CHAPTER 26
Chapter 26: Girlfriend
“READY ka na ba, Jean?” tanong sa akin ni Ate Zedian. Ngayon na kami lilipat sa new house nila. Si Kuya Hart ay nakipag-usap pa siya sa daddy ni Miko over the phone. Napakinggan ko rin na magkikita sila sa personal.
Hinintay ko ang boyfriend ko na makabalik sa hotel dahil nag-promise na nga siya na sasama sa amin ngayon. Matagal nga kaming nakatulog kagabi dahil nag-usap lang kami. Nagising ulit si kuya para lang patulugin ako, masyado na raw kasi malalim ang gabi.
“Yup po, Ate,” sagot ko. Hihilahin ko pa sana ang maleta ko nang may kamay na ang umagaw no’n.
“Hi, Miss.” Boses ’yon ni Miko at mabilis pa niyang hinalikan ang pisngi ko.
“Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot nang hindi ko namamalayan, Miko?” tanong ko.
“Kasi alam ko na malayo pa lang ako ay alam mong darating na ako. Tss, gusto kitang i-surprise, eh,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko. “Akin na ’yan. Ako na ang magdadala.”
Hindi ko na iniwas pa sa kanya ang isang backpack ko at kinuha na niya iyon saka niya binitbit ang maleta ko habang nakaalalay pa rin siya sa akin.
“Akala ko ay hindi ka na sasama, Miko,” komento ni Ate Zedian.
“Ihahatid ko lang ang girlfriend ko sa bagong bahay ninyo. Para alam ko kung saan ulit ako manliligaw,” sagot niya na pabiro pa.
Pumasok din sa kuwarto si Kuya Hart para kunin ang mga bagahe nila. Si Ate Zedian ay buhat-buhat na siguro niya ang anak nila ni kuya.
“Balak ka na namin iwan, Miko, eh. Pero dumating ka,” sabi naman ni Kuya.
“Inaya kaya ako ng kapatid mo na sumama sa inyo na lumipat ng bahay,” pahayag niya.
“Isang buwan lang doon si Jean.”
“What? What do you mean by that? Aalis ba si Jean? Miss, aalis ka ba? Bakit hindi ko iyon alam?” Umiling ako bilang tugon. “Eh, bakit isang buwan ka lang maninirahan sa bahay ng kuya mo? Saan ka naman pupunta?” tanong niya. May kalamigan na naman ang tono ng kanyang boses.
“Jean plans to move in with you in a same house. She made that up her mind and it’s already finalized. Her brother agreed but on one condition. She needs to live with us first so my husband doesn’t have to be surprised that we no longer have his youngest sister in our new home,” Ate Zedian explained the reason. Narinig ko ang pagsinghap ni Miko at nabitawan na rin niya ang kamay ko.
“Just make sure you don’t do anything to hurt my sister, Miko. Because I’m gonna kíll you if Jean gets hurt. Keep that in your mind,” paalala sa kanya ni Kuya Hart na may pagbabanta pa.
“Hey! I love your sister so much. That’s the last thing I’d do in case. Kapag nasaktan siya ay ako ang unang magpapakamatáy.”
“Miko. Huwag mo ngang sabihin ’yan,” sabi ko at kinurot ko pa ang braso niya.
“Sorry, Miss. God... Payakap nga. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko,” sabi niya at ikinulong na nga niya ako sa mga bisig niya.
Sumandal ako sa dibdib niya at yumakap din ako. Narinig ko ang yabag ng dalawa at nauna na silang lumabas. Ilang beses niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko at pababa sa noo ko.
“Maiiwan na nila tayo, Miko.”
“I have my car with me, baby. Puwede tayong sumunod. Seryoso ka na ba lilipat ka na sa bahay ko?” tanong niya. Tumango lang ako pero hinawakan niya ang mukha ko. Napapikit ako nang halikan niya ang tungki ng ilong niya. “I want to hear that from you, Miss.”
“Oo. Gusto kong... manirahan sa isang bahay na kasama ka.”
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin no’n? Alam mo na hindi kailanman nagbabago ang isip ko. Kapag nasa akin ka na ay hindi na kita ibabalik pa sa kanila,” seryosong saad niya at muli akong tumango.
“Solo natin ang isa’t isa at...” pabitin na saad ko.
