CHAPTER 25
Chapter 25: Plan to live with him
PAGGISING ko kinabukasan ay naramdaman ko ang malaking bagay sa kaliwang dibdib ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kahit hindi naman malabo ito dahil maliit na ilaw lang ang nakikita ko.
Hinawakan ko iyon at kumunot ang noo ko dahil kamay ni Miko ang nasa dibdib ko. Ang kamay niya ay nasa ulo ko at nakaunan ako sa braso niya. Tapos ang kaliwang kamay niya ay nasa loob ng suot kong t-shirt. Tinanggal ko ang kamay niya pero bumalik lang iyon. Sinubukan ko pa rin at narinig ko ang mahinang daing niya saka niya ako mahigpit na niyakap. Napangiwi ako dahil naipit ako sa malaking katawan niya.
Nakayakap kasi siya sa akin mula sa likuran tapos nasa bandang batok ko ang mukha niya. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya roon.
Binaklas ko ang braso niya sa baywang ko at humihigpit iyon lalo kaya naman ay hinayaan ko muna siya. Nakatulog na rin siya kaya nagawa kong bumangon. Hindi ako pamilyar sa kuwarto ng boyfriend ko kung kaya’t nahirapan ako na hanapin ang banyo niya pero bumukas ang pintuan.
“Jean?” pabulong na tawag sa akin ni Tita Jina. Nasa kaliwang banda ko iyon.
“Bakit po, Tita?” tugon ko.
“Sa banyo ba ang punta mo?” Tumango ako bilang tugon at naglakad siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at iginiya niya akong maglakad.
“Salamat po, Tita,” nakangiting sabi ko dahil inalalayan niya ako sa banyo.
Humawak na ako sa sink at binuksan ang gripo ng tubig. Maghilamos at magmumog lang naman ang ginawa ko. Pumuwesto naman siya sa likuran ko at sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko para ayusin ang pagkakatali no’n.
“Alam mo ba sa mga naunang babae ng mga anak ko? Na ngayon ay mga ina na rin ng mga apo ko. Hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kanila. Kaya naman noong nalaman kong girlfriend ka ng anak ko ay hindi ko na ginawa ang isang bagay na alam kong masasaktan ko sila. Hindi na rin ako humadlang pa sa inyo. Nagugustuhan ka ng grandparents nila at sa kabila nitong paghihirap mo ay nagawa ka pa rin namang mahalin ng anak ko, Jean,” mahabang kuwento niya na ikinatango ko.
“Tinanong ko na rin po si Miko. Kung tutuusin po ay pabigat lang din ako sa kanya. Kaya nga po hindi ako nahirapan na mahalin din siya pabalik. Kasi tanggap po niya kung ano ako,” sabi ko.
Pagkatapos kong maghilamos ay ibinigay niya sa akin ang face towel at pinunasan ko ang basang mukha ko.
“I see, may maganda ring katangian mo ang nakita ng anak ko kaya ka rin niya nagustuhan. Tara na sa labas, naghanda na ako ng breakfast at nag-bake pa ako ng cupcake. Nanghingi pa ang mga apo ko, dumating kanina si Markiana para lang humingi no’n,” pahayag niya at may ngiti iyon sa labi niya.
Tulog pa si Miko kahit noong nakalabas na kami at nandoon na rin si Tito M. Binati ko siya ng ‘good morning’ na magiliw niya rin akong binati pabalik. Nagkakape rin siya at agad pa akong inalok. Si Tita Jina ang nagtimpla sa akin ng kape.
“Jean, kumusta naman ang mga anak ko noong nasa poder pa ninyo silang dalawa?” tanong niya at halatang interesado siya.
“Si Miko po, bago po siya na-comatose ay gising na gising pa ho ang diwa niya sa mga oras na iyon. Sa katunayan nga po ay dinala namin siya sa hospital at balak pa niyang puntahan noon ang mga kuya niya pero hindi na rin niya nakayanan pa at agad siyang nahimatay. Nakita raw ni Kuya Hart ang isang bangkay na kamukhang-kamukha ni Miko. Isa lang po ang naisip no’n ng kuya ko. Ang itago na lamang po si Miko dahil may pakiramdam daw siya na nasa kapahamakan ang buhay nito. Ayos naman na po siya kahit na medyo mapang-asar din siya,” mahabang kuwento ko.
