Chapter 2
Sheena's Pov.
"Bakit hindi kita pwede makita? Asawa naman kita." Ulit niya sa sinabi, hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ihakbang ang mga paa ko, kahit nahihirapan ay pinilit ko pa rin bilisan ang lakad ko.
Shit! Almost two years na pero, hindi pa rin ako makapaglakad, sabi ng doctor ko makakalakad pa ako pero... Nawawalan na ako ng pag-asa, kaya natatakot akong makita ni Maverick. Baka itakwil ako, e 'di nawalan ako ng bahay.
"Ano b— Bitawan mo ako!" Inis kong sigaw, bigla niya ako binuhat kaya naiwan ko ang saklay ko, shit, ano bang problema ng lalaking 'to? Ba't pa ba 'to umuwi, 'di ba masaya na siya roon sa kabit niya. Ano raw?
"Bitawan mo 'ko!"
"No! If bibitawan kita ma-hurt ka."
What?! Ang lakas ng saltik niya. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa umakyat na kami sa hagdan gano'n nalang ang gulat ko ng ipasok niya ako sa kwarto ko. Teka nga?! Paano niya nalaman ang kwarto ko?
"Oh taena ka!" Sigaw ko agad ng ibaba niya ako sa kama, na high blood agad ako! Ba't pa ba 'to umuwi? Ang kapal naman ng mukha niya!
"Wifey! Stop it! Kanina kapa nagmum- Ouch!" Daing niya ng ibato ko sa kan'ya ang sapatos ko, marahan akong umusod sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kan'ya. Pakyu siya! Two years na kaming kasal saka lang siya umuwi?! Ang kapal!
"Bakit ka pa umuwi?" Inis kong tanong habang nanlilisik ang mata nakatingin ako sa kan'ya.
"Asawa kita, of course, uuwi ako sa 'yo."
"Eh hayop ka pala eh, dalawang taon na tayong kasal ngayon ka lang nagpakita, ba't ka pa umuwi hayop ka!"
"What?! Ayaw mo ba? Umuwi na nga ako." Aba!
"Pakyu ka lumayas ka sa bahay ko!" Sigaw ko at dumampot ng unan at binato sa kan'ya. "Kanina ka pa nagmumura, and btw bakit hindi fuck you ang pag-bigkas mo?" Maarte niyang sabi.
"Minumura mo ba ako?"
"No! I me—" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil inis na inis na ako mabilis ako dumampot nang kung ano-ano at walang tigil ma pinagbabato siya.
"Hayop ka talaga! Lumayas ka! Pakyu ka hayop! Kapal-kapa ng mukha mo umuwi rito haliparot ka!" Patuloy kong sigaw, panay naman ang sigaw niya habang sinasalo lahat ng binabato ko, nang wala na akong madampot ay hinihingal akong tumigil at masama pa rin siyang tinitigan.
"Are you done?" Malambing ang boses niyang tanong, nakaka ewan ang gagong 'to, kapal-kapal ng mukhang umuwi at magpakita, ba't pa ba 'to nagpakita eh two years na kaming kasal nagpakita pa bwisit!
"Oh 'wag ka lalapit, baka masuntok kita." Banta ko nang subukan niyang maglakad palapit sa kama, agad naman siyang napa-atras.
"Wifey come on, le-"
"Wifey mo mukha mo! Wifey? Pakyu ka umuwi ka pa pagkatapos ng dalawang taon kingina ka bumalik ka kay Sofia!" Inis kong sigaw habang nakapikit dahil sa inis.
"What?! Sino si sofia?!" Sigaw niyang tanong sa 'kin maski ako natigilan. Tange Sheena, sino nga ba si Sofia.
"'Yung babae mo!" Sigaw ko, malay ko ba kung sino 'yung Sofia na sinasabi ko! Bahala na!
"What?!"
"What mo mukha mo!" Sigaw ko ulit sa kan'ya. "May babae ka lumayas ka!"
"Wif-"
"Isang wifey mo pa maghihiwalay tayo." Pananakot ko habang hindi inaalis ang masamang tingin ko sa kan'ya, agad siyang tumigil sa pagsasalita at deretsyong tumayo sa harap ko.
"Ngayon lumabas ka." Mahinahon kong utos, agad siyang tumungo at inilagay ang parehas na kamay sa mga pulsa ng suot niya.
"Fine but, babalik ako here later, may meeting pa rin ako with my new manager, so take care." Sabi niya bago naglakad palabas ng kwarto.
Agad ako nakahinga ng maluwag nang lumabas na siya, dali-dali ako umipod sa gilid nang kama hanggang sa marating ko ang side table kung saan nakalagay ang telephone.
