Chapter 26

Dalawang linggo ang lumipas at dalawang linggo na rin ako nakatambay sa bahay ni ate felicia, lalo't alam na niyang buntis ako. Hindi na ako makatakas, bwisit.

Si maverick naman binibisita ako kaso hindi nagtatagal dahil nakikipag-ayos pa siya sa network tska sa manager niya sa lahat-lahat.

Until now, hindi niya alam na buntis na ako sa anak namin, tangi si ate felicia, kia, at ako pa lang. Maski yuki hindi niya alam na buntis ako.

"You know what, kaunti nalang masasapak ko na iyong baliw na ex-girlfriend ni maverick, like. Hindi ba siya nahihiya? She ruining her name! Marami ng evidence ang lumabas na walang katotoohanan ang mga article na pinagawa niya but pinagpipilitan niya siya ang legal, like what the fuck?!" Sunod-sunod na sabi ate felicia. Hindi ako nakaimik.

Halatang galit siya, gago.

"Obsessed nga, ate." Si Yuki na nakikikain sa pagkain ko, gusto ko talaga siya sipain paalis sa tabi ko dahil naiinis ako, kinakain niya iyong santol ko. Binili pa ni maverick ito para sa akin tapos makikihati siya.

Kaso pinipigilan ko lang sarili ko. Kahit naiinis na talaga ako.

Sabi kasi ni kia sa akin normal lang iyon gawa buntis ako.

Isa pa iyong babaitang iyon isang linggo na walang parandam sa akin tapos itong lintik na kenneth na ito. Text nang text at hinahanap sa akin si kia.

Mukha bang alam ko nasaan ang kaibigan ko, bwisit na kenneth 'to. Malaki pa kasalanan niya sa akin ha lalo na sa nalaman ko pero bahala na sila.

Basta sa ikakasaya ni kia. Ayoko naman malungkot at masaktan nalang lagi si kia. Isa pa alam ko na iying rules ni kia sa sarili niya ay never niya sisirain, kahit masaktan pa siya.

"Sheena, anong sabi ng parents mo?" Tanong ni ate felicia. Inuluwa ko muna ang buto ng santol saka nagsalita.

"Wala naman sinabi ate, hindi rin naman alam nila Mom and Dad nabuntis na ako, tska ang alam nila ay iyong sa issue pero alam din naman nilang hindi ako papabayaan ni maverick." Pagsasabi ko ng totoo.

"Takshit kasi iyong si Avon, kaya iniwan ni kuya noon eh." Si Yuki na naman.

Akmang kukuha na naman siua sa kinain ko nang ilayo ko iyo. Ang dami na niua nakain.

"Yuki, huwag mo agawan si sheena."

Ngumuso naman siya. Napailing nalang ako.

"You have your own money, Yuki. Bumili ka nang sa'yo." Deklara sa kan'ya ni ate felicia, tumungo naman ako bilang magsang-ayon.

"Ayoko nga lumabas, pabili nalang tayo sa man—"

"Baliw, huwag mo idamay iyon. Huwag mo idamay pagiging broken mo sa santol ng buntis na." Tinuro niya ako habang seryosong nakatingin kay yuki na nakanguso na ngayon.

Ampota, grabe naman sa buntis pero buntis naman talaga ako.

Ang hirap din pala mabuntis tapos iyong katawan ko laging hinahanap ang mukha at amoy ng asawa ko. Ampota naman kasi, nakaka-jusmiyo na iyong issue hindi matapos-tapos.

"So boring." Si Eiliana na kakalabas lang sa bathroom. Kakatapos niya lang kasi maligo.

"You choose to stay here, Eiliana. Walang namimilit sa'yo." Pagtataray ni ate felicia, nag-irapan naman silang dalawa. Hindi ko talaga sila madalas ma-gets, magpinsan ba sila o magkakaaway?

Lagi na kasi sila nagbangayan lalo na si Eiliana at ate felicia.

"Ate naman, nagpanggap nga akong may sakit para hindi matuloy iyong photoshoot para makasama ako sa inyo!" Dahilan niya, hindi naman ako umimik at tuloy lang sa pagkain.

"Ulol, Eiliana. Ayaw mo lang makita si Noah!" Tumatawang sigaw ni Yuki, kumunot naman ang noo ko pati na rin si ate felicia.

Sumama agad ang mukha ni Eiliana at inirapan si yuki, taray talaga ng mukha niya sa totoo lang. Mukhang masungit lagi si ate felicia kasi hindi siya palangiti pero si Eiliana iba iyong pagkataray ng mukha niya, mataray na hindi nakakasawang titigan dahil sa sobrang ganda.

"Oh, anong nangyari sa inyo ng boyfriend kuno mo?" Tanong ni ate felicia sabay ngumisi, halatang nang aasar siya. At kung hindi ako nagkakamali.

Noah? Jowa kuno ni Eiliana, iyong sinasabi niyang boyfriend niya kahit wala silang label.

Ewan ko, iyon madalas marinig ko sa kanila kapag nagtatalo silang tatlo kasi kapag magkakasama kami anim, si danaya ang pinaka tahimik at nag-aaral silang dalawa ni alisha, habang si ate felicia halatang nang aasar pero seryoso pa rin lagi ang mukha, si Eiliana iyong madali mainis, habang si Yuki iyong taga buking ng sekreto.

