CHAPTER 2

Chapter 2: Miko’s Introduction

MIKO S. BRILLIANTES’ POV

KUNOT ang noong binabasa ko ang email na natanggap ko 15 minutes ago. Mula pa ito sa Del Labiba’s Hotel branch at magkakaroon sila ng bagong project. Napili nila ang firm namin.


Kilala ko ang del Labiba family, dahil isa rin naman sila sa business partner ng firm namin. Si Grandpa mismo ang may alam doon. Kaibigan niya rin kasi ang owner nito.

Ang mas ikinagulat ko pa ay gusto nilang personal na makuha si Mikael to handle their new project but why? Bakit si Mikael pa?


Napahilot ako sa sentido ko. Bakit ang bunso pa naming kapatid ang kukunin nila para maging engineer sa proyekto nila? Napaisip naman ako at alam ko na magandang idea iyon para kay Mik.

Ang dami kong pinsan na puwede nilang piliin. Ngunit ang bunso pa namin?


Hindi rin naman ako puwede, dahil may hahawakan din akong project na ibinigay sa akin ni Kuya Markus. Kapag nalaman din ng iba pa naming nakatatandang kapatid ay hindi sila sasang-ayon.


Ayaw kasi nilang magtrabaho sa iba si Mikael. Ganoon sila ka-strict. Oras na ito para magsarili na rin sa trabaho niya si Mikael.


I want the best for my sister—yes, babae. Babae siya kahit bawal sa amin ang magkaroon ng babaeng miyembro sa clan namin. But I don’t believe with our own beliefs. That’s not true.


Isang lihim lang naman ang tungkol sa pagkatao niya at si mommy lang din ang nagtatago no’n. Ilang buwan lang naman ang agwat namin ni Mikael ay malapit ang loob ko sa kaniya.


Aksidente ko lang nalaman ang tungkol doon. Noong bata pa kasi kami ay nanakit ang tiyan niya. I was worried about her. So, I went to her room at doon inaalagaan siya ni mommy and I saw everything. Of course nagulat ako, pero hindi iyon naging masamang balita para sa akin.


Mas naging mahigpit ako sa mga batang pinapaligiran siya at naging overprotective kuya niya. Bagay na hindi naman ginawa ng mga kuya namin. Gusto ko lang protektahan si Mikael kaya hindi ako umalis sa tabi niya.


Nagtipa ako sa keyboard ng laptop ko at sinagot ko ang email nila. Sumang-ayon agad ako kahit na hindi ko pa naitatanong ito sa nakababata kong kapatid. Hindi naman iyon tatanggi kapag gusto ko na hawakan niya ang project.



Nasa iisang condominium lang ang unit namin pareho. Sinadya ko nga rin iyon. Maaga akong nagising at nag-ayos saka ako nagtungo sa condo niya. Alam ko naman ang passcode niya.


Diretso ako sa kusina niya, dahil nasanay na rin naman ako na magluto ng breakfast namin. Sabay kaming kumakain, e.


“Good morning, Mik,” I greeted her nang papasok na siya sa dining room niya. Nakapag-ayos na rin siya at handa na para sa trabaho niya.

Ewan ko ba, kung advantage na rin para sa ’kin ang pag-disguise niya. Walang lalake ang aaligid sa kaniya. Hindi naman mahahalata na babae siya.

“Good morning, kuya,” nakangiting sabi niya rin at umupo na. Nakahanda na rin naman ang mga niluluto ko. Siya na lang din ang hinihintay ko.


Fried rice, bacon, omelet and scramble egg lang ang niluto ko, mango juice and coffee. Mahilig siyang magkape.

Inilapit ko sa kaniya ang plato niya at pinagsandok ko pa siya. Ganito ako palagi sa kapatid ko. Nag-iisa lang siyang babae sa pamilya namin, kaya kahit ako lang ang nakaaalam na babae siya ay kailangan prinsesa pa rin ang turing ko kay Mik.

