Chapter 30

  Chapter 30


Mainit ang panahon ngunit sa pagpupumilit ko ay napapayag ko si Sage na magpunta sa sementeryo ngayon.

"Maraming tao, Mal. Puwede naman nating ipagpabukas nalang?" he glanced at me worriedly. I smiled tightly at him.

"It can't wait, Sage."

He hesitated for a second before he sighed. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Hinila niya ang dalawang kamay ko at marahang isinandal ang aking ulo sa kaniyang malaking balikat.

"I know you miss them already..." he murmured.

"I do."

"I'm sorry. Okay, let's go visit them." Malambing niyang wika sa akin at nagtanim ng halik sa aking noo. Sage's lips are warm and soft. Napapikit ako sa sensasyon at kumapit sa kaniyang shirt. Even with all these years, his manly scent didn't change. Minty and pleasant.

Tumayo si Sage at nilahad ang kaniyang kamay sa akin. I gratefully took it and pulled myself up. Dahan-dahan akong lumapit sa crib na nasa tabi lamang ng aming kama.

"Baby Leonard..." I said softly as I approached his tiny bed. Tulog na tulog siya at marahang nakakuyom ang dalawang kamao sa ibabaw ng kaniyang ulo. The grey cotton PJ's suited him well. his fluffy cheeks glowed when the sunlight entered our room without a warning and hit him gently on the face. "We're going to visit your sisters and grandmother today."

Marahan ko siyang kinuha mula sa kaniyang crib. Nakasunod si Sage sa akin. Maingat kong isinandal ang ulo ni Leonard sa aking balikat. Ramdam ko ang mainit na paghinga ni Sage sa aking likuran. Hinagod ko muna ang kaniyang likuran bago nagpalinga-linga upang hanapin ang kaniyang pacifier.

Sage planted a kiss on my son's cheeks as I heard the smack. I turned to him and glared playfully. Sage just grinned boyishly at me and stuck out his hands.

"Ako naman ang magdadala sa kaniya. Let me carry our son, Mal."

Ngumuso ako. "I have trust issues with men carrying little children."

Magaspang na tumawa si Sage. His deep chuckle made my mouth twitched, attempting to fight a smile. Pinilit kong manatiling nakasimangot ang aking mukha.

"I know how to carry a child, Mal. Trust me." he winked.

Wala na akong magawa kung hindi ang ibigay si Leonard kay Sage. I started missing my son the moment I let go of him. Selos ko siyang tiningnan sa bisig ng kaniyang ama na hanggang ngayo'y natutulog pa rin.

"Tara na..." sambit ko at kinuha ang nakatabing payong. I'm expecting a lot of crowd on the first day of November. Ganunpaman, gusto ko pa ring bisitahin ang mga anak ko at si mama.

Sinundan ko si Sage palabas ng bahay. Nang makita kami ni Tonyo ay kaagad siyang tumayo at nagkunwaring hindi nakikipag-usap kay Cynthia sa bakuran. Cynthia giggled and sauntered off. Mamula-mula pa ang pisngi ng aming driver habang nagkakamot ng ulo.

"S-Saan po tayo ngayon, Sir?" nauutal niyang tanong.

"Sa sementeryo," Sage answered. A hint of amusement danced in his eyes. "Kayo ha... nakita ko yun."

The poor driver blushed furiously. Tumawa ako at bahagyang itinulak si Sage. Nanatili ang payong sa itaas ng kaniyang ulo. I even have to raise a little on my toes because of Sage's towering height!

"Let's get inside, Sage. Naiinitan si Leon..."

Nanginig ang balikat ni Sage sa kaniyang pagtawa. Mahina ko siyang hinampas nang maalimpungatan ang bata. He slowly opened his eyes and looked around. His plump lips moved a little and he suddenly yawned. My heart melted. Leon is so adorable...

Naunang pumasok ang mag-ama ko sa SUV. I closed the umbrella and followed them inside. Dilat na dilat na ang mga mata ni Leon. He raised his chubby arms to the air, trying to touch Sage's chest. He glanced down at his son and grinned.

"See? He loves me..." patuya niyang sinabi sa akin. Natatawa ko siyang inirapan nang gumalaw na ang sasakyan. I glanced at the window when the car backed away and saw a glimpse of the rice fields. Sa loob ng isang taon, ni minsan ay hindi ako umalis ng Governor Generoso.

