Chapter 27
Pagang-paga ang mata ko nang umuwi ako sa bahay ni maverick, walang tao roon dahil wala muna tumutuloy roon. Desidido na ako sa desisyon ko.
Lalayo muna ako, kung... Magpapatuloy ako sa pag-stay rito baka ma-stress lang ako at mapabayaan ko pa ang anak namin.
Ayoko na rin maging abala para sa asawa ko, kay maverick. Masyado na akong pabigat sa kan'ya.
Ika-ika na nga maglakad ang asawa niya wala pang-kwenta. Ba't pa ako nandito sa buhay niya kung gano'n wala naman pala akong silbi.
Mabilis ako humiga sa kama ng kwarto namin nang makapasok ako, hindi pa ako nagtatagal sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko.
Hindi ko na tinignan ang tumatawag dahil, nyeta hindi ko na maaninag. Basta sagot nalang.
"Sheena, asan kang buntis ka?" Sa boses pa lang alam ko ng si ate felicia ang tumawag. Hindi ako sumagot.
Hindi ko maintindihan sarili ko ba't ba ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng ex-girlfriend ni maverick.
Like, gago? Ex lang naman siya, asawa ako. Tapos papatalo ako sa mga pinagsasabi niya?
Pero, what if tama rin naman siya? Pero nyeta ba't ba ako nakikinig doon, jusmiyo. Sinasaktan ko lang sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko.
"Hindi na matali asawa mo kakahanap sa'yo! Kaunti nalang mananakit na asawa mo!" Aligagang sigaw niya, hindi pa rin ako umimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit narinig ko na nag-alala at kanina pa ako hinahanap ni maverick hindi ko magawang mag-react or magsalita lamang.
Gulong-gulo ang utak ko ngayon, parang nawawala ang utak ko ng 'di oras. Jusmiyo.
Bago ko permahan ang papel noon alam kong mahihirapan ako sa buhay ko kapag nagsama na kami ni maverick.
I'm the billionare's wife. A non-showbiz wife. Ang hirap lang na medyo hindi ko ma-kontrol ang emosyon ko ngayon na dapat iniintindi ko ang nangyayari dahil asawa ko iyon, at alam ko talaga ang magiging situation once na umagree na ako sa arranged marriage ng mga magulang namin.
Pero eto ako ngayon parang mababaliw na kakaisip, bwisit na iyon. Tangina, Avon iyon. Panira ng utak. Napaka baliw niya palibhasa hindi pinili.
"Ate, need ko—"
"That's my wife?"
Ampota. Nag-dra-drama pa ako, maverick. Huwag atat, uuwi rin naman ako kaai na-realized ko rin na. Tanga ko naman sa part na paniwalaan ko ang bruha na obsessed sa asawa ko, gaga na iyon.
"Wifey, Love. Asan ka ba?" This time sure ako na si maverick na ang may hawak ng phone. Bwisit, narinig ko lang boses niya parang gusto ko na agad umuwi.
"Huwag muna ngayon." Sabi ko, huwag muna ngayon kasi rurupok ako gago. Inalalayo nga muna sarili ko para iwas stress at gulo, tska pakiramdam ko kapag nilayo ko sarili ko ang iisipin ng babaeng iyon ay iniwan ko na talaga si maverick.
Sige lang, isipin niya lang na gano'n ang ginawa ko. Asa naman siyang iiwan ko si maverick dahil sa sinabi niya at magiging kan'ya na ulit si maverick. Matulog nalang siya at managinip.
"Why? Are you leaving me right now?" Jusmiyo.
"Hindi!" Aligaga kong sagot. Napaka naman nito.
"Pinuntahan ako nung bruha mong ex-girlfriend kanina."
"Avon? The hell! Did her hurt you?" Tanong agad niya, halata sa boses na naiinis na parang galit siya.
"OA!"
"Then, anong ginawa niya sa'yo?" Tanong niya, ngumuso naman ako.
