Chapter 4
"So... You like it?" Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang panood sa laptop ko, bahala siya. Badtrip ang gago, siraulo ba siya?!
Ba't pa kasi nandito 'to? 'Di ba may contract signing pa 'to mamayang 3:00 PM sa network kung saan siya mag-work, ang gago hindi pa ayos, lakas.
"Come on, wifey. Talk to me," dagdag pa niya, napairap naman ako.
"Tagalog only." Sabi ko, nag-e-english na naman siya, ay jusko.
"Aking munting minamahal na asawa, nagustuhan mo ba ang halik na ating pinagsaluhan?"
Mas lalong sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niya, para akong sirang dirining-diri habang tinititigan siya.
"Gago kaba?" Hindi ko makapaniwalang sabi, sabi ko tagalog, wala akong sinabing maging maginoo siya, dahil hindi bagay, agwa uy!
"I'm not. Sabi mo tagalog only." Inosenteng sagot nito, napaawang naman ang bibig ko.
Ba't nga ba ako pumayag maging asawa nito? Tita, pakiuwi na ulit ng anak niyo jusko po!
"Gago ka. Sabi ko mag-tagalog ka lang wala akong sinabing maging maginoo ka, mukha ka namang sira, para kang palaka!" Inis kong sabi sa kan'ya, umawang naman ang bibig niya habang titig na titig sa 'kin.
Natigilan naman ako, naging malungkot ang mukha nito at mukhang nag-iisip.
Hala ka, Sheena, inaway mo 'yung palaka. De joke lang, sumobra na ba ang bibig ko? Well deserve, walang magmo-move-on sa two years!
"Oh, ano nangyari sa 'yo?" Mahinahon kong tanong nang hindi siya umimik, hindi naman niya ako sinagot at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at lumakad papunta sa isang cabinet kung nasaan ang damit niya.
Kumuha siya ng white v-neck shirst, black pants, and underwear niya bago walang lingon-lingon na pumunta sa bathroom.
So ako pa ang manunuyo? Ako pa ang inartihan niya, wala pa kaming halos isang linggo magkasama tapos ako ang manunuyo? No way! E 'di 'wag niya ako kausapin pakialam ko naman.
Pinagpatuloy ko nalang ang panonood ng k-drama, bahala siya sa buhay niya.
Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at lumabas si Mav, akala ko papansinin niya na ako pero, deadma pa rin. Wow ha! Kala niya gwapo siya?! Oo yummy siya pero wala akong pakialam! Masyadong mataas ang pride ko para suyuin siya.
Kahit deretsyo ang ulo at mata ko ay nasa laptop ay pasimple ko naman siyang sinisilip. Pinanood ko siyang lumakad sa table kung saan ako nag-aayos, ngayon ko lang napansin na nanro'n na rin ang gamit niya.
"Hoy!" Hindi siya lumingon, galit nga talaga siguro. So manunuyo ako?
Hindi pwedeng gano'n, isip Sheena ng paraan!
Agad naman sumilay ang ngiti sa labi ko ng makaisip ako ng paraan. Marahan akong umurong papunta sa pinaka gilid ng kama at marahan na bumaba hanggang sa makaupo ako sa sahig, kinuha ko 'yung dalawang libro na nakapatong sa drawer, bago inayos ang pwesto ko sa sahig at nilingon si Mav na busy sa pag-aayos.
"Hoy!" Isa.
"Maverick!" Dalawa.
"Hoy, Maverick!" Tatlo.
Malakas kong binagsak ang dalawang libro.
"Aray ko!" Sigaw ko at humawak sa balakang kong, agad ko naman siya nakitang napatayo sa inuupuan at mabilis pa sa kabayo na agad pumunta sa harap ko.
"Sheena, saan ang masakit?" Agad nitong tanong, halata sa mukha ang pag-aalala.
Gago! Natatawa ako sa kalokohan na naisip ko para pansinin niya ako! Bawal tumawa! Pigilan mo.
