Chapter 9
Kunot noo akong nakatingin kay kia at kenneth, naniningkit ang mata ko habang tinititigan sila.
Pupusta ako. Endgame dalawang 'to.
Well. Mamayang gabi pa naman alis namin ni maverick, so tinakas muna ako ni kia. Pumunta naman si maverick sa company niya, manila area lang din. Para i-check ang mga nangyayari sa business, niya hindi lang naman kasi sa isang bansa meron ang business niya, all around. Yaman.
"Kia, ano bang pakialam mo ikaw ba si sheena?" Iritadong tanong ni kenneth kay kia, halata naman naiinis din si kia kay Kenneth. Buti nalang talaga nasa apartment lang kami ni kia, nakakahiya silang dalawa kapag nasa labas kami.
Kinuha ko naman 'yung buko shake na binili ko kanina, at ininum 'yun. Chill lang si me. I know malaki ang kasalanan ng lalaking 'to sa'kin but, hindi ko na maramdaman 'yong galit na dati kong nararamdaman sa kan'ya nung magkita ulit kami. Siguro okay na talaga ako ngayon, keri ko ibalik ang friendship siguro... 'Yong tiwala ko na talaga ang hindi maibabalik.
"Eh gago ka pala! Kaibigan ko siya aba syempre!" Inis na sigaw ni kia. Palipat lipat lang ang tingin ko sa dalawa habang umiinom ako, ewan ko. Hindi ako galit kay kenneth eh, tamang chill muna ako here, hindi ako na-stress sa kanila.
Pero mukha siya, sila ang stress sa isa't isa.
"Oo nga! kaibigan ka niya pero, bakit kailangan ko gawin ang mga inuutos mo?!" Balik na tanong ni kenneth kay kia. Okay na kami ni kenneth, binayaran niya ang perang tinangay niya. Hindi niya pinaliwanag ang totoong dahilan bakit niya kinuha ang pera ko noon, basta raw private things daw. Bahala siya atleast na-ibalik ang pera ko, with interest. Nag-sorry na rin siya kung sa iba sorry is not enough but for me it's enough lalo alam kong seryoso naman iyong tao, pinag-usapan namin 'yung about sa anak sana namin panay ang sorry niya pero wala na kaming magagawa eh. Hindi ko maiwasan malungkot kanina naisip ko bigla. Paano kung dumating sa point na gusto na ng anak ni maverick, anong gagawin ko? Natatakot na kasi ako mag-anak... Hindi ko alam kung magiging mabuting ina ako kung gano'n... 'Yong unang anak ko na pabayaan ko...
Si kenneth. May kasalanan siya may kasalanan din ako.
Kita ko naman kasi sa kan'ya nagsisi talaga siya, wala naman may gustong may mangyari masama sa anak sana namin.
Kasi kahit iwan pa ako ni kenneth at malaman kong buntis ako hindi ko papabayaan ang anak ko... Kaso huli na eh...
'Yun ang plano para sa'kin eh, alam ko naman safe ang baby ko sa kamay niya. Sinabi ko kung saan ko nilibing ang baby namin, pupuntahan agad daw niya pagkatapos namin dito.
Kaso paano matatapos puro sila bangayan.
"Aba! Syempre ako nag-alaga sa bestfriend ko, sinaktan mo 'yan punyeta ka!" Sigaw ni kia. Ay jusko! Pusta talaga ako endgame sila.
No issue sa'kin kung makatuluyan ni kia ang ex ko, I don't care. As long I'm okay.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw naman ni kenneth. Woah! Nagiging intense ang laban! Aawatin ko ba?
Mamaya nalang, wala pa naman nagpapatayan.
"Punyeta ikaw ang makapal! Umuwi ka pa dito hayop!" Sigaw naman ni kia, grabe parang napapanood ko lang sa T.V 'yung mga may kabit na peg.
Ang funny nila, natutuwa ako sa nakikita ko. Lakas din ng topak ko.
"At bakit hindi ako uuwi? Dito ako lumaki!"
"Shut up punyeta! Maputulan ka sana ng tit-"
"Oy kayong dalawa tumigil kayo!" Awat ko. Ay namimiss ko lang bangayan namin ni maverick kaso nangako ako na hindi ko na rarambulin ang isang 'yun. Kawawa naman kasi, asawa ko pa rin 'yun.
"Sheena. Awatin mo nga 'yang kiti-kiti mong kaibigan." Utos sa'kin ni kenneth, kaya binato ko sa kan'ya 'yung bottle na iniinuman ko kanina.