Kaya panget kabonding si Yuki, sinasabi niya ang totoo, buti na nga lang hindi niya sinasabi kay maverick na buntis ako eh.

Bukas may check-up ako, kung hindi magpapakita si kia baka si Yuki nalang muna isama ko sa check-up.

Excited na akong malaman ni maverick na magiging daddy na siya. Once na maayos na talaga ang issue sasabihin ko na agad sa kan'ya, alam kong stress na stress na ang lalaking iyon kaya nagbabaka sakali ako na kapag nalaman niyang buntis ako mawala stress niya.

Baka lang naman.

Nagbangayan lang sila kaya nagpaalam ako na matutulog na ako dahil inaantok na rin ako.

Pagkahiga ko pa lang sa kama ay agad din naman kinain ng antok.

Kinabukasan alas-otso pa lang ng umaga ay umalis na ako sa bahay ni ate felicia, wala akong kasama magpa-check-up dahil umalis si yuki at hindi naman nagparamdam si kia.

"Healthy naman baby mo Mrs. Francia, always drink your vitamins and milk, eat healthy food para kay baby, I know na ang isang pregnant woman ay may craving pero mas magandang more on healthy food tayo." Paalala sa akin ni Dra. Santiago saka inabot sa akin ang reseta.

Ngumiti ako saka nagpaalam na aalis na. Nagbayad lang ako sa secretary sa lobby saka tuluyan na lumabas sa clinic.

Dahil maaga pa naman ay pumunta muna ako sa isang fast food chain.

Habang kumakain ako ay mabilis kumunot ang noo ko dahil sa babaeng tumigil sa harap ko.

Kunot noo ko siyang tignan, based sa damit niyang suot halatang hindi siyang mayaman siya.

Pinagkatitigan ko siya, parang kasing nakita ko na ang mukha niya...

Super familiar—

Tangina. Ito iyong ex-girlfriend ni maverick.

"Hindi ko talaga matanggap na papatol si maverick sa isang cheap na katulad mo." Sabi niya sa akin.

Agad naman akong kinain nang inis. Pinagkatitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Oo mas mukha siyang babae tignan sa akin, maganda ang katawan at mukha niya. Halatang anak mayaman. Hindi siya cheap tignan pero, baliw naman siya.

"I didn't know you." Pagkukunwari ko, gusto ko siya patulan kaso ayoko may makakita sa amin.

"Really? Mrs. Francia?"

"Ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong, tahimik-tahimik ko na nga tapos ito siya susugod. Potaena niya, sagad sa bato!

"Pera ba ang gusto mo kay Maverick? Kaya kitang—"

"May pera ako." Putol ko.

Ngumisi siya saka mahinang tumawa. "Really? If I'm not mistaken, ninakawan ka ng ex-fiance mo noon, ilang taon ka rin nakalakad, may business pero hindi ikaw ang nagha-handle, and also... Isa kang pabayang ina." Derederetsyo niyang sabi, hindi ako nakaimik.

"I am right? Pabaya kang ina, mamatay ang anak mo noon dahil sa katangahan mo..." Dagdag niya pa, mas lalo lang ako natameme.

Kung kanina pakiramdam ko ang tapang ko pero ngayon, hindi ko alam. Pakiramdam ko ang baba ko, kasi tama siya. Tanga ako kaya namatay ang baby ko noon.

Mahigpit ako napahawak sa laylayan ng dress ko.

"I don't think so, maverick deserved a girl like you." Sabi niya at ngumisi.

"Pabaya kang ina, paano kung magka-anak kayo ni maverick? Papa—"

"Hindi ko... Pinatay ang anak ko..." Mariin kong saka huminga nang malalim, narinig ko naman ang malakas na ngisi niya.

Hindi ko naman pinatay ang baby ko eh... Hindi ko ginusto iyon... Hindi ko alam nabuntis ako ng oras na iyon, marami akong problema at iniisip ng oras na iyon.

Hindi ko ginusto iyon... Mahal ko ang baby ko...

"Mas maganda siguro mawala ka nalang ng parang bula, sheena... Hindi ka nababagay kay maverick, mahina ka. Iyakin, madrama, at pahirap sa kan'ya, imagine nang dahil sa'yo handa siyang magbayad ng malaki at iwan ang pangarap niya." Sunod-sunod niyang sabi bago ako tuluyan tinalikuran.

Natulala naman ako sa kan'ya na naglalakad napalabas ng fast food chain.

Mariin kong nahigit ang hininga ko saka hindi na napigilan sa sarili ang maluha.

Potaena... Halos lahat ng sinabi niya tama... Lahat iyon tama, pahirap lang ako kay maverick... Wala akong kwentang, babae, ina, at asawa... Iyong pangarap nni maverick nang dahil sa akin maglalaho na parang bula.

Mas maganda siguro mawala nalang ako sa buhay nila...
Tama siya, hindi ako nararapat bilang asawa ni maverick, dahil isa lang akong mahinamg babae na walang ginawa kundi magreklamo at umiyak. Napaka walang kwenta kong tao...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top