CHAPTER 23
Chapter 23: Back and alive
TWO years later
"Thank you for your advice, DJ Anne. Gagawin ko po ang sinabi ninyo sa akin."
"Always remember that na parte na ng buhay natin ang problema and I know you can do this. Just be positive and don't forget to pray." Ikinangiti ko ang pagbibigay advice ni AJ at talaga namang marami kang matutunan sa kanya.
Simula nang dumating sila ng kuya niya sa buhay namin ay nakiusap ako sa kanya na samahan niya ako sa studio ko para mag-on air. I asked her din na kung puwede siyang mag-share about life or something problem ng isa mga listeners ko, and she did a great job naman.
Humahanga nga ako sa kanya dahil napapaisip din ako kung saan niya nakukuha ang mga salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Wala pa nga siyang naaalala sa lagay na 'yan. Ewan ko na lang if gagaling na rin siya.
Tapos ang relasyon namin ni Miko ay mas tumibay pa. Parte na rin ng relasyon namin ang pag-away pero hindi naman iyon nagtatagal ng isang araw dahil pareho kaming gumagawa ng paraan para magbati na kaming dalawa.
Hindi rin nagbago ang ugali niya. Ganoon pa rin siya, palabiro at nang-iinis pa rin siya. Nagtatampo lang din siya kapag hindi ko siya bini-baby. Psh, ang tanda-tanda na ay gusto pa rin niyang magpa-baby sa akin. At ang pagmamahal nga namin ay mas lumalim din. Kung kaya't masasabi ko na sobrang suwerte ko sa kanya.
"Tara na? Lumabas na tayo, DJ Anne," pag-aaya ko sa kanya at pagtayo ko pa lamang ay tumama ang mukha ko sa matigas na bagay. Nalukot ang ilong ko at naamoy ko rin ang pamilyar na pabango ng boyfriend ko. "Iko naman, eh," sabi ko at kinabig niya lang ang ulo ko para dalhin niya sa dibdib niya. Ilang beses niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Hoy, Kuya! Bakit mo hinahalikan ang best friend ko?!" sigaw ni AJ at naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Mahigpit na yumakap lang ang braso ni Miko sa baywang ko.
Best friend, iyon na nga ang turing naming dalawa. Dahil naging matalik na magkaibigan na nga kami. Masaya nga ako dahil sa kanilang magkapatid ay mas nabigyan lang din ako ng pag-asa na muling makakita. Ngunit nabigo kami last year dahil wala pa nga talaga kaming nahahanap na donor ko. Ayos lang naman at makakapaghintay pa ako. Basta kasama ko si Miko. Siya lang naman ang nagpapaalala sa akin na muli akong makakita. Para makita ko na rin daw ang guwapo niyang mukha.
"Come here, bunso. Kumain na tayo. Nasa baba sina Daizo, Zedian at ang maingay mong pamangkin, Jean." Kinurot pa niya ang pisngi ko.
"Kuya naman!" reklamo sa kanya ni AJ. Pareho niya kaming inakbayan. Siyempre malalaman ko iyon.
"Be careful, bunso."
"Ewan ko sa 'yo, Kuya." I chuckled softly.
Nasa sala pa lang kami ay narinig ko na ang boses ni Kuya Hart at ang pamangkin ko. One year and three months old pa lamang siya at hindi pa siya gaano magaling magsalita.
"Oh, nandiyan na sina Tita Jean, Tita AJ at si—"
"Koko!" Natawa nang malakas si Miko dahil sa tinawag nito sa kanya.
"Dazian, dapat may tito, anak. Tito Koko," pagtatama ni Ate Zedian sa anak niya pero as if ay lalagyan nito ng tito ang Koko. Koko talaga ang tawag nito kay Miko. Malapit kasi ito sa kanya.
"Koko!"
Inalalayan pa kami ni Miko na makaupo sa couch at naramdaman ko ang paghalik ni Kuya Hart sa pisngi ko.