“Hindi lang medyo, hija. Kilala na namin ang bunso naming anak na lalaki,” sabat ni tita na tinanguan ko.
“Eh, si Mikael?”
“Bago po siya dumating sa bahay namin ay kasama na po niya ang kuya niya. Two weeks in coma rin po si AJ, sabi ni Miko. May iba naman pong pinagkaabalahan si AJ, hindi naman po siya nahirapan sa bagong buhay niya bilang AJ. Tapos ang kuya po niya ay nagtratrabaho rin naman po.”
“Kailan namin puwedeng makita at makausap ang kuya mo, hija?” tanong sa akin ni Tito M.
“Sasabihan ko po siya o bibigyan ko na lamang po kayo ng contact number niya,” sagot ko.
“Sige.”
“Heto ang coffee mo, Jean. Dahan-dahan ka lang, ha? Mainit pa,” paalala niya sa akin. Ngumiti ako at nagpasalamat saka hinawakan ko iyon. Bago ko pa lang matikman ang kapeng tinimpla niya ay narinig ko na ang marahan na paglalakad ni Miko. Alam kong hindi pa siya nakalalapit sa kusina nila. Pinakiramdaman ko pa iyon.
“Gising na po yata ang anak ninyo at naglalakad na siya palapit dito,” sabi ko at sabay bukas ng pintuan.
“Mom! Nasaan na po ang girlfriend ko?!” tanong nito.
“Well, totoong malakas nga ang pakiramdam ninyo at ang pandinig,” komento ni Tito M.
“Oh, nandiyan na pala. Nang-iiwan naman sa kama, ay.” Nakaiinis talaga siya, wala talagang filter ang bunganga niya. Baka iba ang isipin ng mga ito.
“Lumapit ka na rito, anak. Kumain na tayo ng breakfast,” pag-aaya sa kanya ng Mommy niya.
“Good morning po, Mom, Dad.”
“Morning,” magkasabay na bati sa kanya pabalik ng mga magulang niya at ang presensya niya ay palapit na sa akin.
“Ito ang unang beses na makakasama ka na namin ulit kumain ng breakfast, Miko.”
“Gusto ko po iyan, Mom. Miss ko rin po ang mga luto ninyo,” sabi pa ni Miko.
“Huwag ka ng mawawala pa, anak. Hindi ko na kakayanin pa kapag nawala ka na naman,” sabi nito.
“Hindi na po, Mommy. Si Mikael po ba? Nasaan na? Hindi po ba siya umuwi?”
“Maaga siyang sinundo ng boyfriend niya,” sagot ng kanyang ina.
“Good morning, Miss,” he greeted me naman sabay halik sa pisngi ko. Akala ko ay hindi na niya ako papansinin pa.
“Magandang umaga,” sabi ko.
“Mas maganda ka sa umaga, Jean.” Napailing lang ako sa tinuran niya. Hindi rin talaga siya nauubusan ng papuri sa akin.
“Ewan ko sa ’yo,” ani ko.
Mayamaya ay sabay-sabay na kaming kumakain at bigla namang napansin ni Tita Jina ang mga labi ko. Nahihirapan na nga akong kumain, eh.
“Napaano ’yan, hija? Pulang-pula at mukhang namamaga rin.”
Kahit ang pagkagat sa pang-ibabang labi ko ay nakaramdam din ako ng sakit.
“Uhm.” Nakahihiya kapag sinabi ko ang katotohanan. Na halos buong magdamag na kaming naghalikan ni Miko na umabot pa ang nahulog kami pareho mula sa kama. Sobrang nakahihiya iyon kapag nalaman nila.
“Kumain po kami ng masarap na ice cream last night, Mom. Mahilig po sa ganoon si Jean kaya hayan po ang napala niya,” pagsisinungaling niya na hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Talagang napala ko? Tss.
“Ah, kaya naman pala.”
“Son, ibigay mo na lang sa akin ang contact number ng kapatid ni Jean. Gusto ko siyang makausap sa personal.”
“Tungkol po ba ’yan sa amin? Huwag na po, Dad. Hayaan ninyo na lamang po.”
“Gusto ko lang makausap ang kuya ni Jean.”
“Sige na nga po. Ibibigay ko sa inyo after this. Ihahatid ko pa si Jean sa hotel. Baka bawiin siya mula sa akin ng kuya niya.”
