sagot niya. Nagsalubong pa ang kilay ko.
“Ano naman iyon?”
“Hindi ano, sino iyon, Jean,” pagtatama niya.
“Sino naman iyon?” curious na tanong ko pa rin. Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy niyang inspirasyon niya.
“Ikaw, my girlfriend. Alangan naman kung sino? Ikaw lang naman ang babae ko, ah.”
“Ah...” tumatangong sambit ko. May kung ano na naman ang lumilipad sa loob ng tiyan ko. Mahilig talaga siyang magpakilig, eh.
“Ikaw rin ang inspirasyon ko, baby.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top