CHAPTER 17

Chapter 17: First date

KINABUKASAN ay ako pa rin ang naunang nagising. Tulog pa si Miko at mahigpit pa ang yakap niya sa baywang ko. Alam ko na hindi kami puwedeng magtabi na matulog sa kama. Hindi kami ikinakasal-ewan ko kung aabot pa kami sa puntong iyan. Kahit wala naman kaming ginagawa ng boyfriend ko.

Comfortable naman ako kahit ito ang unang-mali pangalawang beses na ito. First time ko lang naman na maging komportable sa isang tao. Dahil siguro sa ilang buwan ko siyang binantayan habang comatose siya. Nasasanay na rin yata ako sa presensiya niya.

Maingat kong tinanggal ang braso ni Miko at nagawa ko naman iyon pero gumalaw siya. Mabilis kong nilagyan ng unan ang pagitan namin at iyon na yata ang nayakap niya.

Nagtungo muna ako sa banyo ko. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko na lagpas balikat ang haba na umabot na rin sa baywang ko. Inabot ko sa pinaglalagyan nito ang toothbrush ko at iyong toothpaste para makapagsipilyo at maghilamos na rin. Pagkatapos kong gawin iyon ay lumabas na rin ako.

Bumaba na rin ako at balak ko sanang magluto ng breakfast para kay Miko pero hindi ko alam ang lulutuin ko. Mag-init lang naman ng pagkain ang nagagawa ko. Maliban na lang kung madali lang lutuin. Iyong may soup at sinangag.

Hinanda ko muna ang gamit at ang ingredients saka ako nagsimulang magluto ng sinangag. Nilagyan ko pa ito ng itlog. Tinansya ko lang ang oras na kung luto na rin ba ito. Nang pinatay ko na nga ang stove ay may humawak sa kanang balikat ko at narinig ko ang pagtanggal ng kawali saka niya iyon ibinaba.

"Miko?" sambit ko sa pangalan niya dahil siya lang naman ang kasama ko rito. Wala kaming kasambahay at kung mayroon man ay naglilinis lang sila ng buong bahay pero trice a week naman silang pumupunta rito.

At saka naramdaman ko ang pamilyar na presensiya niya. "Good morning, Jean," malambing na bati niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Awtomatikong bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Morning," tipid na bati ko lamang.

"Hmm, perfect. Ang galing, ah," komento niya saka niya ako hinila upang paupuin sa high chair. Sinigurado muna niya na hindi ako mahuhulog mula sa aking kinauupuan.

"Teka, ako na ang maghahanda," ani ko at bababa na sana ako nang pinigilan niya ako.

"Stay there. Kapag aalis ka riyan ay hahalikan kita," pananakot niya para lang nagsalubong ang kilay ko.

"Ang aga-aga," sabi ko.

"Bakit gusto mo ay gabi-gabi?" panunukso niya.

"I didn't say anything," I said and humagalpak na naman siya nang tawa. Ang dali niya talagang patawanin, oh. "Hindi ko napindot iyong heater, Miko."

"May water spencer naman. No need. Maupo ka na lang diyan. Nagluto ka na ng sinangag. May gusto ka bang kainin na ulam?"

"Marunong kang magluto?"

"Yup. Wala ka bang bilib sa boyfriend mo, Jean? Palagi ko kayang pinaghahanda ng breakfast ang bunso naming kapatid."

"You are sweet then," puna ko.

"Why? Hindi ba ako ganoon sa 'yo?" Napaatras ang likod ko nang maramdaman ko ang presensiya niya sa harapan ko. Mabilis niyang hinawakan ang likod ko at inayos ulit ang pagkakaupo ko.

"Huwag ka kasing makulit," saad ko.

"Huwag ka nga kasing malikot. Ano'ng gusto mong ulam? May beef, chicken tayo sa ref."

"Ay." Pinunasan ko ang pisngi ko dahil sa matunog niyang paghalik sa akin. "Uhm, may itlog pa tayo, 'di ba? Iyon na lang at saka... hotdog?" Napahawak ako sa island counter nang lumapit na naman siya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa ilalim ng upuan ko.

"Gusto mo ba ng itlog at hotdog ko, Jean?" bulong niya malapit sa tainga ko. Kinurot ko ang tagiliran niya at dumaing na naman siya sa sakit.

"Iyong luto mo ang gusto ko!" sigaw ko sa kanya. Umalingawngaw na naman sa aking pandinig ang maganda niyang halakhak. "Kung ano-ano na lamang ang pinagsasabi mo, Miko. Ang aga-aga ay lumalandi ka na."

"Wow. Hindi ko pala puwedeng bolahin ang Jean baby ko." Naiiling na lamang ako sa kanya.