“May natanggap pala akong offer. Bagong client natin, Mik.” Napasulyap siya sa akin.

“Ano po iyon, kuya? Under po ba kayo ni Kuya Markus?” tanong niya na hindi masyadong pinagtuunan nang pansin. Nakatutok lang kasi siya sa mga kinakain niya.

To be honest, naaawa talaga ako sa bunso namin. Dahil lang sa paniniwala ng clan namin ay kailangan niyang magpanggap na isang lalaki rin para lang hindi siya itakwil ni dad, especially Grandpa.

Matalino naman si Mikael at nagagawa niya nang maayos ang pagpapanggap niya. Hindi balewang lokohin niya kami, ipagtatakpan ko pa siya at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang talaga siya.

I love my sister, so much, kahit na anak din siya sa labas ay wala na akong pakialam pa. Kapatid ko siya, e. Dapat lang na alagaan ko siya.

Pero sana darating ang isang araw na magagawa niya ang lahat nang gusto niya at magiging malaya siya. Hindi iyong nakatali lang siya sa amin.

“New project at nakapili na rin sila ng bagong engineer. Ikaw ang gusto nilang humawak no’n at naging exclusive ka pa. Wala kang tatanggapin na offer ng mga client unless natapos na ang construction,” paliwanag ko na ikinahinto niya mula sa pagkain niya. Doon ko lang napukaw ang interes niya.


“Po? Ano’ng project iyan? At sino ang client natin?” gulat niyang tanong.

“Del Labiba, Mik. Iyong nakilala natin ang CEO kahapon. Remember that?”


“How did it happened, Kuya? Bakit naging exclusive engineer ako ng Del Labiba?” kunot ang noong tanong niya. Sabi ko na nga ba ay magugulat siya kapag ibinalita ko na iyon.

“There’s a new project ang papatayuin ng Del Labiba at isa ka sa head engineer nila. Hotel ang project nila, Mikael,” paliwanag ko, habang ngumunguya ako ng bacon.

“Bakit hindi ikaw?” gulat na tanong pa niya. E, siya rin naman ang ni-recommend. Ewan ko kung bakit. Dahil siguro nakilala rin siya ng CEO ka iyon? “Paano po sina kuya?”

Sabi ko na nga ba, e. Sa mga kuya namin siya mas nababahala kaysa tanggapin ang project na ito. Bakit kasi ang strict ng mga iyon?

Kailangan kasi dadaan muna sa kanila ang trabaho na ibibigay nila sa bunso namin. Kung si Kuya Markus pa ay maiintindihan ko naman. Dahil maski nga ang project na ibinibigay sa akin ay dadaan pa sa kaniya.


“May project akong hinahawakan at this moment, Mik. Walang available na engineer sa firm natin at tanging ikaw lang. Walang magagawa sina Kuya, dahil malaking project ito. Mik,” saad ko. Kahit na hindi naman iyon totoo. Kailan pa nagkaroon ng hindi available na engineer ang firm namin? Imposible na iyon. At isa pa ay wala na rin talagang nagagawa pa ang iba naming kapatid kapag ako na mismo ang mag-d-decide. “Oras na para gamitin mo ang pakpak mo. This is your chance para magawa mo ang gusto mo. Work with them and be happy. As of now, kumalas ka muna sa pagkakatali mo sa amin, kina Kuya. Basta nandito lang ako at hindi kita iiwan,” nakangiting sabi ko. Tiningnan ko siya na halos maiyak na rin siya. “Kuya loves you, Mikael. Kung tinalikuran ka na ng lahat, ng mundo ay narito lang si kuya para sa ’yo,” I added.


“T-Thank you, Kuya. I love you,” sambit niya at nakita ko na ang pagtulo ng mga luha. A girl, she’s still emotional.


I stood up from my seat and went to her. Para yakapin siya mula sa likod at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. “I love you, too Mikael. Kuya loves you, always remember that.”