"Ang sakit..." Pumikit pa ako habang sinasabi 'yun, hinawakan ko ang balakang ko, kunwari ay nasaktan talaga ako roon.
Naramdaman ko naman ang dalawang braso niya na binuhat ako bago marahan na inupo ulit sa kama.
Aha... Hindi ako nanuyo, ang galing ko talaga
"Saan masakit?" Seryoso ang mukhang tanong niya, agad ko naman tinuro ang balakang ko, kasi alangan naman sabihin ko na sa kamay ko 'di ba? Like bobo lang kanina pa ako nakahawak sa balakang ko 'no.
Marahan niya ako sinandal sa headboard ng kama pinanood ko naman ang bawat galaw niya, inilagay niya ang dalawang kamay sa kabilang side ng balakang ko at sinimulan hilutin 'yun.
Ay grabe galing ko talaga, may free massage pa ako.
"'Di ba aalis ka pa?" Tanong ko, baka nakakaabala na ako masyado. Oo siraulo ako pero ayoko naman masira career niya sa buhay 'no.
"Ayaw mo naman kasi sumama." Dahilan niya habang ang mga mata ay focus sa paghihilot, ngumiwi naman ako.
"Siraulo, Mav. Showbiz ang papasukin mo, model kana at sikat kana. Ngayong showbiz ang papasukin mo mas sisikat ka pa." Sabi ko, totoo naman. Dati nung aspiring model and talent pa lang ako, medyo magulo na rin agad paano pa kaya ngayon sikat na sikat kana 'di ba, mas magulo.
Hindi siya umimik at nag-focus lang talaga siya sa ginagawa niya, infairness magaling siya ha.
Lumingon ako sa orasan gano'n nalang agad kabilis lumaki ang mata ko ng makita ko ang oras.
Siraulo mag-twelve PM na! Siraulo talaga Maverick!
"Tama na, uy! Sasama na ako, tara na!" Aligaga kong sabi, para naman siyang batang binigyan ng lolipop sa sobrang saya ng mukha niya.
Marahan niya akong inalalayan tumayo, kinuha niya ang yellow na sandals ko at isinuot sa 'kin, kinuha niya ang wheelchair ko at marahan akong inalalayan hanggang sa makasakay ako.
Tinulak niya ako hanggang sa tuluyan kami makababa, may elevator sa bahay dahil pinagawa sadya 'yun ni Papa, para raw hindi ako mahirapan.
Hanggang sa sasakyan ay inalalayan niya ako, mabilis lang din kami nakarating sa pinaka main building kung saan gaganapin ang signing contract, live ang magiging signing contract, mapapanood agad siya sa tv.
Tulaktulak ako ni Maverick hanggang sa makarating kami sa loob, dala naman ng P.A niya ang mga gamit niya.
"Mav, who is she?" Tanong nung lalaki, gay yata, ewan. Siguro siya 'yung manager ni Maverick.
"My wife."
"I thought single ka..." Gulat na sabi nung lalaki.
"Nakalagay sa papel na pinermahan ko sa 'yo na, I'm already married." Seryoso ang mukha niyang sagot, palipat-lipat naman ako ng tingin sa kanila.
"I'm sorry hindi ko yata na-check nang maayos, nice meeting you Mrs. Francia." Ngumiti siya sa 'kin, ngumiti rin naman ako.
"Just be careful Maverick, hindi natin pwedeng sabihin sa media na kasal ka, ingatan mo ang privacy ng asawa mo, basta kapag may problema sabihin mo agad sa 'kin. Just be careful, hindi basta-basta ang pinasok mo. Showbiz ito, Maverick, magulo ang mundo ng showbiz, sikat kana mas sisikat ka pa." Paalala nung manager sa asawa ko, ewan ko bigla ako kinabahan.
Showbiz, magulo ang showbiz, paano 'yun? Magtatago nalang talaga ako gano'n?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top