Chapter 28

Chapter 28

"Listen, Mallory..." Gideon said slowly. He licked his lower lips nervously and looked away. "I am your brother..."

My heart almost leaped with what he said.

"You're my... what?" napapaos ang tinig kong tanong.

Ibinagsak niya ang kaniyang tingin sa sahig. "Half-brother, actually..." he corrected. "We have different fathers."

Mas lalo pa akong nagulat sa aking narinig. Pinakatitigan ko si Gideon, trying to find any hint that he's just joking and none of this is real. Pero seryoso ang kaniyang mukha at wala itong bahid ng kung anumang pagkukunwari.

Pagod siyang umupo ulit sa upuan. Sage immediately rushed towards my directions and held me in his arms. Napansin niya ata ang pangangatog ng mga binti ko.

"How?" halos hindi ko na marinig ang boses ko.

Gideon smiled bitterly at me. "Well, you see, our mother dated my father for a while. Ang akala niya'y iniwan na talaga siya ng ama mo. Kaya nang ipinanganak ako at bumalik ang iyong ama mula sa laot, iniwan ako ni mama sa tatay ko."

"Gid..."

"It's okay, I'm not mad at you. Or at her. Palihim niya pa rin akong sinusustentuhan. She checks up on me every now and then. But she doesn't want you to know about my existence because... well, it will hurt you. She wanted to preserve your mindset of a happy and perfect family..."

I placed my hand over my mouth, trying to blink back the tears that are forming in my eyes.

"I'm sorry, Mallory... I tried to get as close to you but I couldn't. Pinilit kong mabuhay nang walang kinikilalang mama at kapatid, kahit na gustong-gusto ko kayong makasama dalawa. Our mother even tried to stitch back our family together by introducing my father to you..."

I gasped. "S-Si Uncle Marco?"

Malungkot siyang tumango. "Yeah... he's my father. He may be a jerk, but he brought me to this world. And the reason why he's hurting you... it's because he's frustrated of what our mother did to him. Until he died... I don't think he had forgiven our mother."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. I remembered all the times when I pleaded my mother to get away from Uncle Marco. Ang gusto niya lang pala ay maging isang pamilya kami. But in the end, she still considered what I feel. Alam niyang madudurog ang puso ko kapag nalaman kong may iba pa pala siyang pamilya bukod sa aming dalawa ni Papa.

"I'm sorry, Mallory..." yumuko si Gideon at ihinilamos ang kaniyang mukha sa palad. "I should've told you earlier. Hindi mo dapat nalaman sa ganitong paraan ang nakaraan ng ating pamilya."

Umiiyak akong lumapit kay Gideon at niyakap siya nang mahigpit. Mukhang nagulat siya sa aking ginawa.

"You idiot..." I murmured. "You really should've told me earlier, Gid. You're my brother... syempre tatanggapin at mamahalin kita. I've longed for a family for so long, Gid, ever since my mother left me. Ikaw nalang ang natira sa akin..."

Niyakap din ako ni Gideon at tahimik na humikbi. Ang panghapong liwanag ay tumama na sa aming bakuran. The wind blew gently. It's my first time seeing Gideon cried. And it made me cried harder.

Hinawakan niya ako hanggang sa mahimashimasan na ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang kapatid ko nga siya. My heart has never been so happy since I lost my girls. Gideon have no idea how his presence lifted the heavy weight on my shoulders.

"I still don't want to tell Sage about Jasmine..." pag-amin niya isang hapon habang nag-uusap kaming dalawa sa balkonahe. Sage had just left matapos dali-daling kaining ang miryenda na inihanda ko. The farm is busy since it's planting season again. Balita ko'y naghahanap na din silang dalawa ni Aaric nang iba pang puwedeng magtrabaho para lang sa season na ito.

Nilingon ko si Sage at ibinalik ang aking tingin sa malapit nang lumamig na kape. I picked up the tiny cup and swirled my coffee inside. "Well... it's up to you."

"I don't know how he'll react if he learns that I'm dating Jasmine..." sumilip sa akin si Gideon at mabilis na iniba ang direksiyon ng mga mata.

Ngumiti ako nang marahan. "What happened to the two of them... it's in the past, Gid. Yes, Sage have killed someone while protecting Jasmine. But they both moved on from it. Masaya akong ikaw ang kasama ni Jasmine. She'll be in good hands."

