Chapter 16
Marahan akong bumangon sa pagkakahiga sa dibdib ni maverick, hindi ko napansin na habang nagdaldalan pala kami kanina at may chinichismis siya sa akin ay nakatulog na kaming dalawa.
Chismoso rin talaga ang isang 'to.
Nilingon ko ang cellphone ko ng mag-ring iyon.
Si kia pala.
"He—"
"Belinda Sheena Salvador— Francia! Asan ka?!" Sigaw niyang sabi, kumunot ang agad ang noo ko dahil sa ginawa niyang pag-sigaw.
Ano bang problema ng babaitang 'to? Tapos kailangan pa bangitin full name ko? Kasama pa apelido ng asawa ko. Jusko na babaita na 'to.
"Bakit ba?!" Sigaw ko rin tanong, naninigaw siya eh! Ang bait ko na nga ngayon, hindi na ako nagmumura kasi pinagsabihan na rin ako ni maverick na bawasan iyon dahil hindi iyon maganda.
"Gaga ka! Nandito na naman si kenneth sa apartment ko! Hinahanap ka! May usapan daw kayo!" Sigaw niya, mas lumukot ang noo ko dahil sa pagkagulo. Usapan? Anong pinag-usapan namin ng lalaking iyon?
May pinag-usapan ba kami...
Ay potah?!
"Ay gagi, kia! Sorry nalimutan ko! Tska biglaan kasi iyong vacation namin ni maverick with his family! Pasensya na kamo nakalimutan ko! Nakadalaw na kasi ako noong isang araw sa anak namin! Nalimutan ko na may usapan pala kami na sasamahan ko siya roon!" Aligaga kong sabi. Hindi naman siguro magtatampo ang anak ko kung hindi ko masamahan ang daddy niya bumisita sa kan'ya.
"Gaga ka talaga, anong gagawin ko?"
"Samahan mo muna siya, please..." Paki-usap ko, narinig ko naman ang malalim niyang paghinga.
"Sige, tutal anak mo naman ang pupuntahan namin. Nasaan kaba?"
"Sa tagaytay ata 'to, o sa batangas? Ewan ko sa pinsan ni maverick basta roon." Hindi ko alam saan talaga 'to basta sumama ako.
"Taena ka, ang gulo mo. Sige na bye, puntahan na namin baby niyo para makauwi na agad ang lalaking 'to."
"Bye, thank you!" Ako na ang nagpatay ng tawag.
Inilipag ko ang cellphone ko sa side table saka binaling ang tingin kay maverick, mabilis nanlaki ang mata ko nang makita kong gising na siya at nakatingin lang sa akin.
Nilingon ko ang orasan sa tabi ng kama, doon ko pa lang nakita na ala-una na nang hapon, hindi pa kami nagtatanghalian.
"Good afternoon..." Nakangiti kong bati, ngumiti rin siya sa akin at umahon sa pagkakahiga.
"Good afternoon, wifey. Hungry?" Tanong niya, tumungo naman ako.
Nagbihis lang muna ako kami ng bagong damit bago lumabas sa kwarto, nakasuot siya ng v-neck gray shirt habang white pants sa pang-ibaba, ako naman ay nakasuot lang ng simpleng floral yellow dress.
Sabay kaming bumaba nasa hagdan pa lang kami rinig na namin ang sounds mula sa backyard at pool area, pati na rin ang malalakas na tawanan ng mga kasama namin sa mansion.
Lumakad kami papunta sa pool area at doon ko nakita ang mga pinsan ni maverick na nasa swimming pool habang sila mom, dad, mama, papa, at ang mga tito at tita ni maverick ay nakaupo sa isang malaking kubo na nasa parting backyard.
Naramdaman ko naman ang braso ni maverick na pumulupot sa bewang ko kaya nag-angat ako sa kan'ya nang tingin.
"Why?" Tanong ko, umiling siya at ngumiti.
"What did you want to eat?" Tanong niya, nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at hindi sa kalayuan ay nakita ko ang isang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain, sa pinaka dulo ay may ihawan doon. Nakatayo doon si brixton at ang isang babae.
"Sino iyon?" Nakaturo kong tanong.
"Girlfriend ni brixton, si mira." Pakilala niya, inilipat ko ulit ang tingin doon sa babae. Hindi ko itatangi maganda talaga iyong babae lalo na sa morena niyang kulay.
Lalo siyang gumagansa sa suot na yellow summer dress, kumikinang siya sa suot na iyon.
"Ang ganda niya." Mangha kong sabi, narinig ko naman ngumisi si maverick.
"Yeah, maganda talaga si mira but, you look more beautiful."
Gulo ko naman siyang tinitigan. "Gaga ka ba, sinabi ko lang maganda si mira pero wala akong tinanong sa'yo kung sino mas maganda sa paningin mo." Sabi ko sa kan'ya, tumawa naman siya at mas hinapit ako palapit sa kan'ya.