"Daizo, kahit na kapatid mo pa 'yang si Jean ay ayoko pa ring makita kang humahalik sa pisngi niya," suway ng selosong boyfriend ko sa kuya ko.
"She's my sister. Anytime ay puwede kong bawiin ang kapatid ko sa 'yo baka akala mo," pananakot sa kanya ni kuya. Sanay na ako sa bangayan nilang dalawa.
"And she's my girlfriend. Kahit na kuya ka pa niya ay hindi pa rin ako makakapayag na bawiin mo siya sa akin and as if you can do that. Patay na patay sa akin ang kapatid mo, baka akala mo rin." Ang yabang niya talaga kahit na kailan.
"Tumigil na nga kayong dalawa riyan. Ang iingay ninyo," sita sa kanila ni Ate Zed.
"Kuya Daiz, wala pong bawian," sabi naman ni AJ na ikinatawa ni Miko. Dahil pinagtatanggol pa siya ng sarili niyang kapatid.
"Ikaw ba, Jean? Saan ka kakampi?"
"Wala po," sabi ko at nagkibit-balikat pa. "Halika rito, Dazian."
"Doon ka kay Tita Jean, anak."
I extended my arms at naramdaman ko ang maliit niyang kamay na humawak sa akin saka ko siya binuhat at kinandong. Hinalikan ko ang pisngi at sentido niya.
"Anyway, nabalitaan ko na maraming taga-Manila raw ang umaaligid-ligid kay AJ. Sino ang mga iyon, AJ?" tanong ng kapatid ko sa best friend ko.
"Mga taga-Manila?" curious na tanong naman ni Ate Zed.
"Well, isa lang ang kilala ko. Come on, Daizo. Tayo ang mag-uusap," pag-aaya ni Miko. Naramdaman ko lang ang paghaplos niya sa ulo ko saka sila umalis ni kuya.
"Ano kaya ang pag-uusapan nila?" curious din na tanong ni AJ.
"Hayaan ninyo na ang dalawang iyon. Kanina ay nagbabangayan tapos hayan mag-uusap pa in private. May pizza kaming binili ng kuya ninyo." Tumunog ang ingay ng box ng pizza at binigyan naman ako ni AJ.
"Thanks," sabi ko at nang susubo na sana ako nang hinawakan ni Dazian ang kamay ko. Napangiti ako dahil kinagatan niya ang pizza ko.
"Hala naman, ang takaw-takaw ng batang iyan, ha. Kanina pa kaya iyan kumakain," komento ng mommy niya.
"Hayaan mo na, Ate," natatawang sabi ko.
"Gusto mo rin ba ng juice, Dazian?" Tumango ang pamangkin ko kasi gumalaw nga ang ulo niya sa dibdib ko.
Nagkuwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa bumalik ang dalawa at tumabi sa akin si Miko. Hinalikan pa niya ang sentido ko at dahil favorite nga siya ni Dazian ay lumipat ito sa lap niya.
"Gawa na rin tayo ng baby, Jean. Naiinggit ako sa kuya mo."
"Subukan mo lang, Iko," my brother warned him.
"Pakakasalan ko rin naman ang kapatid mo at okay lang naman kung mag-advance kami. Ganoon din naman kaya ang ginawa ninyo ni Zedian." Ate Zed chuckled at napa-hiss naman ang aking kapatid.
"Gusto ko rin po, kuya. Babae ang pamangkin ko."
"Oh, gusto na rin ni bunso. Ano na, Jean?"
"Tumigil ka nga, Miko. Isip bata ka talaga," ani ko at mariin kong pinisil ang pisngi niya.
"Hindi ako isip bata. Puwede na kaya akong makabuo ng baby—ouch, baby... Ang sweet-sweet mo talaga sa akin." Kinurot ko kasi siya dahil ayaw niyang tumigil, eh.