“At?”
“At...” Hindi ko magawang tapusin dahil nahihiya ako. Nag-init na nga ang magkabilang pisngi ko sa naiisip ko na ibig sabihin nito. Isa kasi iyon sa naging dahilan ko kung bakit gusto ko na siyang makasama.
“At?” pag-uulit niya para lang marinig ang sasabihin ko. “Say it, Jean...”
“You are free to do whatever you want with me and I won’t stop you. Because living on a same roof with my boyfriend means we’re married, kind of. It’s our responsibility to take care of each other. Going to sleep in a same bed, and do something that our hearts want. Even if we are not married yet it seems like we are going to have a family,” mahabang paliwanag ko.
“Are you sure about me yet, Jean? Are you not afraid?” he suddenly asked.
“Where will I be afraid?” balik kong tanong sa kanya.
“To me? That I might hurt you in the end,” he answered. I reached his face and caressed it.
“Being hurt is part of our lives, Miko. If you’re gonna hurt me it’s okay, I’ll forgive you as soon as I can accept you, depende rin sa magiging dahilan mo. I love you, maliban sa kuya ko, you are the first person I gave my love and heart to. If you’re going to waste that chance it’s your choice, Miko. Remember commitment is what we made because we got into a relationship and more importantly this one to live with you in a house. Mabigat na responsibilidad na.”
“I promise, I will take care and love you. I just can’t wait any longer. Hopefully tomorrow is your last day at your brother’s house.” Natawa ako nang mahina.
“Ngayon pa lamang ako lilipat.”
“Then, hihintayin na lamang kita,” sabi niya at matunog na hinalikan ang mga labi ko. Mabilis lang iyon kaya may balak pa sana akong habulin nang sumigaw na si Kuya Hart sa labas.
“Tara na!”
***
“Wow, ang laki ng bahay ninyo,” namamanghang sabi ni Miko pagdating namin sa bagong bahay ng kuya ko.
“Maliit lang naman ito compare sa mansion ninyo, Miko.” Si Ate Zedian naman ang nagsalita.
“Miko, paupuin mo muna ako,” ani ko dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. Wala naman akong nakikita pero feeling ko ay umiikot ang paligid ko.
“Ayos ka lang ba, Jean?” nag-aalalang tanong niya.
“Pagod lang ako,” sagot ko at inalalayan na niya akong makaupo.
“Gusto mo ba ng tubig?” I nodded.
“May tumbler si Dazian dito,” ani Ate Zed.
Mabilis na naibigay iyon sa akin at pinainom na ako ng boyfriend ko ng tubig. Naramdaman ko ang paghawak ni Kuya sa pulso ko at alam kong sinusuri na naman niya ako.
“Okay lang po ako, Kuya. Wala naman pong masakit sa akin. Naramdaman ko lang po na parang umiikot ang paningin—paligid ko.”
“Ni hindi mo sinabi sa akin na may nakikita kang maliit na liwanag,” sabi niya. Kay Miko lang akong nakapagkuwento no’n.
“Wala lang iyon, Kuya,” saad ko.
“Okay naman ang heartbeat mo,” he said and kissed my temple.
“Malinis na ba ang kuwarto ni Jean?” Miko asked.
“Oo. May kinuha na akong kasambahay para maglinis ng buong bahay. Iyong may dilaw na pintuan ang kuwarto ni Jean.”
“Pahinga ka muna roon, Jean?”
“Sige.” Tatayo pa lamang sana ako nang pinangko na niya ako. “Eh, Miko. Kaya ko namang maglakad.”
“Shut up, Miss.” Napanguso ako.
“Parang isang floor lang ang mayroon sa bahay natin, Jean. Ayokong mahirapan ka. May five steps sa mga kuwarto natin,” ani Ate Zedian. Ngumiti ako at ipinulupot ko na lamang ang isang braso ko sa leeg ni Miko.
“Kapag palagi tayong ganito sa bahay mo ay uuwi na lamang ako rito.”
“Bahay natin. Ngayon lang naman ito,” sabi niya.
“Ayokong maging pabigat sa ’yo, Miko. Huwag mo akong masyadong alalahanin.”
