Chapter 17

Kanina pa kami nagdaldalan ni yuki, naikwento na ata niya sa akin lahat ng naging crush niya simula highschool siya, then simula sa first boyfriend niya, sa first girlfriend niya. Based sa kwento niya naka apat na relationship na siya, tatlo sa lalaki isa pa lang sa babae.

Lahat daw hindi nag-work, laging selos ang dahilan. Lalo na ang mga naging boyfriend niya, dahil sa sexuality niya parang lahat ng nasa paligid niya pinagseselosan ng mga naging boyfriend niya kaya wala siyang nagagawa kundi makipag-break dahil ayaw niya na nasasakal.

Good choice naman, tapos iyong first girlfriend naman daw niya niloko siya at pinagpalit siya sa lalaki.

Almost three years na raw since last relationship niya, sabi ko sa kan'ya reto ko siya sa kakilala ko kaso ayaw niya raw muna.

Sayang naman, may kilala ako sa company namin.

"Love, ayaw mo mag-swimming?" Tanong sa akin ni maverick nakakaupo lang sa tabi ko, inutusan ko kasi siyang kumuha ng pizza.

"Ayaw ko, baka malunod ako." Sagot ko, kahit medyo maayos na ang paa ko natatakot ako baka mamaya hindi ko mamalayan.

Eh kasi naman! Ayaw ko mag-swimming! Tinulakad ako kanina ni yuki ang lalim pala potaena. Buti nalang nakaahon agad ako, ayoko na tuloy doon sa pool.

Langyang bata iyon laro lang daw. Itulak ba naman ako.

"Samahan kita." Sabi niya pa, umiling naman ako. Ayoko talaga. Dito nalang ako kakain para masaya.

Mas masarap kumain kaysa lumanggoy 'no.

"Love... Since our anniversary is coming you think, mas magandang mag-celebrate tayong dalawa, na tayo lang?" Tanong niya dahilan napalingon ako, kumagat muna ako sa pizza.

Hindi ko masyado naalala iyon dahil dalawang taon naman akong hindi nag-ce-celebrate ng anniversary namin kasi nga hindi namin kilala ang isa't isa at hindi ko naman siya kasama pero ngayon na kasama ko na siya at siya pa itong nakakaalala ng anniversary namin.

Medyo engot ako sa part na iyon.

"Next month anniversary natin, wala kang schedule?" Tanong ko, mamaya may project siya or something photoshoot. Ayoko namin maging abala sa trabaho niya 'no, tambay na nga lang ako sa bahay eh kaya lang naman ako nagkakapera gawa iyong business na tinayo ko na si kia naman ang nag-ma-manage at hindi ako.

"I think wala naman, walan—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang nag-ring ang phone ko, kinuha ko iyon at agad sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Sheena... Nandito pa rin kami sa sementeryo ni kenneth ayaw niya umalis nakatingin lang siya roon sa puntod ng baby niyo..." Mabilis kumunot ang noo ko, kung hindi ako nagkakamali mag-sampong oras na simula nang tumawag siya kanina.

"Anong gagawin ko? Try mo kaya tawagan kaibigan niya." Suggest ko, wala naman akong magagawa kung hindi umuwi si kenneth eh, nandito ako sa may batangas. Oo batangas pala 'to.

Hindi ko na naman din boyfriend si kenneth para intindihin ko pa ang lalaking iyon, isa pa. Pinagseselosan ni maverick si kenneth.

"Hindi ko kilala kaibigan niya sheena, nakikita ko si kenneth ngayon sheena... Nakikita kita sa kan'ya nung panahon na iyak ka nang iyak sa puntod ng anak mo at lagi nakatulala roon... Maling desisyon atang sinamahn ko siya rito." Huminga ako nang malalim.

Tama si kia, gano'n na gano'n ako nung kakamatay lang ng baby namin, halos hindi na ako umalis sa sementeryo. Ilang linggo ako pabalik-balik doon, kung hindi pa ako pipilitin nila mommy umuwi hindi ako uuwi.

"Ibigay mo kay kenneth ang phone." Utos ko, nakita ko naman ang mukha ni maverick na biglang nagbago nang marinig niya ang pangalan ni kenneth. Alam kong nagseselos na naman siya ayaw niya lang sabihin.

Sino ba naman hindi magseselos 'di ba? Siya itong kasama ko at asawa ko pero iniintindi ko ito g ex-boyfriend ko. Wala naman akong magagawa eh, alangan naman pabayaan ko sila ni kia doon.

Tska si kia naman ang inaalala ko. Hindi siya, kasi si kia ang kasama niya eh.

"Hello, ke—"

"I'm sorry." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ako, hindi ako nakaimik dahil sa narinig. Bakit ba siya nag-so-sorry? Nakailang sorry na siya sa akin napatawad ko na siya, bakit nag-so-sorry na naman siya ngayon.

"Bakit?" Taka kong tanong, kakausapin ko lang naman siya tapos biglang nag-sorry. Gaguhan ba 'to.

"I'm so sorry, sheena... Kung hindi ako umalis at iniwan ka basta hindi ka makukunan hindi mamatay baby natin, sana buhay pa ang baby natin sana... Masaya tayo ngayon... I'm so sorry, sheena... Hindi ko naman alam na buntis ka ng oras na iyon, sana ikaw ang pinili ko imbes ang pamilya ko..." Mas lalo lang ako natahimik.

Nilingon ko si maverick na hindi na mapinta ang mukha habang nakatingin nang deretsyo sa pool. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Kenneth, matagal na iyon. Parehas tayo nagkamali, walang may gusto sa nangyari maski ako hindi ko alam na buntis ako kaya napabayaan ko ang baby natin, naging pabaya ako. Ako iyong ina hindi ikaw, ako ang may kasalanan at hindi ikaw." Sabi ko, totoo naman eh. Hayst... Naalala ko na naman ang anak ko.

Ang pagiging pabaya kong ina, paano nalang ulit ako magiging ina kung lagi ako pinapangunahan ng takot.

Gusto ko na talaga maging ina ulit kaso natatakot ako.

"Umuwi na kayo ni kia, sige na. Balikan mo nalang ulit ang anak natin kung gusto mo, bukas. Umuwi ka na. Kayo ni kia, mag-gagabi na." Utos ko, hindi ko na pa hinintay sumagot siya at pinatay na ang tawag.

Marahas akong nagpakawala nang buntong hininga saka sumandal sa inuupuan.

"You still have a connection with your ex."

Hindi ako nakaimik, ramdam na ramdam ko ang pagpipigil ni maverick sa boses niya, base rin sa mukha niya parang gusto niya magalit pero pinipigilan niya ang sarili niya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin nang deretsyo hindi man lang ako magawang lingunin.

"I'm sorry. Iyong about sa anak namin iyon." Sabi ko, tumungo-tungo naman siya.

Pero agad ako nagulat nang tumayo siya sa pagkakaupo sa tabi ko at tinalikuran nalang ako bigla.

"Maverick!" Tawag ko pero hindi niya man lang ako nilingon at tuluyan nalang akong iniwan doon.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang, alam ko naman this time na may kasalanan ako. Nagseselos iyon tao halata naman, syempre asawa ko siya may karapatan siya magselos pero, si kenneth ama pa rin iyo ng magiging anak sana namin.

Pero si maverick ang asawa ko eh... Kaya nga kami nandito para magbakasyon tapos... Hayst... Kakausapin ko nalang siya mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top