Chapter 26
Chapter 26
"Maria Lucille and Maria Alicia Monterio..." I traced their cursive names on the tombstone. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Mahal na mahal kayo ni mommy... Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong makita kayo mga anak, pero sobrang mahal ko na kayo."
I swallowed hard. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni Sage mula sa likod. We stayed in the hospital for a few days before I insisted to get discharged and give my girls a proper burial.
"I'm sure they're in good place now..." Sage murmured. Pero bakas pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Pinalis ko ang mga luha at pinilit na ngumiti. Kanina pa tapos ang libing ngunit nanatili kaming dalawa dito ni Sage para sa mga anak namin. I cried so hard when I first saw them. They both have legs and arms and a face. They're both so tiny and they were hugging each other. Kakaibang lungkot ang naramdaman ko ngayong wala na sila sa aking tiyan.
"Huwag kayong mag-alala, aalagaan nang mabuti ni mommy ang kapatid niyo..." saad ko. "Christian Leon Monterio will grow and I will tell him beautiful tales of princesses like you..."
Pagod na isinandal ni Sage ang kaniyang baba sa aking balikat. Alam kong sobra din ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ng mga anak namin. His parents have already visited me. Both of them are devastated with the news.
"I'm always looking forward for a granddaughter." Turan ni Don Monterio. "This is really a bad news..."
"I hope both angels are in heaven now..." turan ni Carolina Monterio.
Sage showed me his vulnerable side for the first time. Alam kong lihim siyang umiiyak sa gabi kapag tulog na ako. Hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak na dalawa sa mga anak ko ang nawala nang ganun-ganun nalang. And now my psychiatrist is so worried about me. Idagdag mo pa ang trauma na naranasan ko sa pagkamatay ni Leon... it would be really hard for me to move forward.
"Baby, let's go..." ani Sage nang makita ang paparating na sasakyang susundo sa amin. Gusto ko mang manatili ay pinagbawalan na ako ng doktor na gumawa ng kung anu-anong mabibigat na bahay. Kanina pa ako umaga dilat na dilat dahil sa libing ng mga anak ko. All of my friends, even old classmates, attended the burial, mourning for the loss of my girls. May iilan ding matatandang faculty members ang nagpakita. Sobrang nagulat sila nang makita akong muli dito sa Governor Generoso. At sa balitang nakunan ako ng dalawang bata...
Maingat akong inalalayan ni Sage patungo sa sasakyan. He's overprotective now. Madalas ding mainit ang kaniyang ulo kapag nagkakamali ang isa sa mga tauhan ng Dad niya. Pinadalhan kami ni Carolina Monterio ng tatlong kasambahay at isang driver para tumulong sa bahay. They also discourage me from accepting the project the mayor had been offering since I stepped back into my hometown.
"Sa bahay ka lang at magpahinga..." ani Sierra. "Kapag lumabas na si Baby Leon, at kapag nabawi muna ulit ang lakas mo, saka ka na magtrabaho..."
Suki also volunteered to help me speed up my recovery. We enrolled her in our community college as freshman. Pagkatapos ng kaniyang klase ay kaagad siyang tumutulong sa bahay at sinisiguradong ayos lang ang kalagayan ko.
"Huwag kang masyadong mag-alala, Mal, please..." naputol ang aking pag-iisip nang biglang hawakan ni Sage ang aking kamay. Nakaupo kaming dalawa sa backseat habang umaandar ang sasakyan palabas ng maliit na sementeryo. "There's a reason why we lost our children. And if it's God's will to allow us have a daughter again, it will happen soon."
Ihinilig ko ang aking ulo sa kaniya at kinapa ang aking tiyan. I could almost feel my son moving inside. Alam kong malakas siya at makakayanan niya ito. He will be born healthy and I will raise him properly. He may be even become an altar boy just like his father...
Ipinikit ko ang aking mga mata at nakatulog sa buong biyahe. Namalayan ko nalang na kinakarga na ako ni Sage patungo sa kwarto naming dalawa.
"Sage..." ungol ko nang ibaba na niya ako sa kama.
"Hmm?"
"I'm sorry," I murmured.
"It's not your fault..." malambing niyang wika.
Umiling ako. "No. The marriage..."
"Oh."
"I know... I know you want us to get married in a church. Pero hindi ko pa kaya... not now when I'm still mourning with the loss of my girls. Ang gusto ko lang ay dalhin nila ang pangalan mo kaya ako pumayag sa gusto ng mga magulang mo. But that doesn't mean that I don't want to get married to you... Hindi pa lamang ako handa."
"I know," he murmured softly. Sage planted a kiss on my forehead. "And as I've said, I'm willing to wait. You're already carrying my name, Mallory. Kahit wala ng kasal sa simbahan. Kontento na ako dito..."
Namuo ang mga luha ko sa mata. I know he does not deserve a rush marriage and inside a hospital! I wouldn't even call it a marriage, either... Pumirma lamang kaming dalawa sa marriage contract upang ang kaniyang apelyido ay dalhin ni Maria Lucille at Maria Alicia.