“Noted,” simpleng saad niya at sinipa niya lang yata ang pintuan. Maingat niya akong ibinaba sa kama at umayos naman ako. Hinubad pa niya ang suot kong sandal at kinumutan. “Take your rest, baby. Ako na ang bahala na maglagay ng mga gamit mo sa cabinet,” pagpresenta niya. Lumapad ang ngiti sa mga labi ko.
“Salamat po,” sambit ko. Humiga na ako sa kama at pumikit. Naramdaman ko pa ang presensiya niya sa tabi ko at nakatulog ako nang maaga. Nagising lang ako nang makarinig ako na tila may nag-uusap.
“I’ll meet you soon, Hermerry. Not now, please— tinatawagan ko na rin ang kuya mo— I’m just busy— fine, magkikita tayo mamaya pero may kasama ako.” Sino kaya ang kausap ni Miko at mukhang naiinis na rin siya. Hindi na rin ako nagpanggap pa na natutulog at basta na lamang akong bumangon. “You’re awake, baby.”
“Sino ang kausap mo at mukhang nagagalit ka?” tanong ko sa kanya. Maiintindihan ko naman siya kapag hindi niya ako sasagutin.
“Si Hermerry.” Pangalan pa lang ay alam kong babae.
“Sino iyon?”
“Huwag ka sanang magagalit, Jean.”
“Hindi.”
“Si Hermerry kasi... dati ko siyang nililigawan. Ang Daddy niya ay kaibigan ni Grandpa. Inaasahan din nila na ipagkakasundo kaming dalawa. Kaya naisip kong...ligawan na siya kasi alam mong ayokong matulad sa mga kuya ko. Na unang pagkikita nila ng mga fiancé nila ay hindi na maganda ang trato nila. Gusto ko bago kami ma-enggage ay magugustuhan ko na siya at malapit na kami sa isa’t isa. Pero dahil sa trahedyang nangyari sa akin ay dinala ako ng tadhana patungo sa ’yo. Believe me, Jean. Hanggang doon lang ang ginawa ko,” paliwanag niya na naintindihan ko naman agad pero...
“Eh, bakit ka niya kinukulit na makita ka?” marahan ang boses na tanong ko.
“Bago kasi ako...napunta sa trahedyang iyon... Nagawa niya akong sagutin. Iniisip niya na... boyfriend pa rin niya ako kahit tatlong taon akong nawala at wala na kaming komunikasyon pa sa isa’t isa. Kaya sumama ka sa akin para makausap siya.” Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.
Nang sumapit ang gabi ay naghanda kaming dalawa at sabay na kaming pumunta sa isang restaurant. Akala ko ay kami ang mauunang darating pero sa paglapit namin sa isang table ay may babae na ang tumawag sa pangalan niya.
Binaklas ko ang braso niya sa baywang ko kasi mukhang nag-aalalangan na yumakap sa kanya ang babae.
“M-Miko... B-Buhay ka nga... Buhay na buhay ka, Miko...” Umiyak agad ang babae. Hinila ulit ako ni Miko sa siko at naramdaman ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “S-Sino... sino naman siya, Miko?” nauutal na tanong ng babae na sinamahan pa nang pagsinghot.
“She’s my girlfriend, Donna Jean. We’ve been in a relationship for two years,” seryosong sagot ni Miko.
“Dude, magpapakita ka lang sa amin para isama at ipakilala ang bago mong girlfriend? Paano naman ang kapatid ko? Wala kang idea kung gaano siya nasaktan noong akala namin ay namatay ka na three years ago,” punong-puno ng hinanakit na saad ng lalaki. Magkapatid nga sila.
“As far as I remember ay nililigawan ko pa lamang noon ang kapatid mo, Hermes.”
“But I already say yes, so consider na boyfriend na kita, Miko. Pero bakit naghanap ka pa rin ng iba?”
“Hindi naman ako aware sa pagsagot mo sa akin, Hermerry. Dahil kung alam ko lang ay hindi sana ako—” Napahinto sa pagsasalita si Miko nang maramdaman niya ang paghila ko sa sleeves niya. Kung pagsisisihan niya ang panliligaw niya sa akin at naging girlfriend niya ako ay ako lang masasaktan sa sasabihin niya. “I’m sorry, Jean. Please, intindihin ninyo na lamang ako. Mahal ko ang girlfriend ko.”