I gave birth to my son a couple of months ago. Leonard is a premature baby. It was our last resort when I got into an accident, endangering my life and my son's.

But Leon is a fighter. He's a healthy baby boy and we haven't encountered any complications ever since I gave birth to him. Wala nang mas iluluwang pa ang aking pakiramdam kahit na tatlong linggo akong nakaratay sa hospital matapos ang mahabang operasyon.

"I think he really wants to live..." minsang sambit ni Sage sabay halik sa pisngi ni Leon. I glanced weakly at them, still finding it difficult to move my body properly after the operation. My lungs burn at every breathe I take but the sight of my son sleeping soundly by my side was enough to make me want to live too.

"I think so too. Leonard... he's really a blessing to us, Sage."

Sage's eyes danced with happiness. Tinitigan niya ang kaniyang anak. Mayamaya pa ay gumuhit ang manipis na linya sa kaniyang labi at nawala ang ngiti sa kaniyang mga mata.

"Allana..." he said through gritted teeth. Umigting ang panga ni Sage. "She's going to pay for what she did to our son."

I bit my lower lips. "Sage..."

"And don't tell me to just let it go, Mallory." May bahid ng galit at iritasyon ang kaniyang boses. "She nearly killed the two of you! Kapag... Kapag nangyari iyon, I swear, I'm going to make her suffer with my own hands."

Pumikit ako at humigit ng isang malalim na hininga. Gusto ko mang makipagtalo kay Sage ay binalot na ako ng matinding pagod at pananakit ng katawan. My eyes burn. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sariling matulog. Bago ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko pa ang mahinang paglapat ng mainit na labi ni Sage sa aking noo.

"Here we are..."

I snapped myself out of my train of thoughts when Sage spoke. Binalingan ko siya na ngayo'y nakadungaw na sa mahabang pila ng mga sasakyan. Ngumiwi siya.

"Tonyo, doon ka nalang mag-park sa kanto. Huwag mo nang pasukin ang sementeryo at baka mahirapan ka pang ilabas ang sasakyan mamaya. Maglalakad nalang kaming dalawa ni Mallory papasok."

"Sige po, Sir." Tinanguan niya si Sage. I opened the car door and climbed outside. Hinintay ko munang makalabas si Sage dala si Leon bago ko ito muling isinirado. Tinapik ni Leon ang gilid ng sasakyan, hudyat na pwede nang umalis si Tonyo. He glanced at the crowd and then worriedly dragged his gaze back to his sleeping son.

"Don't worry, hindi naman tayo magtatagal..." wika ko. Nauna akong maglakad sa kanila at bumili ng mga kandila at bulaklak. Dahil maraming namimili ay medyo natagalan pa ako. I glanced at Sage. Sa isang kamay ay hawak niya si Leonard at ang isa nama'y hawak ang payong.

His brows are furrowed in concentration and I couldn't help but admire the two of them even more. Sage's muscles flexed as he adjusted his arms to make it comfortable to Leonard who's back to sleeping. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nahuli akong nakatingin sa kaniya. The moron winked at me.

Napailing nalang ako habang natatawang ibinalik ang aking tingin sa nagtitinda ng bulaklak at kandila.

"Asawa't anak niyo po, Ma'am?" nakangiting tanong ng babaeng nagtitinda sa akin.

I smiled politely at him. "Ah, opo."

"Swerte niyo po sa asawa niyo, Ma'am." Anito sabay hagikhik.

Tumawa nalang din ako at inabot ang bayad. Nang makabili na ako sa wakas ay bumalik ako sa kinaroroonan nila Sage at kinuha ang payong mula sa kaniya.

"Nakita ko yung malaking kahon ng robot kanina sa sala..." panimula ko habang inaayos ang mga bulaklak sa basket. "Bakit ka naman bumili 'nun? Ni hindi pa nga nakakapagsalita si Leonard, eh."

Nanginig ang mga balikat ni Sage sa kaniyang pagtawa. Hawak na niya sa dalawang kamay si Leonard. "I'm just excited. I can't wait to see him playing with that toy."

Sumimangot ako. "Baka lumaking spoiled ang bata."