Nang matapos siya sa pagluto niya ay naghain din siya at nagtimpla ng kape namin. Iyon nga lang ay tumabi talaga siya nang upo sa akin. Kulang na lang ay subuan niya ako. Kahit noong natapos kami ay siya pa ang naghugas ng pinagkainan namin.

Iniwan ko muna siya dahil may mga halaman pa kaming didiligan. Naramdaman ko lang ulit ang presensiya niya na nasa likod ko na. Hindi siya umiimik at akala niya siguro ay hindi ko na siya napansin.

"Miko, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ko ng hindi na ako makatiis pa na tanungin siya.

"Secret," mabilis na sagot niya. "Jean?"

"Ano?"

"Tara labas tayo."

"Saan naman? Saan tayo pupunta?"

"Secret." Kumunot ang noo ko. Minsan ay hindi talaga siya matinong kausap, ano?

"Miko?"

"Hmm?"

"Alam mo ba kung ano ang ginawa ko nang hinabol ako ng aso ni Sais?"

"Ano?"

"Secret," panggagaya ko sa kanya. He chuckled bago siya yumakap sa akin from behind and rested his chin on my left shoulder.

"Tara date tayo?"

"Hindi puwede. Sinabi na ni Kuya Hart sa 'yo na bawal kang lumabas, 'di ba?" paalala ko sa kanya.

"Maraming mga gamit si Daizo. Puwede akong mag-disguise."

"Iyong parang celebrity ka at tinatago mo ang katauhan mo?" tanong ko at naramdaman ko ang pagtango niya.

"Yeah? So come on?"

"Sige." Hindi na ako tumanggi pa.

***

Purple sleeveless dress ang suot ko na umabot naman sa tuhod ko ang haba nito. Mababa nga lang ang neckline niya at gladiator sandals, iyong open-toed siya at maraming straps. Kalahati lang ng buhok ko ang pinusod ko at sinuklay ko rin ang bangs ko. Naglagay lang ako ng face powder and lipgloss.

First time kong lumabas na hindi lang simpleng paglabas o pamamasyal dahil date nga namin ito ng boyfriend ko. Noong nanliligaw pa siya sa akin ay sa harden lang kami nakakapaglakad at doon lang din kami namamasyal. Ngayon ay talagang sa labas na ng bahay namin.

Sa pagkuha ko ng sling bag ko sa cabinet at inilagay ang mahahalagang gamit ko katulad na lang ng wallet at cellphone ay 'saktong kumatok na si Miko.

"Baby, are you done?" he asked me and I nodded. I walked towards him. "Jean."

"Hmm?"

"Huwag na lang kaya tayong lumabas?"

"Nagbago na ba ang isip mo?" balik kong tanong.

"Dito na lang tayo sa bahay ninyo. Huwag na tayong umalis dito."

"Ha, bakit naman?"

"Masyado kang nagpaganda. Dito na lang tayo," aniya sabay hila sa akin papasok.

"Miko, first time ko kayang lumabas for a date. Face powder at lipgloss lang naman ang inilagay ko sa mukha ko, ah."

"Really? Iyon lang ang inilagay mo?" Tumango ako. "Sa kilay at pilikmata mo? Wala ka bang inilagay?" Umiling ako. "Sa magkabilang pisngi mo?"

"Face powder nga," sagot ko naman.

"Eh, bakit namumula ito? Nilagyan mo ba ng something na pampula?" Napahawak ako sa pisngi ko, mainit iyon.

"Siguro dahil iyon sa 'yo," wala sa sariling sabi ko.

"Ha?"

"Ha?" panggagaya ko sa kanya para lang bumungisngis siya.

"Paanong naging ako?" curious niyang tanong.

"Sinabihan mo kasi ako na masyado akong nagpaganda. So, baka nagandahan ka nga sa akin tapos kinilig ako at nag-blush," paliwanag ko at sunod-sunod na ang pagtikhim niya.

"Ganoon ba iyon?" Tumango-tango ako. "Ha?"

"Ha?"

"Jean, tigilan mo ako sa panggagaya mo sa akin. Mamamaga 'yang labi mo," naaaliw na saad niya. Gusto pa niyang manakot.

"Eh, tara na. Labas na tayo."

"Okay."

Sa paglabas namin ay sinabi niya na hihiramin niya ang kotse ni Kuya Hart. Nag-alala ako na baka hindi pa niya kayang magmaneho pero sabi niya ay kaya naman niya para raw hindi na kami mahirapan pa na pumunta sa gusto naming puntahan na lugar.