“Paano mo nasasabi iyan sa harapan ng kapatid ko na mahal na mahal ka, Miko?” tanong ng lalaki at humihikbi na nga ang kapatid niya.
“Wala na akong magagawa pa, Hermes.”
“Ayokong masira ang pagkakaibigan natin, Miko. Hinayaan kitang ligawan noon ang kapatid ko dahil kilala kita. Kilala kitang mabuting tao at mabait sa kapwa niya pero kung ganito lang pala ang gagawin mo sa kapatid ko ay mapipilitan akong...kalimutan ka na na naging kaibigan ko.”
“Sana kung nalaman mong wala na ako ay hindi mo na sana ako minahal pa, Hermerry. Walang kasiguraduhan ang buhay ng isang tao at ngayon... Hindi ko maibibigay ang gusto mo. Mahal na mahal ko si Jean, simula nang iligtas niya ako ay nangako na rin ako sa kanya na ibubuwis ko ang buhay ko para maprotektahan ko lang siya. Hermes, hindi ko gusto na kalimutan ka rin na kaibigan ko. Huwag na nating gawin na komplikado pa ang lahat. Hindi ko naman puwedeng iwanan na lamang ang girlfriend ko para sa kapatid mo. Dahil alam mong panliligaw lang ang ginawa ko dati.” Humigpit ang hawak ni Miko sa kamay ko na tila natatakot siyang mawala ako.
“I know it hurts to see your siblings in pain, Mister. But I hope your sister won’t be the reason for your quarrel with Miko. Never forget your friendship. Heartache, even if it takes time to heal I know it will heal soon. It may take a lot of time but little by little you will get there,” pagsisimula ko na ikinatahimik nila. “Friendship is hard to let go especially when you have kept and valued for a long time. Miko having a girlfriend even though he’s not aware that he left with a girlfriend here and cried over his presumed death before is not his fault. He’s just a human, he has his own mind and he’s not a perfect person. I don’t want your friendship to ruin just because of your sister and me. Friendship is still important than a girl, even if it’s your sister. Sinasabi ko ang lahat ng ito ay hindi dahil kinakampihan ko siya kasi boyfriend ko siya. Kundi isa ako sa mga taong masasayangan kapag pinili mong bitawan at kalimutan ang pagkakaibigan ninyong dalawa. Maniwala ka man o hindi ay mahihirapan kang hanapin ang isang kaibigan na hindi mo makikita sa kanya,” mahabang dagdag ko. “Admit it or not I know you’re also one of the people who got hurt when he lost. I know you regret something and that’s not being a good friend to him. I know you promised that if you given another chance to be with Miko you’ll make him feel how lucky you are to have him as your friend, how much he means to you and how much you love him. If you don’t think that, you’re not a real friend then.”
Ilang minutong naghari ang katahimikan at ang siyang maririnig lamang ay ang tunog ng mga plato, kubyertos at boses ng mga customer na nag-uusap. Mayamaya lang ay narinig ko na ang halakhak ng isang lalaki. Pero nasa tapat ko lang iyon at parang kaibigan iyon ni Miko.
Wala sa sariling sumiksik ako sa balikat ni Miko at kahit hindi ko kayang abutin iyon ay pinilit ko pa rin para hindi makita ang mukha ko kasi nahihiya ako na baka may sinabi akong nakatatawa. Hinaplos ng nobyo ko ang braso ko.
“What’s so funny, Hermes?” malamig na tanong niya.
“May punto ang girlfriend mo, Miko. Nag-focus lang ako sa kapatid ko dahil alam kong masasaktan siya pero... ngayon ay naalala ko na nga ang mga naisip ko noong nawala ka. Tama siya, ang lahat ng iyon ay nasabi ko na nga. Where did you get your girlfriend, Miko?”
“Don’t ask me that. Wala siyang katulad. Sa akin lang siya,” mariin na sabi niya. Nagtatanong lang naman ito ay akala mo naman ay aagawin niya ako.
“So, ayusin na lamang natin. Um-order na lang tayo.”
“Kuya...”
“I’m sorry, Hermerry. Alam kong kuya mo ako at kinakampihan kita, but not this time. Nawala si Miko ng tatlong taon at alam ko ang nararamdaman mo. But can you just let him go para na rin ito sa ’yo?” pagmamakaawa nito sa kanyang kapatid.
