Chapter 11

"Bwisit, sakit ng ulo ko." Reklamo ko agad nang imulat ko ang mata ko, bwisit si kia sabi niya parang juice lang iyong soju, pwede na raw iyon at parang beer na rin naman daw tangina tumaob mundo ko kagabi.

"Good mor— why ka namamato?" Mabilis naman ako nakain ng konsensya ko, ngumuso nalang ako sa harao ni maverick para hindi siya magalit.

Nagulat ako eh saktong hawak ko iyong unan naibato ko tuloy. "Wala ka bang shooting?" Taka kong tanong, umiling siya.

Ay oo nga pala may three days siyang break, ulyanin lang. "Mamaya may dinner tayo with our parents." Sabi niya at naupo sa harapan ko, nanlaki naman ang mata ko.

Gago? Our daw! Ibig sabihin magulang namin? Teka?!

Nakauwi na sila mommy at daddy? Ba't hindi ko alam? Si maverick na ba ang anak nila at hindi ako?! Daya!

Umakto akong matino kahit naguguluhanat medyo kabado, almost one month ko na hindi nakikita magulang ko tapos hindi ko pa masyado nakakasama magulang ni maverick, nakita ko na sila dahil nagpakilala sika at sila ang nagdala ng marriage contract namin.

Pwede, like taena. Kabado ako kasi baka mataray talaga nanay ni maverick, or overthinker lang talaga ako, hayst hirap buhay gaga.

"Wifey." Agaw niya sa atensyon ko, titig na titig siyang nakatingin sa akin kaya ginaya ko siya.

"Ano?" Tanong ko, may iniisip ako kaso napaisip din ako ba't ko ba iniisip iyon. "Gusto ko muli ng bagong bahay." Aniya.

"Yaman." Yaman ah bili bagong bahay, nice one naman rich-rich ng asawa ko pwede ko na gawin honeybunch. Joke lang.

"Which one do you like? Sa village, private village, exclusive village, or—"

"Ako?" Gulat na gulat kong tanong, ba't ako mamimili? Pero ko ba iyon eh pera niya iyon, oo may pera ako pero wala akong balak bumili 'no.

May mansion na ako ba't pa ako bibili sayang pera aksayado pa ng bahay.

"Yes, you're my wife."

"Connect?" Tanong ko, alam kong asawa niya ako pero ba't ako mamimili kung gano'n siya ang bibili ng bahay like, gago lang?

"You're my wife, ikaw mamimili saan tayo bibili ng bahay natin." Paliwanag niya, mas gumulo naman ang utak ko, jusko naman sa halos ilang buwan na namin magkasama hindi ba siya nasanay na medyo boang ang utak ko.

"Natin? Ambagan tayo?" Taka kong tanong, huminga naman siya ng malalim mukhang nauubusan na siya ng braincells dahil sa akin.

Sensya na.

"No, I mean doon na tayo titira ako magbabayad no need to ambag na sinasabi mo, I'm asking you because you're my wife, kung saan ka roon ako." Paliwanag niya, mas nalinawan naman ako.

Sunod-sunod akong tumungo at inilagay ang isang kamay ko sa baba ko saka nag-isip.

Siya naman pala magbabayad eh, tska siguro nga need namin lumipat masyadong open space ang mansion dahil agaw pansin talaga siya kaya mas maganda siguro lumipat kami sa mismo pribado na tao lang ang nakatira.

"Tingin ko sa exclusive or private village nalang kasi mas nakikilala pangalan mo, the more na sisikat ka the more na mas kailangan natin mag-ingat." Sabi ko, tumungo naman siya at tumayo sa pagkakaupo.

Pinanood ko naman siyang maglakad papunta sa working table niya dala ang ipad niya at naglakad na muli pabalik sa kama at naupo sa tabi ko.

Inabot niya sa akin ang ipad. "Which one? Garden Village is a exclusive village kilala siya na tirahan ng mga sikat at mga tao na nasa politics mahigpit ang security and highly recommend ng mga tao." Explain niya sa akin, tumungo naman ako habang nakatingin sa picture ng bahay.