"Kapal mo. Ayos na tayo pero, makapal ka." Sabi ko at umirap.
"Oh 'di ba? Sabi ko sa'yo makapal ka!" Sigaw ni kia, natawa ako. Tumigil lang ako sa pagtawa ng mag-ring ang cellphone ko.
Si maverick nga pala.
"Hi." Masiglang sagot ko, miss ko na siya kahit papaano naman nasanay na akong nasa tabi ko lang siya.
"Hindi tayo tuloy mamaya, may nangyari nothing important naman." Ay. Sayang.
"Are you done na?" Tanong niya.
"Hindi pa."
"Oh okay, take your time. I love you." Ngumiti ako.
"Thank you." Nakangiti kong pinatay ang tawag, alam naman ni maverick 'yun. Naiintindihan niya ako, masyado pa kasi ako magulo ngayon hindi ko pa sigurado kung kaya ko na ibigay ang tatlong salita sa kan'ya.
Basta ang alam ko sa ngayon, masaya ako at gusto ko siya. Naguguluhan pa ako masyado sa nararamdaman ko.
"Inom tayo." Wala sa sariling imik ni kia, gaga talaga pero well...
Miss ko na din uminom, the last time I checked na uminom ako is nung gabing na-aksidente ako.
"Beer lang?" Tanong ni kenneth, tumungo naman ako. Wala sa sarili akong napangiti, gantong ganto kami nung college kami, hindi naman kami masisira kung walang nangyari sa pagitan namin ni kenneth pero, okay na ako sa lahat na nangyayari.
Alam kong may plano sa'kin si lord, at isa na doon ang makilala si maverick.
Siguro, hindi talaga kami para sa isa't isa ni kenneth, it's better na mag-stay kami as a friend and nothings more about that.
"Ako na bibili." Tumayo si kia, nagtaas naman ako ng isang kilay dahil tumayo rin si Kenneth.
Aha! Kapag talaga ang dalawang 'to! Nako!
"Sama ako." Sabi ni kenneth, agad naman siyang tinarayan ni kia.
"Dito ka, hindi kita kailangan sa pagbili."
"Bakit ba? Tska hindi rin kita kailangan 'yung beer ang kailangan ko." Sagot ni kenneth agad ako natawa dahil halata sa mukha ni kia ang inis. Siguro wala nang maisagot ang babae na 'to.
"Mga siraulo, magsama na kayo nahiya pa kayo gusto niyo lang ng bebe time." Pang-aasar ko, umirap agad si kia. May napapansin talaga ako pero, no comment muna ako.
Since ayoko maging ma-issue.
"Tara na punyeta ikaw magbabayad." Mariin ko kinagat ang pang-ibabang labi ko, shit gagi inis na talaga si kia. Sa tagal ko ba naman kasama si kia sa buhay ko kilalang kilala ko na siya, wala naman kasi akong kapatid kaya si kia ang lagi kong kasama sa lahat.
Kahit nag-iisang anak ako hindi naman pwedeng lagi lang ako nasa tabi ng magulang ko.
"Of course, my lady..."
Kenneth gago bad mood na ang kaibigan ko 'wag mo asarin.
Pigil na pigil ako nang tawa dahil sa reaction ni kia, gagi gusto ko na tumawa kaso baka ma-badtrip lalo.
"Tangina ka."
"Kia tumaba ka." Puna ni kenneth.
"Hoy hindi kaya, chubby lang si kia." Sabi ko, kasi sasabog na talaga si kia.
"Punyeta ka! Pakialam mo kung tumawa ako? And narinig mo ba sabi ni shenna?! Chubby lang ako!" Galit na galit na sigaw ni kia habang nanlilisik ang nata na nakatingin kay kenneth.
"Nye nye—"
"Hoy gago!" Hindi ko na napigilan tumawa dahil sa sinagot niya, gagi! Grabe! Ang lutong ang laki talaga ng galit ni kia kay Kenneth.
"Punyeta ka talaga, kenneth."
"Woah chill, babe." Tumatawang sabi ni kenneth nakitawa rin ako, mabilis din ako tumigil ng mabilis umalis si kia at lumabas sa apartment.
"Tange ka!" Sigaw ko kay Kenneth tawa lang ang sinagot niya sa'kin at sumunod kay kia.
Napailing nalang ako.
"Enemies to lovers ba peg nung dalawa?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top