CHAPTER 11

Chapter 11: Nagtatampo

“AW, Miss! Ang sakit! Isusumbong kita kay Mommy!” sigaw niya at hindi ko na alam kung matatawa ba ako sa kanya o maaawa pa dahil sa isinigaw niya na isusumbong niya raw ako sa Mommy niya. Mabilis akong lumapit sa kanya para sana i-comfort siya pero naapakan ko na naman ang paa niya at napadaing na naman siya sa sakit. “Nananadya ka ba?! Nakita mo na nga ako sa sahig ay inapakan mo na naman ang paa ko!” reklamo niya at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at hanggang sa tumulo na ang mga luha ko dahil wala naman talaga akong nakikita, eh. Malamang na mangyayari iyon.

Kung sana na hindi ako pinagkaitan ng paningin ay sana nga hindi ko siya masasaktan!

“S-Sorry na... H-Hindi n-naman talaga kita n-nakikita, eh,” humihikbing sambit ko. Hindi ko na siya narinig pa na dumadaing pero ramdam na ramdam ko ang malamig niyang titig sa akin.

Hinila niya ang braso ko at niyakap na naman niya ako. “Hush now. Sshh, huwag ka nang umiyak. Hindi na kita aawayin pa,” pag-aalo niya na may lambing pa sa kanyang boses. Mas lalo lang akong naiiyak dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin.

Ang hilig niyang magpaiyak pero nagagawa pa rin niya akong patahanin!

“B-Ba’t ka ba nangyayakap na lang bigla?” tanong ko sa gitna ng paghikbi ko.

“Pinapaalala mo lang kasi sa akin ang kapatid ko, eh. Tahan ka na nga.”

“Ang injury mo!” sigaw ko at itinuro ko pa ang binti niya. Alam ko naman kung saan iyon, eh. Nasa gitna pa niya ako ng hita niya.

“Hindi na masakit kasi mas masakit ang pag-iyak mo,” he reasoned out. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin na masakit daw ang pag-iyak ko.

“B-Bakit kasi ang kulit mo?” nakangusong tanong ko pa rin sa kanya. Marahan na pinitik niya ang labi ko.

“Bakit kasi ang cute mo? May bangs ka pa, oh,” aniya at hinipan pa niya ang bangs ko pero hindi naman ako napapikit.

“Ang sabi mo ay mukha akong aso,” kunot-noong sambit ko.

“Kaya nga, ang cute ng aso, eh.”

“But you told me kaya na ang pangit ko! Na mukha akong aso!” reklamo ko pa na tinawanan na lamang niya.

“Miss, samahan mo na lang ako sa banyo. Gusto ko na talagang maligo. Pawis na pawis ka ako, oh,” sabi niya at siya pa ang naglagay ng kanang braso niya sa balikat ko. Sininghot ko pa ang amoy niya, amoy pawis nga siya pero wala naman akong ibang naaamoy ro’n kundi ang natural na scent niya pero mabango pa rin naman siya. “Hey, nahihiya na ako. Baka mamaya niyan ay masusuka ka na sa amoy ko, ha.”

“Bakit? May putok ka ba? Mabaho ang kilikili mo?” curious kong tanong.

“Hèll no!” tanggi niya. “Come on, itayo mo na ako.”

“But maaapakan ko na naman ang injury mo,” ani ko.

“Tingnan mo na lang, okay?” Hindi pa niya yata nahahalata na wala naman akong nakikita at bulag nga talaga ako for real?

But sa halip na intindihin pa iyon ay pinagsawalang bahala ko na lamang at dahan-dahan na kaming tumayo. Ingat na ingat pa ako dahil natatakot na akong maapakan ko na naman ang binti niya. Mahirap na baka sisigawan na naman niya ako. Hindi pa naman ako sanay na masigawan at ibang tao pa ang gagawa no’n.

Si Kuya Hart nga ay never niya akong pinagalitan hindi dahil sa situation ko. Kasi sobrang mahal niya lang talaga ako bilang nakababatang kapatid niya at kaming dalawa na lang talaga ang natira sa family namin. Kaya iniingatan din namin ang isa’t isa.

“Magba-bathtub ka ba?” I asked him and I felt him nodding his head. Alam kong nasa right side ko lang iyon kaya iginiya ko siya sa direksyon na iyon.

Nang ikompas ko ang isang kamay ko ay nahawakan ko naman iyon kaya inalalayan ko ulit siya sa bathtub. Hindi naman ako nahirapan dahil hindi niya ibinigay sa akin ang buong bigat niya. Bumabalanse pa naman siya. Nahawakan ko rin ang host at itinapat iyon sa kanya.