"Pamilyar ka na ba sa lugar namin, Miko?" tanong ko sa kanya nang nasa kotse na kami. Siya ang nagkabit sa akin ng seatbelt.

"Of course, at kung hindi ko man alam ay may GPS naman dito ang kuya mo."

"At kapag nalaman ni kuya na lumabas tayo? Ano ang idadahilan mo sa kanya, hmm?" I asked.

"Ewan ko. Ipagtanggol mo ako. Tutal baby mo naman ako, 'di ba?" parang batang saad niya at kahit hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakanguso siya. Umiling na naman ako sa kanyang sinabi.

"Bakit sanggol ka ba?" laban ko sa kanya.

"Tinawag mo nga akong baby kagabi, eh."

"Lalaki ka at ikaw ang mag-isip sa dahilan mo sa kuya ko. Tse!"

"Tse ka rin!"

"Ang kulit mo," natatawang sabi ko. Ito rin sa pinakagusto ko sa kanya, eh. Hindi ka talaga maiilang sa presensiya niya. Hindi matutuyo ang laway mo dahil madaldal siya at kahit babae ay lalabanan niya gamit lang ang kanyang salita pero hindi naman siya aabot sa point na may masasaktan siya.

Minsan ay parang gusto mo na lamang siyang kurutin sa magkabilang pisngi niya. Masyado nga rin siyang happy-go-lucky at carefree. Sa kabila ng trauma na nakuha niya sa madilim na karanasan niya mula sa kamay ng mga taong nais siyang saktan ay nagawa pa rin niyang makalimutan iyon at maging masaya habang nasa poder namin siya.

Siya ang tipong lalaki na madaling maka-get-over. Kung kaya't nagtataka ako, mabait naman siya. Mabuting tao pero paanong nangyari sa kanya ang mga bagay na hindi naman niya ginusto sa buong buhay niya?

Bakit kaya hindi na lamang Niya hinayaan na maging masaya si Miko kasama ang mga mahal niya sa buhay? Bakit kailangan pa siyang pahirapan? Pero napaisip din naman ako. Kung hindi ba iyon nangyari sa kanya ay makikilala ko kaya siya? Magiging boyfriend ko kaya siya? Siguro ay tadhana ang naghatid sa kanya patungo sa akin.

"Oh, matutunaw na ako niyan Donna Jean," komento niya na ikinangiti ko.

"Gusto kita, Miko."

"Oh talaga? Ngayon mo lang na-realize na gusto mo ako?" naaaliw pa niyang tanong.

"Gusto kitang sipain palabas kapag hindi ka pa nagmaneho riyan."

"Ay, killjoy," he hissed.

Narinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan at nagsimula na rin siyang nagmaniobra.

"Miko?" tawag ko sa kanya. Wala akong ibang matingnan bukod sa maliit na liwanag. Hindi naman iyon lumalaki at hindi rin naman na lumiliit. Ako lang ang nakaaalam no'n. Hindi ko muna sinabi kay kuya. "Miko?" tawag ko ulit dahil hindi siya sumagot. Kaya kinulbit ko siya sa balikat niya. "Hoy, Miko. Nabingi ka na ba? Miko, naman eh." Napabuntong-hininga na lamang ako. Nagtatampo ba siya dahil binawi ko ang sinabi ko kanina na gusto ko siya? "Miko... Baby?"

"Yes, baby?"

"Ano ba ang trip mo at hindi ka namamansin, ha?"

"Nagtatampo lang naman ako."

"At saan naman?"

"Sa 'yo."

"Ano naman ang ginawa ko sa 'yo?"

"Secret."

"Secret mo ang face mo," supladang sabi ko sa kanya. Sa paghawak niya sa aking kamay ay kasabay no'n ang paghalik niya sa likod nito. "Saan nga pala tayo pupunta?"

"May alam akong ilog dito sa lugar ninyo."

"Ilog?" tanong ko.

"River, baby."

"Alam ko, river sa salitang English," ani ko.

"So hayon nga. Nag-research pa ako. Maraming pumupunta roon at puwede tayong maligo roon kung gusto mo."

"Wala naman tayong dalang mga damit, Miko. Kung sana nagsabi ka na roon tayo pupunta, eh 'di sana nagdala ako ng extra dress ko, ano?"

"Kasi secret nga iyon. May rest house rin and tree house."

"Okay po," sabi ko na lamang.

Lubak-lubak na ang daan na dinaanan namin ni Miko dahil gumewang-gewang na ang sasakyan namin kaya humigpit ang hawak ko sa seatbelt ko. Pinagpawisan ako ng malamig.

"You okay, baby?" he asked me. Binilingan ko siya.

"M-Malayo pa ba tayo, Miko?"

