CHAPTER 19

Chapter 19: Secure

HINDI ko naman inaakala na kapag may work na rin pala si Miko ay mas magiging busy pala siya. Hindi na nga kami nakapag-date pa tapos sa umaga ay minsan hindi ko na siya naaabutan pa pero naaalimpungatan ko pa rin naman ang pagpasok niya sa loob ng aking kuwarto.

Hinahalikan niya ang noo ko at nagpapaalam naman siya na aalis na raw. Minsan na lang siya kung matulog sa tabi ko dahil nag-iingat na kami kasi nandito na ang kuya ko at isama mo pa si Ate Zedian. Secret relationship lang ang mayroon sa amin ni Miko. Sasabihin naman namin ito kay Kuya pero hindi pa ngayon.

Straight one month na ganoon lang ang routine namin. Sa dinner na lamang kaming nagkasasabay na kumain. Nagtatampo na rin ako kung minsan at ilang araw na rin ako na wala sa sarili habang on-air ako sa studio.

Naka-m-miss din pala ang pagiging makulit niya at clingy dahil hahanap-hanapin ko pala ang mga bagay na ’yon.

Sumama na lamang din ako kay Ate Zed sa flower shop niya at nagbantay rin ako roon. Nagpapatugtog pa ako ng kanta sa phone ko nang may kumatok sa counter. Tumayo ako at hinarap ang customer pero naramdaman ko ang pamilyar niyang presensiya. I know ang nobyo ko iyon, nanuot na kaya sa ilong ko ang perfume and natural scent niya.

“Miko?” I uttered his name.

“Wow. Ang galing ng baby ko, ah. Alam na niya kung sino ang lalaking nasa harapan niya.” Napaatras ako ng halikan niya ako sa labi ko kahit may counter pa sa pagitan naming dalawa.

“Nasa flower shop tayo, Miko,” paalala ko in case na nakalimutan niya.

“Papasukin mo ako, Jean. May dala akong lunch natin.” Binuksan ko iyong pintuan na hanggang baywang lang naman ang taas no’n.

“Ay si Ate Zedian? Nilibre mo ba?”

“Bahala ang asawa niya, Miss.”

“Miko. Ang bad mo,” ani ko.

“Nasa labas na sila. Isarado na muna raw ang shop niya. So, solo ko ang magandang girlfriend ko ngayon.” Nabigla pa ako nang mahigpit niya akong niyakap. Inamoy-amoy pa niya ang buhok ko. “I missed you, baby. Sorry kung masyado akong naging abala, ha?”

Niyakap ko lamang siya sa pabalik. “Naiintindihan ko naman ’yon. Bakit dito ka pa nagpunta? Ay, teka hindi ka ba busy sa work mo ngayon?”

“Humingi ako ng day-off. Ngayon ang unang sahod ko. Deserve ko ang maraming kiss.”

“Miko, ano ba?!” natatawang reklamo ko dahil sa pagpapaulan niya sa akin ng halik sa buong mukha ko at kapag sa labi ko ay tatlong beses niyang uulitin ’yon.

“Kahit nasa isang bubong lang tayo ay palagi pa rin kitang nami-miss. Bakit kaya? Sigurado talaga ako na ginayuma mo ako.”

“Aba, ewan ko,” sabi ko kahit pareho lang naman iyong nararamdaman namin na pagka-miss sa isa’t isa. Hindi ko na lamang sinabi pa sa kanya kasi lumalaki ang ulo ng isang tao at iyon ang mangyayari sa kanya.

Inaya ko si Miko na pumasok muna sa silid, may kuwarto kasi sa flower shop ni Ate Zedian. Minsan ay natutulog siya rito noong hindi pa sila mag-asawa ng aking kuya.

Muntik pa akong madapa dahil may nabangga pa akong isang bagay. “Be careful, baby.” I just nodded.

Umupo na rin kami pareho at narinig ko na ang kalampag ng mga plato at baso. Kumuha rin naman siya sa kabinet.

“Hindi ba nagtaka sa ’yo si kuya na sasamahan mo akong kumain ng lunch?”

“Hindi naman. Alam niyang hindi ako puwedeng magtagal sa labas, ’di ba?”

“Oo. Ano ba ang binili ninyong pagkain ni kuya?”

“Luto namin ito, ano? Kari-kari ito, may beef tapa. Nagluto rin ako ng paborito mong itlog at hotdog. Ang kuya mo naman ang nagluto ng kalabasang binalot ng harina. Ang sarap pala, tikman oh.” Sinubuan naman niya ako no’n at nginuya ko iyon. Napatango ako dahil masarap nga. “Gumawa rin siya ng sauce. Husband material din ako kagaya ng kuya mo, ano?”