"Ma, he's our only son." Sinulyapan niya ako. "I will give everything to him. Kaya nga ako nag-desisyong manatili dito sa Governor Generoso at magtrabaho sa palayan para sa inyong dalawa diba? And it's just a toy..." he ruffled my hair. "Huwag ka nang umangal,"

Ngumuso lang ako at hindi siya sinagot. Mas lalong humigpit ang hawak ni Sage sa anak nang tuluyan na naming pasukin ang sementeryo. Dagsa ang mga tao. May ibang nagtayo pa talaga ng tent.

Three months earlier, we decided to house the three tombstones. Ideya iyon ni Gideon upang may masilungan sa tuwing bibisita kami kina mama at sa kambal ko.

"When is Gideon going home anyway?" tanong ni Sage sa akin nang matanaw na namin ang puntod ni mama at ng kambal.

"Ang sabi niya'y bukas pa daw. Hindi siya kaagad nakapag-book ng flight kaya tuloy, na-delay siya."

Tumango si Sage. "Marami pa naman ang uuwi ngayong undas."

I chuckled. "Well, yeah."

I gently placed the flowers and silently lit the candles for each and every tombstone when we arrived. Sage is unconsciously stroking Leonard's hair as I pulled out my rosary and chanted prayers. Sinabayan niya ako hanggang sa matapos kaming dalawa. Ganun din ang ibang tao sa sementeryo. They are talking in low murmurs and chanting prayers in unison.

I leaned back on my seat and placed the prayer book and the rosary gently on my lap. Binalingan ko si Sage. Nakaupo na ngayon si Leonard sa kaniyang mga hita at dilat na dilat ang mga mata nito. Magiliw niyang iginala ang pangingin sa paligid at bahagya pang umawang ang bibig.

I chuckled. Umusog ako sa kanilang direksiyon at inilapit ang aking mukha sa anak ko. Nanggigigil ko itong hinalikan sa pisngi.

"Say hi to your grandma and sisters, Leonard..." I cooed. "Buti nalang pumayag si Daddy na lumabas ka ngayong araw, no? OA pa naman yun..."

"I can hear you, Mal." Sage grumbled under his breath.

I giggled. "You should request a picnic from Daddy anytime soon, son. Para naman masinagan ka ng araw kahit paano?"

"Pinariringgan mo ba ako, Mal?"

I ignored Sage and continued talking to our son in an animated voice. "You know, Baby Leon, it would be really great to spend a day in the falls right? Or the rice fields under a tree? But Daddy won't permit."

Bahagya pa akong sumimangot. Nang iangat ko ang tingin kay Sage ay nagpipigil na ito ng tawa.

"Okay, stop." He chuckled. "You got me. Ilalabas natin si Leonard paminsan-minsan..."

"Really?" kumislap ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Kulang nalang ay pumalakpak ako sa tuwa. "Yey! That's great!" hindi ko maitago ang excitement sa boses ko.

Napailing na lamang si Sage. Nilaro-laro ko ang mga kamay ni Leonard sa tuwa. Even though he's clueless of what's going on, he still grinned widely, showing me the small teeth that's starting to grow inside his tiny mouth. Mas lalo pa akong natuwa. Kulang nalang ay agawin ko ang anak ko mula kay Sage at yakapin ito nang mahigpit pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ever since the doctor warned us about the potential illnesses that might target Leonard because he's a premature baby, Sage doubled his protective instinct towards the two of us. Noon ay hindi siya umuuwi ng tanghalian dahil maghapon siya sa palayan but now he never failed to show up every lunch. Dumidiretso kaagad siya sa kwarto upang hanapin si Leon at hihinga nang maluwag kapag nakitang mahimbing na itong natutulog.

"Masyado kang praning..." natatawa kong puna sa kaniya habang inaayos ang mga damit ng bata.

"I just can't help it. Buong magdamag, kayo lang dalawa ang iniisip ko. I can't wait for the day to end so I'll be able to come home to you."

My heart melted at his words. Sage is the kind of husband every woman would wish for. He never failed to show me how much he loves his wife and his son. Araw-araw niya iyong ipinapadama sa aming dalawa ni Leonard. Wala na akong maihihiling pa sa piling nilang dalawa.

