Chapter 19

"Gago!" Inis kong sigaw. Tawa nang tawa wala naman nakakatawa.

"Wifey, I swear to god nagsasabi ako ng totoo sa'yo." Sabi niya, huminga naman ako nang malalim at sama siyang tinignan.

Anong nakakatawa roon? Pakyu talaga itong si maverick jusmiyo. Ikwinekwento na naman niya sa akin ang ginawa ko habang lasing ako, kapag nalalasing kasi ako ikwinekwento talaga niya sa akin pagkagising ko.

Ayoko naman siya paniwalaan dahil imposible na gawin ko iyon. Gano'n na ba ako atat mag-ano kaya ako na nagyaya sa kan'ya? Ha! Gago siya, asa siyang yayain ko siya eh babae akong medyo pabebe kayo hindi ako papayagn na ako ang magyaya 'no.

Kaya hindi ako naniniwala sa ikwinekwento niya sa akin. Imposibleng gawin ko iyon.

Si sheena na maganda na pabebe, magyaya kay maverick? Asa siya, hindi niya keri ang beauty ko.

"Believe me, wifey. Next time I will put camera na." Sabi niya pa, aba may oa ebidensya pa.

"Subukan mo..." Nagbabanda kong tono. "Sa labas ka talaga tutulog, maverick..." Diininan ko talaga ang pangalan niya para tumigil na siya sa kakatawa.

"Okay, I'm sorry na."

"Saan ka galing kagabi?" Tanong ko, aba kaya ako naglasing dahil sa kan'ya, ikaw ba naman iwan ng asawa mo na parang bata lang.

Nakakatampo siya ng malala.

"Sa isang hacienda, pahangin lang." Sagot niya, gutom na ako pero inunan ko makipagtalo sa lalaking 'to.

"Bakit ka umalis bigla?" Tanong ko, huminga naman siya nang malalim. Gusto ko agad matawa nang lumapit siya sa gilid ko at niyakap ang dalawang braso sa bewang ko.

Ngumuso siya at hinalikan ako sa labi. "Nagseselos ako, pumunta tayo here because gusto natin mag-bonding with my family and also para mas lalo natin mabigyan ng time ang isa't isa but, you're talking with kenneth, your stupid ex-boyfriend. That's why I'm jealous." Deretsyo niyang sagot, tumungo naman ako.

Iiwasan ko na talaga masyado si kenneth, isa kasi iyon sa pinag-usapan namin ni maverick, once na may problema sasabihin sa isa't isa, kapag hindi maayos ang pakiramdam sasabihin sa isa't isa. Kapag may iniisip na hindi kaya solusyonan mag-isa sabihin sa isa't isa at kapag nagseselos sabihin din, iyon kasi ang na isip namin dahilan para mas maging okay kami sa isa't isa.

Dapat laging open sa asawa.

Walang sekreto. Gano'n.

"Huwag ka na magselos, may pinag-usapan lang. Tska si kia kasi inaalala ko, kasama siya ni kenneth." Pagsasabi ko ng totoo. Iyon naman kasi talaga, si kia kaya kamusta? Nakauwi na kaya sila?

"Teka nga muna." Paalam ko saka tumayo sa pagkakaupo sa kama para kunin ko ang cellphone kong naka-charge.

Mabilis ko naman binunot iyon saka bumalik ulit sa kama. Tinaasan ko naman ng kilay si maverick na seryosong nakatingin sa akin.

"Si kia ang tatawagan ko." Baka mamaya magselos na naman siya. Tumungo naman siya at umayos nang upo bago ako pinaupo sa tabi niya. Mabilis kong idinial ang number ni kia, nakailang ring muna bago niya sagutin.

"Good morning, nakauwi ka na ba?" Tanong ko, naghihintay ako ng sagot pero wala akong narinig. Anong nangyari? First time ata manahimik ni kia.

"Hello?" Tahimik talaga, parang may mali. Imposibleng manahimik basta si kia. "Uy!" Gagi, medyo nag-aalala na ako ha. Jusmiyo.