***

“YOU ready, Mik?” I asked her.

“Yes, Kuya,” sagot niya at sinukbit niya ang brown leather shoulder bag niya.


“Ang guwapo natin, ah?” pagbibiro ko at nagawa ko pa siyang akbayan.


Dahil nga pareho lang ang edad namin ay pinalabas nila na kambal kami ni Mikael. Hindi naman mahirap magpanggap. Dahil mas nababantayan ko si Mik, e.


“Ewan ko sa ’yo,” sabi niya lang habang palabas na kami sa unit niya. Naglalakad na kami patungo sa parking lot. Kahit may sarili na rin siyang kotse ay mas gusto ko pa rin ang makitang safe siya na makakarating. “Bakit ka pa sumabay sa akin, kuya? Eh, may sarili naman akong kotse.”


“Gusto kong makasabay ang kapatid ko kahit nakakotse lang,” natatawang sagot ko at napapailing na lamang din siya.

Pagdating namin ay bumaba pa ako mula sasakyan ko. “Good luck, Mik!” I cheer her up and she laughed.

“Thank you, kuya. Mag-iingat ka po.” Mahigpit ko siyang niyakap.

“Sa Palawan ang next project ko, Mik. Kaya mag-iingat ka rito, okay? Sasakay ng barko si Kuya.”


“Keep safe, Kuya.”


“Ikaw rin,” saad ko at nilapitan ko siya para halikan ang noo niya. Alam kong nagulat siya kasi hindi ko naman madalas ginagawa ito sa kan’ya pero ewan ko rin kung bakit iyon ang ginawa ko.


I just feel that there’s something off. I took a deep breath at tiningnan ko pa si Mikael bago ako sumakay sa kotse ko.

’Sakto na tumunog ang cell phone ko at nakita kong si Kuya Markus na ang tumatawag sa ’kin. Sinabi ko na rin sa kan’ya ang plano ko. Sana sa halip na pagalitan niya si Mikael ay suportahan na lamang niya.

“Hey, Kuya?” sagot ko.

“What did you do, Miko?” Lumubo lang ang bibig ko.

“Kuya, ang seryoso mo masyado. Akala mo naman po ay kayang-kaya mo ng talunin sa pagiging seryoso ang ex-fiancée mo?” nang-aasar na tanong ko. “Hayaan mo na po si Mikael, Kuya Markus.”


Hiwalay na rin kasi sila ni Theza baby. Ang labo kasi ni kuya, eh. Psh.


“What I mean is bakit mo kinuha ang project sa Palawan? Pull that out, Miko,” mariin na saad niya.

“Sinadya ko iyon, kuya. Para hindi na rin dumepende pa si Mikael sa ’kin. Habang wala ako ay protektahan mo naman siya. Pakiramdam ko ay mawawala ako ng matagal, e.” I don’t even know kung bakit iba na ang pakiramdam ko ngayon.


Miko.”


“Kuya, Mikael is so precious to me. She’s the only girl in our family. Alam kong alam mo iyan, ’di ba?” tanong ko na ikinatahimik niya mula sa kabilang linya.


“Alright, just please be safe. Kung hindi mo ipapangako iyan sa akin ay ako mismo ang sasakal sa ’yo.”


“I promise you, kuya. Dadalo pa ako sa kasal ninyo ni Theza baby,” nakangiting sabi ko. Panatag na ang loob ko na nasabi ko na rin iyon sa kaniya, pero bakit kaya hindi man lang siya nagulat na may alam na rin ako tungkol kay Mikael, ’no? Si Kuya talaga, oh. “Sige na, Kuya. Ibababa ko na ang tawag. I love you, ah!”

“Tang-ina mo,” sambit niya na ikinatawa ko.

“Kaya ka iniwan ni Theza dahil sa ugali mo, e. Sorry po.” Nagmumura na siya mula sa kabilang linya. Kaya lumakas lang ang pagtawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top