"But Mal-"

"Kilala ko ang asawa ko, Gid. He will not be bothered about it especially now that we're having a son..." bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at malambing itong hinaplos.

Gideon stayed in our house for a few more days while working on the papers for the Saturnina's purchase of the house. He helped with the chores and would sometimes help Sage in the farm, knowing that they are short in workers right now.

"Sino yan?" tanong ni Gideon habang naglalakad kaming dalawa sa putikan papunta sa kinaroroonan ni Sage. Inalis ko ang tingin sa malagkit na putok na kanina pa kumakapit sa aking sapatos at sinundan ng tingin si Sage. Aaric, Sage, and Allana are resting under the shade of a tiny mango tree. They seemed to be having a good time. Tumatawa silang tatlo sa sinabi ni Allana at hindi man lang napansin ang pag-lapit naming dalawa ni Gideon.

"Si Allana... isa sa mga empleyado ng planta."

Gideon's brow shot up in surprise. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. I sighed.

"I know, I know. Wala naman siyang masamang ginagawa, Gid, eh. Hayaan nalang natin..."

"Well, if you'd ask me..." ibinalik niya ang tingin kay Allana. "I wouldn't wear a skimpy dress in a farm, kahit pa mainit."

Hindi ko siya sinagot. Gideon called out for them, dahilan upang mapalingon silang tatlo sa amin. Nawala ang ngiti sa mukha ni Allana nang makita ako. Sage hurriedly got up from his seat and rushed towards my direction.

"Bakit ka pa nagpunta dito? Mainit at maputik, Mal..." aniya habang inaalalayan ako maglakad.

"I just wanted to pay you a visit..." mahinahon kong wika habang patuloy kami sa paglalakad.

Nginitian ako nang malawak ni Aaric. Noong isang linggo pa siya dumating dito sa Governor Generoso pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil nanatili siya sa mansiyon ng mga Monterio at sobrang abal sila sa farm.

"Aaric!" kumaway ako. Lumapit din siya sa akin at bumaba ang tingin sa aking tiyan.

"Excited na ako kay Sage Jr. Ninong ako, ha!" humalakhak pa si Aaric. Nanatili si Allana sa lilim ng punong mangga.

"Of course..." I grinned. "Ninang naman si Sierra..."

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang banggitin ko si Sierra. He cleared his throat.

"Y-Yeah. Of course."

I shrugged and proceeded to the mango tree. Bahagyang umusog si Allana upang paupuin ako.

"Do you want to eat something?" Sage asked right away, wiping the dirt from his hands using a rag. "Pwede nating utusan si Aaric na bumili sa bayan..."

Kaagad na umalma ang pinsan. "Bakit ako? I'm here to help you with the farm, not be a servant..." ngumuso pa ito.

Tumawa ako. "Kahit huwag na, Sage."

"Ako nalang po ang bibili, Sir." Biglang sabat ni Allana. She smiled sweetly at my husband. "Wala naman po akong ginagawa."

Kumunot ang noo ni Sage. "Sigurado ka? Mainit ngayon..."

"Ayos lang po,"

Nagkatinginan ulit kami ni Gideon. I nearly rolled my eyes pero pinigilan ko ang aking sarili. Binalingan ako ni Allana. "Ano po bang gusto niyong ipabili, Ma'am?"

"Ah... grilled tuna would be nice." Binalingan ko si Sage. "I supposed you haven't eaten your lunch, yet? Dito nalang tayo kumain..."

Tumango si Sage. "Okay. Grilled tuna it is. Magtake-out ka na rin ng kanin at iced tea."

Allana nodded like an obedient little girl. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin kay Sage. "Ano pa po, Sir?"

Itinagilid ni Sage ang kaniyang ulo at binalingan ako. "You want some baked macaroons, mahal?"

I blushed furiously when he called me mahal in front of his workers. Tumango kaagad ako.

"Samahan mo na din nun," he pulled out his wallet from his back pockets and pulled a handful of thousands. "Siguraduhin mong kakasya sa ating lahat ang bibilhin mo."

"Magpapakain ang sir ninyo!" Aaric announced. Natuwa ang mga trabahante sa kaniyang sinabi.

"Sige po, Sir..."

"Nasa dulo si Tonyo. Pagkatapos niyang i-deliver ang mga nagaling na bigas sa warehouse, dumiretso na kayo para bumili ng pagkain." Utos pa ni Sage.

