CHAPTER 16
Chapter 16: In a relationship
“WILL you be my girlfriend, Donna Jean?” he asked me at isa lang ang naisip ko sa isasagot niya ng araw na iyon. Ang salitang ‘yes’.
“Congrats po, Kuya!” masayang sabi ko at pumalakpak din ako. Niyakap ako ni Kuya Hart pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.
“Thank you, baby girl. Isa ka sa dahilan kung bakit kami ikinasal ni Zedian,” sabi niya para kiligin ako ng husto. I’m happy for them.
“Nakatutuwa naman po iyon,” nakangiting sabi ko pa.
Si Ate Zedian naman ang sunod na yumakap sa akin. “Ayos lang ba talaga maiwan ka namin kasama si Miko?” worried niyang tanong.
“Wala po kayong mabubuo na baby kapag ako ang inaalala ninyo,” nakangising sabi ko at narinig ko ang paghikbi ni Kuya. Hindi sila nagsalita pero naramdaman ko na lamang ang kamay ni Miko sa likuran ko. Eherm, boyfriend ko na pala siya pero wala pang kaalam-alam ang dalawa.
“Miko, tandaan mo na bawal ka pang lumabas, ha?”
“Noted,” tipid na sagot lang ni Miko. Nagtaas-baba ang kamay niya sa likuran ko kaya pasimple kong tinanggal iyon baka kasi may makakita sa amin.
Iyong reception sana nila ay ginawa na lamang sa bahay para maraming makadalo na mga tauhan namin dahil malaking handaan talaga iyon. Hindi umalis sa tabi ko si Miko at panay tanong sa kanya ang mga taong nasa paligid namin kung sino siya.
Sinasabi lamang ng kuya ko na pinsan namin pero nagrereklamo si Miko sa tabi ko.
“Ano’ng pinsan? Girlfriend ko na kaya ang kapatid mo kung alam mo lang, tss,” mahinang bulong niya sa aking likuran.
“Tumigil ka, Miko. Behave ka lang dapat,” sita ko sa kanya at kinurot ko pa ang tagiliran niya kaya napadaing pa siya.
“Ouch, baby. Masakit naman iyon!” mahina niyang reklamo.
Nagsimula iyong sayawan nina Kuya Hart at Ate Zedian. May magandang awitin ang pinapatugtog sa kanila. Nakalulungkot lang dahil hindi ko sila magawang panoorin.
Iyong masaya ka naman talaga pero hindi mo talaga maiwasan ang malungkot bigla. Naging kontento naman talaga ako pero heto ako ngayon nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Natatakot na naman ako na kung habangbuhay na lamang ba ako na ganito. May magbabago pa sa life ko? Or forever na naman akong malungkot at ma-e-envy sa ibang tao?
Isa pa nadagdagan na rin ng isa pang tao ang gusto kong makita. Si Miko na biglaan din ang pagdating niya sa buhay ko at naging boyfriend ko pa kahit na sobrang complicated. Pero inaamin ko naman na may... feelings naman talaga ako para sa kanya. Hindi ako napipilitan lamang na sagutin siya. Comfortable na kasi ako sa presensiya niya.
Natigilan naman ako sa pag-iisip ko nang halikan ni Miko ang kamay ko. “Are you okay, Jean?” nag-aalalang tanong niya. Tumango ako at tipid na ngumiti lamang ako. “Sigurado ka ba?”
“Oo naman.”
“Eh, bakit bigla kang natahimik habang pinapanood mo—sorry,” bawi niya sa sinabi niya. Nginitian ko na lamang siya.
“Siguro... Napagod lamang ako,” sabi ko at humalik pa siya sa sentido ko. “Miko, baka makita tayo ni Kuya Hart. Lagot tayong dalawa niyan, eh,” kinakabahan na saad ko.
“Busy na nga sa bago niyang asawa ang kuya mo tapos iyong mga bisita nila ay ganoon din naman. Tara pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na. Mamaya ay aalis naman na sila.”
“Eh, ’di mas kailangan ko pa rin ang nandito. Para magpaalam sa kanila.”