“Oo na po. Ang yabang natin.” He laughed so hard.

Ibinigay naman niya sa akin ang kutsara at tinidor. Saka kami nagsimulang kumain. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan sa flower shop at naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Miko.

“May customer yata tayo, Miko,” ani ko. Inabot ko sa tabi ko ang table napkin dahil inilagay nga iyon ng boyfriend ko roon. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko.

“Naka-close kaya. Binaliktad ko ang placard sa pintuan. Hayaan mo siya, Miss.”

“Kumain ka muna rito. Lalabas muna ako.”

“Ay ang tigas ng ulo, oh.” Hinila pa niya ang bestida ko kaya mabilis kong tinabig ang kamay niya. Ngunit hindi naman siya bumitaw dahil sumunod pa rin siya sa akin. “At ano naman ang ginagawa mo rito, Sais?” tanong niya ng makilala ang pumasok sa shop.

“Close ba tayo para tawagin mo ako sa pangalan ko, ha?” laban na tanong naman ni Sais. Wala nga talagang manners ang batang ito. Kahit matanda ay walang galang. Kung kaya’t palagi silang nag-aaway ng Mama niya. Sa katigasan din ng kanyang ulo.

“Bakit? Gusto mo bang tawagin kitang aso? Magkamukha kasi kayo ng aso mo, eh. Kung itatanong mo iyon.”

“Donna!” Napaatras ako nang tawagin niya ang pangalan ng aso. Tama, literal na hindi ako ang tinatawag niya.

“Hoy, tang-ina mo. Huwag mong sabihin Donna ang pangalan ng kakambal mo?” Itinago naman ako ng kasama ko sa likuran niya at siya talaga ang humarap kay Sais.

“Ha? Ano’ng kakambal ko?” gulat na tanong naman ng isa. Clueless sa sinabing kakambal niya.

“Ang aso mo! Kakambal mo siya!” Ngumiwi ako sa lakas ng boses ni Miko. “May gusto ka ba sa girlfriend ko kaya ‘Donna’ ang pangalan ng aso mo, ha?” malamig na tanong pa niya sa bata. May bahid na inis din sa kanyang boses.

“Iyang syota mo ay parang aso ko lang. Nga lang pangit ng taong si Donna, hindi katulad ng alaga ko.”

“Ano kamo?”

“Miko, sandali. Huminahon ka nga muna. Ikaw namang bata ka. Ano ba ang ginagawa mo rito at nanggugulo ka sa amin?” tanong ko kay Sais.

“Nautusan lamang ako ng kuya mo, pangit. May mga kalalakihan kasi ang umaaligid-ligid sa labas. Ang sabi niya ay huwag muna raw kayong lumabas dito sa flower shop ninyo. Lalo na ’yang syota mo, itago mo kung ayaw mong pagtripan ng mga lalaki sa labas. Kawawa iyan, manghihiram ’yan ng mukha ng aso ko.”

“Should I thank you then?” nang-aasar na tanong ni Miko. “At baka ikaw ang manghiram sa mukha ng kakambal mo. Tiyak naman ay magkamukha lamang kayo.”

“Tang-ina mo.”

“Tang-ina ka rin.”

Napahilot ako sa sentido ko. Hindi nga talaga sila mapigilan sa bangayan nila. Si Miko, kahit siya na ang matanda ay ayaw niya ring magpatalo. Bata iyan, eh. Kahit 15 years old na iyan ay bata pa rin, isip bata at pati na siya ay isip bata na rin.

“Sandali lamang, Sais!”

“Ano?!”

“Hoy bata, huwag mong sigawan ang girlfriend ko! Babatukan na talaga kita.” Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pintuan.

“Aray! Ikaw ang isusumbong ko kay Kuya Hart!”

“Sasabihin ko sa kanya na tinatakot mo na naman siya sa pangit mong aso! Palitan mo na ’yang pangalan niyan. Nanakawin ko iyan sa gabi at ibebenta ko. Magigising ka na lamang sa isang umaga na wala na iyang alaga mo. Tingnan natin kung hindi ka iiyak-iyak diyan.”

“Aray! Namumuro ka na.”

“Umalis ka na at mag-aral ka muna, bata!” Padabog na naglakad yata si Sais palabas ng shop.

