CHAPTER 14

Chapter 14: New savior

NAIWAN lang ako sa waiting area habang hinihintay ko na matapos ang session niya ngayong umaga. Gustuhin ko man siyang panoorin ay hindi ko naman magagawa pa.

Pero sa tagal ko na ngang nakasama si Miko, sa ilang buwan ay pamilyar na sa akin ang tunog ng buntong-hininga niya. Ang pagdaing niya at kahit ang pagtikhim niya. Alam ko rin naman na nandito pa siya sa loob dahil nararamdaman ko ang presensiya niya.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang yabag ng sapatos niya. “Jean...”

“Oh, bakit?” mabilis kong sagot.

“Puwede mo ba akong bilhan ng drinks?” pakikisuyo niya at napakagat-labi ako.

“Nauuhaw ka ba?” tanong ko.

“Yes,” sagot naman niya at tumango ako. Magtatanong na lamang ako kung saan ako puwedeng bumaba, may cafeteria naman kasi rito. “Bilisan mo, ha?” paalala pa niya na tinanguan ko.

Sa una ay parang normal lang sa akin ang maglakad pero nang makalayo-layo na ako ay saka ako lumapit sa pader. Muntik pa akong ma-out balance dahil nabunggo ko yata ang trashbin.

Naramdaman ko naman na may lalapit sa direksyon ko kaya mabilis kong hinawakan ito sa braso niya. Sa lambot pa lang ng balat nito ay alam kong babae siya.

“Miss, saan po ba ako puwedeng bumili ng drinks?”

“May cafeteria sa left side mo, Miss. Liliko ka pa tapos diretso na.” Nagpasalamat naman ako dahil sa munting tulong niya.

Lumapit agad ako sa counter. Pinapakinggan ko lang naman ang mga yabag nila at hindi rin ako nagkamali na nakalapit din ako sa tamang pupuntahan ko. Dahil binati pa ako nito.

“Pabili po ng dalawang Gatorade.”

“Wait lang po, Ma’am.” Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Alam ko kung saan ko naman inilalagay ang tig-500 pesos ko kaya iyon ang ibinigay ko.

“Miss, samahan mo na lang po ng dalawang biscuit,” sabi ko pa. Ilang sandali pa ay ibinigay na rin sa akin ng babae ang binili ko.

Pabalik na sana ako nang hindi ko naman inaasahan ang mangyayari. May nakasalubong ako at nabangga ko pa. Kaya tumilapon ang mga binili ko kahit naka-plastic pa ito.

“Pünyeta!” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang pagmumura ng isang babae.

“S-Sorry po, Ma’am!” natatarantang sigaw ko.

“Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! Bulag ka ba, ha?!” sigaw niya and just like that, nag-init ang sulok ng mga mata ko.

Isa nga ito sa iniiwasan ko na mangyari. Kaya kahit sa kung saan kami pumupunta ay ang clingy ko ko kay Kuya Hart, hindi lang dahil takot akong maligaw. Kasi natatakot din ako na maka-encounter ako ng ganitong klaseng eksena.

“Sorry po,” naiiyak na sambit ko at lumuhod pa ako sa malamig na sahig ng hospital para kunin ang mga binili ko pero hindi ko man lang iyon mahawakan man lang. Baka gumulong pa sa malayo.

“God. Bulag nga siya!” natatawang sabi pa ng babae at hindi ko na napigilan pa na tumulo na ang luha ko.

Sinubukan ko pa rin na hanapin ang mga pinamili ko at nakuha ko naman ang isang Gatorade at biscuit, may kulang pang isa. Alam kong maraming nakatingin sa ginagawa ko pero ni isang tao ay wala man lang talagang tumulong sa akin.

“J-Jean.” Napapitlag ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

“Miko?” Hinanap ko naman siya at hindi ako nahirapan pa dahil kusa siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang plastic sa kamay ko at may inilagay rin siya roon.

“Aba, nagsama pa ang pilay at bulag.” Napakagat ako sa labi ko dahil sa panunuya ng babaeng iyon.

Inalalayan ako na makatayo ni Miko at mahigpit ang hawak niya sa palad ko. Narinig ko na lamang ang malakas na kalampag na malapit sa amin kaya napakapit ako sa braso niya. Itinago ko ang mukha ko sa likod niya kasi hanggang balikat lang naman ako. I was just scared.

“Nakita ninyo na ang sitwasyon niya pero ni isa sa inyo ay wala man lang tumulong?! At ikaw! Pasalamat ka dahil babae ka. Dahil kapag naging lalaki ka ay tatama talaga ang kamao ko sa pagmumukha mo. Kung bulag man ang kasama ko at kung pilay man ako ay ikaw ano naman?! Isang clown sa kapal ng make-up mo sa mukha!” galit na galit na sigaw niya.