***
Ang twist ng buhay ni AJ ay exciting pala. Dumating ang mga lalaking kakilala ni AJ pero hindi naman niya matandaan pa. Dahil nga ay may amnesia siya. Tapos si Arkanghel na sinubukan na ligawan ito kahit may boyfriend palang naiwan sa Manila.
"Babalik na rin po ba si AJ sa Manila, Kuya?" tanong ko sa nakatatandang kapatid ko.
"Yup. Ang mga kuya niya ang susundo sa kanya. Napag-usapan na namin ito ni Miko. Sumama ka na, Jean. Susunod na lamang kami."
"Wow! Sasama—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang magaling kong nobyo.
"What? Daizo, hindi sasama si Jean sa kanila!" reklamo ni Miko at mahigpit pa niyang hinawakan ang kamay ko na parang may aagaw na naman sa akin.
"Tsk. Isama mo na si Jean, alam mo naman na hindi siya pababayaan doon ng kapatid mo. Para may kasama rin si AJ."
"Maraming lalaki roon, Daizo. Hindi ka ba nag-aalala sa kapatid mo?"
"Sa 'yo ako kinakabahan na baka may gawin ka sa kapatid ko."
"Hayan na naman kayo. Mas mabuting mauna na si Jean, Miko. Sasakay sila ng private plane. Para hindi mahirapan si Jean," suggestion pa ni Ata Zed.
"Ayoko!"
"Sige na, baby. Sasama na ako kay AJ, gusto ko rin siyang samahan para maging komportable naman siya," I pleaded.
"Huwag mo akong baby-hin, Jean. Hindi tatalab 'yang baby mo sa akin," seryosong sabi nito na ikinanguso ko. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa akin.
"Miko."
"What?! I have the right to kiss my girlfriend!" sigaw nito kahit wala pa siyang sinasabi.
"Ako ang magdedesisyon! Sasama na si Jean kay AJ!" sigaw rin ni ate.
"Zedian, you can't do that. Paano naman ako?" parang awang-awa na saad na naman ni Miko.
Kapag kay Ate Zed ay titiklop din siya. Ayaw niya rin kasi itong sigawan hindi dahil takot siya kay Kuya Daizo. Ayaw lang daw niya na maging bad sa mga babae. Kay kuya nga ay hindi siya takot.
"Hindi ba susunod ka naman?"
"Mauna na kayo, iwanan ninyo sa akin si Jean."
"Ang clingy mo, oy."
Sa huli ay wala ring nagawa si Miko kundi ang mag-agree na lamang.
"Miko, kahit na marami pang mga lalaki roon ay hindi naman kita ipagpapalit, ha. Ikaw nga na hindi ko pa nakikita ay nagustuhan din kita," ani ko kasi labag sa loob niya ang sumama ako sa Manila.
Ikinulong niya ang mukha ko. "Alam ko naman iyon pero nag-aalala lang talaga ako sa 'yo, baby."
"Eh, 'di worried ka rin kay AJ."
"Ganoon na nga."
"Miko, tatlong taon ka nang nagtatago sa pamilya mo. Oras na para magpakita sa kanila, baby." Pumulupot naman ang dalawang braso ko sa leeg niya at hinalikan ko ang panga niya.
Nasa bahay-ampunan pa kami at nagtatago lang siya rito para hindi siya makita ng mga lalaki sa labas.
"Fine," sabi niya at bumuntong-hininga saka niya ako siniil ng halik sa mga labi ko. Mabilis na naglandas ang mga palad niya sa katawan ko.
Sa loob ng dalawang taon namin bilang magkasintahan ay hanggang halik lang naman ang ginagawa namin. Ganoon siya ka-gentleman at wala na siyang ginagawa pa dahil alam niyang pipigilan ko pa rin siya.
"Hihintayin kita roon, Miko," ani ko at matunog ko siyang hinalikan sa labi niya.
"Okay. Take care, baby. Dapat may reward ako, ha?"