Nang yumapak na palayo si Sage ay binalot na ako ng matinding pagod at antok. Kalaunan ay nakatulog na din ako sa pag-iisip kung ano ang magiging hitsura ng mga anak kong babae kung sakaling nabuhay sila?
My girls...
---
"Nandito na po si Sir, Ma'am!" pahayag sa akin ng isa sa aming mga kasambahay, si Cynthia habang nakasilip sa bintana. I closed the magazine that I am reading and got up from my seat. Sumilip din ako.
Kakababa pa lamang ni Sage mula sa kaniyang kabayo. May kasambahay kaagad na lumapit sa kaniya at iginiya ang kabayo sa puno ng mangga upang doon itali. Sage sauntered to our front porch, squinting his eyes against the blaring sun.
Sinalubong ko siya sa labas. He took off his muddy white shirt and gently placed it on the table. His fair and muscular body glistened with sweat. Bahagya pa siyang hinihingal.
"Hey," I greeted with a smile on my face.
"Hey," lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi. Kaagad din siyang lumayo. He raked a hand through his damp hair.
"How's your first day at the farm?" tanong ko sa kaniya.
"Terrible," he grunted. "I thought I knew how to handle it, but when I'm on the fields, I realized that there's a lot of things I still do not know..." aniya. Kinuha ko ang pitcher at sinalinan siya ng tubig. He took the glass of water gratefully and gulped it down. Sage wiped his mouth with the back of his hand. "Marami pa akong dapat matutunan..."
I shifted my weight on my feet. "I know you're still uncomfortable, working in the farm... Pwede ka namang bumalik sa Makati, Sage. You belong in the office-"
"What are you talking about, Mal?" pagputol nito sa aking sasabihin. Nilapitan niya ako at hinagod ang aking buhok. "I am not leaving you or our son here. I chose to work here because I'm going to work for the both of you. Di bale nang mawala ang posisyon ko sa kompanya at maging magsasaka ako. I want to be here for you, no matter what..."
I smiled faintly at him. Halos wala na akong ginagawa dito sa bahay dahil puro kasambahay na ang umaatupag ng lahat. Kahit na gusto kong ipagluto ng almusal si Sage ay hindi ko na rin magawa. Tanghali na ako palaging nagigising at madaling-araw namang tumutulak si Sage para magtanim. I heard his cousin is coming back as well, to help him in the farm.
"Let Sage become a farmer if that's what he wants..." wika ni Don Monterio nang ipahayag niya sa ama ang hinaing. "The company still has Zian. And I think it would be best if he stays by Mallory's side. We can't lose another Monterio again."
Nagdaan ang mga linggong mabigat ang trabaho ni Sage. He wakes up before the crack of dawn and arrives home late at night. Minsan ay naabutan ko pa siyang sa sofa natutulog. I know his work in the field is tough. Malayong-malayo sa kaniyang nakasanayan sa opisina. Kaya naman bahagya akong nagi-guilty. I secretly accepted the offer of the mayor to rebuild the bridge in Barangay Monserrat. Ngayon ay nagsisimula na ako sa initial design ngunit ginagawa ko lamang ito kapag wala si Sage sa bahay.
Minsan din ay dumadalaw si Gideon sa aming bahay. I still haven't told Sage about him and Jasmine. Hindi ko rin alam kung papaano sasabihin sa kaniya. Maybe he should discover it on his own? And besides, she's his ex-girlfriend. Siguro naman ay wala na sa kaniya na nobya siya nang halos ituring ko ng kapatid na si Gideon?
"I still can't believe what happened..." Gideon said, eyeing my stomach. "But I'm really glad that you're okay... and your son."
Tipid akong ngumiti at tumayo upang kumuha ulit ng panibagong plato ng cookies. Wala akong magawa ngayong araw na ito kaya naisipan kong magbake para may maihain ako kay Sage kung makakauwi man siya ngayong hapon para sa miryenda.
"Well... that's just life, I guess."
"But Mallory..." inilapag ni Gideon ang kaniyang mga braso sa lamesa at pinagmasdan ako. "Are you sure that it's okay with Sage you're naming your son after your ex-boyfriend?"
"Nag-usap na kaming dalawa ni Sage tungkol dito, Gideon. It's the least thing I could do to honor him. And also, it would help me to heal the wounds that horrible night had caused me. Gusto kong marinig ulit ang pangalan ni Leon nang hindi na nasasaktan..."
He hesitated for a second before he sighed.
"Well, it's up to you, really."
Tumango ako. Malambing kong hinaplos ang aking tiyan. "Baby Leon would be our greatest happiness once he is born. The fact that he survived, it's saying something, Gid... that this child will color our world. Siya lang ang pinakamamahal ko ngayon."
Bahagyang ngumit si Gideon sa aking sinabi. "You're really like mother..."
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Huh?"
He cleared his throat. "I mean, your mother. Mrs. Castillo... nasabi ko naman sa iyo noon, diba? Naging guro ko din siya. You may not be aware about this but she always boasts her daughter to the class. Alam kong masaya siya sa piling mo noon... kahit kayo lang dalawa."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Yeah. Days I've spent with my mother is a bliss. Sayang nga lang at wala na siya upang matunghayan ang mga apo niya. But I'm sure she's with the girls now."