"Malapit na." Ginanap pa niya ang kamay ko at napamura siya ng maramdaman niyang malamig iyon.

"Bakit malamig ang kamay ko?"

"Wala lang ito. Okay lang ako. Mag-focus ka na lang sa pag-drive mo."

"Don't worry, you're safe with me, Jean."

"Alam ko naman," wika ko. Hanggang sa wakas ay huminto na rin ang kotse niya.

Bumukas ang pintuan sa side ko and expected na inalalayan na naman niya ako.

"Maganda rito, Jean. Huwag kang mag-alala. Kukuhanan kita ng litrato pero siyempre dapat kasama mo ako." Tumulis ang labi ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad. "Maraming cottage rito na gawa sa kawayan. Maliit siya pero mukhang maganda naman siya," pagkuwento niya. "Hayon na ang tree house, Jean, oh. Gusto mo ba na roon tayo?"

"Oo, gusto ko," nakangiting tugon ko.

"Lumapit muna tayo roon. Baka may babayaran tayo."

"May pera ka ba, Miko?"

"Hindi kita yayayain kung wala akong pera, baby," aniya.

"Eh, saan mo nakuha ang pera mo?"

"Sa pamimitas ko ng mga bulaklak ninyo. Sa pagtatanim."

"Eh, magkano naman iyon?" na-c-curious kong tanong.

"Sapat na para sa entrance fee natin at saka iyong pagkain natin mamaya."

"Ang totoo, Miko," mariin kong saad at pinisil ko ang braso niya.

"Limang libo."

"Totoo na 'yan?" tanong ko.

"Yeah."

"May pera naman ako rito, Miko."

"Saan mo nakukuha ang pera mo?"

"Uhm. Minsan ay may kumukuha sa akin para mag-voice over ng isang pelikula or drama. May salary ako kada-buwan sa chanel ko."

"Wow, may talento nga talaga ang baby na iyan," sabi niya sabay halik sa sentido ko. Ginawa na naman niya akong sanggol, ay.

Ang fresh pala ng hangin dito at ang peaceful din. Sa tagal ko na rito ay hindi man lang ako nakapunta rito. May babaeng kinausap pa si Miko pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Tatlong libo po, Sir." Napalingon ako. Three thousand ang bayad ng entrance fee? Ha? Ang mahal naman yata.

"Iyong sa tree house, kasama na?"

"Limang libo." Sumabat na ako dahil sa mahal naman ng babayaran namin.

"Ang mahal naman, Miss. Bakit limang libo agad? Don't tell me pati ang mga pagkain ninyo rito ay babayaran din namin?" malamig na tanong ko.

"Free na po sa 5K ang mga pagkain na gusto ninyo. Iyong lunch po at meryenda."

"Paano iyong dinner namin?"

"Ha? Mag-o-overnight tayo, baby?" bulong ng boyfriend ko at tumango ako.

"Uhm... Kasama na rin po."

"Sa breakfast?"

"Ah, eh..."

"Hangga't nandito kami ay dapat libre lahat para worth it ang bayad namin. Akala mo ay madali lang maghanap ng pera? Kahit piso nga ay mahihirapan ka pa," usal ko saka ko hinila si Miko. Natatawa na lamang siya sa sinabi ko at inalalayan niya akong makaakyat sa hagdanan. Hindi na ito gawa pa sa kahoy.

"Seryoso ka sa sinabi mong mag-o-overnight tayo, Jean?"

"Kailan ba ako nagbiro, Miko?" tanong ko.

"Hmm. Hindi nga. Jean, kaya naman pala mahal ang service nila. Kasi maganda ang tree house at puwede nga nating tulugan dito dahil may kama, oh. May maliit na mesa, apat na upuan. Maganda ang dekorasyon na puro bulaklak pero kapag sa gabi ay marami nga siyang cristal light. Wow... Kitang-kita mula rito ang ilog." Mayamaya ay narinig ko na lamang ang pag-click ng dala niyang DSLR camera. "Mula sa kinakatayuan natin ay parang veranda na ito. May round table."

"Pero wala ka ng pera. Naubos na ang 5k mo."

"Worth it naman, Jean. Dahil kahit wala ang profession ko ay nagawa ko pa rin na kumita ng pera tapos pagod at pawis ang puhunan. Nagamit ko ang pera ko para sa first date natin." Pinaupo naman niya ako.

"Kukuha ako sa baba ng maiinom natin."

"Okay." Bago siya umalis ay humalik pa siya sa noo ko. Pumasok ako sa loob at ikinumpas ko lang ang isang kamay ko. Narating ko ang kama at ang lambot naman pala. Lumundag-lundag pa ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top