“Sarado ang flower shop. Hanggang bukas ito sarado,” narinig naming sabi ni Sais mula sa labas at hinila naman na ako papasok ni Miko sa loob ng kuwarto.

“Kahit isip bata iyang Sais na ’yan ay alam niya kung kailan maging mabait, ha. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit niya ginawa iyon sa ’yo?”

“Huwag na nating pag-usapan pa ’yon,” ani ko at nang umupo ako sa kama ay tinawagan ko si Kuya Hart.

Nag-alala ako sa sinabi ni Sais. Totoo kayang may mga kalalakihan sa labas? Nag-alala ako para sa kalagayan ng boyfriend ko.

Umupo sa tabi ko si Miko. Hindi siya nagtanong kung sino ang tinatawagan ko. Hinawakan lamang niya ang kaliwang kamay ko.

Ilang ring pa lamang ay sinagot na ni Kuya Hart ang tawag. “Hello, Jean?”

“Kuya? Totoo po ba ang sinabi ni Sais na may mga kalalakihan daw sa labas ng flower shop?” worried na tanong ko.

“Oo. Kadarating lamang nila sa katunayan. Nandito kami sa kabila. Don’t worry. Nagtawag na kami ng police patrol at sila na ang magtatanong kung ano ang kailangan ng mga ’yan. Halatang mga bagong salta sila pero hindi naman iyang flower shop ni Zed ang binabantayan nila kanina pa. Ang kabilang building,” mahabang paliwanag ni Kuya Hart. Pinisil-pisil ko ang daliri ni Miko. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawala ang takot sa aking dibdib.

“Makauuwi po ba kami mamaya, Kuya?”

“Of course, baby girl. Kaya ko bang matulog kung alam kong may kasama kang lalaki riyan?” Napakagat ako sa labi ko. Naka-g-guilty naman ito, eh. Naku naman, baka kung malalaman ni Kuya na in a relationship na kami ng engineer dahil baka magulat siya or worst magalit siya hindi lang sa akin, sa pasyente niya. Sana huwag umabot sa puntong iyon. Dahil ko kayang magalit ang nag-iisa kong kapatid.

“Sige po.”

“Ibigay mo sa kanya ang phone mo, Jean. Gusto ko siyang makausap.”

“Sige po. Miko, gusto ka raw makausap ni Kuya Hart,” ani ko sa kanya at kinuha naman niya ang cellphone ko.

“Yes?” Inilagay pa sa loudspeaker ang tawag.

“Diyan muna kayo ng kapatid ko sa flower shop at huwag kang lalabas, ha? Hindi pa tayo sigurado kung sino ang mga lalaking nasa labas ngayon. May sumubok na ngang pumasok diyan. Sandali... Pumasok ang iba...”

“Patayin mo na kasi ng phone mo, babe. Sabihin mo na lang sa kanila na mag-ingat at huwag muna lumabas.” Boses iyon ni Ate Zedian. Magkasama nga silang dalawa.

“Miko, huwag mong pababayaan ang kapatid ko.”

“Siyempre naman. Ibubuwis ko ulit ang buhay ko at handa akong makipaglaban ulit kay kamatayan maprotektahan ko lang si Jean.” Natahimik si Kuya sa sinagot nito sa kanya. Ito na rin ang nagpaalam na ibaba ang tawag.

“Loko-loko ka talaga, Miko. Ano’ng ibubuwis ulit ang buhay mo, ha?” tanong ko sa kanya.

“Seryoso ako. Handa akong magbuwis ng buhay ko maprotektahan lamang kita. Hindi lang dahil girlfriend kita, baby. Mahalaga ka sa akin, Miss.”

Sa sinabi niya ay muli kong naalala ang sinabi ni Lucca. Ang kapalaran na nakita niya sa mga palad ko.

“Ang pangalawa, katulad ng mundong kinagisnan mo ngayon, Ate. Doon mo siya makikita at darating siya sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Itong pangalawang lalaki na wala pong kasing katulad nino man ang pag-ibig niya para sa ’yo pero siya rin po ang magtutulak sa iyong maagang kamatayan.”

Si Miko na kaya ang pangalawang lalaki? Kasi siya naman talaga ang pangalawang lalaki na nakilala ko at sa mga oras na ito ay nasa madilim na mundo pa rin ako until now.

“Ate sa piling po niya ay mararanasan mo ang isang buhay na prinsesa pero hindi po niya kayang pantayan ang pag-ibig ng pangalawang lalaki. Higit pa sa isang reyna ang ituturing niya sa ’yo. Ililigtas ka niya mula sa panganib kahit buhay pa niya ang kapalit.”