"Lol," sambit ko. Napapikit ako nang halikan niya ang mga mata ko.
"I love you, Donna Jean. Always remember that."
"I love you too, my big baby. Palagi kong tatandaan 'yan," tumatangong sabi ko.
***
Sumakay kami sa private plane at ang kasama ko ay si Arkanghel tapos may umupo rin sa tapat namin. Nararamdaman ko kasi ang presensiya niya, eh.
"Jean, si Gabril Santa Maria ang lalaking nakaupo sa tapat mo. Don't worry matinong lalaki 'yan," sabi ni Arkanghel.
"Hello, Jean. Gabril na rin ang itawag mo sa akin. Kaibigan mo ang girlfriend ng kaibigan namin," sabi niya na tinanguan ko naman.
"Pasensiya na kung medyo magiging pabigat ako, ha?" ani ko.
"Okay lang, magpapabigat din ako sa mga kaibigan ko. Para may kasama ka na pabigat," sabi niya na ikinatawa ko. Grabe rin pala kung makapagbiro siya. Naalala ko tuloy bigla si Miko.
"Tandaan mo na off limits na 'yan, Gabril," paalala sa kanya ni Arkanghel.
"Hoy, kahit hindi ako laking Manila ay hindi ako panggulo, ha? Ikaw na ang nagsabi sa akin na matinong tao ako, Ark."
"Ha? Saang matino ang pinagsasabi mo? Sino ba ang nagdala kay Samantha sa bus para lang umuwi na ito sa kanila pero sa huli ay naligaw lang pala."
"Grabe ka naman! Matagal na kaya iyon! At si Drim ang sabihan mo niyan! Sa ating dalawa ay ako ang mas matino. Sino ba ang doctor na naglagay ng pangalan sa blocklist kaya noong pasyente ay ayaw nang papasukin sa loob ng hospital?" tanong ni Gabril.
Sa buong biyahe ay naaaliw ako sa kanila dahil sa munti nilang pag-aaway. Masasabi ko nga na mabubuting tao sila.
Hanggang ngayon din ay hinahanap ko pa rin ang pangatlong lalaki na makikilala ko. Sa dami nila ay hindi ko alam kung isa na sa kanila ang pangatlong lalaki. Pero sana hindi.
Pagdating namin sa Manila ay si Arkanghel ulit ang umalalay sa akin. Si Gabril sana ang gagawa no'n. Nandoon naman ako nang sinalubong ng pamilya niya si Mikael at nag-iyakan pa silang lahat.
Kahit hindi ko sila nakikita ay naiyak din ako dahil na-touch nga ako. Sa kabila ng ginawa nila kay AJ ay tinanggap pa rin sila nito at pinatawad.
"It's you, right?" Narinig ko naman ang pamilyar na boses. Siya na kaya si Don Brill? Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tapat ko. "Ang babaeng sa orphanage, may I right?"
Ngumiti ako dahil naalala niya. "Opo, ako nga po iyon. Don Brill."
"Naaalala mo pa rin pala ako. What is your name again, hija?"
"Donna Jean V. Lodivero po," nakangiting sambit ko sa pangalan niya.
"Donna Jean. Alam mo ba na wala na ang apo ko na gusto kong makilala mo?" Naging malungkot ang tono ng boses niya. Kung puwede ko lang sana sabihin sa kanya ang totoo pero hindi puwede, eh. Ayokong pangunahan ang boyfriend ko. "Pero bakit nakikita ko pa rin sa 'yo ang kapalaran ng apo ko?" Totoo kayang isa rin siya sa mga taong may kakayahan na makita ang hinaharap?
"Hindi ko nga rin po alam, eh," magalang na sabi ko.
"Grandpa? Kilala ninyo po pala ang best friend ko?" pagsingit naman ni AJ.
"Best friend mo si Donna Jean, apo?"
"Opo, girlfriend daw po siya ni Kuya Iko."
"Who's Iko?" curious na tanong nito.