“M-Miko... Umalis na tayo...” pag-aaya ko sa kanya dahil nararamdaman ko ang malakas na kabog sa dibdib niya.

“Karmahin ka sana,” malamig na sambit pa ni Miko at saka niya ako iginiya palayo sa lugar na iyon. Nagpatianod lamang ako sa kanya at parang napapansin ko na hindi na siya nakasaklay pa.

“Miko? Ang saklay mo?”

“Ibinigay ko na sa babaeng iyon. Pünyeta rin siya,” walang emosyon na sabi pa niya.

Nakalabas na kami mula sa hospital at naisipan niya lang na huminto kami sa isang waiting shed marahil at narinig ko na ang pagdaing niya.

Iniupo pa niya ako saka rin siya umupo sa tabi ko. Magkadikit pa nga ang hita namin. Kinuha ko ang isang drinks na binili ko at binuksan ko iyon saka ko ibinigay sa kanya.

“Pasensiya na. Natagalan ako,” sabi ko na parang walang nangyari kanina.

Kinuha naman niya iyon pero naramdaman ko ang paninitig niya sa akin.

“Ngayon alam ko na kung bakit.” Napatungo ako at hinawakan niya lang ang chin ko. Iniangat niya ito pataas. “Kaya pala hindi ko maramdaman ang mga titig mo sa akin, Miss...”

“B-Bakit?”

“Bakit ang husay mong magpanggap?” tanong niya.

“Hindi naman ako nagpapanggap,” mabilis na sabi ko.

“Bakit hindi man lang halata? Bakit parang hindi ko naman iyon napapansin? Ang normal lang naman nang bawat kilos mo sa bahay, ah.”

“Nakasanayan ko na kasi,” nahihiyang sambit ko.

“Why you didn’t tell me?” he asked me.

“Hindi ka naman nagtatanong sa akin,” sabi ko lang at binalatan ko ang isang biscuit saka ko Ibinigay sa kanya. Kinuha rin naman niya iyon.

“Naalala ko na. Ilang beses na pala kitang nasaktan sa mga sinabi ko sa ’yo. I’m sorry,” sincere na sabi niya. Pinisil-pisil ko na lamang ang mga daliri ko.

“Wala iyon.”

“Jean...”

“Oh, bakit? Tawag ka nang tawag?” kunot-noong tanong ko pa.

“Are you okay? Nabigla ka ba kanina sa nangyari?” Tumango ako. Naramdaman ko ang pag-angat ng isang kamay niya at hinaplos pa niya ang pisngi ko. “Promise...hindi mo na mararanasan pa ang nangyari kanina. Pangakong poprotektahan kita sa mga taong katulad ng clown na iyon.” Tumaas ang sulok ng mga labi ko.

“Talaga bang makapal ang make-up niya?” naaaliw kong tanong sa kanya at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Bakit na naman?”

“Ang ganda ng vibes mo, Donna Jean. Ikaw ang tipong babae na hindi alam ang salitang negative. I like your attitude.”

“Alangan naman na umiyak ako?” nakangusong tanong ko at pinitik na naman niya iyon.

“Eh, nakita ko nga ang pagtulo ng luha mo kanina.”

“Sinigawan niya kasi ako at natakot ako!” pasigaw na saad ko.

“Babalikan ko iyon, Jean. Sisipain ko siya at ng mapilay rin siya. Tutusukin ko rin ang mga mata niya para hindi na siya makakita pa!” Malakas na natawa ako sa sinabi niya. Alam kong biro lang iyon. “Seryoso ako,” mariin na sambit niya at tumigil ako sa pagtawa pero hindi ko pa rin napigilan iyon. “Isa. Huwag mo akong pagtatawanan. Dalawa.”

“Hindi na,” sabi ko at tinakpan ko ang bibig ko kasi natatawa talaga ako sa kanya.

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig ko at kinabig na lamang niya basta ang batok ko saka niya ako siniil ng halik sa mga labi ko. Namimilog pa ang mga mata ko at humigpit ang hawak ko sa plastic. Pero mararahan ang bawat halik niya kaya naingganyo ako na tumugon sa kanya. Mas lumalalim lang iyon. Pinakawalan niya lang ang mga labi ko nang sabay na kaming naghabol ng sarili naming hininga.

Napapikit pa ako dahil sa masuyong paghalik niya sa noo ko. Bumaba pa iyon sa tungki ng ilong ko. Ang bilis na ng heartbeat ko.

“From now on, isa na ako sa mga tao na magtatanggol sa ’yo. Hayaan mo lang akong makapasok sa buhay mo,” seryosong sabi niya pero may lambing iyon. Hinawakan ko ang panga niya at marahan kong hinaplos iyon.

