Chapter 29

  Chapter 29

Months passed and my stomach grew bigger. Ramdam ko na ang excitement ng anak ko na makalabas. Minsan, hindi niya ako pinapatulog nang maayos dahil sa likot niya sa loob. Oh, I just can't wait for him to be in my arms!

"Healthy naman si baby..." wika ng doctor habang ginagalaw ang instrument sa aking tiyan. Ang kaniyang mga mata ay nakapako sa monitor sa aming tabi. "No signs of any potential diseases." Nginitian niya ako. "You'll give birth to him in less than a month, Mrs. Monterio,"

A ghost of smile appeared on my lips as I stared at my son from the monitor. He's really getting bigger and bigger! Parang may mainit na kamay na humahaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko ang anak ko.

"Should we just stay here in the hospital?" tanong ni Sage. Nasa tabi ko siya at hindi rin inaalis ang tingin mula sa monitor. "Just to make sure that she's always okay..."

The doctor chuckled softly. "It's okay, Mr. Monterio. This hospital is just a 10-minute drive from your house. Puwede pa ring manatili ang asawa mo sa bahay ninyo. But you need to be extra careful now that you're about to give birth..."

Excited akong tumango at hinawakan ang kamay ni Sage. He squeezed my hands as well but he never tore his gaze off from the monitor. Ramdam ko din ang excitement niya sa pagdating ng anak namin.

The past months went on smoothly. Tinatrabaho na namin ngayon ni Architect Saturnina ang final design matapos naming makapag-meeting kasama ang Mayor. Sage and Aaric are a lot busier this time of the year. Thankfully, hindi na sila nasiraan pa ng mga grain mills. Their business is as strong as ever.

"Hindi ka na ba talaga namin mapipilit, Mallory?" wika ng ina ni Sage habang inaayos ang pinamili nila sa sala. Kuryosong sumilip si Suki sa mag-asawang Monterio at bumalik kaagad sa kaniyang kwarto. Hindi ko inaasahan ang pagbisita nila ngayon.

Marahan akong umiling. "Ayos lang po ako dito..."

"We wanted to be as close to our grandson..." aniya at binalingan ako. Zahra is by her side and from the looks of it, she isn't exactly pleased to be in this place. Nakasimangot lang ito at hindi nagsasalita, even when I greeted her at the door.

"Ayos lang po talaga ako dito. Sage is taking care of me..."

Sinulyapan niya ang asawa na tila ba nanghihingi ng tulong pero tumango lamang si Don Monterio sa akin.

"It's okay, Carol. We can visit our grandson every now and then. Malapit lang naman dito ang mansiyon."

Dismayado akong tiningnan ng kaniyang ina. "But if you ever change your mind, Mallory..."

Bahagya akong tumawa. "I'll tell you as soon as possible..."

Sakto namang pagdating ni Sage at Aaric galing sa palayan. Napatingin kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan. Lumitaw si Sage at sa likod naman niya ay ang pinsan na si Aaric. Pareho silang pawisan at hinihingal.

"Hey, mom, dad..." inilipat ni Sage ang tingin sa mga magulang. "I didn't know you guys are visiting."

"Well, the package for your son had just arrived and we wanted to personally give it to Mallory." Tumayo ang kaniyang ina at nilapitan ang anak. She caressed his cheeks. "Look at you, Sage. Nabibilad ka sa araw at halos walang pahinga..."

Sage chuckled. "It's okay, mom. I'm doing this for my son."

Binalingan ni Carolina ang kaniyang asawa at sinamaan ng tingin. "Why'd you let your son work in the fields, anyway? Sebastian-"

"Let your son learn, Carolina." Anito sa malalim na tinig. "Malaki na si Sage. Don't treat him like a young boy..."

I chuckled at their conversation. Mayamaya pa ay inilapag na ni Suki ang miryenda sa maliit na coffee table at nalunod na ang lahat sa usapan sa palayan at kanilang negosyo.

---

"Ma'am, kasi habilin po ni Sir na huwag na daw po kayong umalis ng bahay eh..." nagkamot pa ng batok si Tonyo. He looks everywhere but me. Ngumuso ako.

"Sige na, Tonyo. Gusto ko lang naman bisitahin ang asawa ko, eh. I'm just going to drop his lunch and we'll go right back."

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago siya bumuntong-hininga. "Sige po, Ma'am, sakay ka na po..."

Natuwa ako nang pagbigyan ng driver. Excited akong pumasok sa sasakyan, dala-dala ang niluto kong pagkain para sa tanghalian ni Sage at Aaric. Mag-aala una na ng hapon ay hindi pa rin bumabalik ang dalawa sa bahay kaya napagdesisyunan ko nang dalhan sila ng pagkain sa palayan.

When we got there, Sage is nowhere to be found. Ang nakita ko lamang ay si Aaric kaya nilapitan ko siya.

"Aaric... nasaan ang pinsan mo?"

"Mallory!" inangat ni Aaric ang kaniyang tingin sa akin at ngumiti nang malapad. "Ikaw pala. Nasa opisina sa planta si Sage ngayon, naghahanda para suwelduhan ang mga trabahante mamaya."

"Thanks!" ibinigay ko na sa kaniya ang tanghalian bago ako nagpunta sa planta na nasa dulo pa ng palayan. Maingay at mausok. Pero hindi ko iyon alintana. Dire-diretso ako sa pag-akyat sa hagdanan patungo natatanging opisina ng planta kung saan naroon si Sage.