"Basta po, Grandpa. Makikilala ninyo rin po siya."
"I see," sabi lang ng lolo niya.
"Grandpa, uuwi na muna po kami sa bahay. Isasama ko po si Jean."
"She can stay here with us, dear." Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ng isang babae, halatang may edad na pero ang ganda pa rin ng tinig niya. Masuyo kasi at malambing pa.
"Eh, okay lang po ba, Grandma?"
Grandma? Ha?
"A-Akala ko po ay wala na kayong asawa, Don Brill." Napahalakhak si Don Brill sa sinabi ko.
"Yeah? Maski ako ay hindi ko rin alam. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Lorainne, mahal ko. Halika rito. Ipapakilala ko sa 'yo ang babaeng nakilala ko sa orphanage na nakikita ko sa kanya ang kapalaran ni Miko."
"Talaga? Matingnan ko nga..." Kinakabahan naman ako sa sinabi nito at mariin na ang titig sa akin. Mararamdaman ko talaga iyon.
Hinawakan pa nito ang kamay ko at nasa tabi na agad siya. "Ikaw..."
"P-Po?" kinakabahan na sabi ko.
"Grandma, tinatakot ninyo naman po si Jean."
"Pasensiya ka na, hija. Kulang yata sa tulog ang asawa ko kaya nakikita niya ang kapalaran ng namayapa naming apo."
"Lorainne, totoo naman kasi ang nakikita ko sa mga mata niya."
"Tumahimik ka. Hija, gusto mo ba na mag-stay muna sa aming tahanan?"
"Uhm, hindi po ba iyon nakahihiya?"
"Hindi naman. Bawal ang maging mahiyain dito," sabi niya.
"Sige po."
"Ang ganda mong bata. Sayang lang at pinagkaitan ka na makita ang magandang tanawin sa mundo," sabi pa niya.
"Paano ninyo po nalaman na bulag ako?"
"Ha? Ay, tara. Nagluto ako ng turon na paborito ng asawa ko. Come on, Mikael apo."
Hinawakan na niya ako sa kamay ko at sumama naman ako dahil naramdaman ko rin ang paghawak ni AJ sa kamay ko.
"Paano naman ako, mahal ko?" pagsingit naman ni Don Brill.
"Kausapin mo muna ang magaling mong mga anak," sagot lamang nito.
Kumain nga kami ng turon at panay ang titig sa akin ng lola ni AJ. Naiilang ako at kahit hindi ko siya nakikita ay kinakabahan ako na magsalubong ang mga mata namin.
"Kumusta naman siya?" bigla ay tanong na naman niya.
"Sino po ang kinukumusta mo, Grandma?" tanong ni AJ.
"Ang nobyo ng kaibigan mo, apo."
"Ah..."
"Okay lang po siya at susunod naman daw sila," sagot ko.
"Oh, mabuti iyon," sabi niya lamang.
Hindi ako iniwan ni AJ sa mansion ng grandparents niya. Sinamahan pa rin niya ako at natulog kami sa isang kuwarto. Hinintay ko naman na tumawag si Miko pero nakatulog lang ako ay hindi siya tumawag. But may voice message naman siya kaya nakontento naman ako.
Umabot ng dalawang linggo ay hindi pa rin dumarating ang apat na iyon. Tumawag lang si Miko and finally nasa Manila na raw sila at naka-check-in na sila sa hotel. Sinabi ko rin na nasa hospital kami para sa check up ni AJ pero kakaiba ang ginawa ni Dra. J. Dahil nakaalala agad si AJ.
Hanggang sa nagkagulo na nga sa loob ng klinika. Kahit ako ay natatakot na rin.
"Baby, wake up! What did you do to her?!" sigaw ni Crimson. Ang boyfriend ni AJ na hindi rin nagparamdam sa loob ng two weeks. Iyak nang iyak pa ang best friend ko sa kanya. "Baby, wake up..." Puro daing at pag-iyak lang ang naririnig namin. "Dámn, J. Ano ba ang ginawa mo?!"