Napangiti ako nang pinagdikit niya ang aming noo tapos pinagkiskis niya rin ang tungki ng ilong namin. When he planted a kiss on my lips again ay itinulak ko na siya sa dibdib niya at dumistansya na ako.

“May session ka pa, Miko,” paalala ko sa kanya.

“Umuwi na lang tayo at bibigyan kita ng maraming kiss dahil nagawa mo akong pakalmahin kahit na inis na inis na ako sa babaeng iyon.”

“Ano? Gusto mo lang yata na makahalik sa akin!” bulalas ko.

Isa lang ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi rin ako pinagtawanan ni Miko, ni hindi niya rin pinaramdam sa akin na kawawa akong babae dahil bulag ako. Sa huli ay mang-asar pa talaga siya.

“Yes, inaamin ko iyan!” I made a facepalm.

“Bumalik na lamang tayo roon,” ani ko. He’s so transparent talaga when it comes to his feelings—eh? May feelings nga ba siya for me? “Miko.”

“Okay, fine! Marami ka ng utang na kiss!” I took a deep breath. Hinawakan niya ulit ang kamay ko pero umakbay na lamang siya. “Masakit ang binti ko, baby...” Kumislot ang puso ko sa narinig ko.

“B-Baby?” gulat kong sambit.

“Yup, bakit ano’ng gusto mo? Tawagin kitang Mrs. Brilliantes?” See? Nang-aasar na siya, eh. Back to his attitude na siya.

“Hindi ka na talaga nakatutuwa pa,” masungit na saad ko sa kanya at naglakad na ako kaya sumama na rin siya sa paglalakad dahil nakaakbay siya sa akin.

“Baby, dahan-dahan na naman.” Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. “Hala! Nandito ang hospital, oh!” Ibinaling niya nga sa ibang direksyon ang katawan ko at binagalan ko na ang paglalakad ko.

“Miko?”

“Hmm?”

“Thank you, ha?”

“For what?”

“Sa pagtatanggol mo sa akin kanina at hindi mo ipinaramdam sa akin na wala akong silbi dahil bulag ako,” ani ko at humilig pa siya sa akin para lang hawiin ang hibla ng buhok ko sa aking mukha.

“Kaya naman pala noong nagising ako ay naisip ko agad na gusto kitang protektahan. Kaya rin pala ganoon na lamang kung alagaan ka ng kuya mo but Miss. Gusto kong malaman kung bakit takot ka sa aso.”

“Eh, bakit pa? Ayoko ng alalahanin pa iyon, ’no,” sabi ko at inirapan ko pa siya.

“I just want to know, please,” he pleaded. Talagang siya pa ang nagmamakaawa sa akin.

“Tell me the good reason.”

“Gusto kong maging parte ng buhay mo at gusto kong malaman ang lahat ng nangyari rin sa buhay mo. Huwag mong ipagkait iyon sa akin dahil iiyakan kita,” aniya.

“Base pa nga lang sa ugali mo ay alam kong hindi ikaw ang tipo ng lalaki na iiyak na lang ng walang dahilan. Mababaw na reason pa kaya?” ani ko pa.

“Let’s see then,” sambit pa niya. “Jean...”

“Ano na naman?”

“Kunin natin ulit ang saklay ko.”

“Akala ko ba ay ibinigay mo na sa babaeng clown na iyon?” natatawang tanong ko sa kanya.

“Sayang naman kasi iyon. Komportable ako sa saklay na iyon.”

“Iyon ba ang kumalampag kanina?”

“Oo. Bakit? Natakot ka?”

“Sa tingin mo?” Tinulak niya ang pintuan at kahit pilay pa siya ay pinauna pa rin niya akong makapasok. Naramdaman ko na ulit ang lamig sa loob ng hospital at ang amoy gamot sa loob.

Nang binalikan namin ang saklay ay may lalaki pa ang humingi sa amin ng paumanhin dahil nalaman nila na kapatid ako ng isa sa director ng hospital nila. Iyon ang position dito ni Kuya Hart kasi na-promote na nga siya.

Natakot din sila na baka malaman pa iyon ng aking kuya. Pero hindi na ako sure pa sa bagay na iyon. Kasi alam ko na malalaman at malalaman pa rin ni Kuya Hart.

Hindi na nga ako nagkamali pa at tumawag na siya sa akin.

“Okay lang naman po ako, Kuya Hart. Hindi naman po ako nasaktan, eh,” paliwanag ko sa kanya at panay talaga ang reklamo niya sa kabilang linya.

“I was just worried, baby girl.”

“Kasama ko naman po ang engineer na pasyente mo. Okay lang po ako, pinagtanggol niya nga ako kanina,” sabi ko pa at narinig ko ang paghinga niya nang malalim. “Sige na po, Kuya. Mamaya na tayo mag-usap. Alam kong busy ka.”