"Cash Village is also a exclusive village, medyo liblib na lugar siya bago pa lang siya and may nakatira rin artista mas tago na lugar kaya hindi masyado inaano ng tao but maganda raw d'yan because hindi talaga mahihirapan magtago ang mga taong kilala sa media mahigpit ang security and maganda ang service." Paliwanag niya ulit, seryoso naman ako nakatingin sa mga picture na pinapakita.

"And the last one is Heaven Village, the private one. Malalaki ang mga bahay at sobrang higpit din ng security, also automatic silang naka-connect sa police, hospital, sa bombera kapag may problem just press the red botton and choose the people you need and automatic may dadating na, bawat bahay may malaking pool area at playgroud." Ngumuso ako habang namimili, magaganda iyong bahay sa private village na sinasabi niya nakikita ko rin maganda ang mga comment ng tao.

"How much ba?" Tanong ko, sure akong mahal siya.

"Sa garden village it's cost 2.1 million to 5.5 million." Sabi niya, umawang naman ang bibig ko at napalunok ng sunod-sunod.

Grabe, ang mahal...

"And it's depends pa kasi may two story, three, fourth, five, and the one is have a rooftop." Dagdag niyang paliwanag, hindi pa rin ako makaimik dahil ang lagi talaga ng kailangan pera.

Alam ko naman mayaman siya pero, bahay na gano'n ka mahal para sa amin dalawa?!

Gago nalang.

"Cash Village ay 1.1 million to 3.4 million, hanggang three story lang ang available sa kanila." Sabi niya, medyo mura kaysa sa nauna. Pero feeling ko mas safe kami sa heaven village.

Private siya kaya hindi talaga basta makakapasok doon. "How about iyong last one?" Tanong ko.

Naramdaman ko naman inilagay niya ang isang braso sa bewang ko, hindi ako naiilang dahil sanay na ako na malambing at clingy siya lalo na pagdating sa akin.

"The last one is cost 10 million to 20 million pess, wife... They have a three stories mansion with a big pool, garden, playground, parking spot, and also have a big rooftop." Paliwanag niya sa akin.

Paulit-ulit akong napakurap, abay gago safe ka nga talaga tapos butas ang bulsa mo kapag bumili ka ng bahay grabe ang mahal hindi ko akalain may gantong kamahal na bahay.

"Sa isang three stories mansion may sampong kwarto, per floor may masters bedroom, may fifteen na restroom sa buong mansion, ten bathroom naman, bukod pa ang bathroom ng maids and may guestroom din," mahaba niyang sabi, nilingon ko siya saka nag-angat nang tingin.

Aaminin ko, gusto ko iyong mansion pero ang mahal kasi, alam kong kaya niyang bayaran pero baka sayang lang?

"Gusto ko siya pero, mahal siya..." Ngumuso ako at binalik ang tingin sa tablet, ang ganda kasi talaga walang halong biro at nakikita kong safe talaga kami roon lalo na siya magkaka-meron siya ng privacy doon.

"I know na, mahal siya but if iyan ang gusto mo bibilhin ko. Choose one para ma-contract ko na ang may ar—"

"Hati tayo sa babayaran." Putol ko sa kan'ya, dalawa kaming titira doon gusto ko hati kami hindi ko naman akalain na gano'n pala kamahal ang bahay na magugustohan ko.

May pera ako, kasi may business naman ako na ako mismo may ari kaso si kia muna ang pinag-handle ko, naging mag-business partner na nga kami eh.

"But, wifey. Kaya ko baya—"

"I know maverick," seryoso kong putol sa kan'ya at masama siyang tinignan.

"I know because you're a billionaire! Mayaman ka pero, gusto ko hati tayo asawa mo ako." Seryoso kong sabi sa kan'ya, marahan naman siyang tumungo bago ako binigyan ng halik.

"You're the boss, wifey. I love you." Sabi niya at paulit-ulit hinalikan ang ulo ko, ngumiti naman ako sa kan'ya.

"Kaunti nalang ha, masasabi ko rin sa'yo 'yan, kailangan ko lang muna masigurado. Pero alam ko sa sarili ko maverick, na gusto kita at masaya ako sa'yo, sa'yo lang ako tandaan mo 'yan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top