"Hey, don't cursed my wife, Crimson!"
"You're just OA, Crimson," mahinahon na sabi lang ng doctora.
"Baby..."
"What happened?" Parang lahat kami ay nakahinga nang maluwag nang marinig na namin ang boses ni AJ. Gising na siya. Sobrang tagal niyang natulog.
"Two hours ka nang nasa loob ng hypnosismo ni J. Umiiyak ka lang at nanginginig. Natakot kami na baka hindi ka na magigising..."
"S-Si kuya Iko... Si Kuya Miko." Bigla ay hinanap niya si Miko. "Si Kuya Iko... Gusto ko siyang makita..." naiiyak na sambit niya.
"Iko? Is that Miko, Mikael? Wala na si Miko..." tanong ng kuya niya.
"No, Kuya... buhay siya. B-Buhay si Kuya Miko. Siya si Kuya Iko..." Nakagat ko ang daliri ko.
Naiiyak ako. Sana magpakita na nga sa kanila si Miko para malaman na nila ang totoo.
"I'm here." Boses na iyon ng boyfriend ko.
"Kuya Miko!" sigaw ni AJ na parang naghiwalay talaga sila ng matagal.
"Kuya..."
"Ssh...nandito na ako."
"W-What...how come... Miko."
"I'll explain you everything, Kuya," sabi lang ni Miko.
Since bumalik na nga ang alaala ni AJ ay nagkuwento siya tungkol sa trahedyang nangyari sa buhay niya bago siya dumating sa amin.
"And how about your story, Miko?" tanong ng nakatatanda nilang kapatid.
"They are idiot. Kung ano ang ginawa nila sa akin ay iyon din ang ginawa nila kay Mikael," malamig na tugon ni Miko. Hinawakan ko ang braso niya.
"Desperado silang mapalapit sa Brilliantes clan para lang sa kayamanan ni Grandpa at nagpadala pa sila ng mga tao nila na sinadyang maging kamukha namin ni Mik." Gaano ba sila kayamanan para gawin sa kanila ang bagay na iyon?
"Plastic surgery ba iyon?" AJ asked them.
"Isa lang naman ang mali nila..." sabi naman ni Crimson na may pabitin pa sa words niya. "My Mikael is a girl."
"Baby..."
"Umuwi na tayo?" pag-aaya niya pero sa huli naman ay naiwan pa rin siya sa boyfriend niya.
"Miko, magpakita ka muna kina Grandpa. Ikaw talaga, alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa amin?"
"Sorry na, Kuya. Hindi naman talaga ako magtatagal pero nadamay pati si Mikael, eh," paliwanag niya. "At Kuya Markus, hayaan mo na po ako na lutasin ang problema namin ni Mikael."
"No, ako ang maghahanap sa mga taong iyon," malamig na sabi ng kuya niya.
"Kuya, ako na po ang bahala! Please, mag-focus ka na lang sa mag-iina mo."
"Tsk. Don't ever do that, Miko. Ako na ang papatay sa 'yo next time," pananakot pa nito. "Jean? Sasama ka ba sa akin para makilala mo ang Ate Theza mo?" Natutuwa talaga ako sa mga kuya nila dahil ang babait.
"Kuya, sa akin sasama ang girlfriend ko."
"Girlfriend?"
"Oo. Mauuna na kaming aalis," paalam ni Miko at saka kami naglakad. Nang nasa kotse na kami ay humalik pa siya sa pisngi ko. "I miss you, baby," malambing na sabi niya.
"Ako rin, na-miss kita at masaya ako dahil magpapakita ka na sa pamilya mo," nakangiting sabi ko.
"Yeah. Ipapakilala kita sa kanila," sabi niya.
"Sina Kuya?"
"Nasa hotel. Mamaya na natin sila pupuntahan."
"Okay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top