CHAPTER 20

Chapter 20: Caught

PAGDATING namin sa bahay ay si Miko pa rin ang umalalay sa akin. Hindi siya sinuway ni Kuya Hart dahil alam kong overprotective ito sa akin. Kasi kasama namin si Ate Zed pero kailanman ay hindi naman niya ako nakalimutan na alalahanin.

“Ayos ka lang, babe?” narinig kong tanong ng kuya ko sa asawa niya, kay Ate Zedian. Buntis pa naman ito.

“Inaantok lamang ako, babe,” sagot nito.

“Sige na po, Kuya. Okay na po ako rito. Ihatid mo na lang po si ate sa kuwarto ninyo. Napagod po sila ng magiging pamangkin ko,” ani ko.

“Ako na ang bahala sa kapatid mo, Daiz,” seryosong sabi ni Miko. Hindi na umimik pa si kuya pero mabilis niyang hinalikan ang noo ko at saka sila umalis.

“Tara, kainin natin ang meryenda,” pag-aaya sa akin ng boyfriend ko. Hindi ako umimik at nagpaubaya na lamang ako sa kanya. Pinaupo niya ako at narinig ko lang ang tunog ng mga baso at plato na inilapag niya rin sa mesa. Mayamaya ay umupo na rin siya sa aking tabi. “Galit ka ba sa akin, Miss?” tanong niya kapagkuwan.

Umiling ako at inabot ko lang ang baso na alam kong may inilagay siya malapit sa akin. Tubig lang ang laman nito. Tamang-tama sa tuyong lalamunan ko.

“Hindi. Bakit naman ako magagalit sa ’yo?” tanong ko at uminom ng tubig.

“Kasi iniwan kita kanina,” sabi niya at parang nagsisisi siya sa ginawa niya.

“Hindi naman ako galit sa ’yo ng dahil lang doon, Miko. Natakot lang kasi ako kanina dahil nagising ako na wala ka na sa tabi ko. Lalo na may mga tao ang umaaligid daw sa labas. Nag-alala lamang ako sa ’yo,” nakangusong sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod nito.

“Pangako na hindi na kita iiwan pa ng ganoon, Jean. Lumabas lang talaga ako para bumili ng meryenda kasi nagutom ako at ayoko lang naman na gisingin ka. Mahimbing ang tulog mo, eh.” Pinitik ko ang noo niya.

“Ang tigas din ng ulo mo, ano? Hindi ba ang sabi sa ’yo ng kuya ko ay huwag kang lumabas?” malamig kong tanong.

“Pasensiya na. Sumilip naman ako sa labas ng flower shop ni Zedian at wala naman na akong nakita pa na mga lalaki sa labas. Kumain na lang tayo nitong kakanin, Miss. Mainit-init pa ito,” sabi niya at sinubuan pa niya ako. Ngumuya naman ako at tumango dahil sa nalasahan kong tamis nito.

Naramdaman ko lang ang pagtitig niya sa akin habang kumakain ako na ako. Kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay alam kong nasa akin ang lahat ng atensyon niya.

“Kumain ka na lang diyan, Miko. Huwag mo akong titigan,” suway ko.

“Wala, naakit lang ako sa ganda mo.” Sanay na sanay na ako sa papuri niya pero sa tuwing may lumalabas na magagandang salita mula sa bibig niya na tungkol sa akin ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Bumibilis din ang pintig sa puso ko. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin.

“Siguro kaya mo lang ako ginawang girlfriend mo ay dahil maganda lang ako, ’no? Mga lalaki talaga,” naiiling na saad ko. Inagaw niya ang kinakain ko at bago pa man ako makapagsalita ay walang sere-seremonya niya akong hinalikan sa mga labi ko.

May kinakain pa nga ako, eh!

Hinawakan ko siya sa dibdib niya para itulak siya pero mariin niya lamang kinabig ang batok ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mapupusok ang mga halik niya. Hindi ko na nga siya masabayan pa dahil sa bilis nito. Pinakawalan niya lang ako nang hindi na ako makahinga pa nang maayos.

“Miko! Kumakain ako!” sigaw ko at nawala na lang bigla ang kinakain ko sa bibig ko. “Kadiri ka talaga. Nasa loob na nga ng bibig ko ay kakainin mo pa,” sabi ko sa kanya dahil lang sa narinig kong pagnguya niya.