“Okay. Mag-iingat kayo sa pag-uwi ninyo.”

“Opo, Kuya,” sagot ko at saka ko ibinaba ang tawag.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang humilig sa balikat ko si Miko. Sunod-sunod ang paghinga niya nang malalim. Napagod na naman siya sa physical therapy niya, eh.

“Haist...”

“Okay ka lang?” tanong ko sa mahinang boses. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglalaruan na niya agad ang mga daliri ko.

“Kaya ko pa. Para rin naman ito sa akin. Ayokong masayang ang pagliligtas mo sa akin kahit alam mo na mapanganib ang ginawa mo,” sabi niya.

“Hindi naman ako nagkamali. Hindi ka naman masamang tao,” ani ko.

“Bakit? Bakit hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako kahit estranghero pa ako?” curious niyang tanong.

“May nagsabi kasi sa akin na isang tao. Na kung may isa ring tao na nangangailangan ng tulong ay huwag ko raw tanggihan at tulungan namin. Kaya naisipan ko na baka ikaw na iyon at saka nararamdaman ko naman na wala kang dala na panganib—”

“Mali. May dala nga akong panganib. Hindi ba kayo natatakot na tulungan ako kahit alam ninyong may mga tao rin ang humahabol sa akin?” tanong niya at wala na ang boses niya ang pang-aasar.

Pinisil ko ang kamay niya at nakikiliti ako sa mainit na hininga niya na tumatama sa leeg ko.

“Importante pa ba iyon, Miko? Ang mas mahalaga ay ang nakaligtas ka sa panganib, hindi ba?” ani ko at naramdaman ko na ang pagsinghot niya. “Miko naman...”

“You smell so good, baby...”

“Huwag mo akong akitin, Miko. Naninindig ang balahibo ko sa ’yo,” ani ko at tinulak ko ang noo niya.

“Miss, nagpapahinga pa ako,” mahinang saad niya. Nang hawakan ko ang pisngi niya at naabot ko ang mga mata niya ay roon ko lang nalaman na nakapikit pala siya.

“Pagod ka na talaga?”

“Yeah.”

“Umuwi na tayo?”

“Sige pero mamaya. Ipapahinga ko lang ang binti ko.” Naramdaman ko naman ang presensiya ng isang tao na lumapit sa amin pero hindi man lang gumalaw si Miko.

“Iko?” sambit nito. Sino namang Iko?

“Oh, doc?” Doon lang siya umayos nang upo.

“Malapit naman na matapos ang physical therapy mo kaya hindi mo na kailangan pang maghintay rito hanggang hapon. Tumawag sa akin si Dr. Daizo. Umuwi na muna raw kayo ng kapatid niya.”

“Sige, doc. Salamat.” Umalis din naman agad ang doctor.

“Bakit Iko ang tawag sa ’yo ng doctor mo, Miko?”

“For my own safety. Iko Lodivero ang gamit kong pangalan at pinsan ninyo ng kuya mo. Ngayon ko lang nalaman na magpinsan pala tayo, Miss,” sabi niya at umiling pa siya.

“Hindi naman, ah,” usal ko.

“Oo, hindi nga. Mas gusto kong maging girlfriend kita, Miss.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

“Umuwi na lang tayo, Miko. Gusto ko ng umuwi,” ani ko.

“Okay. Let’s go.” Ako na ang umalalay sa kanya bago pa niya iyon magawa sa akin.

“Ang saklay mo?” I asked him.

“Nandito na,” he answered. Pinagsiklop pa niya ang mga daliri naming dalawa. “Sorry, hindi ko man lang napansin ang kalagayan mo, Jean.”

“Mag-s-sorry ka na naman,” kunot-noong sambit ko pa.

“Oo, kasi kahit may mga senyales na ay parang ang bóbo ko pa rin para hindi ko mapansin iyon. Sorry...”

“Eh, ayoko na ng sorry mo. Tss.”

Hindi rin naman naghihintay si Mang Arsenio sa amin kung hindi siya tinatawagan ni Miko. May cellphone naman ang isang ito at ilang saglit pa ay may huminto ng sasakyan sa tapat namin. Inalalayan pa siya ni Mang Arsenio pagkatapos kong makasakay sa kotse.

“Salamat po.” Nang pareho na kaming nakaupo sa backseat ay sumandal ulit siya sa kaliwang balikat ko. Napagod nga talaga siya kasi masakit nga sa katawan ang nag-undergo physical therapy.

Hinaplos ko ang pisngi niya kaya mas sumiksik siya sa leeg ko. Hindi ko inakala na roon na pala magbabago ang samahan naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top