And even though I promised Sage to marry him one day in a church when I'm finally ready, years had passed but he never asked me. I sometimes envy other households with huge wedding pictures that invaded their walls because I didn't have one to show off. And I know deep inside, even though we're both carrying his name, I still wish to experience wearing a white wedding gown and walking down the aisle to him.

"Mommy!"

Nag-angat ako ng tingin nang bigla nalang sumigaw si Leonard. He came running towards my direction with a sour face. Kulang nalang ay maiyak ito.

"What's wrong, baby?" nag-aalala kong tanong. Pinagpagan ko ang suot na bestida bago ko siya nilapitan.

"That girl is bullying me!" anito sabay turo sa playground sa di kalayuan. "She won't let me ride the swing!"

Sinundan ko ng tingin ang kaniyang itinuro at nakita ang batang babae na nakaupo roon. She grinned at me, missing three front teeth. Nginitian ko siya pabalik at binalingan si Leonard.

"Leonard... 'diba ladies first palagi?" marahan kong tanong. I crouched in front of him. He blinked back his tears as he tugged his lips downward.

"But I want the swing..." he whispered, fidgeting with his fingers and looking down at the ground. I glanced at Leonard again. He got Sage's sharp eyes and proud pointy nose. Ang mga labi niya'y manipis at pinkish pa. Nakakagigil ang matataba nitong pisngi at mahabang pilik-mata. He's adorable at almost any angle.

"You can wait for the little lady or you can ask her nicely. Malay mo maging playmates kayo, diba?"

"I don't want her, mom. She's a bully." Naiiyak pa nitong sagot.

I chuckled softly. "Oh, boy."

Bago pa man makasagot si Leonard ay naramdaman ko na ang pares ng malalakas na kamay sa aking beywang. Sage effortlessly lifted me up from the ground and gave me a little twirl. Napatili ako sabay hampas sa kaniyang mga braso. He chuckled deeply before he gently placed me back to the ground.

"Hey," he grinned, closing the distance between us and planting a kiss on my forehead.

"Napaaga ka yata, hmm?" nakangiti kong tanong habang nakapikit at dinadama ang init na nagmumula sa kaniyang labi. I suddenly felt cold when Sage pulled himself away from me to look me in the eyes.

"Gusto ko kaagad kayong makita," binalingan niya ang kaniyang anak at napansin ang naiiyak nitong ekspresiyon. "O, anong nangyari sa iyo?"

"Dad... the swing..." mahinang sambit ni Sage sabay yakap sa hita ng ama. Sage chuckled. Itinuro ko sa kaniya ang swing kung saan naroon pa rin ang batang babae. Naka-krus na ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib at nakatingin sa aming tatlo. Tumawa si Sage.

"Just let her have the swing for a while, son. Puwede naman tayong bumalik mamaya."

Tumango lamang si Leonard ngunit hindi nito inalis ang kamay sa pagkakayakap sa mga hita ni Sage. Bumitaw saglit sa akin ang asawa ko at kinarga si Leonard.

"Cheer up, young man. We still have something to do later on, right?" kumislap ang kaniyang mga mata at iginalaw pa ang dalawang kilay.

Leonard's face lit up like a Christmas tree. Excited itong tumango-tango sa kaniyang ama.

"That's right! That's right! Come on, daddy! Let's go, let's go, let's go!" maliksi nitong wika.

Sage held my hand while carrying our son on his other hand. Nakahawak ako sa likod ni Leonard upang suportahan ito dahil naglilikot na naman sa bisig ng kaniyang ama. Nang makapasok na kaming tatlo sa sasakyan ay siya pa mismo ang nagkabit ng seatbelt sa aming dalawa.

"Safety first, mommy." He grinned at me. I stared at him in adoration. Four years of raising him is full of bliss. Leonard is such a cheerful child. Medyo may kalikutan nga lang, pero sobrang bait na bata.

Sage drove us to the town. He promised us a dinner outside tonight as his way of celebrating the good harvest. Nagpakain na siya sa mga trabahante niya kahapon ng gabi kaya naman hanggang ngayon ay malamang naglilinis pa rin sina Cynthia sa kalat ng bahay. Pahirapan din ang pagpapatulog kay Leonard dahil gusto pa nitong lumabas at makipaglaro sa anak ng mga trabahante ng kompanya.