Pinamukha niya lang naman sa akin na wala akong kwentang asawa, wala akong kwentang ina, wala akong kwentang babae, at pinamukha niya sa akin na kasalanan ko ang lahat-lahat, simula sa nangyari sa anak ko pati na rin sa buhay mo.
Hindi ako nasaktan physical, emotional. Oo. Sobra-sobra pa.
"Wala..." Lumiit ang boses ko, bawat salitang lumabas sa bibig ng babaeng iyon naririnig ko pa rin.
Bwisit siya. Kung hindi lang talaga ko buntis baka pinatulan ko na siya kanina.
"You sure?"
"Yeah." Sagot ko.
"Love, asan ka ba talaga? Uwi kana or sunduin kita, you choose." Offer niya pa, napairap ako. Sinabi nang huwag muna ngayon, jusmiyo maverick. Atat ako makasama?
Well atat din naman ako kaso huwag muna talaga, masyado magulo ngayon.
For our baby, lalayo muna ako. Ayoko ma-stress 'no, ayoko maulit ang nangyari noon.
"Maverick, ayusin mo muna problem mo okay? Iyong contract mo sa network ayusin mo muna, make a good decision, okay? For your happiness, piliin mo ang gusto ng sarili mo hindi dahil sa akin, okay? Ayusin mo muna lahat-lahat saka tayo magkita, I love you." Hindi ko na siya tinapos magsalita at agad ko na pinatay ang tawag.
Nakahinga ako nang maluwag habang tinititigan ang cellphone ko.
Make a good decision, Maverick. Kung gusto mo ituloy ang pangarap mo, ituloy mo lang.
Nandito ako bilang asawa mo para supportahan ka.
***
Inis akong bumangon sa pagkakahiga sa kama ko dahil sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko. Ako lang naman kasi mag-isa sa luma namin mansion ni maverick kaya wala akong ginawa kundi umorder ng pagkain online, matulog, at mag-online shopping lang kasi bored na bored ako.
It's been four days simula ng umalis ako sa puder ni ate felicia at magtago muna rito, si maverick naka mute sa lahat ng account ko maski number niya naka mute sa akin, madalas pinapatay ko ang tawag dahil baka malaman niya ang location ko.
E di nasayang ang pagtatago ko kung mahahanap niya agad ako dahil sa lintik kong cellphone.
Tapos ngayon nalimutan ko patayin bago ako matulog. Jusmiyo.
"Hello?" Inis kong sagot habang nakapikit pa rin, hindi ko na tinignan kung sino tumawag at wala naman akong pakialam kung sino ito.
"Sheena! Asan ka?" Mabilis ako napadilat dahil sa boses na narinig ko.
Punyeta.
"Problema mo, Kenneth?!" Inis kong sigaw, aba tatawag para lang sigawan ako. Ibalibag ko 'to ng 'di oras eh. Punyeta siya, akala niya nalimutan ko lahat ng kasalanan niya, nung una medyo okay kaso nung may narinig ako. Kingina niya.
"Where are you?! Fuck, sheena—"
"Tangina mo, huwag mo ako ma fuck-fuck d'yan!" Sigaw ko, bwisit na 'to. Panira na nga ng tulog tapos minumura pa ako kala mo naman okay na okay kami. Hayop na 'to.
Nainit agad ang ulo ko.
"Sheena! Alam kong narinig mo kami!"
"Alin?" Nakapikit ko pa rin sigaw, dahan-dahan ko pa lang minulat ang mata ko saka pumikit-pikit.
"Nung gabi! Nakita, kita roon sa gilid nakikinig ka! Narinig mo lahat 'di ba? Totoo ang lahat ng iyon, now tell me asan ka?" Para siyang galit sa boses niya, hindi agad ako nakaimik at napakurap-kurap nalang.
Nakita niya ako!
"Ano bang kailangan mo?" Pilit ko pa rin pinapagaan ang boses ko.
"We need to talk, it's not about us. It's about me and Kia, Sheena..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top