“Ang tigas pala ng ulo ng baby ko,” bulong na naman niya at humalik sa balikat ko. Spaghetti dress pa naman ang suot ko.
“Tigilan mo ako, Miko baka may makakita sa atin,” suway ko pa.
“Meron na nga, Jean.”
“Hala ka naman.” Tinulak ko pa siya sa dibdib niya.
“Isang bata nga lang. Hi, boy. Kumusta ka?” Hindi nga siya nagbibiro dahil naramdaman ko na ang presensiya ng isang bata.
“Sino ka?” balik na tanong nito at pamilyar sa akin ang boses. Parang siya iyong...
“Boyfriend niya. Ikaw sino ka?”
“Ako si Cristo. Kapatid po ako ng nananakot kay Ate Jean.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ngayon na nga malalaman ni Miko kung bakit ako takot sa aso. Malalaman niya na tinakot lang ako at hinabol pa dahilan na magkaroon ako ng trauma.
“Ha? Nananakot?” nalilitong tanong niya.
“Ayaw kasing maniwala ni Kuya Sais na bulag si Ate Jean. Kaya ang ginawa po niya ay pinahabol niya sa aso namin si Ate. Nakagat pa nga siya noon sa binti niya.”
“Tang-ina iyon, ah. Nandito ba ang kuya mo?” Napatayo ako dahil sa biglaan din na pagtayo ng nobyo ko.
“Miko. Ano ka ba? Kumalma ka nga. Matagal na iyon,” pigil ko sa kanya at hinila ko pa ang braso niya.
“Matagal na nga iyon pero nagbigay pa rin sa ’yo ng trauma. Tang-ina. Bibigyan ko iyon ng leksyon.”
“Miko...”
“Nandito ba ang kuya mong siraulo?” may bahid na inis na tanong ni Miko sa bata.
“Miko, bata iyang kausap mo, hoy. Be careful with your words naman.”
“Opo. Nandoon, oh.”
“Stay here, baby,” sabi niya at hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko para lang paupuin ulit ako.
“Miko, saan ka ba pupunta? Matagal na kaya iyon.” Tinapik niya lamang ang ulo ko saka ko naramdaman ang pag-alis niya. “Miko.” Seryoso talaga siya na susugod sa batang iyon? Pumihit ako sa side ng batang lalaki na si Cristo. “Cristo?”
“Bakit po, Ate Jean?”
“Puwede mo ba akong ihatid sa kung saan ang kuya mo ngayon?” tanong ko at nang ilahad ko ang kamay ko ay agad niyang hinawakan ito. Tumayo na ako saka niya ako hinila sa kung saan pero sinigurado niya na wala akong tao o bagay na mababangga ko.
May mga bisita pa ang bumabati sa akin, ngiti lang naman ang nagiging tugon ko at hanggang sa makarating na kami kasi narinig ko na ang boses ni Miko.
“Tang-ina mo, isip bata ka pa nga. Akala mo maganda ang ginawa mong pananakot sa ibang tao?” malamig na tanong ni Miko. Gusto ko tuloy siya hilahin na palayo rito.
“Sino ka ba, ha? Bakit mo pinagtatanggol ang pangit na iyon?” tanong ni Sais. 15 years old pa nga ito, eh. Hindi niya puwedeng gawin ang gusto niyang gawin dito.
“Boyfriend niya ako. Ikaw—”
“Sige, suntukin mo ako. Malalaman mo kung sino sa ating dalawa ang makukulong.”
“Ah, talaga? Sige, ikaw ang may gusto niyan, ha. Akala mo naman ay matatakot ako sa ’yo dahil lang sa pananakot mo kung sino ang makukulong sa ating dalawa?” Napatalon ako sa gulat ng makarinig ako nang malakas na kalampag sa side nila.
“Hala po!”
“Miko!” sigaw ko sa pangalan niya at agad ko siyang nahawakan sa braso niya.
“Isusumbong kita sa Mama ko! Pvta ka! Ipakukulong din kita!”
“See? Kahit ang paraan nang pagsasalita mo ay talagang isip bata ka!”