Tuwing Linggo ay nagsisimba kami ni Sage sa kapilya. We prayed and prayed hard that our son would make it. Ingat na ingat ako ngayon sa pagbubuntis. I keep on looking towards the brighter side of life. I keep on convincing myself that this is just a test. That Sage and I will get through this. Kami pa rin ang magkakasama hanggang sa huli.
It was one hot afternoon when I decided to pay Sage a visit. Gusto kong makita ang ginagawa nila sa rice fields. Naghanda ako ng meryinda para sa kaniya at sa iba pang magsasaka. I filled the basket with chicken sandwiches, juice, and some fruits. Ang iba'y ipinadala ko sa mga kasambahay.
Noong una ay nag-aalangan pa silang dalhin ako sa sakahan dahil mainit at baka mapagod lamang ako. Pero dahil sa pagpupumilit ko ay pumayag na din ang driver namin. Ang dalawang kasambahay ay nagpa-iwan sa bahay habang si Cynthia naman ay sumama. Si Suki ay hindi pa nakakarating mula sa kaniyang paaralan.
Mabagal ang pagpapatakbo ng driver patungo sa sakahan, malamang ay nag-iingat siya at iniiwasan ang kakaunting lubak sa kalsada. Nang makarating na kami doon ay kaagad na bumaba si Cynthia at pinayungan ako. I scanned the vast rice fields of the Monterios. May nakikita akong kumpol ng tao sa di kalayuan. And a bright red dress from a distance as well.
Nagtataka man ay naglakad ako patungo sa kanilang direksiyon. Habang napapalapit kami ay lumalakas na din ang tawanan na aking naririnig. Nang may nakapansing isang magsasaka sa akin at kaagad niyang kinalabit ang kaniyang kasamahan at itinuro ako. Namatay ang kanilang tawanan at napatingin sa akin.
"Magandang hapon..." I smiled warmly at them. "Si Sage-"
"Mal!"
Napalingon ako nang marinig ang baritonong boses ni Sage. I blinked. He sauntered toward me with nothing but a low-hanging jeans on his waist. Pawis na pawis siya mula sa maghapong pagkakabilad sa araw. Sumunod naman sa kaniya ang isang dalaga na nakapulang bestida. Her lips are as bloody red as her dress.
"Sage..." I smiled at him. Bahagya kong itinaas ang basket na hawak. "I brought snacks for you..."
Imbes na ngitian ako ay sinimangutan lamang ako ni Sage. "What are you doing here? Ang init-init dito..." tumalim ang kaniyang paningin at binalingan ang driver na nasa aking likuran. "Tonyo! Diba ang habilin ko sa iyo ay huwag palalabasin si Mallory-"
"Sage," I cut him off calmly. "Ako ang nagpumilit. Walang kasalanan si Tonyo. At isa pa, wala akong ginagawa sa bahay. Gusto lamang kitang bisitahin..."
Sage stared at me before he sighed in resignation. "Fine, fine. Pero uuwi ka kaagad, okay? Hindi ka puwedeng maghintay sa akin..."
Ngumiti ako sa kaniyang sinabi. "Of course!" nilingon ko ulit ang kumpulan ng magsasakang ngayon ay nakatingin na sa amin. "Are you guys having a break?"
"Yeah," Sage nodded at his men. "Kinse minutos lamang. Kailangan naming tapusin ang paggagaling ngayong araw."
"Oh..." dumapo ang aking paningin sa babaeng nasa kaniyang likuran. "And this is?"
Tumabi si Sage at iminuwestra ang babae. "Siya si Allana... Isa siya sa mga office workers ng planta."
I eyed her again. Kita ko ang iritasyon sa kaniyang mga mata na kaagad din namang nawala. She took a step forward and offered her hands.
"Hi! Mrs. Monterio, am I correct?"
Tumango lamang ako at nakipagkamay sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng matinding iristasyon. She looks too young to be an office worker. And why is she wearing a red dress in a farm? Tumitingkad ito at nakakaagaw ng tingin. She's beautiful, alright. But I don't think that's the appropriate dress for farming!
"Actually... uuwi na lang ako," malamig kong wika.
"Good!" halos pumalakpak pa si Sage sa kaniyang narinig. "Sobrang mainit dito. Umuwi ka na at magpahinga. I'll try to come home early tonight..."
Isang tango lang ang isinagot ko. Can't he sense my sour mood? Nakakainis! Hindi ko alam kung kanino ako maiirita, kay Sage o sa babae? Tumalikod na ako at dali-daling naglakad palayo. Nang makarating kami sa sasakyan ay ikinuyom ko ang kamao ko sa sama ng loob.
I went home and took a shower. Pinilit kong palamigin ang ulo ko at intindihin na katrabaho lamang iyon ni Sage. I opened a book and positioned myself on the sofa. Naabutan ako nang ilang oras sa pagbabasa ng libro hanggang sa makatulog na ako.
When I woke up, it's already 12 in the midnight. I checked the entire house. Sage is still not here.
Mas lalo lamang akong nagalit sa kaniya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top