“Thanks, ayos na ako rito. But... puwede mo ba akong lagyan ng shampoo?” tanong niya. Nanghihingi ba siya sa akin ng favor or hindi? But I believe naman na kaya na niya ang bagay na iyon.

“Miko. Kaya mo naman siguro ’yan. Ang binti mo lang naman ang may injury at hindi ang mga kamay mo. Nandiyan lang ang shampoo, body wash at iba pang kakailanganin mo,” ani ko at itinuro ko ang mga iyon. Nasa gilid lang naman niya ang rack.

“Okay,” wika niya.

“Lalabas na ako,” paalam ko at nang nasa pintuan na ako ay tinawag pa niya ako. Akala ko nga ay magtatanong pa siya.

“Donna Jean.”

“Masyadong mahaba kapag tinawag mo ako sa buong pangalan ko. Kahit makulit ka ay ayoko namang mahirapan kang mag—uhm...” Mabilis kong pinigilan ang sarili ko na magsalita pa. Bakit ba kasi iyon agad ang naisip ko?

Bakit worried pa ako na baka mahihirapan siya na bigkasin ang pangalan ko? Bakit ko nga ba nasabi iyon sa kanya?

“How sweet. May kiss ka ulit sa akin,” sabi niya at nasa boses na naman niya ang tuwang-tuwang.

“Save it to yourself na lang,” pairap na sambit ko saka ako lumabas.

Ano’ng may kiss ulit ako sa kanya? Sa aso siya magpa-kiss. Pervert, tsk.

Bumalik ako sa studio ko para mag-air ulit sa station ko. Hindi naman ako nawawala kung hindi lang breaktime ko.

“Hi, ka-harty, nagbabalik si DJ Donna. It’s time again para magbasa ng greetings ninyo.” Tuloy-tuloy na nga ang pag-air ko nang marinig ko ang dahan-dahan na paglalakad pero hindi iyon pantay. Sa una ay hindi ko masyadong pinansin dahil ang akala ko lang naman ay hindi ito tutungo rito pero nang bumukas na nga ang pintuan ay saka ako nagpaalam saglit.

“Wow...” sambit niya na namamangha pa.

“What are you doing here? Isusumbong na talaga kita kay Kuya Hart dahil inaano mo na naman ang injury mo. Wala ka pa ngang physical therapy, eh,” sita ko sa kanya pero naramdaman ko na lamang ang pag-upo niya sa tabi ko.

“Ito ba ang work mo, Miss? Hmm, isa kang DJ? Puwede ba akong maging partner mo?” tanong niya. Ewan ko kung nagbibiro lang ba siya or what.

“At ano naman ang sasabihin mo sa kanila? Puro pang-aasar ka lang naman,” sabi ko sa kanya.

“Makikipagkuwentuhan lang naman ako, ah.”

“Sa aso ka makipagkuwentuhan,” sarkastikong saad ko.

“Grabe ka naman. Sa ’yo na lang ako makikipagkulitan sa halip ang aso.”

“Makipagkuwentuhan hindi makipagkulitan,” pagtatama ko sa kanya dahil iba naman ang pinagsasabi niya.

“Same lang naman iyon, eh.” Pinukpok ko ang kamay niya dahil humawak siya sa handle ng chair ko. “Aw, Miss. Napakabayolente mo naman! Samantalang noong wala pa akong malay ay ang lambing mo sa akin. Hinahaplos mo pa ang pisngi ko, minamasahe mo pa nga ang mga braso ko at pinaglalaruan mo pa ang mga daliri ko! Pero ngayon noong gising na ako ay saka mo ako papaluin?! Sana ma-comatose na lang ulit ako!” Umawang ang labi ko sa gulat. Dahil sa haba ng sinabi niya at parang nagtatampo pa siya.

I don’t know if nagalit ba siya sa akin dahil hiniling pa niya ang ma-coma ulit siya? At hindi lang iyon. Tumayo pa siya at hingal na hingal pa nga lumabas sa studio ko. Napahilot ako sa sentido ko.

“Isip bata, parang iyon lang naman? Nagalit at nagtampo agad?” naiiling na komento ko at bumuntong-hininga.

Pero sa mga sumunod na araw ay hindi na niya ako pinapansin pa. Nagalit nga siya sa akin. Kahit ako na nga ang nag-v-volunteer sa kanya na tulungan siya pero maririnig ko agad ang pagsusungit niya.