“Miko, halika na. Huwag mo na siyang patulan pa.”
“Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon, Jean. Paduduguin ko lang ang labi niya,” malamig na sabi niya pa rin niya. Ang tigas din ng ulo niya. Kapag gusto niya talagang gumanti ay gagawin niya. Walang makapipigil sa kanya.
“Miko, child abuse ang gagawin mo at nasuntok mo na yata siya. Tara na, bumalik na tayo sa seats natin kanina,” pag-aaya ko sa kanya at pilit ko pa rin siyang hinihila. Pero sinasadya niyang magpabigat para hindi siya makaalis mula sa kinatatayuan niya.
“Go, call your Mom. Ipakulong niya ako kung gusto niya. Basta ang kapalit ay mabubugbog kita.”
“Baby, stop it, tara na lang.” Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya at pumihit din siya sa akin.
“D-Did you just...call me baby, Miss?” gulat na tanong niya at hindi ko na magawa pang mag-iwas nang tingin dahil hindi ko naman siya nakikita pa.
“Umalis na lang tayo rito, please?” I pleaded.
“Okay, let’s go.” Hinawakan na niya ang kamay ko saka niya ako hinila pero napahinto kami nang sumigaw si Sais.
“Hoy! Hindi pa tayo tapos, ’di ba?!”
“Wala talaga siyang modo. Tadyakan kita riyan, eh,” saad pa ni Miko.
“Bata iyan, eh. Huwag mo na siyang patulan, please. Kilala ko ang mama niyan. Maski nga si Kuya Hart ay suko na sa ugali niya.”
“Fine, para sa ’yo ay hindi ko na papatulan iyang binatilyo na iyan.”
“Ano’ng nangyayari rito? Miko, Jean?” Boses iyon na iyon ng nakatatanda kong kuya.
“Wala po, Kuya.”
“Nanggugulo ka na naman ba, Sais?” seryosong tanong ng kuya ko.
“Tingnan mo ang ginawa ng syota ng kapatid mong pangit sa akin. Sinuntok niya ako,” sumbong pa niya.
“Syota?” magkasabay na tanong nina kuya at Miko. Hala, lagot na.
“Teka lang, Miko. Bakit ang higpit nang hawak mo sa kamay ng kapatid ko?”
“Hey, babe. Hayaan mo na nga muna sila at ikaw naman Sais. May hindi ka na naman ginawa kay Jean, ano? Pasalamat ka at bata ka pa sa mga panahon na pinahabol mo siya sa aso mo. Dahil kung hindi ay dalawang taon kang nasa kulungan,” wika ni Ate Zedian.
“Ate Zed, Kuya. Espesyal po ang araw na ito para sa inyo. Huwag ninyo na lamang pong pansinin si Sais. Wala naman po kasing nangyari rito.”
Iyon na nga ang ginawa nila at hinayaan na nila si Sais. Hanggang sa makaalis na nga sila ng new wife niya. Tapos mahabang paalala na naman ang sinabi niya kay Miko. Nakinig lamang ang isa. May mag-aayos din naman sa ginawang reception ni Kuya.
Kaya nauna na kaming pumasok ni Miko. Hinatid pa niya ako sa kuwarto ko at nagpaalam siyang magbibihis lamang.
Nasa kama na ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at lumundag pa siya sa bed kaya nag-bounch tuloy ako.
“Miko, ay!”
“Sorry,” paghingi niya nang paumanhin at umupo na siya sa tabi ko. “Can I sleep beside you, Miss? Promise wala akong gagawin sa ’yo.”
“Sana nga ay wala. We’re just going to sleep, okay?”
“Okay po,” parang batang sagot niya. Kapag nagsabi siya na wala naman siyang gagawin ay behave mga lang siya. Ako iyong pagod pero mas nauna siyang nakatulog.
Hinaplos ko pa ang pisngi niya at pinatakan ko ng halik ang kanyang labi saka ako pumikit. Sana lang ay mabigyan pa ako ng pagkakataon na makakita at gusto ko rin na makita ang guwapong mukha ng boyfriend ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top