"Uhm... Hindi pa ako nakakauwi..." Sagot niya, gagi? Ba't gano'n boses niya? Parang kakagaling lang sa iyak at malungkot.

Kumunot ang noo ko nang isiksik ni maverick ang sarili sa akin. Humiga siya sa hita ko at tinapat ang mukha niya sa tiyan ko.

"Ano... Nasa hospital kami." Hospital? Gago? Legit? Gagi? Hindi nga?

Potah?

"Ba't kayo nand'yan? Kami?! 'Wag mong sabihin kasama mo pa rin siya?!" Mas nagulat ako roon. Ayaw na ni kia kay kenneth kaya magugulat talaga ako simula nung umaga kahapon at hanggang ngayon magkasama silang dalawa.

"Yeah... Ano kasi kagabi ayaw niya umuwi pumunta siya sa bar ano... Nag-inom ako naman itong tange sumunod sa kan'ya kahit pinapauwi na niya ako." Pagkwekwento. Tahimik naman ako nakikinig habang seryoso ang mukha.

Gusto kong mainis kay maverick dahil randam ko kung anong ginagawa niya.

Habang ang cellphone ko ay hawak kong nakatapat sa tenga ko ay nagbaba ako nang tingin kay maverick na ngayon ay paulit-ulit na hinahalikan ang tiyan ko.

Hindi ba niya alam kung anong epekto binibigay niya sa akin? Gago 'to.

"Tapos?"

Narinig ko pa na bumuntong hininga siya, sa tinagal tagal na namin magkaibigan ni kia alam ko na kung ano nangyayari sa kan'ya.

Malungkot ito ngayon at based sa pagbuntong hininga niya, sure akong sisihin nito sa sarili kung ano man ang nangyari. Ugali niya iyon eh.

Kahit dati, nung iniwan ako ni kenneth, sinisisi niya sarili niya kasi raw kung hindi dahil sa kan'ya hindi ko makikilala si kenneth, hindi raw ako masasaktan.

Madalas sinisisi niya sarili niya kahiy hindi naman niya kasalanan, iyon ang ayaw ko sa ugali ni kia eh. Masyado siyang selfless. Lalo na pagdating sa pamilya niya, mukhang hindi na nga niya naiisip ang sarili niya.

"Ano... Nasa bar kami kagabi tapos may nang ano... Bastos sa akin." Mabilis kumunot ang noo ko at kinain nang inis.

"Hindi alam ni... Kenneth na sinundan ko siya kaya nung nakita niya akong... Binabastos... Sinuntok niya iyong lalaki kaso may kasama iyong lalaki at pinagtulungan siya... Lasing na rin kasi si kenneth at wala na masyadong lakas... Kaya ending nandito kami sa hospital, bugbog sarado siya, sheena... Natatakot ako..." Dagdag niyang kwento, itinulak ko naman si maverick pa alis sa tiyan ko saka tumayo at naglakad papunta sa balcony ng kwarto.

"Uwwi na ba ako? Kailangan mo ba ako d'yan?" Tanong ko, sisihin na naman niya sarili niya. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakakilala ko sa kaibigan ko, hanggang hindi niya napipilit ang sarili na wala siyang kasalanan hindi siya magpapakita.

Muntik na niya gawin sa akin iyon noon. Pinigilan ko lang at pinipilit siyang walang kasalanan.

Kasi wala naman talaga.

"H-Hindi... Ano enjoy niyo nalang mag-asawa vacation niyo... Sinabi ko lang sa'yo, papaalam din sana ako nang kahit one week vacation, sheena. Don't worry si ate naman mag-handle ng business natin dalawa." Aniya, gusto ko na tuloy umalis dito at puntahan siya ngayon mismo, randam ko sa boses niya ang pagpipigil umiyak.

Randam ko iyon...

"Sige lang, need mo rin ng vacation, hindi naman pwedeng ako nalang lagi 'no. Alagaan mo rin ang sarili mo." Sabi ko, huwag naman ang ibang tao ang laging isipin mo.

Kia, sarili mo naman ang isipin mo sa ngayon...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top