“Masarap pala kapag nalawayan na ng girlfriend ko. Heto pa, Jean. Nguyain mo para sa akin tapos ilipat mo—”

“Tumigil ka!” sigaw ko at pinanggigilan ko ang kanang pisngi niya. May diin ko itong pinisil.

“Aray ko, baby... Masakit naman ’yan... Mas mabuti pang kagatin mo na lamang ang labi ko kaysa ang kurutin ang pisngi ko.”

“Tse!”

“Tse ka rin!” palaban na saad niya at narinig ko pa ang pag-irap niya. Talaga namang pasaway.

“Ang pangit mo, Miko.”

“Hala, porket maganda siya sasabihan na ako ng pangit? Hindi naman yata makatarungan ’yan,” reklamo niya na ikinangiti niya.

Dahil sa halip na sabihin niya na bulag ako at walang nakikita ay kaya ko pa siyang sabihan ng ganoon.

“Miko...”

“Hmm? Ano iyon, baby ni Miko?”

“Huwag ka nga. Ako ang na-c-corny-han sa ’yong engineer ka,” kunot-noong sambit ko. Mahinang humalakhak lamang siya at hinalik-halikan ang pisngi ko pababa sa leeg ko. “At kapag nakita ka ng kuya ko?”

“Pananagutan kita,” sagot niya at umabot na sa batok ko ang halik niya. Nakikiliti nga ako pero mukhang nagustuhan pa iyon ng katawan ko.

“Parang may nangyari sa atin kapag ganyan ang sagot mo, ha,” ani ko.

“Eh, ’di gawin nating makatotohanan. Saan mo gusto? Sa kuwarto ko o sa ’yo? Mamili ka,” sabi niya at doon ko na siya pinigilan pa.

“Ubusin na lamang natin ito, Miko. Kung ano-ano na iyang lumalabas sa bibig mo. Tahiin ko na ’yan.”

Hinawakan pa niya ang baba ko at pinihit sa kanya ang mukha ko saka niya ako mariin na siniil ng halik. Nang hinalikan ko siya pabalik ay mas lumalim lang ang halikan namin. Nadadala kasi ako sa bawat na paggalaw ng mga labi niya hanggang sa naramdaman ko nalang na pinaupo niya ako sa mesa at pumuwesto siya sa gitna ng mga hita ko.

Nakapulupot na sa leeg niya ang magkabilang braso ko at ako mismo ang humahapit sa kanya palapit sa aking katawan. Nalihis pataas ang suot kong bestida at hinimas-himas na niya ang kaliwang binti ko. Nang hinalikan niya ang leeg ko ay nakarinig kami nang malakas na kalampag sa kung saan. Doon lang kami natigilan. Habol-habol pa namin ang sarili naming hininga.

“Fvck. Pàtay tayo nito, Jean.”

“A-Ano? May nangyari ba?”

“Ang kuya mo.”

Napahawak ako nang mahigpit sa braso niya at inalalayan niya akong makababa. “M-Miko...” nauutal na sambit ko sa pangalan niya at kinakabahan na talaga ako sa magiging reaction ng kuya ko.

Susugod na yata siya sa amin dahil narinig ko ang mabilis na footsteps niya pero narinig ko rin ang mahinang tawa ni Ate Zedian.

“Huminahon ka, babe. Mukhang hindi naman napipilitan ang kapatid mo.” Namula ang magkabilang pisngi ko sa narinig. Nakita nila ang ginagawa namin ni Miko sa kusina.

“No! Nandidilim ang paningin ko, Zedian! Did he just kissed my sister?! Fvck!” galit na galit na wika ni Kuya Hart. Halos magtago na ako sa likuran ni Miko dahil sa takot na baka pagagalitan niya ako. “Aray! Bakit mo ba ako binatukan, Zed?”

“Huwag mo akong pagtaasan ng boses. Gàgo ka!”

“Sorry, hindi ko naman sinasadya, babe. Jean, come here.” Napakagat ako sa labi ko. Seryoso ang boses niya. “Donna Jean.” At buong pangalan ko na ang sinambit niya.

“Hart naman.”

“Lalapit ka o sasaktan ko iyang lalaki mo?” Napanguso ako sa sinabi niya na ‘lalaki mo’. Parang tunog kabit iyon, ah.

“Kuya, don’t hurt him, please.”