"Manang, padala po nang wheelchair at saklay ko sa kwarto, salamat po." Sabi ko at agad binaba ang tawag, binuksan ko naman ang drawer at kinuha ang isang kahon doon.
Ang sing-sing na pinadala niya sa 'kin noon kasabay ang pagdating ng marriage paper namin na may perma niya at perma ko.
Kinuha ko ang sing-sing sa loob at sinuot 'yun sa daliri ko, ibinalik ko ang kahon at umipod sa gitna ng kama bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa.
Agad ko idinial ang number ni Kia isa sa mga kasamahan ko noon nung papasok sana ako sa pagmomodel at college friend ko rin.
Mapait akong ngumiti at nilingon ang paa ko, kung hindi sa aksidente na 'yun sana isa na rin ako sa mga kilalang model sa asia kaso, wala eh. Hindi na yata talaga para sa 'kin ang pangarap na 'yun.
Isa nalang akong babaeng walang kwenta, lagi nakaupo at nakahiga lagi sa kama, hindi makalabas mag-isa na walang alalay, hindi makapagtrabaho.
"Kia..." Naiiyak ang boses kong sabi nang sagutin niya ang tawag, oo palamura ako at malakas akong babae, malakas ang saltik ko pero may kahinaan din ako.
"Why babe? Are you crying?"
"Nandito na siya, umuwi na siya..."
"W...Who?"
"Ang asawa ko, si Maverick nandito na siya..."
"W-What? Anong reaction niya nung nakita ka niya?" Aligaga niyang tanong, bigla ko naalala ang maamong mukha niya kanina pero, hinding-hindi ko makakalimutan ang reaction niya, kitang-kita nang dalawang mata ko kung paano siya nagulat.
"Hindi ko alam," pagsisinungaling ko at bumuntong hininga.
"Gaga, paa mo may problema hindi mata mo!"
"Pinaalis ko agad siya, sinigawan ko lahat ginawa ko umalis lang siya kasi natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod ngayon alam na niya ganito ang condition ko, sikat siya, hinahangaan siya ng mga babae maski mga binababae gusto siya. Paano nalang kaya ang reaction ng tao kapag nalaman nilang kasal na ang lalaking hinahangaan nila at ganto pa ang condition ng asawa niya, lampa, p-"
"Stop it, babe. 'Wag mo isipin ang sasabihin ng tao sa 'yo, hayaan mo sila. Ang mahalaga makita mong tanggap ka ng asawa mo." Putol niya sa 'kin mas namasa ang mata ko.
Hindi ko nga gusto makita ang lalaking 'yun basta naiinis ako sa kan'ya, isa siyang impakta! Hindi ba niya alam dahil hindi siya nagpakita sa 'kin ng dalawang taon simula ng ikasal kami ay panay ang pag-iisip ko nang kung ano-ano, kasi nga ganito ako!
"Listen to me, babe. Gawin mo ang gusto mo pero, 'wag mo gagawin ang gusto ng ibang tao para sa 'yo. Hayaan mo sila sa ngayon, maging maayos muna kayo ng asawa mo, okay? Bye na muna may photoshoot pa ako."
"Bye." Pagkababa ko nang tawag siya rin pagkabukas ng pinto.
"Manang."
"Iha, narinig ko ang sigawan ng asawa mo, natatakot ka pa rin ba?" Mahinahon na tanong sa 'kin ni Manang napayuko naman ako, parang Nanay na ang turing ko sa kan'ya kasi siya ang kasama ko sa bahay na 'to.
"Hindi ko po kasi alam, masyado ako nag-iisip, Manang, ang hirap lang kasi na may asawa akong isang top model, billionaire, at ngayon papasok pa sa mundo ng showbiz."
"Hay nako, 'wag mo muna isipin 'yun, sa ngayon kailangan niyo maging maayos ng asawa mo. Narinig ko ang lahat, mali 'yung ginawa mo, alam ko naman malaki ang galit mo sa kan'ya pero, mali 'yun."
"Opo, naiintindihan ko po."
"Oh siya, maligo ka na muna, nagpa-deliver ang asawa mo ng paborito mong pagkain." Ngumiti sa 'kin si Manang bago lumabas, napangiti naman din ako dahil sa sinabi niya, pero kailangan ko muna pahirapan si Maverick.
Kasi animal siya, umuwi rito after two years?! 'Di niya alam sa loob ng dalawang taon iiniisip ko bakit parang kulang ako?! Bakit parang ang daming mali sa katulad ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top