"—give everything to you! Hindi naman ito kailangang malaman ni Mallory..."

I froze on my tracks when I heard a woman's voice inside. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad. My heart started beating faster inside of my chest. And it's not because of excitement. I could sense that something is wrong. Gayunpaman ay nagpatuloy ako hanggang sa makarating ako sa pintuan ng opisina. The door is ajar. Sumilip ako upang makita kung sino ang nasa loob.

"Can you hear yourself, Allana?" boses ni Sage. I scooted closer and finally saw him behind a large desk. Nakatayo sa kaniyang harapan si Allana at humihikbi.

"It's because you never give me a chance! Sage..." pareho kaming nagulat nang bigla itong maghubad ng pang-itaas niya. My throat went thick. "See? I am willing to give everything to you..."

Kita ko ang galit at iritasyon sa mukha ni Sage. His jaw clenched. "Put on your damn clothes, Allana." He said through gritted teeth.

"Sage-" she continued sobbing. "Alam mong matagal na kitang gusto..."

"I have a wife and a son. I'm being nice to you because you are part of this company. So put on your clothes. Please."

Allana hugged herself in front of him. Mas lalo pang lumakas ang kaniyang hikbi.

"Allana..." Sage said in a warning tone.

"I can never stop myself from loving you, Sage..." she continued.

"For fuck's sake, put on your damn clothes!" tumaas na ang boses ni Sage. Maging ako ay napapitlag. Kahit na dinig na dinig ko ang maiingay na galingan sa di kalayuan ay mas malakas pa rin ang tambol ng aking puso. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at naririnig.

"Please love me back..."

"That will never happen." He said in a cold voice. "Get out of my office. I will transfer you to the export team in Davao so that we'll never see each other again."

"Sage-"

"Get out."

Umiiyak pa rin si Allana nang ibalik niya ang kaniyang pang-itaas. She looks so miserable and heartbroken. Tumalikod si Sage at sinapo ang kaniyang ulo. Allana threw one last look at Sage before dashing out the door. Nagulat siya nang nakita akong nakasilip sa kaniyang dalawa.

She looked at me bitterly. "Are you happy, now?" anito sa akin. Desperation is evident in her eyes. Nanginginig din ang kaniyang mga labi.

I shot her an unbelievable look. "You're the one who get undressed in front of my husband and you're telling me this? You're unbelievable..." I muttered.

Sinamaan niya ako ng tingin. Bumaba ang kaniyang mga mata sa aking tiyan at mas lalong sumama ang timpla ng kaniyang mukha.

"You don't deserve to be happy with him, Mallory!"

Doon na napalingon sa amin si Sage. He finally noticed my presence but before he could open his mouth, Allana shoved me hard. Because of the shock, I lost my balance and dropped the lunchbox bag I'm holding. Nanlaki ang mga mata ni Allana. I stumbled backwards and fell down the stairs.

"Mallory!" Sage's voice boomed angrily. Ilang baitang akong nahulog bago nakadama nang masakit na paglapat ng pader sa aking likod. Natulala si Allana nang makita ako.

I squeezed my eyes shut as waves of pain hit my lower back. Tumakas ang isang luha sa aking mata nang sumakit din ang aking tiyan dahil sa malakas na impact.

"What have you done, Allana?" galit na tanong ni Sage at dali-daling bumaba para tulungan ako.

Iniling-iling niya ang kaniyang ulo. "Hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya..."

My hands started trembling. I glanced up at Sage with a blurry vision. Ibinaba ko ulit ang aking paningin at nagulat nang makita ang dami ng dugo na dumadaloy mula sa aking binti.

"S-Sage..." I sobbed. "Sage... ang baby..."

Sage cursed out loud. Natataranta niya akong binuhat. Unti-unti nang napuno ng dugo ang suot kong palda. Kumapit ako sa leeg ni Sage at umiyak.

"Sage ang baby natin..."

Mabilis na tumakbo si Sage habang karga-karga ako. His workers glanced at us in alarm. Tumutulo pa rin ang dugo mula sa aking mga hita, leaving traces of blooded footsteps from the staircase to the gate of the plant.

"Tonyo!" malakas at galit na tawag ni Sage sa aming driver. Nabitawan nito ang hawak na suman nang makita ang kalagayan naming dalawa.

"S-Sir..."

"Sa hospital, bilisan mo!" he commanded. Hindi na ako mapakali. Butil-butil ng pawis ang namuo sa aking noo at nag-uunahan sa pagtakas ang mga luha ko sa mata. Maingat akong inilagay ni Sage sa backseat. Mabilis na kumalat ang dugo sa upuan ng sasakyan. I cried harder.

"Sage..."

"It's okay... you're going to be okay, baby. Magiging okay din ang anak natin..." he assured me, planting a kiss on my forehead. Mabilis na pinaandar ni Tonyo ang sasakyan papunta sa hospital. Nakahawak lamang ako nang mahigpit sa kamay ni Sage at taimtim na nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa aming anak.

It took him less than ten minutes to reach the hospital. By then, I lost my remaining energy. Lupaypay na akong inilipat sa stretcher at halos hindi ko na marinig ang mga tao sa paligid ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang mahigpit na hawak ni Sage sa kamay ko. I squeezed his hands one last time before I lost my consciousness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top