“Oh, akala ko ay mag-l-live in na kayo ng girlfriend mo, anak? Kaya kayo nasa iisang kuwarto kagabi.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa narinig ko. Hala, live in?
“Magandang idea po sana ’yan, Mom. Pero hindi po ako papayagan ng kuya niya. Itinuro rin sa akin ni Grandma na may sarili na pala akong bahay. Jean, what if binyagan na natin ang bahay natin?” Muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig. Ano’ng binyagan? At bahay namin?
“Miko,” seryosong sambit ng daddy niya sa pangalan niya.
“Kidding aside. Pero totoong naiinggit na ako sa mga kuya ko, Dad. Sina Kuya Markus at Kuya Markin ay dalawa na ang anak, hindi lang iyon. Pati na ang mga pinsan ko. Ako lang yata ang wala pa at tapos si Mikael din. Well, saka na ang bunso natin.” Sinusuway na nga siya ng Mommy niya at nararamdaman ko ang inggit na sinasabi niya.
Excited na yata talaga siya na magkaroon ng anak, ’no? At gusto niya ay ako ang magiging ina ng mga anak niya. Pero hindi pa nga kami kasal kahit na mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Ako pa naman ang tipong babae na may iniingatan na dangal. Ngunit...kung gusto na talaga ng boyfriend ko ay sige pagbibigyan ko na lamang siya.
Sa isipin nga na may mangyayari na sa amin ay kinakabahan na ako. Hanggang halik lang naman kami at kontrolado pa namin ang isa’t isa. Hindi naman ako nag-aalangan na ibigay sa kanya ang sarili ko. Mahal ko si Miko at wala na akong nakikita pa na ibang lalaki na mamahalin ko higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Siya lang ang lalaking nakikita kong makasama ko habangbuhay.
***
After naming kumain ng agahan ay hinatid na niya ako sa hotel at bago siya umalis ay nakipaglaro pa siya sa pamangkin ko.
“Miss. Magkita na lamang tayo bukas, ha?” Tinanguan ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan saka niya ako ikinulong sa mga bisig niya. Humalik na rin siya sa sentido ko. “Date tayo kapag naayos ko na ang pagbabalik ko sa kompanya namin.”
“Take your time, Miko,” sabi ko at masuyong hinalikan niya ako sa mga labi ko. Mabilis ko rin siyang hinalikan. Hindi na niya kinakagat ang mga labi ko, pero mariin na pagsipsip lang ang ginawa niya. Haist, mamamaga pa rin ito.
“I’ll be back,” he said in a husky voice.
***
Nakaupo sa kandungan ko si Dazian at nag-uusap naman ang parents niya. May naipatayo na palang sariling klinika ang kuya ko tapos si Ate Zed naman ay saka pa lang siya magpapatayo ng sarili niyang flowershop dito sa Manila. Maliit lang daw iyon, kaya na raw ng budget niya pero nag-insist pa rin si kuya na tulungan siya.
Pag-aawayan pa yata nila pero sumabat na ako sa usapan nila. Mag-asawa na sila at ang mag-asawa ay nagtutulungan.
“May bahay na rin tayong malilipatan natin, baby girl,” sabi niya sa akin.
“Kuya, hindi ko na po kailangan pang sumama sa inyo ni Ate Zedian.”
“Ano naman ang ibig mong sabihin, Jean?” my sister-in-law asked me.
“Uhm, naisip ko lang po na huwag na akong tumira sa bahay na lilipatan ninyong mag-asawa.”
“Jean, kapatid kita. Kung nasaan man ako ay dapat nandoon ka rin. Sa tingin mo ba ay panatag ang kalooban ko kapag bubukod ka sa amin?” seryosong tanong ni Kuya.
Tinapunan niya ako ng malamig na tingin. Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ng aking pamangkin. Kinakabahan ako kapag sasabihin ko ang dahilan ko.
“Ano na, Jean? Saan ka naman pupunta kung hindi ka sasama sa amin?” Si Ate Zedian.
“Napagdesisyunan ko na po na...tumira na lang po kasama si Miko.” Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko.
“Pero hindi pa kayo kasal, Jean,” mariin na saad ng kuya ko na ikinanguso ko. Alam ko naman iyon.
“Tama ang kuya mo, Jean.”