Dalawang linggo pa nga ang nakalipas at hapon na kung umuuwi sila ni Kuya Hart dahil sa physical therapy niya. Madalas ay naiiwan na ako sa bahay namin at nasa studio na lang ako.

“Paano ba suyuin ang isang tao kung nagsusungit na agad sa ’yo kapag nakikita ka na, DJ Donna?” Basa ko sa isang text message ng isa kong ka-harty at napapisil ako sa tungki ng ilong ko. Iyan din ang tanong ko sa sarili ko dahil maski ako ay walang idea. “Alam mo, ka-harty? Pag-iinarte lang naman ’yang ginagawa niya. Akala naman niya ay ikinaguwapo niya kapag magsusungit na siya? Psh. Kapag ayaw niyang suyuin mo siya, eh hayaan mo na siya. Iyang klase ng mga tao ay hindi mo dapat binibigyan ng oras dahil magsasayang ka lang naman ng laway mo!” Tumunog naman ang ringtone ng cellphone ko na gamit ko rito sa studio at sinagot ko na iyon.

“DJ Donna, lalaki po ako at babae po ang susuyuin ko, hindi lalaki. Hindi naman po ako bakla, eh.” Napasampal ako sa noo ko. Masyado akong nadala sa emosyon ko dahil ang engineer na iyon talaga ang laman ng isip ko mula pa kanina! Gosh, ano raw ang sinabi ko?

“Ay sorry po, ka-harty,” paghingi ko nang paumanhin na sinabayan ko pa nang pagtawa para hindi ako masyadong mapahiya. “Ganito ang gagawin mo, alam mo naman siguro ang lahat ng gusto niya at subukan mong i-surprise siya. Humingi ka sa kanya ng paumanhin kung may nagawa ka ba na ikinagalit niya dahil baka rin ay nagtatampo lamang siya.”

“Sige po, DJ Donna. Gagawin ko po iyan. Thank you at sana ganoon din po ang gagawin mo sa lalaking nagtampo rin sa inyo. Salamat ulit!” Parang naging isang bulate ako sa narinig ko. Napaghahalataan na yata ako, eh.

Sunod-sunod na nga ang natanggap kong messages mula sa kanila at ang iba kinikilig dahil mukhang may lovelife na raw ako. Alam naman nila na single ako and no boyfriend since birth pa.

“Ang kulit talaga nila!” sambit ko at nagkukulay kamatis na nga ang pisngi ko, tiyak ko naman ito. Kasi ang iba ay nag-c-cheer up na sa akin. I-update ko raw sila kapag naging kami na ng lalaking nagtampo sa akin. Tse!

Tumayo na ako at naglakad ako patungo sa ref. May ganito naman talaga sa loob kasi minsan ay hindi na ako lumalabas pa. Kompleto rin naman ang mga gamit dito sa loob. Binuksan ko ang ref at inilabas ko roon ang tupperware na niluto kanina ni Ate Zedian.

Chicken curry lang iyon at ang gagawin ko ay paiinitin ko lamang iyon. Inilipat ko ang laman niya sa stewpot. Gumapang ang kaliwang kamay ko para makalapit naman ako sa stove. Gamay ko naman ang trabahong ito kaya hindi ko mapapahamak ang sarili ko kahit wala akong nakikita.

Minsan pa nga ay akala ng lahat ay mayroon talaga akong nakikita. Hindi naman kasi halata na bulag ako dahil nagagawa ko pa rin ang mga bagay na gusto ko. Iyon nga lang ay wala naman akong nakikita na kahit na ano. Pero seryoso ako sa sinabi ko na may maliit na liwanag akong nakikita.

Hindi ko na sinabi pa kay Kuya Hart dahil baka kung mawala ito ay sabay-sabay na naman kaming malulungkot dahil senyales iyon na hindi na talaga ako gagaling pa. Na habangbuhay na talaga akong magiging bulag.

Mamamatay pa yata ako sa mundong ito na hindi na babalik ang paningin ko. Gusto ko pa naman na makakita kahit isang beses lang naman bago ako lumisan.

Pero alam kong matagal pa naman iyon. Siguro magdadasal na lamang ako palagi.

Nang matansya ko na ang oras ay saka ko pinatay ang stove. Kumuha pa ako ng plato at nagsandok na rin ako ng kanin.

Lumapit ako sa table at doon na ako nagsimulang kumain. Hindi ko na napansin pa ang presensiya ng isang tao na kanina pa yata nanonood sa bawat kilos at galaw ko. Kung hindi lang siya nagsalita.

“Hindi mo man lang ba ako yayayain na kumain, DJ Donna?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top