Chapter 6

Chapter 6

Naging abala ako sa sumunod na mga araw dahil sa book review project namin. I haven't visited Sage since he mend my wounds and now I'm wondering kung anong ginagawa niya habang nagbabasa ako ng libro. Lumilipad na naman ang utak ko.

"Mallory!" Sierra nudged at me. Napapitlag ako at napatingin sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata. "Tulala ka na naman?"

"Ah, hehe. Wala, may iniisip lang." Nginisihan ko siya. I tried to focus on reading but the words wouldn't enter my head. Pinili kong huwag nang sabihin kay mama ang ginawa ng stepfather ko sa akin dahil baka mag-away na naman sila. Tinanggal ko lang ang gauze pad pagkarating ko ng bahay at sinabing nadulas ako sa sakahan noong hapong iyon.

"Alam mo, naghiwalay daw si Serenity at Leon. Galit na galit si Serenity sa iyo." She stole a glance from me. Alam kong hindi na rin siya nagbabasa. Nakatambay kaming dalawa ngayon sa bench na itinirik sa ilalim ng puno ng mangga. "May ginawa ka ba?"

I shook my head. "Serenity is just jealous. Hayaan mo, magkakabalikan lang din ang mga iyon." I shrugged my shoulders.

Sierra nodded her head. "Sabagay. Palagi naman silang naghihiwalay tapos nagkakabalikan lang pagkatapos ng ilang araw." Humagikhik siya.

Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang girlfriend ni Sage sa Manila. Ganoon din kaya sila? Naghihiwalay tapos nagkakabalikan ulit matapos nang ilang araw? Ano kayang nararamdaman ng kanyang girlfriend ngayon na nasa Davao si Sage? O alam ba niyang buhay pa ang nobyo niya?

Minsan ko lang nakita ang mukha ng kanyang girlfriend sa itim at puting litrato na inilimbag sa newspaper. Pero maganda siya. Sabagay. Sage is appealing and ridiculously handsome. The devil-may-care look is within him and his father. Matikas din ang kanyang pangangatawan. Dapat lang na maganda ang kanyang nobya, diba?

I nibbled my lower lips. Bakit ba ganito ang iniisip ko?

"Tara, uwi na tayo. Ang init-init na eh!" reklamo ni Sierra. Iniligpit na niya ang kanyang libro. Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ko at sabay na kaming naglakad palabas ng eskwelahan.

Panay ang kuwentuhan naming dalawa ni Sierra hanggang sa marating na niya ang kanilang kanto. As usual, we bid goodbyes and parted ways. Imbes na lumiko ako sa highway papunta sa bahay namin ay pumasok ulit ako sa gubat.

I want to see Sage right now.

Pinagmamasdan ko ang aking itim na sapatos habang mabilis akong naglalakad patungo sa kanilang mansion. Disappointed when I saw that the hole in their fence had been repaired, I decided to climbed the iron wrought fence instead. Ihinagis ko ang bag ko at sumunod na umakyat. Mabuti nalang at hindi kataasan. Tanaw na tanaw ko din ang dagat sa ibaba habang umaakyat ako.

When I finally landed inside their spacious yard, kaagad na akong dumiretso sa kwarto ni Sage. I peered on his window. Baka mamaya eh nagbibihis na naman siya.

Nope, he's not. But he's topless. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa kanyang Macbook. I squinted my eyes. Logo ba iyon ng Philippine Airlines?

I was surprised when Sage started whistling. I immediately recognized the song as Fly Love of Jamie Foxx. Tapping against his cold voice, I sang the my mother's favorite song.

"Wasn't really thinkin', wasn't lookin', wasn't searching for an answer... In the moonlight... When I saw your face..."

Nanigas si Sage sa kanyang kinauupuan. Automatiko niyang isinarado ang kanyang laptop at marahas akong nilingon.

"Sage! Hi!" kumaway ako mula sa bintana at malawak na ngumiti.

"Fuck, Mallory!" he scowled when he saw me grinning stupidly outside. "When will you ever learn how to use the damn door?" lumapit si Sage sa akin at tinulungan akong maka-akyat sa kanyang bintana. His mere touch is making me dizzy. Mahigpit ang kanyang kapit sa aking braso until my black shoes touched the carpeted floor of his room.

"Good afternoon to you, too." Nginisihan ko siya.

Sage looked at me as if I'm some kind of an idiot. Well, I probably am.

"What're you doing here?" pinameywangan niya ako at tinaasan ng kilay.

I want to see you. Bulong ng aking isipan.

Imbes na sagutin siya at iniwas ko ang aking panigin. I could clearly see the defined muscles on his torso and his strong arms. A gauze pad is wrapped around his massive chest from the surgery. A small amount of blood seeped from the pad.

Realizing my discomfort, he immediately went to his cabinet to snatch a shirt. He threw it over his head and scowled at me.

"You really like trouble, huh?" he mused out loud.

Ngumuso ako. "I haven't seen you in a few days. Kumusta ka na?"

"Fine." He scoffed. Ipagtatabuyan na naman ba ako nito? "Mallory, you shouldn't come here anymore." wika niya.

Bumagsak ang balikat ko sa kanyang sinabi. Siguro ay nakukulitan na siya sa akin?

"Bakit?" mahina kong tanong.

"I'm going to be away for a while. Hindi na kita matutulungang makatakas mula sa tauhan ni Dad kapag nagkataon."

"Aalis ka?" I could feel my throat constricting and the fear that started seeping deep into my bones.

He crossed his arms over his chest and leaned against the desk where he placed his laptop. "Escape is the right word."

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Escape? Why would you escape from here?"