Nang makarating na kami ay si Sage pa mismo ang nagbukas ng pintuan para sa aming dalawa. Leonard jumped to his father, almost giving me a heart attack. Buti nalang at mabilis ang mga kamay ni Sage na nasalo siya bago ito mahulog.

I clutched on my chest and sighed deeply. Napailing nalang ako at bumaba na rin mula sa sasakyan. Nang makapasok kami ay ibinigay ni Sage si Leonard sa akin.

"Go find a table for the two of us, ako na ang mag-oorder."

I nodded and carried Leon on my hips. Maraming tao sa Ihawan ngayon kaya naman nagpatulong na ako sa isa sa mga waiter upang makaupo kami habang namimili ng mga barbeque si Sage sa tapat. Pinaupo ko si Leonard at inilagay ang aking bag sa lamesa.

"Huwag kang maglilikot, ah?"

Leonard just grinned at me.

"Anak niyo po, Ma'am?" magiliw na tanong sa akin ng waitress na nagsimula nang maglagay ng tubig sa aming lamesa. "Ang gwapong bata..."

I nodded my head, a punch of pride in my chest. The waitress even pinched his cheeks before she approached another table, grinning from ear to ear.

Mayamaya pa ay bumalik na si Sage sa aming table. Hindi pa man siya nakakaupo ay nagsalita na si Leonard.

"Daddy, I want to pee."

"Tara-"

"Ako na, Mal..." pagpigil sa akin ni Sage nang akmang tatayo na sana ako.

"Are you sure?"

"Of course." Kinarga niya nang walang kahirap-hirap si Leonard at nagtungo silang dalawa sa CR na nasa dulo pa ng Ihawan. I drummed my fingers on the table, waiting for my husband and son to come back.

After a few minutes, Leonard came bouncing towards my direction alone. Tumaas ang kilay ko.

"Where's your father?" tanong ko nang makalapit na siya sa akin. May itinatago siya sa kaniyang likod.

"Mommy, mommy, I have a secret to tell..." anito habang lumalapit sa akin.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "What is it, Leonard?"

Tuluyan nang lumapit sa akin si Leonard at sinenyasan ako na bahagyang yumuko para maabot niya ang tainga ko. He raised on his toes and placed his hands on my ears.

"It's a super duper secret, mommy. Do you want to know my question?"

"Yes, baby. What is it?" I whispered back.

Leonard grinned. "Mommy... do you want to marry Daddy again?"

I froze on my seat. Napakurap kurap ako nang sumabog ang magkahalong emosyon sa dibdib ko. Leonard leaned away from me and pulled a velvet box from the depth of his pockets. He clumsily opened the box in front of me and showed a sparkling diamond ring inside.

As if on cue, Sage appeared from the crowd. May dala na itong bouquet ng rosas habang papalapit siya sa akin. Nagsimula nang magtinginan ang mga tao sa amin. Nalaglag ang panga ko.

"Mal... would you mind answering your son's question?" he asked playfully, his eyes shining in delight.

"S-Sage..."

"I guess you haven't heard it right. Uulitin ko." lumuhod si Sage sa aking harapan. Tuluyan nang nagtilian ang mga taong nakikinuod sa aming tatlo. Gumaya si Leonard at lumuhod din sa aking harapan, hawak-hawak pa rin ang singsing.

Sage held my hand and bite his lower lips na para bang kinakabahan siya sa sasabihin. Nag-angat siya ng tingin. A lazy crooked smile appeared on his lips.

"Will you marry me again... Mallory?"

"Yes, yes, I will!"

Tears flooded my eyes. Sunod-sunod na tango ang isinagot ko sa kaniya. It earned horaahs and cheers from the crowd. Tumayo si Leonard at siya pa mismo ang nagsuot ng singsing sa aking mga kamay.

Sage stood up as well. Niyakap niya ako nang mahigpit at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"God, I love you so much. Thank you, Mal..." magaspang niyang bulong sa aking tainga na nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Mahal din kita, Sage..."

Kumalas sa yakap si Sage at hinalikan ako sa labi sa kabila ng mga nanunuod sa amin. Naghiyawan ulit silang lahat.

"She just said yes, everyone!" Sage announced to the crowd. "And for that, I'll pay for everyone's meals tonight!"

Mas lalo lamang lumakas ang hiyawan ng mga tao sa kaniyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top