Chapter 21

Masakit ang ulo ko nang magising ako, napadami kasi ang inom ko kagabi lalona nagkatuwaan talaga kaming mga babae, hindi ko na nga alam kung sino ang nagdala sa akin sa kwarto namin.

Siguro si maverick, siya lang naman ang asawa ko eh.

Ito na ang last day namin dito sa hacienda pagkatapos ay back to normal ang lahat, si maverick pagbalik may commercial photoshoot na kailangan gawin, si Eiliana may runaway model na dadaluhan sa new york.

Si danaya naman daw ay may pasok pa parehas pala sila ni alisha, pero fourth year na naman pala raw. Si danaya pala is education ang kinuha, habang si alisha is BS marketing.

Si yuki naman balik din sa normal sigurado lahat sa pagkakaalam ko may clothing line rin siya or siya ata ang nagma-manage nung clothing line ni maverick, pero sabi nila nasa isang city lang naman kami pwede pa rin naman daw kami magkita-kita kapag gusto namin.

Bumangon na ako saka naglakad papunta sa bathroom para mag-ayos, wala na naman din kasi sa tabi ko si maverick pagkagising ko siguro nauna na bumaba, bwisit iyon hindi man lang ako hinintay magising, hindi na ba niya ako mahal? Joke.

Agad akong bumaba pagkatapos ko mabilis ko naman silang nakita sa dinning area natumatawa habang kumakain, kompleto ang lahat. Ako nalang ata ang kulang.

"Good morning po..." Nahihiya kong bati, sabay-sabay naman silang lumingon sa akin at ngumiti, expect sa mga pinsan na lalaki ni maverick na kala mo laging may sama ng loob, si kalen nalang ata ang medyo ngumingiti sa akin.

Tumungo ako saka dali-daling pumunta sa bakanteng upuan sa tabi ni maverick at umupo roon.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Bulong kong tanong.

"Ginising kita kaso binato mo ako ng unan kaya lumabas nalang ako." Sagot niya habang sinasandukan ako ng pagkain.

Gago? Bakit laging masasamang bagay ang sinasabi sa akin ni maverick kapag nalalasing ako, ampota? Fake news na talaga ang asawa ko.

Kumain nalang ako at hindi na umimik, pagkatapos namin kumain ay nagkanya-kanya na ang lahat, bumalik na kami ni maverick sa kwarto namin para mag-impake ng gamit dahil uuwi na rin kami mamaya. Nauna nang umalis si Eiliana dahil maaga pa raw ang flight nito papuntang london.

"Maverick." Tawag pansin ko sa kan'ya habang nagtutubi siya ng gamit namin, kanina pa kasi siya tahimik at seryoso ang mukha. Hindi ako sanay, alam ko naman masungit at seryoso na tao siya pero hindi siya gano'n pagdating sa akin.

"Why?" Tanong nito na hindi man lang ako nilingon, ngumuso ako saka mas humiga nang maayos.

"May problema ba?" Seryoso kong tanong, alam ko naman may pagkabaliw na asawa ako sa kan'ya, aminado naman ako na madalas kaming dalawa ay puro kalokohan ang topic lalo na ako nag-uumpisa noon.

Nilingon niya ako bago binalik ang paningin sa ginagawa. "Nothing."

Meron talaga, randam ko.

Mas ngumuso ako, tumayo ako sa pagkakahiga at naglakad palapit sa kan'ya.

Puwesto ako sa likod niya at niyakap ko siya mo sa likod, naramdaman ko naman nagulat siya dahil sa ginawa ko pero hinayaan ko nalang iyon.

"Galit ka?" Nilambingan ko pa ang boses ko, baka nga kasi galit siya hindi ko naman alam nangyari kagabi kasi lasing na talaga ako baka kailangan ko na siya lambingin. Hindi na kasi ako malambing eh. Dati lanv iyon.

Hindi na ngayon.

"No, bakit naman ako magagalit?" Tanong niya, ngumuso ulit ako.

"Bakit ka nga gan'yan?"

"What?"

"Kainis namam 'to! Bakit ang tahimik mo tapos ang seryoso mo sa akin ngayon?!" Inis kong tanong, kainis naman eh.

Aminado naman akong immature ako pero pwedeng ipaintindi niya sa akin para alam ko ang gagawin ko, mabilis akong mag-overthink sa bagay-bagay baka kapag tinuloy niya ang ganitong trato sa akin ngayon ay baka nag-o-overthink na ako.

Jusmiyo naman kasi, sheena. Anong utak ang meron ka?

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kan'ya at hinarap ako. "Tumawag si Mama Helen."

"Tapos?" Tanong ko, kung hindi ako ulyanin si mama helen iyong manager niya, mabait naman si mama helen hindi nga siya nagalit na may asawa pala si maverick tska wala naman daw sa contract na bawal ang relationship kaya okay lang daw basta galingan lang daw magtago at hindi muna I-re-reveal ang relationship status ni maverick.

Para mas gumanda lalo ang takbo ng carrier ni maverick, okay lang naman ako roon kasi alam ko naman mahirap amg buhay showbiz.

"May kumalat na picture sa social media..." Mabilis nanlaki ang mata ko, gago? Anong picture?

"Ha?! Anong picture?" Taranta kong tanong, picture? Saan naman galing iyong picture? Jusmiyo.

"You and I, together. Hugging each other... Inaayos pa ni mama helen ang picture na kumakalat, may nakakita ata sa atin na taga rito rin sa lugar na 'to, don't worry hindi nakita ang mukha mo, ako lang ang nakita." Sabi niya, hindi ko maintindihan bigla akong kinabahan.

Mag-aanim na buwan pa lang simula nang mag-start siya sa showbiz, hindi pwedeng masira agad ang carrier niya, kailan pa namin mas lalong mag-ingat.

"Anong mangyayari?" Nag-aalala kong tanong, hindi na ako nag-aalala sa imagine ko, sa imagine ni maverick ako nag-aalala.

Billionaire siya, model, and actor. Masyadong kilala ang pangalan niya sa buong bansa maski sa ibang bansa matunog ang pangalan niya. Ayokong masira lang ang bagay na pinaghirapan niya dahil lang nalaman ng mga tao na may asawa siya, hindi naman sa pang-aano medyo sa ulo ko na ang mga fans, karamihan talaga sa kanila umaabot sa point na nagiging toxic sila dahil sa idol nila.

Hinawakan ni maverick ang dalawang pisngi ko at inangat ang tingin sa kan'ya. "Don't worry, okay? Magagawan ni mama helen ng solution iyon, but as of now need mo mag-stay sa mansion marami akong need na interview na gawin lalo na sa mga kumalat na picture pero, don't worry, love. Hindi kita papabayaan, hindi ko hahayaan may masabi sila sa'yo, gagawa kami ng paraan para mawala sa isip ng mga fans ang picture na kumakalat." Paliwanag niya, tumungo nalang ako at yumakap sa kan'ya, niyakap niya rin naman agad ako.

Hindi naman ako nag-aalala sa sarili ko, nag-aalala ako sa kan'ya, masira na ako huwag lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top