“Aba’t—”

“Kausapin natin sila nang mahinahon, babe. Huwag mong takutin ang kapatid mo. Tingnan mo si Miko. Kalmado lang, ikaw kulang na lang ay sumabog na ang ulo mo.” Narinig ko ang buntong-hininga ni Kuya Hart.

“Halika, baby girl. Lumapit ka sa akin.” Bumitaw na ako sa boyfriend ko at hinayaan naman niya ako na makalapit sa nakatatanda kong kapatid.

Sinuri agad ni kuya ang katawan ko na parang may makikita siyang pasa na ano. Ingat na ingat pa siya.

“Okay lang po ako, Kuya. Wala po akong sugat, pasa o kahit na ano pa man.”

“Pinilit ka ba niya na gawin iyon, Jean? Tinakot ka ba ng lalaking iyan? Ha? Sabihin mo kay kuya? Bàbaliin natin iyang binti niya,” pananakot pa niya.

“Kuya naman. Okay lang po ako at ginusto ko rin po na halikan siya,” pag-amin ko. Hindi na ako nahiya pa sa sinabi ko dahil totoo naman iyon. Magsisinungaling pa ba ako?

“Tang-ina mo! Huwag kang ngumiti riyan!” sigaw niya. Ang isang braso ni kuya ay nasa likod ko na parang pinuprotektahan talaga niya ako.

“What? Masaya lang naman ako dahil sa narinig ko na ginusto rin ng girlfriend ko ang halikan namin.” Gusto kong pitikin ang bibig si Miko dahil sa sinabi niya. Sa halip na dahan-dahan naming sasabihin kay Kuya Hart ang relasyon namin ay pinangunahan niya agad ako. Ang daldal niya.

“What the fvck?! Sino naman ang nagbigay sa ’yo ng karapatan na gawing girlfriend ang kapatid ko, ha?! Tang-ina mo, hindi ka man lang dumaan sa akin para ligawan siya?!”

“Kuya, calm down,” pag-aalo ko sa kanya at hinaplos ko ang dibdib niya. Bayolente na ang paghinga niya.

“Mag-usap tayo sa labas!” sigaw pa niya sabay pa kaming pinaalis doon.

***

Nakaupo na nga kaming apat at katabi ko si Miko. Nasa tapat naman nakaupo ang dalawa. Wala pang nagsasalita sa aming apat. Basta ang alam ko lang din ay masyadong mataas ang tensyon sa pagitan ng kuya ko at ang boyfriend ko. Tahimik din si Ate Zedian, naghihintay rin sa kung sino ang unang magsasalita.

“Matagal na pala ang relasyon ninyo at hindi ninyo man lang sinabi sa akin?” May awtoridad pa rin sa boses niya.

“Kuya, kapag nalaman mo po iyon ay hindi mo naman po ako hahayaan na magkaroon ng nobyo,” sabat ko.

“Mabuti at alam mo, Jean. Ayaw ko ngang magkaroon ka ng manliligaw, boyfriend pa kaya? At itong lalaki pa na kasama natin sa bahay? Seriously, Donna Jean?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Huwag mong sisihin ang girlfriend ko, Daiz—”

“Kapatid ko iyan,” mabilis na sabat sa kanya nito.

“Alam ko naman na kapatid mo si Jean. Sa akin ka magalit at sisihin mo ako. Huwag ang kapatid mo.”

“Miko, ang daming babae riyan na puwede mong ligawan. Bakit ang kapatid ko pa, ha?” malamig na tanong ni kuya.

“Bakit hindi ang kapatid mo, Daiz? Hindi ba siya puwede?” balik na tanong lamang nito. Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Wala talaga siyang kinakatakutan.

“Sa dami-rami ng babae riyan, bakit ang kapatid ko pa na alam mong hindi siya nakakakita?”

“Engineer Miko, hindi rin lingid sa kaalaman namin ang pamilya ninyo. Lahat kayong mga Brilliantes ay pinagkakasundo ng lolo ninyo,” ani Ate Zed. Nakaramdam pa ako ng takot sa sinabi niya.