Tumango ulit si Allana at nagpaalam na. She's wearing a pair of boots kaya hindi siya nahihirapan sa paglalakad sa gitna ng putik. Kaya lahat kami ay nagulat nang bigla nalang siyang matumba sa kalagitnaan ng paglalakad.

"Ah!"

Sage turned his head sharply to her direction. Babalik na sana siya sa upuan nang matumba si Allana. He cursed under his breath and hurried towards her direction.

Napuno na ng putik ang bestida ni Allana. She struggled in the mud. Nanatili lamang akong nakapanuod sa kaniya.

"Are you okay?"

She winced in pain and held her left foot tightly. Nagpipigil ng tawa si Aaric sa likuran ko nang lingunin siya ni Sage.

"Aaric!"

Lumapit sa kaniya ang pinsan. Some of the workers got curious at nilapitan din si Allana. Tuluyan na akong napairap.

"Why is this girl putting up on a drama right now?" I grumbled under my breath. Hinawakan ko ang aking tiyan. "Gutom na si baby..."

"Should I buy the food, instead?" alok ni Gideon sa akin. "I think that girl can't go to the town right now."

Hindi ako sumagot. Pag-angat ko ng tingin ay karga-karga na ni Sage sa kaniyang bisig si Allana.

"Sir, ayos lang talaga ako..." malambing nitong wika sa aking asawa.

I gritted my teeth in anger. "I think you really should buy the food, Gideon." I said in a clipped tone.

"Alright," tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan sina Sage.

"Ibabalik ko lang siya sa planta para magamot ang sugat niya!" wika ni Sage sa akin. "I'll send one of my men to buy the food instead."

Isang tango lang ang isinagot ko kay Sage. Binalingan ko si Allana. A small smirk is plastered on her face. Napapikit ako sa pagka-disgusto. This girl is nuts.

Nang makaalis na si Sage at Gideon ay tumahimik na din ang mga trabahante. Si Aaric ay nagpatuloy sa pag-tatanim habang hinihintay ang pagkain. Matapos ang ilang minuto ay bumalik din si Sage sa akin. May bahid na ng putik ang suot nitong kulay abong t-shirt.

"Is she okay?" tanong ko sa kaniya pagkarating niya.

"I think it's sprain," he shrugged. "Some of the workers know how to mend her kaya umalis na din ako..."

Tumango ako. "Good, then."

Tinitigan ako ni Sage bago siya lumapit sa akin. "Why the sudden change of mood?" inakbayan niya ako at iginapang ang kaniyang kamay sa aking tiyan. "Gutom na ba si baby?" malambing nitong wika sa akin.

Inirapan ko siya. "Mainit, Sage. Dun ka nga..."

"Ayoko nga..." mabilis nitong sagot na parang bata. "I haven't been spending much time with my wife, lately..." he drawled lazily.

Well, if you would kindly stop spending time with that bitch though.

Hindi ko siya pinansin at hinayaan na lamang na nakayakap siya sa akin. All of a sudden, I felt our baby kicked inside. Pareho kaming napapitlag ni Sage.

"Did you felt that?" mangha nitong tanong sa akin. A boyish grin appeared on his face. "My baby just kicked!"

Inirapan ko ulit siya ngunit nanatili ang ngiti sa aking labi. "Of course, I did, you idiot..."

"Aaric!" malakas na tawag ni Aaric na nasa gitna ng palayan. Nag-angat ng tingin ang kaniyang pinsan. "My baby just kicked!" he announced, loud and clear in front of his workers.

Ngumisi si Aaric sa sinabi ng pinsan. "Good for you, Sage..."

"Damn! I just felt him kick while I'm holding him!" hindi niya maitago ang excitement. Pati si Aaric ay napairap na din sa pinsan at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho.

I laughed softly. Biglang nawala ang matinding selos na nararamdaman ko kanina sa inaakto ni Sage.

I hope we're always like this.

When we arrived home that night, Sage volunteered to do the dinner kahit alam kong pagod na siya mula sa farm. Gusto sanang tumulong ng mga kasambahay namin pero pinagbawalan niya ang mga ito.

"I'm going to cook dinner for my wife..." anito at nginisihan pa ang aming kasambahay. "You can rest early now,"

Nagdadalawang isip pa si Cynthia nang lisanin ang kusina. She gave me a knowing look before she proceeded to their quarter. Pumasok ako sa kusina at naabutan si Sage na seryosong naghihiwa ng kamatis.