“Doon naman po kami tutungo, Kuya. Isa pa kailangan na rin natin na maghiwalay para masanay na tayo na wala ang presensiya ng isa’t isa. Alam mo naman po na magkakaroon din tayo ng kanya-kanyang buhay. Hindi naman po ako pababayaan ni Miko. Mahal niya po ako at tutukan mo na lang po ng atensyon ang mag-ina mo, Kuya.”
“But, Jean—”
“Sige na po, Kuya. Promise po dadalaw pa rin kami sa magiging bahay ninyo ni Ate Zedian. Makikitulog din po ako sa inyo kapag gusto kong makasama si Dazian o ikaw po, Kuya.”
“Hindi ako sanay, Jean. Hinding-hindi ako masasanay dahil nag-iisa kitang kapatid. Kahit may pamilya na rin ako ay hindi ako sanay na wala ka pero susubukan ko. Alam ko naman ang bagay na ’yan at oo, hindi ka naman pababayaan ni Miko. I will agree kung maninirahan ka muna sa amin ng isang buwan. Isang buwan lang, baby girl. Huwag mo namang biglain si kuya,” sabi niya at muntik pang pumiyok ang boses niya. Napangiti ako.
“Sige po, Kuya. Isang buwan lang po,” sabi ko at naramdaman ko ang pagtayo niya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at niyakap pa niya ako.
“Salamat naman at naintindihan mo ang kuya mo, Jean. Alam mo na mahal ka ng kuya mo at overprotective rin siya sa ’yo. Mahirap ka lang bitawan, Jean,” ani ate. Hinaplos ko ang braso ni kuya, nakahilig na kasi ako sa dibdib niya.
“Mahal din naman po kita, Kuya. Ako rin naman po, hindi ako sanay na hindi na rin tayo magkasama sa iisang bubong pero kailangan nga natin sanayin ang isa’t isa.”
“Eh, kumusta naman ang mga magulang ni Miko? Hindi ka ba nila inaaway?”
“Hindi po. Mababait sila, Kuya. Lalo na po ang grandparents niya.”
“Mabuti naman, dahil babawiin kita sa nobyo mo.”
“Iiyak po iyon kapag ginawa mo, Kuya. Huwag naman po,” nakangusong sabi ko at si Ate Zedian naman ang natawa.
“Wala pa man ay na-p-picture out ko na si Miko na umiiyak,” she said and I nodded, dahil agree nga ako.
“Oo nga po, eh. Kawawa iyon.”
“Tss.”
“Tss din kuya,” sabi ko.
“See that, babe? Natuto na siya sa boyfriend niya. Pambara rin naman ang isang iyon,” ani Kuya Hart.
“Yeah, sinabi mo pa, babe.”
“Sumbong ko kayo kay Miko, pinagtutulungan ninyo ako. Dazian, tingnan mo ang Mommy at Daddy mo, pangit nila ka-bonding,” sumbong ko naman sa pamangkin ko.
“Oh, tita?” Hinalikan ko ng ilang beses ang sentido niya.
“Oo, inaaway ako ng parents mo. Tse sila.”
“Oh, tse!”
“Hayan! Ganyan nga, Dazian!”
“Baby girl, huwag mong turuan ang pamangkin mo.”
“It’s too late for that, babe. Nakalimutan mo yata na malapit kay Miko ang anak mo,” ani ate.
“Kaya nga, eh.”
Hindi na kami nagkita pa ng boyfriend ko, dahil alam kong kinabukasan na rin siya babalik sa hotel. Marami pa siyang gagawin at aayusin sa trabaho niya.
Tumawag lang siya sa akin noong magpapahinga na kami. Katabi ko sa kama sina Ate Zedian at ang anak niya. Si Kuya ay nakatulog na sa sofa.
“Sama ka, Miko. Lilipat kami ng bahay,” ani ko.
“Hmm, okay?”
“Ano’ng okay?”
“Kapag sasama ba akong lilipat sa bahay ng kuya mo ay sa kuwarto mo rin ako matutulog?” pilyong tanong niya.
“Miko, alam ko ang gagawin mo. Psh.”
“Wala akong gagawin, Miss. Oo nga pala, kanina nag-propose na si Kuya Markus sa babaeng mahal niya. Invited kayo sa kasal nila, okay?”
“Okay po,” mabilis na sagot ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top