“H-Hindi ko po alam, Kuya... Mahihirapan po ako but susubukan ko na lamang po,” sabi nito at bumuntong-hininga pa.
Sana nga ay nagagawa pa rin niyang kalimutan si Miko. Hanggang panliligaw lang naman ang nangyari sa pagitan nila pero nagawa niyang sagutin ito kahit alam niyang wala na ang manliligaw niya.
Nalulungkot ako para sa kanya pero hindi ko naman puwedeng sisihin ang sarili ko na naging hadlang ako sa pag-ibig niya sa aking nobyo. Mahal ko rin naman si Miko at hindi ko siya kayang bitawan.
Pinaubaya ko na kay Miko ang pag-order ng pagkain ko at nang mai-serve na ito ay panay ang tingin sa akin ng magkapatid. Ramdam ko iyon, eh. Kasi inaasikaso ako nito.
“If you don’t mind, Miko. Kung ano ang trabaho ng girlfriend mo?” tanong ng babae. Na nagngangalang Hermerry.
“She is the owner of Harty 10.3FM channel with 10 million viewers on her own website,” sagot ni Miko na sinabi pa ang viewer ko.
“She’s a blogger?” tanong naman ng lalaki.
“No, she’s a DJ who gives love advice. She has many listeners.”
“Sounds familiar, that’s why what she said is meaningful. Because she is a love guro.”
“Yes, she is,” proud na sagot pa niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.
“Isa rin siya sa member ng voice talent,” kuwento pa niya.
“Ah, singer din siya?”
“Hindi, gágo. Voice over lang ng mga drama,” pagtatama niya sa kaibigan niya.
“Ah, kaya naman pala maganda ang boses niya. Hahanapin ko mamaya ang channel niya at pakikinggan ko siya. Sabihin mo na rin sa akin ang entertainment kung saan siya nag-voice over,” Hermes said.
“Bakit ko sasabihin iyon? Mukhang interesado ka pa sa girlfriend ko, ha?” Dumilim yata bigla ang aura ng aking mahal na boyfriend.
“Masama ba ang humanga sa isang tao, Miko?” balik na tanong nito sa kanya.
“Dámn you, dude! Girlfriend ko ang pinag-uusapan natin dito, ha! Baka nakalilimutan mo!”
“Girlfriend mo pa lang naman. Alam kong hindi naman titingin sa iba ang girlfriend mo. Wala akong gagawin, ha,” mahinahon na saad naman ng isa.
“Kaya nga huwag ka ng mag-abala pa na hanapin ang entertainment nila. Maghanap ka na lang ng girlfriend mo. Tsk,” he hissed him.
“Walang masama ang magka-crush sa isang tao kahit na may boyfriend na siya.”
“Hermes! Ngayon mo pa lang naman nakita si Jean kaya paano mo nasasabi na crush mo na siya agad-agad?! Ginagágo mo ba ako?!” Hinawakan ko ang braso niya dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Nakarinig tuloy ako ng bulong-bulungan sa paligid namin.
“Wow, seryoso ka na nga. Ngayon lang kita nakita na nagalit, dude. Nasaan na ang matalik kong kaibigan na palabiro at malakas mang-asar? Wala pa nga akong gagawin sa girlfriend mo ay high blood ka na agad.”
“Fvck! Kung ganoon may balak kang gawin sa girlfriend ko?! Hermes!” Natawa tuloy ito nang malakas.
“Baby, calm down. Hindi ka naman mabiro. Tapos kapag ikaw na ang mang-aasar ay ang husay-husay mo,” ani ko.
“Shut up, Miss!” sigaw nito sa akin at tumulis lang ang labi ko.
“Pasensiya ka na sa kanya, ha? Overprotective lang talaga siya sa akin. Maski bata nga ay pinapatulan niya noong nalaman niya na tinatakot ako nito sa aso,” pagkuwento ko.
“You’re afraid of dog?” the girl asked me at ipinihit ko ang ulo ko sa direction niya.
“Oo,” tipid na sagot ko.
“Ganoon pala ma-in love ang isang Engineer Miko S. Brilliantes.”
“Kumain na lang tayo. Lumalamig na ang pagkain, eh,” ani ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top