May clue na nga iyon, Lucca. Walang duda na si Miko na nga iyon dahil kasasabi lamang niya kanina na handa siyang magbuwis ng buhay para sa akin. Na muling labanan si kamatayan at maprotektahan lamang niya ako pero sa naiisip ko rin na hiling sinabi ng batang iyon ang higit na kinatakutan ko.

“Maaaring magiging masaya ka sa umpisa pero hindi ito magtatagal. Ikaw rin po ang magtutulak patungo sa kamatayan ng pangalawang lalaki.”

Ayokong mangyari iyon sa kanya. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin pero ang kapalit naman ang kaligtasan niya ay baka kaya ko pa siyang bitawan. Ngunit pakiramdam ko ay mahirap gawin iyon.

“Don’t think too much, baby. I’m here, hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hangga’t kasama mo ako ay wala kang dapat na katakutan,” sabi pa niya at masuyong hinalikan ang sentido ko.

Sumandal ako sa dibdib niya at hinaplos pa niya ang buhok ko. “Alam ko naman ’yon. May tiwala ako sa ’yo kahit minsan ay palabiro ka, Miko. Pero hindi mo kailangan na magbuwis ng buhay para sa akin. Hangga’t kaya ko ring lumaban ay lalaban pa rin ako,” wika ko.

“Ganyan, gusto ko ’yan.” Tinulak ko siya sa dibdib niya dahil sa paghalik na naman niya sa labi ko.

“Tama na, tama na nga!” sigaw ko. Tinulak niya ako sa kama at hindi niya ako tinigilan sa pagkiliti sa akin.

Hinintay namin ang tumawag si Kuya Hart. Nakahiga lang kami sa kama at nakaidlip pa nga ako. Kampante nga ako na nakatulog kahit may panganib pa sa labas.

Ngunit nagising ako sa kalampag sa labas at binalot agad ako ng kaba ng hindi ko maramdaman ang presensiya niya.

“Miko? M-Miko?” Kinabahan na ako dahil wala sa loob ng shop ang nobyo ko. Sa paglabas ko sa silid ay tinatawag ko pa rin siya. Nagawa ko na rin ang lumabas at sumalubong sa akin ang malamig na hangin.

“Jean?” Sa hindi kalayuan ay narinig ko na ang boses niya.

“Miko! S-Saan ka ba nagpunta?” naiiyak na tanong ko sa kanya.

“Pasensiya na, Miss. Lumabas lang ako saglit.” Nang mapansin niyang nanginginig ako sa takot ay mabilis niya akong ikinulong sa mga bisig niya. “Natakot ba kita? Sorry na...” Kumalma ako nang mayakap na niya ako. Natakot lang ako ng wala na siya sa tabi ko. “Sorry, hindi ko na uulitin pa iyon. Lumabas lang talaga ako para tingnan ang paligid at nang makauwi na tayo.” Hinalikan pa niya ang noo ko at pababa sa balikat ko.

“U-Umuwi na tayo, Miko?”

“Parating na ang kuya mo. Uuwi na rin tayo.” Mayamaya lang ay may sasakyan na ang huminto pero hindi pa rin niya ako binitawan.

“Ano’ng nangyari sa kapatid ko, Miko?” seryosong tanong agad ni kuya.

“Iniwan ko lang siya saglit kanina para bumili ng meryenda sana namin. Pero nakita kong lumabas siya at hinanap ako. Natakot yata ng malaman niyang iniwan ko siya,” paliwanag niya.

“Come on. Sumakay na kayong dalawa. Malapit ng lumubog ang araw. Uuwi na tayo, Jean.”

“Ayos ka lang ba, Jean?” tanong naman sa akin ni Ate Zed. Nasa shotgun seat siya kaya sa backseat kami umupo ni Miko.

“Opo, Ate.”

“Sorry na, Miss. Hindi ko na uulitin iyon.” Inilingan ko lamang si Miko dahil wala naman siyang kasalanan. Ako lang itong masyadong nag-o-overthink sa kung ano man ang mangyayari sa kanya.

“A-Ayos lang. Natakot lang kasi ako kanina...”

“I’m sorry, baby girl. Dapat siguro ay hindi na namin pinaalam pa ang nangyari kanina.”

“Mas better na po ang aware ako, Kuya.” Nagsimula ng umusad ang sasakyan ng kuya ko at naramdaman ko pa ang paghawak ni Miko sa aking kamay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top