"Let's eat."
***
Pagkatapos namin kumain ay pumunta naman kami sa mga pinsan niyang nasa swimming pool, at ang bangag kong asawa nagpalit na nang shorts, sino ba naman bangag ang mag-swimming naka-pants?!
Halos lahat silang lalaki nakalubog sa swimming pool habang kaming mga babae nandito sa gilid ng pool at nakalublob.
"May girlfriend na ba talaga siya." Napalingon ako sa katabi ko na si alisha, kakadating niya lang pero tumabi agad siya sa akin habang katabi naman niya si Suzette na dinadaldal si mira.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko sabi ni caden kanina, ayaw niya sa bata.
"Twenty-three." Sagot niya, kaya naman pala eh, nasa thrity plus na ssi caden 'no. Ayaw niya talaga sa bata.
"Ikaw po ba, ate?" Balik niyang tanong.
"Twenty-seven." Sagot ko, akmang iimik siya nang may biglang maupo sa tabi niya, gano'n din sa tabi ko.
"Hi ate sheena!" Masiglang bati sa akin ni yuki, ngumiti ako. "Hello."
"Move-on, alisha. Iyan ang solution." Napalipat naman ang tingin ko kay ate felicia na umupo sa tabi ni alisha. Wala pa rin si Eiliana, baka mamaya pa raw ang uwi.
"May girlfriend ba talaga ate?" Tanong ni alisha kay ate felicia. Tahimik naman ako nakikinig sa kanila, pero para hindi nila mahalatang chismosa ako ibinaling ko ang tingin kay yuki.
"Yuki, single ka 'di ba?" Tanong ko, tumungo naman siya. Ang paningin ko ay nakay yuki pero iyong talas ng tenga ko nakala alisha.
"Oo ate, hindi ako bet nung gusto ko." Sagot niya, tumungo ako.
"Sino ba gusto mo? Bakit hindi ka niya gusto?" Pagtatanong ko.
"Alisha, wala pero halatang ayaw talaga ni caden sa iyo, anong magagawa natin? Mag-move on kana habang maaga pa." Rinig kong sabi ni ate felicia.
"Ano kasi ate..." Hindi ko alam kung nahihiya ba sa akin si yuki o hindi niya lang talaga kaya sabihin ang gusto niyang sabihin.
"Ano ba kasi iyon?" Tanong ko.
"Ano... Bisexual ako ate... Iyong huling nagustohan ko bagong kaibigan kong babae nung umamin ako sa kan'ya inayawan niya ako, dahil straight siya at... May lalaki siyang gusto..." Pagsasabi niya ng totoo sa akin, ngumiti ako sa kan'ya.
Mukha kasi siyang nahihiya na parang ewan, wala naman mali sa sinabi niya eh. Ano naman kung bisexual siya? Wala naman mali sa gano'n.
"Kung hindi ako nagkakamali ang isang tao kapag alam nila sa sarili nila kung ano sila, example ikaw. Sabi mo bisexual ka, you both attracted to men and women?"
Tumungo siya. "Oo ate, pero iyong last na nagustohan ko babae kaso straight siya eh kaya wala akong lovelife." Sabi niya, tumungo naman ako. Buti nalang open ang ganto sa pamilya ni maverick.
No judgement na kasama.
"Huwag ka mahiya sa akin ha, kahit ano ka pa tanggap na agad kita." Deklara ko sa kan'ya, mali siyang ngumiti sa akin.
Agad naman ako nagulat nang yakapin niya agad ako nang mahigpit.
"Thank you talaga ate, buti nalang ikaw naging asawa ni kuya maverick." Sabi niya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.
"Dapat lang talaga ako maging asawa niya."
Tumawa siya dahil sa sinabi ko. "May ex-girlfriend kasi si kuya maverick dati, masyado siya magulo at desisyon sa buhay ni kuya, one time narinig ko sila nag-uusap ni kuya maverick dati pinipilit niya si kuya maverick na pakasalan agad siya kahit mag-one month pa lang sila, tapos gusto niya lagi nakadikit si kuya maverick sa kan'ya eh may work si kuya, napaka-selosa niya lahat ng nagiging partner ni kuya maverick sa ibang photoshoot sinusugod niya hanggang sa nakipaghiwalay na si kuya maverick doon sa ex-girlfriend niya." Pagkwekwento niya, hindi ko maiwasan ma-curious kung nasaan na iyong ex-girlfriend ni maverick.
"Kaya nga siguro ayaw makipag-relasyon ni kuya maverick noon pagkatapos niya makipaghiwalay dahil sagabal sa trabaho niya, pero nagpasakal sa iyo ate, astig." Dagdag niyang sabi at tumawa, nakitawa na rin ako.
Sa akin bumagsak ang kuya maverick mo. Ako ang asawa, sa akin uuwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top