"Are you sure you know how to cook?" I teased. "Back when we were young, you were treated like a prince. Paano mo alam kung paano magluto?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Sage. A lazy smile appeared on his lips. "My nanny used to let me watch her while doing stuff in the kitchen. May natutunan naman ako kahit papaano..."

Tumango lang ako. Ipinagpatuloy niya ang pagtatrabaho habang nanunuod ako sa kaniya. I can't believe someone as rich and wealthy like him would step down from his position to become a farmer, just so he could be with me and my son. Well, technically, not a farmer. He still manages the entire export of grains. But his work had become harder. Alam kong hindi madaling mabilad sa araw at mag-ayos ng mga sirang grain mills.

Humalumbaba ako sa lamesa. Gusto ko mang turuan si Sage ay hinayaan ko na lamang siya. Nagtaka din si Suki nang makita ito sa kusina pero wala siyang sinabi. Dumiretso lamang ito sa kaniyang kwarto at nagpalit ng pambahay.

Nang matapos na si Sage sa pagluluto ay siya pa mismo ang naghanda ng lamesa. He called Suki and our helpers, even the driver, to join us for dinner. Maingay ang lamesa habang nagkukuwentuhan sina Suki at Cynthia. Gideon arrived a little while later, the complete documents in hand.

"Babalik na ako sa Manila bukas..." anunsiyo niya pag-upo niya sa aming tapat. "Now that I've finally closed the deal."

"You'll still visit us here, right?" tanong ko habang sinasalinan ni Sage ng kanin ang aking plato. "I would give birth to my son in less than three months. Dapat ay nandito ka..."

"Of course," he chuckled. "I'll be visiting you and my nephew as much as I can."

Ngumiti ako at nagpatuloy sa pag-kain. Nang matapos kami ay sina Suki na ang nagpresenta na mag-hugas ng plato.

"Do you want to take a bath?" malambing na tanong ni Sage sa akin. "I know you're tired..."

Tumango ako at sumunod sa kaniya sa kwarto. Sage planted a kiss on my forehead before he stripped down my clothes. Bumaba ang halik niya sa malaki kong tiyan at napangiti.

"I can't wait to see our boy, Mal..." he said huskily.

I smiled at him. "I'm sure he'll be just like you, Sage."

Sage grinned and guided me inside the bathroom. He turned on the hot water. Hinalikan niya ulit ako habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan.

"Do you think he'll like it here?" tanong niya sa akin. "Because truth be told, I hated this town when I was still a little..." then a mischieveous grin appeared on his face. "Not until a pretty girl showed up in my bedroom window,"

I slapped his chest lightly. "You idiot... you were bleeding like crazy kaya kinabahan ako. And... and it was the first time I saw a surgery for real."

Tumango si Sage. "Yeah. You were so brave for hanging out in our mansion for that long..."

Tumawa lang ako. Kinuha ni Sage ang sabon at nagsimula nang sabunin ang aking balikat. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ito ng halik sa akin.

"With everything that's happened between us, Mal, I'm glad and amazed that you are still here... by my side."

I squeezed his beefy arms. Simula nang magtrabaho na siya sa palayan ay mas lalong lumaki ang katawan ni Sage. He hadn't visited the gym once but the heavy labor helped him to maintain his toned body.

Bumaba ang kaniyang kamay sa aking dibdib. My nipples are sore in the past few weeks. Marahan niya itong sinabon hanggang sa umabot siya sa aking tiyan. Hinalikan niya ulit ito.

"That girl likes you..." bigla kong saad nang maalala ko si Allana kanina.

Nag-angat ng tingin sa akin si Sage. "That girl?"

Inirapan ko siya. "Si Allana..."

Itinagilid ni Sage ang kaniyang ulo. "So?"

"She's just faking her sprain earlier..." ngumuso na ako. "Just so she could touch you."

Sage blinked. "Really?"

Mahina kong hinampas ang kaniyang balikat. "Why are you so naïve?"

Sage chuckled. "Well, I really don't care, Mal. Masyadong bata si Allana. At isa pa, mayroon na akong pamilya. Do you really think I'd set my eyes to other girls?"

Natahimik ako at hindi nakasagot. Tumayo si Sage at inilapit ako sa kaniya. His manly scent entered my nostrils, even in the shower.

"I'm more than happy that you're here with me and that we're going to have a son. No other girl can ruin it, Mal..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top