"I'm a prisoner, can't you see?" his eyes flashed in anger as if he remembered something unpleasant. I immediately slapped myself inwardly. "I'm going to leave tomorrow evening. Kaya simula ngayon ay huwag ka nang pupunta dito, ok?"

Hindi ako sumagot. I sat on the edge of his bed and started swinging my feet. "Saan ka pupunta?" I asked instead.

"I'm going back to Makati." Tipid niyang sagot. "I don't belong here."

Bago pa man ako makasagot ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay. "Stay here. I'm going to get you something to eat."

Lumabas si Sage mula sa kanyang kwarto. Tinitigan ko ang aking mga kamay. Sage is leaving tomorrow evening.

Well, I guess that just means no more playing games for you, Mallory.

---

Naipasa ko na ang aming book review kinabukasan. I tried to busy myself and forget about what Sage had said. Gusto kong hindi mamalayan na aalis pala siya ngayon.

But the more I avoid it, the more I am drawn to it. Hindi ko na siya natanong kahapon kung babalik pa ba siya dito. Kaya ba binisita niya ang website ng Philippine Airlines? Nagbook pa siya ng flight papuntang Makati?

My heart sank deeper inside of my chest. Malamang ay babalikan niya ang kanyang nobya sa Makati. Ano nga ba naman ang gagawin ni Sage dito? Maybe he's longing to be with his girlfriend and can't stand not seeing her anymore.

Mas lalo akong tumamlay sa mga pinag-iisip ko. Nang makarating ako sa bahay ay inutusan ako ni mama na mamalengke pagkatapos kong gawin ang mga assignments ko.

I tried to finish them as fast as I could. Maybe, Sage is still here. Baka makapagpaalam pa ako nang maayos sa kanya!

I grabbed the same basket I brought when I first saw Sage here in Governor Generoso. I really can't forget that day. Witnessing an impressive surgery and kidnapping at once is way too much for me.

Clad in an orange floral dress and a brown woven basket, I ran into the forest again. Papalubog na ang araw. Mamayang gabi pa naman siya aalis, diba?

I climbed their fence again. Wala na akong pakialam kung makita man ako ng isa sa kanilang mga tauhan na nasa patio ngayon at mukhang may pinag-uusapan. Diretso kaagad ako sa kwarto ni Sage but to my disappointment, the window is tightly closed.

Pinilit ko itong buksan pero ayaw talaga. I peered inside the room instead. Kahit na natatakpan ito ng kurtina ay may maliit namang siwang para makita ang nasa loob. Bumagsak ang aking mga balikat nang makitang wala na siya. The macbook on the desk is gone. The bed is well-made. The room is empty.

Wala na nga siya.

Umalis ako sa kanilang mansion nang mapagtantong wala nga talaga si Sage doon. Habang naglalakad ako sa gilid ng kanilang malawak na sakahan ay hindi ko mapigilang hindi malungkot.

I could've at least bid a proper goodbye yesterday.

Maraming tao sa public market nang dumating na ako. By then, the night had fallen. Maybe Sage is on his way to Davao right now?

Magkatabi lamang ang terminal at ang public market. Panay ang sulyap ko sa mga bus na papuntang Davao habang namimili ng kamatis. When I was finally done, nagtungo ako sa terminal.

My eyes immediately landed on the three black cars park next to each other. Mukhang magara ang kotse at pinagtitinginan ng mga tao. Men in black suit climbed out of the car and started looking around.

Namilog ang mga mata ko. They're looking for Sage!

Hinanap ko kaagad siya sa paligid pero hindi ko siya makita. The bus bound to Davao had already left. Ang isang bus ay mga trenta minutos pa bago dumating. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala talaga siya.

Umalis ako sa terminal but my eyes keep on searching for him. My heart almost leaped in joy when I finally saw him standing behind a small store. He's wearing a black leather jacket, black pants, and a black traveling bag on his back. Kahit na nakasuot siya ng cap at nakatungo ay kilalang-kilala ko pa rin siya.

Kaagad akong lumapit at hinawakan ang kanyang braso.

"What the fuck—" nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako. "Mallory!"

"Sasakay ka ng bus papuntang Davao, diba?" nginisihan ko siya. "Tara."

I dragged Sage from the small store. We took a shortcut inside the market, careful not to be seen by any of the Monterio's men. Nang makalusot na kami ay sakto namang kakaikot lang ng bus na umalis kanina. Kinaway-kaway ko ang mga kamay ko para huminto ito.

"Christian Sage!" galit na sigaw ng isang matangkad na lalaki. Napalingon kaming dalawa. All of them are running towards our direction now.

"Fuck." Napamura nang malakas si Sage. Hinablot niya ang aking kamay at mabilis na sumakay ng bus. Nagtataka kaming tiningnan ng konduktor.

"Standing nalang kayong dalawa. Wala nang bakanteng upuan." ang wika ng driver.

"It's okay, it's okay. Just go!" he demanded.

Kumunot ang noo ng konduktor at pinabayaan na kaming dalawa. Mayamaya pa ay umandar na ang bus. The men tried to stop it but thankfully, neither the conductor or the driver noticed them. Ang ilan ay bumalik na kung saan nakaparada ang mga kotse.

Napahinga ako nang maluwag nang mawala na sila sa aming paningin. Mas humigpit ang hawak ko sa basket at muntik nang masubsob sa dibdib ni Sage nang dumaan ang bus sa isang lubak.

Then it hit me.

My eyes widen in realization. Hindi ko sinasadyang matampal ang dibdib ni Sage.

"Why did you dragged me inside the bus too?!" I shrieked in horror.

"Fuck."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top