“Bakit? Bawal na ba akong magkagusto sa babaeng nag-alaga at nagbantay sa akin sa mga panahon na wala pa akong malay? Bawal ko bang gustuhin ang kapatid mo, Daiz? Hindi ako nag-t-take advantage. Seryoso ako sa kapatid mo at gusto ko siya. Nakahanda nga ako na isangla ang kaluluwa ko kay kamatayan para lang hindi siya kunin nito sa kung ano man na kapahamakan at handa akong protektahan siya. Itataya ko ang buhay ko sa kanya,” seryoso at sincere na sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Ilang segundo na naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Hanggang si Ate Zedian na ang nagsalita. Talagang hahanga ka sa mga katagang lumalabas mula sa bibig nito. Walang halong biro iyon.

“Alam naman namin na mabuting tao ka, Miko. Sa tagal na nating magkasama sa bahay ay nakikita ko na ang kabaitan mo. Kahit pilyo ka ay alam kong hindi ka naman katulad pa ng ibang lalaki riyan. Pero hindi mo masisisi ang asawa ko, si Hart. Nag-iisang kapatid lamang niya si Jean at alam mo rin kung gaano siya ka-overprotective sa kanyang kapatid,” mahabang sambit naman ni ate.

“Alam ko naman iyon.”

“Eh, bakit hindi ka muna dumaan sa akin bago mo gawing girlfriend mo ang kapatid ko?”

“Kasi alam ko na hindi mo ako papayagan na ligawan siya.”

“Buti alam—”

“Tumigil ka nga, Hart. Wala ka naman na magagawa pa dahil mag-boyfriend at girlfriend na sila.”

“Hindi ko lang naman matanggap. Baka kasi pinilit lamang niya ang kapatid ko. Ikaw, Jean? Ginusto mo ba ang relasyon ninyo? Hindi ka ba namamadalian lang sa pagsagot mo sa kanya?” Tumango ako bilang tugon. “Sabihin mo sa akin na hindi ka niya tinatakot lang para sagutin siya.”

“Gusto ko po si Miko, Kuya. Hindi po ako nagsisisi sa desisyon na pinili kong sagutin siya.” Humigpit ang hawak sa akin ni Miko. “Patawarin mo na po kami. Hindi na po kami magpapahuli sa inyo next time—”

“Ah, kung ganoon. May balak pa kayong ulitin iyon?”

“Ganoon na nga po,” tumatangong sagot ko pa rin. Narinig ko na lamang ang tawanan nina Ate Zedian at Miko.

“Simula ngayon ay babantayan ko na kayong dalawa. Sige, payag na ako sa relasyon ninyo pero bawal kayong magdikit at hindi kayo puwedeng magsama sa isang lugar lang!” sigaw niya at pinaghiwalay na naman kami ni Miko.

Napasimangot na lamang ako. Pero tinupad naman namin ang usapan namin na dapat malayo kami sa isa’t isa ng boyfriend ko kapag nasa bahay kami pero dakilang makulit din naman ang isa.

Nilalapitan pa rin niya ako at tumatabi sa akin sa tuwing kumakain kami. Pinapakita pa niya kung paano niya halikan ang noo at pisngi ko ng walang malisya. In the end ay hinahayaan na nga niya kami dahil suko na raw si kuya sa pagiging makulit ng boyfriend ko. Ngunit palagi pa rin niyang pinapaalala na huwag daw akong subukan na saktan nito.

Nasa hardin na naman ako at nagdidilig ng mga halaman. Kasama ko si Miko at naririnig ko ang tunog ng gunting na hawak niya.

“Mainit na rito, Miko. Pumasok ka na sa loob,” ani ko. To be honest, umagang-umaga pa talaga siya pero mataas na agad ang sikat ng araw. Sobra na iyong init.

“Ikaw ang dapat na pumasok, Miss. Ako na rito,” sabi niya na ikinailing ko.

“Malapit naman na akong matapos. Ikaw na ang mauna. Sige na, huwag ng matigas ng ulo,” wika ko pa.

“Ayaw ko nga.”

“Teka lang. Natapos na ba ang trabaho mo? Bakit nasa bahay ka?” nalilitong tanong ko.

“Ang sabi ng kuya mo ay huwag muna raw akong lumabas. Pinapaimbestiga pa nila kung ano raw ang pakay ng mga taong iyon kahapon.”

“Miko, alam mo ba na may nakapagsabi sa akin na may isang tao raw ang magtataya ng buhay niya para sa akin?”

“Ako na yata iyon,” saad niya na parang sigurado na rin siya.

“Ikaw raw ang pangalawang lalaki na darating sa buhay ko pero ako...ang magtutulak sa maaga mong kamatayan. Kaya ako natakot ng ganoon. Huwag mong itaya ang buhay—”

“Stop it. Buo na ang desisyon ko. Poprotektahan kita at kahit ikamamatay ko pa iyon,” sabat niya. Inilapag ko sa baba ang hose at pilit ko pa siyang tinitingnan. Hinawakan niya lang ang mukha ko at masuyong hinalikan ang tungki ng ilong ko. “Gagawin ko rin ang lahat, maoperahan ka lang ulit.”

“Wala ka bang kinakatakutan, Miko? Bakit kailangan mong itaya ang buhay mo para sa akin?” tanong ko at kahit yumuyuko ako ay pinipilit niya rin iangat ang mukha ko. Titig na titig pa siya sa mga mata ko, nararamdaman ko kasi ang lamig ng mga ito.

“May kinakatakutan nga ako, Jean.”

“See? Kaya nga—”

“Sa ’yo ako natatakot, natatakot akong mawala ka sa akin.”

“Miko, bakit ba ganyan ka kung mag-alala sa akin?” naguguluhan na tanong ko. Take note na bago pa lamang kaming dalawa pero kakaiba na siya kapag mag-worry sa akin.

“Ewan ko. Basta nararamdaman ko na lamang ito sa ’yo. Kaya huwag ka ring matigas ang ulo, Jean. Sa tingin ko ay may karapatan naman ako sa bagay na iyon at responsibilidad kita. Boyfriend mo ako kung kaya’t gagawin ko ang lahat ay ingatan ka lang at ipagtanggol sa kung sino mang tao na mananakit sa ’yo.” Minsan ay gusto ko ang pagiging seryoso niya pero na-m-miss ko rin naman ang pagiging palabiro niya at pilyo.

Sa tingin ko ay hindi naman iyon puwedeng mawala. Parte na nga iyon ng ugali niya.

“Oh sige na nga. Ayaw mo talagang magpatalo sa akin, ano? Sige na protektahan mo ako pero sisiguraduhin ko naman na walang mangyayari sa akin ng masama at palagi akong mag-iingat. Sana ikaw rin dahil kailangan pa kita,” sabi ko at nag-tiptoe ako para halikan ang pisngi niya. Subalit sa malambot niyang labi itong dumapo. “Nakaiinis ka talaga,” saad ko. Sinadya niya kasi na halikan ko ang lips niya.

Sinapo pa niya ang pisngi ko at saka niya ako siniil ng mariin na halik. Agad akong gumanti ngunit naghiwalay lang ang mga labi namin dahil may nagtapat sa amin ng hose. Nabasa tuloy kami ng tubig.

“Pasensiya ka na, Jean. Loyal lang ako sa kapatid mo at ginagawa ko rin ang parte ko para hindi ako maging unfair sa asawa ko. Ang sabi niya sa akin ay huwag ko raw kayong hayaan na maghalikan lang diyan.”

Sumimangot ako. “Puwede ka naman pong magpanggap na wala kang nakikita, Ate.”

“Sorry, hindi ako sinungaling, eh. Makakarating ito sa kuya mo,” pananakot niya at tuluyan na yata siyang umalis. Pinunasan ko ang tubig na tumulo sa leeg ko.

“Kakaiba talaga iyang mag-asawa na ’yan, Miss,” sabi niya.

“Pumasok na lang tayo sa loob,” pag-aaya ko at inilahad ko sa kanya ang kamay ko. Tinanggap naman niya iyon saka kami pumasok.

“Diretso ka sa kuwarto mo, ha Jean? At ganoon ka rin, Miko,” paalala na naman sa amin nito nang makadaan yata kami sa living room.

“Sus, kayo nga ay nauna yata ang baby kaysa sa kasal ninyo,” pabirong komento ko. I heard my boyfriend let out a short laugh.

“Sasabihin ko ’yan sa kuya mo, Jean. Akala mo ay palalampasin ko ’yan.” Humaba lang ang nguso ko. Pumanhik na lamang kami sa silid namin.

“Sige na magpalit ka na roon, Jean. Mamaya tayong mag-uusap,” aniya sabay halik sa noo ko.

“Okay po,” tumatangong sabi ko.

“Ang cute mo.” Pinanggigilan pa niya ang magkabilang pisngi ko at ilang beses na naman niya akong hinalikan sa mga labi ko saka niya ako pinapasok sa loob.

“Ang hilig sa kiss. Hala siya.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top